webnovel

IKASAMPUNG KABANATA:

Pagpasok nila sa loob ng peryahan ay mas lalong nanlaki ang mga mata ni Raphael ng makita niya ang nasa loob.Marami na din ang mga tao dito at kaniya-kaniya ang mga ito ng rides na sinasakyan.

Habang si Zyra ay nakasunod lang sa kanila at wala itong pake-alam.At si James naman ay nagmamasid lang sa paligid kung anong meron.

"First time niyo ba sa mga ganito?"tanong ni Diego ng makita niya ang reaksiyon ni Raphael.

"Of course not,"may pagka-supladang sagot ni Zyra."We came to different theme parks," dugtong pa nito, nakarating na kasi sila Disneyland, Enchanted kingdom and maraming pang iba.

Natulala na lang si Diego sa mga narinig niya dahil ni isang theme park ay wala pa siyang napuntahan kung di dito lang sa mga peryahan.

"Pasensya na ito lang meron dito,"sabi na lang ni Diego.

"No, it so nice kaya dito,"hirit naman ni Raphael sa kanila, halatang excited ito na sumakay sa iba't-ibang rides na meron.

Ang roller coaster ang unang napansin ni Raphael kaya 'yun ang itinuro niyang una nilang sakyan.Kaya tumakbo na siya doon at pumila sa devil's coaster.

"What! No...no,"natakot na sabi ni Zyra habang nasa pila sila."I....,"hindi pa siya nakapagsalita ay bigla na siyang hinila ng kapatid paakyat sa rides.

Pagkasakay nila ay agad na siyang nilagyan ng seatbelt ni Raphael para hindi na ito makatakas.Kinakabahan na si Zyra lalo na nang magsimula ng umakyat pataas ang roller coaster.

"Oh gosh!"kinakabahang sabi niya sa sarili, napatili pa din ito kahit na nakapikit ang mga mata nang maramdaman niya ang biglang pagbulusok pababa ng sinasakyan nila.

Nang tumigil ang rides ay agad tinanggal ni Zyra ang seatbelt niya at tumakbo pababa dahil parang nasusuka ito.

"Hina mo naman pala ate,"insulto sa kaniya ni Raphael habang natawa naman sina Ethan at James.

Noon pa kasi ay hindi na talaga siya mapasakay sa mga rides kahit saan pang theme park.Kaya yung pagsakay niya sa roller coaster ay first time niya.

Dahil nakita niyang pinagtawanan siya ng tatlo at pinagtanggol niya ang sarili na hindi siya mahina at lampa.

Hindi naman naniniwala ang tatlo sa kaniya kaya hinamon nila ito na kung totoong hindi siya mahina ay sumakay ulit sila sa isa pang rides.

"Deal,"mayabang na sagot nito."I can do this,"pilit na pagpalakas ng loob niya at saka tinignan ang rides na sasakyan nila.

"Okay sinabi mo yan ha,"sabi sa kaniya ni Raphael."Doon tayo sa pirate ship ba yon."

"Kapag kasi kinakabahan ka isigaw mo kasama ng pagtaaa mo ng kamay,"pabulong sabi ni James kay Zyra.

Pagsakay nila ay kinakabahan na si Zyra at naisip niya na kung ano bang pumasok sa utak niya at pumayag siya.Huminga siya ng malalim habang tinitignan ang lugar nila.

Nang magsimula nang dumuyan ang rides ay napapapikit na si Zyra.Pero sinabi sa kaniya ni James na gawin niya yung sinabi niya kanina.Naunang nagtaas ng kamay si James para gayahin siya ni Zyra.

"Woahhhh!"malakas na sigaw nito habang dinuduyan sila ng rides.Gumaya naman si Zyra sa ginawa ni James at unti-unti nawawala ang takot.

"Effective nga ang sinabi mo,"namangha sabi ni Zyra na unti-unti nang nag-eenjoy sa rides.

Habang sumisigaw sila ay bigla ding sumabay sa kanila sina Raphael at Diego napakasaya nila.Napatigil naman sa pagsigaw si Raphael at napatingin siya sa ate niya dahil napansin niya na ngayon lang naging masaya.

"Ano ate, ang saya diba!"sigaw na tanong ni Raphael habang nakataas ang kamay.

"Oo nga!"sagot nito."Ang saya pala nito."

Nang makahinto ito ay bumababa na sila, naramdaman naman nila na gutom sila kaya nagpunta muna sila sa mga stall ng pagkain.

"Ehemm...ehmm,"inubo si Zyra na malanghap niya ang usok ng galing sa ihawan."What are those?"nadiring sabi ni Zyra nang makita niya ang ulo, paa at kung ano-ano pang parte ng manok.

