webnovel

Chapter 2

Ex-ʙᴏʏғʀɪᴇɴᴅ 𝑏𝑦 𝓐𝓾𝓽𝓱𝓸𝓻𝓫𝓱𝓮𝓵𝓵𝓮

𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 2

DAHIL sa kagustuhan na makaipon pang tuition fee sa collage. Hindi na ako nahiyang magsabi kay Madam na ipasok ako sa aming city hall bilang isang empleyado. Mayroon naman akong kaalaman sa paggamit ng computer at masipag din ako sa mga gawain. Hindi naman ako nabigo't tinulungan kaagad ako nitong magkatrabaho. Ipinasok ako ni Madam bilang professional assistant ng kaniyang anak na si Sean. Medyo nagdalawang isip pa ako dahil baka mahirapan ako pag si Sean ang magiging boss ko, pero naisip ko na siguradong makakaya ko rin ang lahat. Nahihiya din naman akong tanggihan ang trabaho dahil wala namang kahirap-hirap na nakuha ko ang posisyon. Ako ang kinuha ni Madam upang mabantayan ko rin daw ang mga galaw ni Sean.

"Kaya mo ba ang pinagagawa ko sa 'yo, Aira? Madali lang naman ang magiging trabaho mo. Kung hindi mo naman kaya e magsabi ka lang. Puwede naman kitang ipasok sa ibang trabaho," saad ni Madam sa akin.

Paano naman ako makakatanggi kung may utang na loob ako sa kanila. Sila ang nagpaaral sa akin, kaya dapat lang suklian ko iyon.

"Ayos lang po sa akin, Madam. Tatanggapin ko po ang trabaho."

Napangiti si Madam sa naging desisyon ko.

"Very good, Aira. Iyan ang talagang nagustuhan ko sa ugali mo. Hindi ka mahilig mamili ng trabaho. Alam ko na ginagawa mo ito para sa future mo, at natutuwa ako dahil may pangarap ka sa buhay. Ayusin mo lang ang trabaho mo, ako na ang bahala sa pag-aaral mo sa kolehiyo. Basta sipagan mo lang palagi at susuportahan kita hanggang sa maabot mo ang pangarap mo sa buhay."

Halos maiyak ako sa sinabi ni Madam. Natutuwa ako sa sinabi nito na susuportahan din niya ang pag-aaral ko sa collage. Kung ganoon e makakapag-enrol ako sa susunod na pasukan. Isang magandang balita iyon para kay Mama.

"Maraming salamat, Madam. Maraming salamat po talaga..." Kulang na lang e yakapin ko ito sa sobrang kasayahan ko.

Kaagad kong ibinalita iyon kay Mama. Natutuwa ito sa magandang balita.

"Kaya mo bang magtrabaho anak? Kaya mo ba ang ugali ni Sir Sean mo? Anak, papaalalahanan lang kita ha, ma-inlove ka na sa iba pero huwag na huwag kang magkakagusto sa amo natin. Ayokong masaktan ka anak, ayokong makita kang umiiyak."

Natawa ako sa sinabi ni Mama. In love? Napaka-imposible na ma-inlove ako kay Sean.

"Si Mama naman, kabata-bata ko pa e iyan na kaagad ang sinasabi mo sa akin."

"Hindi ka na bata anak, nireregla ka na nga e, pinag-iingat lang kita."

"Huwag po kayong mag-alala, Mama. Dahil hindi po mangyayari ang bagay na iyan."

Tumango-tango si Mama sa sinabi ko. Alam ko na naniniwala ito sa akin. Nakahanda akong makasama si Sean, basta sa trabaho. Hindi ako katulad nina Niña na patay na patay kay Sean.

Kinabukasan ay pinatawag ako ni Madam sa kuwarto niya. Nagtaka ako dahil puwede naman kaming mag-usap sa sala e bakit sa kuwarto pa niya? Ngayon lang ako makakapasok sa kuwarto nito.

Pag-akyat sa ika-tatlong palapag ng bahay nila'y kinakabahan na kumatok ako sa pintuan ng kuwarto ni Madam. Nakarinig ako ng medyo malakas na sigaw mula sa loob.

"Pasok," wika nito.

Binuksan ko ang pinto at doon tumambad sa akin ang napakagandang kuwarto ng mag-asawa. Nagkikintaban ang mga mamahaling display at napakabango sa loob ng kuwarto nito. Napakalaki ng kuwarto nito na halos magmistulang isang bahay na rin. May malaking tv, may mga sofa, may sariling machine na pang-exercise sa umaga. Nakakalula ang sobrang karangyaan ng pamilya ni Sean.

