webnovel

Fear The Unknown ( Cursed )

UNDER REVISION

Dazz_Trea · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
50 Chs

Chapter 36

Darkiah PoV

"Oh Xyn san ka galing?"- napatingin ako sa nagsalita at binigyan siya ng malalamig na tingin.

Who is this boy?

"Ayos ka lang?"- saad nito na may mababakas na pag-aalala sa mukha nito.

Oh right, maybe he's one of Xynthia's friend. He look familliar but i don't care. He doesn't important anyway.

Nilagpasan ko lang to at bago pa man ako makalayo ay may pumigil sakin.

"B-aby.."

What the hell! Baby? Seriously? Don't tell me he's the lover of Xynthia? Pinagmasdan ko ang buong kabuuan nito hanggang sa maalala ko siya. He's the reason kung bakit nabago ang pananaw ni Xynthia sa mga katulad niya and i hate him because of that

This is the reason why they are so weak. Mas inuuna nila ang puso nila at naiinis ako sa mga katulad nila.

"Are you okey?"- kailangan ko pa bang magpanggap na si Xynthia parin ang kumokontrol sa katawan nya?

"D*mn you! Itigil mo na to!"

I laugh mentally.

'I'm just starting Xyn.. huwag kang mainip at isa pa hinding-hindi ko hahayaang makulong muli. Sapat na sakin ang labing walong taon na pagkakakulong, wala na kong balak dagdagan pa'

Matagal na kong nakakulong sa loob ng katawan namin pero alam ko lahat ng nangyayari sa mundo. Nakikita ko ang bawat galaw at kilos ni Xynthia.

By the way I'm Darkiah. Her dark side.

"I'm fine"- i said with a smile plastered on my face. Sigurado akong kapag nalaman nila ang totoong nangyari kay Xynthia gagawa at gagawa sila ng paraan para maibalik ito.

Napailing na lamang ako. Subukan lang nilang pigilan ako, hinding-hindi akong magdadalawang isip na patayin sila. They're lives are not worth it except for the Prince. Siguradong gugulo ang lahat at magagalit sakin ang ina at ama niya. At wala pa sa isip ko ang makalaban ang dalawa sa malalakas na dyos at dyosa. Uunahan ko na kayo hindi ako takot dahil wala akong dapat katakutan. I'm more powerful and stronger than them. It's just because this is not the right time to fight against them.

"I need to take a rest"- mahinahong saad ko at umarteng pagod na pagod. Napabuntonghininga naman ito at hinalikan ako sa noo. Napangise na lamang ako pagkabalik sa dorm ni Xynthia.

"I Darkiah, I summon the dark portal connected to underworld thee"

'What do you think you're doing!? Ghad! Stop this!'

'Just shut up and watch Xynthia. Hindi ako katulad mo na pinapairal ang kalambutan ng puso. Our mother is right, they are not worth it para sa kabaitan mo. Napakatanga mo para maniwala sa kanila. Hindi mo pa sila ganoon kakilala, ta-traydorin ka din nila'

'Ikaw ang mas hindi kapani-kapaniwala kaysa sa kanila. Hinding-hindi mo ko maloloko kaya mas mabuti pang tumahimik ka nalang at ibalik mo sakin ang dapat na sakin'

Tumawa ako ng mapaglaro..

Huwag kang maging makasarili.. this is my body too. For 18 years ikaw ang nagkontrol sa katawan natin at salamat sa pagiging pabaya mo at napalabas ako. Huwag na huwag mong isisisi sakin ang lahat dahil in the first place ikaw ang may kasalanan ng lahat. Kung hindi mo hinayaang mapalapit sa kahit sino man, hindi mangyayari to. Napaka hina mo...

'Wala akong pinagsisihan sa pagiging malapit ko sa kanila. Hindi mo alam ang nararamdaman ko dahil walang nagmamahal sayo. Wala!'

I laugh devilishly

'Kayang kaya kong mag-isa Xynthia. Wala akong pakialam kung may nagmamahal man sa akin o wala. Hindi ko sila kailangan. Sagabal lang ang lahat ng yan sa plano ko. Huwag mo kong igaya sayo na nagpapakatanga'

Nakangise akong pumasok sa portal at agad guminhawa ang pakiramdam ko ng makita ang napaka gandang lugar na nababagay lamang para sa katulad ko. Ang underworld, ang mundo ng mga masasama at may mga halang na kaluluwa.

Nakangise kong inilibot ang mata ko sa lugar. Napakalaking kaibahan sa mundo nila Xynthia. Mas prefer kong dito tumira kaysa doon. Nandidiri ako sa mga katulad nilang mahihina.

Ang makulimlim na langit. Hindi sumisikat ang araw sa mundo na to at tanging kadiliman lamang. Ang walang buhay na paligid, ang mga patay na halaman, itim na damo. Ang mga building na mukhang haunted, napaka dumi at nakakatakot tignan. Ano pa nga bang aasahan niyo sa lugar na to?

"Darkiah!"

Nakangise akong hinarap ang taong tumawag sakin