Sinabi naman sa kanila ni Diego na mga street food ang mga 'yon at 'yan ang paborito ng mga tao doon.Naisip naman ni Diego na wala bang ganoon sa siyudad para hindi nila alam ang mga street food.

Sinabi na lang niya na masarap naman ang mga 'yon at siguradong magugustuhan nila.

"I don't think so,"sabi naman ni Zyra.

"We just don't really buy that kind of food," sabi ni Raphael."But maraming nagtitinda sa mga streets,"paliwanag pa niya.

Nang maluto ang mga binili ni Diego ay binigay na sa kaniya ng tindero ang mga ito. Pagkabigay ay pinakuha niya ang mga kasama, kumuha naman sila maliban nga lang kay Zyra.

"No thanks,"sabi nito dahil hindi niya maatim kumain ng mga ganoong klaseng pagkain. "Do you really eat that dirty foods?"

"Hoy hindi naman 'to madumi ha,"sabi ni Diego habang kinakain ang mga 'yon.

Sumang-ayon naman ang dalawa hinayaan lang nila si Zyra na hindi kumain dahil ayaw naman nito ehh wala namang ibang tinda doon.

"Isawsaw niyo dito ohh,"sabi ni Diego sa dalawa, habang si Zyra ay nakatingin lang sa kanila at kita sa mukha nito ang pandidiri.

"Cruggg...,"tunog ng tiyan ni Zyra, pero tiniis pa din nito na hindi kumain ng mga 'yon.

"Mukhang gutom ka na,"sabi sa kaniya ni James."Kumuha ka na kasi dito, it delicious naman ehh."

Umiling lang si Zyra at pinipilit na pigilan ang gutom niya hanggang sa hindi na niya makaya ang gutom kaya napilitan siyang kumuha na.Hindi niya halos isubo dahil naiisip nito kung saan ito nanggaling.

"Kainin mo na ate, masarap promise,"pag-cheer ni Raphael sa kaniya.

Nang maisubo niya ay napapikit na lang siya pero nagulat siya dahil hindi nga masama ang lasa ng isaw.Nang maubos niya iyon ay kumuha pa siya, hindi na alam ng kasama niya kung nasarapan ba siya o gutom lang talaga.

"Nakakain na ba kayo nito,"tanong ulit ni Diego sa kanila nang ipakita niya ang itlog.

"Of course, itlog lang yan ehh,"sabi naman ni Raphael.

"Hindi, ito yung balut,"paliwanag niya.

"Balut as in yung may sisiw inside?"biglang nag-iba ang expressiyon ng mukha niya dahil hindi pa siya nakakain ng ganon.

"What a chick!?"nagulat na sabi ni Zyra.

Nang marinig iyon ni Diego na napatawa siya na parang may binabalak na gawin. Ngayon pala ay gusto niyang silang i-challenge, at consequence ng hindi makakain ay sasakay sa roller coaster ng mag-isa.Hindi pa man nakakasagot ang mga kasama niya ay inabutan na niya ang mga ito ng balut.

"No! I will never eat this!"maarteng sabi ni Zyra.

"Di sumakay ka mag-isa dun sa roller coaster,"panakot sa kaniya ni Raphael.

"Okay bahala,"walang paki-alam na sagot ng kapatid."Ikaw mag-isa dun ha."

"Fine, kakain na lang!"napilitang sabi niya, at saka na siya kumuha ng isa."Oh my god, how can I eat this."

Pagbilang ni Diego ng tatlo ay sabay-sabay nilang isinubo ang mga itlog.Kitang-kita sa nga expression nila na talagang noon lang sila nakakain ng balut.

Nakita ni Diego na parang iluluwa na ni Zyra ang sa kaniya dahil masuka-suka na ang reaksiyon.

"Bawal iluwa,"sabi ni Diego kaya naman nilunok agad ni Zyra ang sa kaniya at sinabayan niya ng pag-inom ng tubig.

Pagkatapos nilang kumain ay nagpalakad-lakad muna sila para maano naman ang kinain nila.May napansin naman si Raphael, nakita niya ang isang lalaki na kamukha ni Ethan.

"Si kuya Ethan ba yun?"sabi ni Raphael at tinuro sa mga kasama niya.

"Kaya naman pala ehh,"napatango namang sabi ni Diego.

"Huh?"nag-overthink na sabi ni Raphael. "Kilala mo ba yung kasama niyang babae?"

"Hindi ehh,"sagot ni Raphael habang tinitignan ito at sinusuguro na si Ethan nga ang nakikita nila.