"Aira, come here..." tawag sa akin ni Madam. Nakaupo ito sa kama niya. Pang-king size ang kama nila, may mga damit at iba-ibang sapatos na nakapatong sa kama ni Madam. "Tingnan mo kung kasya sa 'yo ang mga iyan. Ibibigay ko na sa 'yo ang lahat ng iyan."

Nagulat ako sa sinabi ni Madam. Kaya nanlaki ang mata kong napatingin sa mga magagarang damit na nasa kama. Lahat ay halos bago pa dahil hindi naman gaanong nasuot ni Madam ang iba. Nahihiyang dinampot ko ang isang napakagandang dress na kulay pink. Sa tingin ko palang ay parang saktong-sakto sa akin ang mga damit na ito. Hindi naman nagkakalayo ang katawan namin ni Madam, dahil malaking bulas din naman akong babae. Maging ang sapatos at sandals na ibinibigay nito'y tingin ko'y lahat ay babagay sa akin. Parang nakikinita ko na ang sarili ko kapag suot ko na ang mga damit na ito. Para akong prinsesa na bumaba sa lupa.

"Si-sigurado po ba kayo, Madam? Ang gaganda po nitong mga damit na binibigay mo po sa akin. Nakakahiya pong suotin ko ito dahil hindi naman po ako mayaman."

Natawa si Madam sa sinabi ko. Naaaliw ito sa dahil sa kamang-mangan ko sa mga imported na gamit.

"Hindi naman pang mayaman ang mga iyan. Naisip ko kasi na medyo maselan si Sean sa mga nakakasama niyang tao. Kaya naman binigyan kita ng maisusuot na damit para hindi maghalatang katulong ka. Ayokong isipin mo na kaya kita hinired ay para maging yaya ni Sean. Magkaiba ang trabaho na iyon, Aira. Gusto kong maging komportable kayo sa isa't isa para parehas kayong nakakapagtrabaho ng maayos. Gusto kong ma-train ng husto si Sean sa pulitika, habang nasa stage of teenager pa siya'y makita na ng mga tao na marami siyang talent. Alam mo naman na madalas siyang mapasali sa gulo hindi ba? Kaya dapat maging alisto ka para maagahan natin ang lahat. Kailangan ng matutunan ni Sean na maging responsable sa lahat ng bagay, Aira. Ayokong masira ang tingin ng tao sa amin, dahil lang sa mga nagagawang kapalpakan ni Sean."

Sigurado naman ako na magagawa ko ang trabaho ko ng maayos. Ang hindi ko lang masisiguro ay ang pigilan si Sean sa mga nakagawian niyang trabaho. Hindi na bata si Sean na kapag pinagbawalan mo'y hindi nito gagawin. Baka pagtawanan lang ako nito kung sakaling pigilan ko ito sa mga gimik na pupuntahan nito. Pero kahit alam ko na ang kahihinatnan nito'y hindi ako maaaring panghinaan ng loob. Nakasalalay dito ang pag-aaral ko.

HINDI nagtagal ay nagsimula na ako bilang isang assistant ni Sean. Sumasama ako sa mga pinupuntahan nitong seminar. Pumupunta kami sa mga orphanage at naghahatid ng tulong sa mga bata. Maging sa mga activities na kailangan nitong ipakita na may kapaki-pakinabang ang ginagawa niya'y kasa-kasama rin niya ako. Lahat ng iyon ay idinodokumento ko at sinisigurado na malalaman ng mga tao ang mga ginagawa ni Sean. May fun page din ito at website kung saan ako ang admin. Napakadami kong trabaho para lang pabanguhin ang pangalan nito. Pero hindi lahat iyon madali dahil marami pa rin akong pinagdadaanang hirap bago kami matapos sa trabaho ni Sean.

Halos araw-araw kaming magkasama ni Sean. At napapasama ako minsan sa mga pictures at interbyu niya na ibinabalita at ipinopost sa kung saan-saan. Mabilis na nabalitaan iyon ng mga kaibigan ko kaya naman gumawa sila ng paraan upang magkita ulit kami. Akala ko'y isang simpleng labas lang kaya inimbitahan ako nila Niña. Iyon pala'y nag-usap-usap na ang tatlo kung paano ko sila ipapakilala kay Sean.

"Hindi mo kaya, Aira? Anong silbi ng pagkakaibigan natin kung magiging selfish ka? Gusto mong solohin si Sean kaya ayaw mong ipakilala kami sa kaniya!" inis na wika ni Elaine sa akin.

