webnovel

Fangirl Noticed

Trimmajin · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
6 Chs

Prologue

TITLE: Fangirl Noticed

AUTHOR: TrimmaJin

GENRE: Teenfiction

Prologue:

"Micka! Omyghad! Tanggap tayo bilang volunteer!" napatingin ako kay Trisha nang magsalita sya, nakatingin sya sa phone nya.

Agad nanlaki ang mga mata ko.

Omyghad! Tanggap kami! Huwah! Tanggap kami!

Matutupad ko na ang pangarap ko bilang isang fangirl!

Nag register kasi kaming dalawa bilang isang volunteer para sa dadating na concert ng Paint it Black dito sa pilipinas.

Ghaaad! Napaka-swerte naman namin!

Kaylangan kong mag-ayos nang maigi!

"Oh sya! Maaga tayo bukas ha? Matulog ka nang maaga para di tayo ma late! Gosh! This is our chance Micka!"

Hindi ko sya pinansin atsaka ako nagtalukbong at nagpapapadyak.

Hindi pa rin nagpa-process sa utak ko lahat!

Ibig sabihin ba nito makakalapit na ko sa kanila?! Ganon ba?!

Hanggang sa di ko namalayan nakatulog na pala ako.

I am Mickaella Vergara, at dito nagsimula ang lahat.