webnovel

Chapter 1

Simula

"Angel, pwedeng pahiram Ng pantasa?" Sabi ko sa kaklase ko. Grade 6 palang ako, Ang subject namin ngayon dito ay mapeh art. Mag-dadrawing kami ngayon Ng gusto naming maging. Ang idadrawing ko ngayon ay ako, bilang flight attendant, inaamin ko na Hindi ako magaling mag-drawing pero kakayanin ko para magkaroon ako Ng mataas na grades, at maging proud sakin Ang pamilya ko.

"Ki, oh." Nabalik ako sa ulirat Ng marinig si angel na inaabot sakin Ang kulay yellow niyang pantasa.

"Thanks." Ngumiti ako sa kanya. Ngumiti Lang din siya sa akin at binalik na Ang tingin sa bond paper Niya.

"5 minutes left." Nanlaki Ang mata ko Kay ser, Ang bilis Naman Ng oras!

"Serrrr!!!" Napuno Ng ingay Ang buong room.

"Bilisan nyo Kasi, puro Kayo kwentuhan Lang eh."

"Ok po ser!" Lahat kami. Binalik ko na Ang tingin ko sa bond paper ko at tinapos na Yung dinadrawing ko. Nang natapos ako ay tumayo na ako at ipinasa sa table Ni ser at umupo ulit sa upuan ko. Nilibot ko Ang tingin ko at nang dumapo Yun Kay prince ay nakatingin din siya sa akin. Tinaasan ko Lang siya Ng kilay, at mukhang nabalik ko siya sa ulirat. Ngumiti Lang siya sa akin Ng tipid at nag-drawing ulit. A few days ago, nagbigay siya Ng sulat sakin sa isang piraso Ng papel na nakalagay 'gusto kita, nikki. Pwede ba akong manligaw sayo?'. Nung inabot Niya sa kin Yun at nabasa ko tingnan ko siya Ng may pagtatanong. Tinulak siya Ng mga kaibigan Niya sa akin, buti nalang at di siya tumama sa akin. Di ko nga Alam Kung bakit siya nagkakagusto sakin eh Ang pangit pangit ko kaya. Hanggang baba ng balikat ang buhok at curly sa baba, chinky eyes when I smile, narrow nose, high cheek bones when I smile, thin and reddish lips, and then deep dimples sa magkabilang pisngi, and also my skin is white. Di Kasi ako palalabas Ng bahay Lalo na kapag mainit sa labas.

"Uhm.. anong.. sagot mo.. Nikki?" Binigyan Niya ako Ng kinakabahang tingin. Bumuntong hininga ako. Nagdadalawang isip ako Kasi strict Yung parents ko Lalo na Yung mga Tito ko. Hindi ko rin Alam Kung paano siya tatanggihan. Naging mabuti siyang kaibigan sa akin ng ilang taong pagiging mag-clasamates namin, pero hanggang kaibigan Lang talaga Ang kaya Kong ibigay.

"Uh.. Alam mo naman diba? Na.. strict Yung mga Tito's ko at parents ko?" I gave him a worried smile. Tumango siya. "Uh.. pwede naman siguro pero.. hanggang ligaw Lang Muna ah?" Mukhang nabuhayan Yung mukha Niya at ngumiti siya sa akin at tumango then umalis na.

"Okay, goodbye class." Nabalik ako sa ulirat Ng magsalita si ser.

"Goodbye ser Adrian!" Lahat kami. Bumalik Naman Yung adviser namin pagkatapos umalis Ni ser. Last subject na namin Yung Kay ser kaya pagdating Ni ma'am Rosie ay nagdasal na kami.

"Amen!"lahat kami.

"Okay class, goodbye!"

"Goodbye ma'am!" Nagsilapit kami Kay ma'am at nag-bless. Nauna na akong lumabas at nag-abang Ng tricycle. Pang umaga Yung class ko kaya mainit sa labas.

"Kuya, sa may Kanto po ng Dapitan." Sabi ko Kay manong. He nodded. Sumakay na ako at ipinaandar na Niya Yun. Nang nakarating ako sa 1st floor Lang naming bahay. May kaya Lang Kasi kami. Pero malawak Naman sa loob. Pumasok ako sa medyo Luma na naming gate. Kinuha ko sa backpack ko Yung susi namin at binuksan Yun. Madilim. Kinapa ko sa gilid Ng pader Yung switch Ng ilaw at binuksan Yun. Baka tulog sila mama at papa. Nasa school pa Kasi yung kapatid Kong lalaki, si Austin, pero meron pa akong isang kapatid na 3 taong gulang palang. Baka nasa likod bahay lang, naglalaro.