"Hi-hindi totoo iyan, wala akong gusto kay Sean. Hindi lang madali ang pinagagawa ninyo kaya—"

"Ngayon nahihirapan ka na sa mga challenge natin? Napakadali lang naman ang hinihiling namin sa 'yo. Kung talagang kaibigan mo kami e hindi mo kami tatanggihan!" saad naman ni Niña sa akin.

"Hindi naman tayo highschool pa para gawin ang mga challenge-challenge na iyan e. Iba na tayo ngayon, marami nang bagay ang nagbago at—"

"Isa ka na sa nagbago, tama ba Aira?" ani Bianca sa akin.

Napabuntong-hininga na lang ako sa sinabi nilang tatlo. Hanggang ngayon ganoon pa rin sila. Paano ko naman gagawin ang gusto nila? Mahirap sabihin kay Sean na gustong maka-date nila ito ng sabay-sabay. Kung ako nga e nahihirapang mapapayag ito sa mga trabaho niya e, iyon pa kayang makipag-date sa mga kaibigan ko.

"Gagawin mo ba o hindi? Sabihin mo sa amin, Aira kung kaya mo. Para alam na namin ang sagot mo," tanong sa akin ni Elaine.

"Susubukan ko," tanging nasambit ko sa kanilang tatlo.

Walang kasiguraduhan ang sagot ko, dahil hindi naman talaga ako sigurado na papayag si Sean.

Kinagabihan, napansin ni Mama na malungkot ako. Nasa labas ako ng bahay at nakatitig sa mga bituin sa langit. Nilapitan niya ako at kinausap.

"Anong nangyari, anak? Mukhang malalim ang iniisip mo, nahihirapan ka ba sa trabaho mo?"

"Hindi naman po, Mama. May iba lang po akong iniisip. Iniisip ko po kung anong uunahin kong bilhin kapag naabot ko na ang mga pangarap ko." Pagsisinungaling ko kay Mama. Ayokong sabihin sa kaniya ang pinoproblema ko dahil sigurado ako na hindi rin ito sasang-ayon sa gusto ng mga kaibigan ko.

"Iyon ba ang iniisip mo? Isipin mo ang future mo anak, kapag naabot mo na ang pangarap mo, huwag mong kakalimutan na magpasalamat sa Panginoon."

Napangiti ako sa sinabi ni Mama. Niyakap ko siya nang mahigpit. Napakasuwerte ko dahil kahit na pinagkaitan ako ng kayamanan, may mabuting ina naman ako na siyang nag-aaruga sa akin.

Kinabukasan, humanap ako ng tiyempo na makausap si Sean. Susubukan ko pa rin kahit na napaka-imposibleng mangyari. Ang mahalaga ay sinubukan ko...

Nasa kotse kami, patungo kasi kami sa Cagayan para umattend ng seminar. Abala si Sean sa paglalaro sa cellphone niya. Ako naman ay nakaupo sa tabi niya, panay ang buntong-hininga ko dahil hindi ako makapagsimula sa gusto kong sabihin.

Hindi ko alam na napapansin pala nito ang ginagawa ko kaya kahit hindi nakatingin sa akin ay nagtanong ito.

"What? May sasabihin ka ba?" tanong nito.

Napaawang ang labi ko, ganoon ba ito kabilis makaramdam at alam niya na may sasabihin ako.

"Ha? A...e... Ano e, ano..."

"Ano? Uutang ka ba? Magkano?" anito.

"Ano? Hi-hindi, hindi ako uutang..."

"Then, what? Kanina ka pa bumuntong-hininga riyan,"

"A-ano e, iyong mga kaibigan ko noong highschool... kasi nakita nila sa tv noong ininterbyu ka. Nakita nila na kasama mo ako, nalaman nilang nagtatrabaho ako sa 'yo. E kasi noong nasa highschool pa tayo e crush na crush ka nila kaya kinukulit nila ako na maka-date ka nila kahit isang gabi lang." Nakahinga ako nang maluwag dahil nasabi ko na sa wakas ang pakay ko.

"Sigurado ka ba na sila lang ang may crush sa akin noon? Ikaw ba?" tanong nito sa akin na kinagulat ko.

"A-ano? Hindi kita crush no!" mabilis kong tanggi.

Natawa ito sa akin sabay iling. Kahit nakatitig ito sa screen ng cellphone niya. Mababakas ang sobrang kabiliban nito sa sarili.

"Hindi ako makikipag-date sa kanila, hindi ko type ang mga kaibigan mo."

Pagkasabi noon ay naglagay na ito ng headset sa tainga. Kaya wala na akong nagawa kundi ang ibaling ang paningin sa labas ng bintana. Wala ako magagawa kung ayaw niya. Alam ko naman na tatanggi siya e.