"Ma! Pa! Lianna!" Tawag ko sa kanila.

Pumunta ako sa sliding door doon at binuksan, papunta Yun sa likod bahay namin. Andun pala sila.

"Ma, Mano po. Pa, Mano po. lia!" Nagmano ako Kay mama at papa at nilapitan ko si lia at lumuhod para magpantay kami at niyakap siya.

"Ma, punta Muna ako sa kwarto ko. Pa." Tumango Lang ako sa kanila. Pumasok na ako sa kwarto ko at sinarado Yung pintuan at binuksan Yung cellphone ko para makapag online sa Facebook. Nag scroll lang ako at napahinto nang Makita Yung matagal ko Ng gustong Makita kaso di ko Alam pangalan Niya eh. Marky Rae Gonzaga pala Ang pangalan Niya. Nakita ko Lang Kasi siya sa kapitbahay namin, tapos simula nun hindi na siya matanggal sa isipan ko.

Clinick ko Yung name Niya and I chat him. Kulit mode on!

Me:

Hi.

Marky:

Hello.

Wow! Ang bait Naman Niya!

Me:

Alam mo, gusto kita. Alam mo ba nung una kitang nakita nag slow motion Yung Mundo ko. Sa lahat Ng naging crush ko sayo Lang nangyari Yun, so, Sana mapansin mo ko.

Sa sarili Kong chat ay kinakabahan ako. Nag intay ako Ng mga ilang minuto bago siya nag chat ulit. Hindi ko rin alam kung saan ko nahugot yung kapal ng mukha ko. Kinagat ko Ang labi ko at agad na sanang buburahin Ang minessage ko nang mabasa niya na Ang chat ko! Jusme, anong gagawin ko? Ang kapal Naman Kasi Ng mukha ko eh!

Mark:

Uh.. sorry hindi ako agad nakareply nagulat Lang ako sa sinabi mo. Uh.. pwede bang magkita nalang tayo? Para mapag-usapan natin? Sa labas nalang Ng Dapitan, sa may waiting shed nalang kita hintayin.

Me:

Sure!

Kahit kinakabahan bumangon ako. Kinakabahan ako kasi lahat naman ng mga lalaking nagiging crush ko walang crush sakin.

Tumayo agad ako at kinuha sa cabinet Yung charger Ng cellphone ko para habang naliligo ako naka charge. Kumuha na Rin ako Ng damit ko. Oversized t-shirt, black highways short, and underwear. Nag shower na ako at pagkatapos ay lumabas ako sa cr ko sa kwarto ko Ng nakabihis na. Lumapit nalang ako sa salamin at nag-pulbo Lang, dahil Hindi ko na kailangan mag liptint dahil natural reddish lips na ako. Kinuha ko nalang Yung sling bag ko at isinukbit sa balikat ko. Lumapit ulit ako sa cabinet at kinuha Yung Chanel perfume ko at nag-spray niyon. Kinuha ko na Rin Yung cellphone ko. Pagkatapos ay pinatay ko na Ang ilaw at tiningnan muli Yung mga nakasaksak at baka hindi ko natanggal. Nang ma check ko lahat ay lumabas na ako. Dumiretso ako sa likod-bahay at nagpaalam nalang kina mama at papa. Pumara ako Ng tricycle at sinabing sa labas, tapat Lang Ng UST, sa tapat Lang Kasi Ng UST Yung waiting shed na sinasabi Ni marky. Pagbaba ko, nakita ko na nandoon na siya. Nang nakita niya ako ay kumaway agad siya.

"Hi!" I smiled sweetly that's why my dimples showed. He smiled too and his dimples showed too. "Uhm.. San tayo mag-uusap?" Tanong ko sa kanya.

"Dun Lang sa kainan na Yun." Tinuro Niya Yung maliit na carenderia dun. Naglakad ako at sumunod Naman siya. Nang makarating kami roon ay umupo na ako.

"Anong gusto mong orderin?" Tanong Niya sa akin.

"Uhm.. juice nalang siguro sa akin, di Naman ako gutom." Binigyan ko siya Ng 50 pesos. Hinawakan Niya Yun at Yung kamay ko at nilagay dun.

"Ako na." Ngumiti siya sa akin. Gosh! Hinawakan Niya Yung kamay ko! Nung hinawakan Niya Yung kamay ko parang may kuryente na dumaloy sa katawan ko. Tinago ko nalang Yung pera ko sa bag.

"Uhm.. San ka nag aaral?" Tanong ko sa kanya.

"Diyan Lang malapit sa katipunan." Sabi Naman Niya sa akin. "Ano nga palang sinabi mo sakin kanina sa chat?" Tanong Niya sa akin. Nanigas ako sa kinauupuan ko. Lupa, Kainin mo na ako ngayon na! Pleaseeeeeee!

"Huh? Anong sinabi ko?" Sige, mag-patay malisya ka pa! Umangat Ng bahagya Ang kanyang labi at umigting bigla Ang kanyang panga.

"Didiretsuhen na kita..Sorry, dahil Hindi kita gusto, at lalong lalong Wala akong Plano na magkagusto sayo. Bye." Tumayo na siya at umalis. Naiwan ako roong nakanganga. Bakit.. bakit kailangan pa niyang ipamuka sakin Yun? Okay Lang sakin Yung sinabi niyang Hindi Niya ako gusto, pero Yung Wala siyang Plano na magkagusto sakin, masakit. Sobrang sakit. Umalis nalang ako roon Ng Wala sa sarili.

"Huy, anong nangyari sayo?" Nabalik ako sa ulirat Ng marinig ko Ang boses Ng pinsan ko at pinaka-matalik Kong kaibigan, si belle, pero Elle Ang tawag ko sa kanya. Nandito na pala ako sa bahay nila.

"Kasi..ano..si marky.." Hindi ko na natapos Yung sinasabi ko dahil humagulgol na ako. Niyakap Niya ako Ng mahigpit.

"Sinabi na ba niya na Hindi ka Niya gusto..?" Bestfriend ko talaga siya. Alam na Alam Niya Kung ano Yung ibig Kong sabihin. Umiyak Lang ako Ng umiyak hanggang sa nakatulog nalang ako sa bahay nila. Nagising ako Ng maramdaman Yung lamig sa katawan ko. Nakabukas pala Yung electric fan. Hinanap ko Yung bag ko at nakita ko to sa gilid ko. Bago ko kinuha yun ay nilingon ko muna Yung katabi ko at nakitang si Elle Yun. Mukhang mahimbing Ang tulog. Hindi ko ipagkakailang maganda siya. Ang sabi Ng aming mga magulang ay Ang mga features na meron kami ngayon ay hindi galing sa kanila. Dahil Ang mga ninuno raw namin ay mga Chinese, ang apelyido raw nila ay lim. Her features was all soft. Her skin is Morena, chinita eyes, pointed nose, thin and pinkish lips. Thank you for comforting me, couz.. bumuntong hininga ako at itinapat ko na Ang fingerprint ko sa cellphone ko at nagbukas Yun. Pagkabukas ko Ng mobile data ay Ang daming notification na lumabas. Hindi ko na inaasahan na meron doon Kay marky, dahil Alam Kong Wala Yun. Bakit Naman Niya ako kakaawaan? Ano ba Niya ko? Diba Wala? Bi-nack to home ko Ang cellphone ko at nakita Yung mga messages. Clinick ko yun.

Mama: 2 missed calls, 5 texts

John: 3 texts

.... At Hindi ko inaasahan Yung sumunod..

Marky: 5 missed calls, 1 text

Nang nakita ko Yung pangalan Niya ay may parang punyal na tumama sa aking puso. Unti unting tumulo Yung luha ko. Pinigilan ko Yung mga hikbi ko para hindi ko magising si Elle. Una Kong binuksan Yung messages Ni mama.

Mama:

Asan ka?

Mama:

Uuwi ka ba?

Mama:

Mag-text ka sakin, nag-aalala na Ang papa mo.

Mama:

Nikki.

Mama:

Mag-text ka Lang sakin o kaya Kay austin o kaya Kay papa mo.

Nagtype ako.

Me:

Opo, ma di po muna ako uuwi ngayong Gabi, dito po Muna ako matutulog kila belle. Okay lang po ako dito.

May 2 missed calls siya kaya tinawagan ko si mama kaso di na sumasagot. Sunod Kong binuksan Yung Kay austin.

Austin:

Ate, uuwi ka daw ba ngayon?

Austin:

Ate, mag-text ka Lang daw samin.

Austin:

Ate.

Me:

Hindi Muna ako uuwi, dito Muna ako kila belle.

At Ang huli ay Yung Kay marky.. Ang rupok ko talaga. Di ko nalang siguro siya rereplayan.

Marky:

Sorry, nikki. Sorry sa lahat, Ng nasabi ko, replayan mo ako, please...

Seriously, 5 missed calls!? Hmmf pero Hindi ko pa Rin siya irereply! Ang sakit kaya Ng sinabi Niya.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________