webnovel

Escaping Zamiel's Clutches

Two people who are inlove with each other but something is keeping them apart. Their past. Ano nga bang nangyari sa kanilang dalawa? Bakit gustong lumayo ni Sienna mula kay Zamiel? Bakit ayaw pakawalan ni Zamiel si Sienna? Read more to find out.

Deianne_e23 · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
36 Chs

9: A Token of Friendship

"Thank you." Seryosong ani ni Zamiel sa taong hawak hawak ang kamay niya.

"Wala 'yon." Sienna humbly replied as she clean his wound with a cotton.

"Pasensya na hindi kaagad kita natulungan nang nasugatan ka. Nakakainis lang kasi 'yong kapatid mo!" Nangigigil na sambit ni Sienna. Napangiwi na lamang si Zamiel nang maramdam ang pagdiin nito ng cotton sa kaniyang sugat. Ngunit hindi siya nagreklamo at hinayaan si Sienna na manggigil.

"It wasn't your fault anyway." Komento ni Zamiel habang nakangiwi pa din.

Binalot ng katahimikan sa kwarto ng binata hanggang sa hindi na mapigilan ni Sienna magtanong.

"Bulag ka ba talaga--- I mean.. hindi naman sa nanglalait o ano.. parang ano kasi--" Bago niya pa matapos ang kaniyang sasabihin ay nadinig niya itong mahinang natawa.

"You're curious?" He asked. Tumango naman si Sienna. Nang maalala niyang bulag ang kaniyang kasama ay nagsalita siya. "Hm."

"I was born with it. Being blind means... you can't see anything of course." Mahinang natawa si Zamiel, but it wasn't a laugh caused by happiness. Napatingin na lamang si Sienna sa kaniya. Naka angat ang mukha nito at nakaharap sa kaniya. Ngunit tulad nang dati ay hindi siya nito matingnan ng diretso sa mata at lampas pa din ang tingin.

As she stare at him, she realized he's cute. Makinis na mukha. Matangos na ilong at mapula ang labi. Sa edad na labing tatlo ay matangkad na si Zamiel. Kaya ay hanggang balikat lamang siya nito.

Napaayos na lamang siya ng upo nang marinig na may kumatok. Bumukas ang pintuan at pumasok si Maneli dala dala ang first aid kit kasama ang isang nurse.

Napahinga na lamang siya nang maluwag nang makita ang nurse. Hindi niya kasi alam kung paano gamutin ang sugat, aside sa maglinis nito ay wala na siyang ibang alam na gawin.

"Ako na pong bahala." The nurse said. Aalis na sana si Sienna nang bigla na naman siyang hawakan ni Zamiel sa kaniyang palapulsuhan.

"You're leaving already?"

"Lilipat lang ako ng upuan." Sagot ni Sienna at bumitaw naman sa pagkakahawak si Zamiel.

"You said you'll accompany me."

Tumango si Sienna. "Hmm. Dito lang ako. Gagamutin ng nurse 'yang sugat mo."

At dahil sa nangyaring iyon ay may nabuong hindi inaasahang pagkakaibigan kina Zamiel and Sienna.

-----

"Sienna!" Mabilis na lumapit ang labing dalawang taong gulang na Sienna sa kaniyang Daddy.

"Ba't po Dad?" She innocently asked.

"Ba't nakabihis ka na naman? You're going to Zamiel's house again?" Nagtatampong sambit ng kaniyang ama. Tumango naman si Sienna. Mas lalong napasimangot si Jorist. Simula kasi ng magkakakilala sila ng Zamiel na 'yon ay hindi na ito mapaghiwalay. Araw-araw na lamang nagpupunta si Sienna sa bahay ng mga Trevino. Wala din naman problema kina Jelmar, at winewelcome siya nito.

Kung noong summer ay buong araw na siya kina Zamiel, ngayon naman na merong klase si Sienna ay tuwing pagbalik nito mula sa paaralan ay magbibihis at pupunta agad sa bahay ng mga Trevino.

Pakiramdam ni Jorist ay inaagawan siya ng anak kaya ay napasimangot na lamang ito.

"Little Si, are you not my baby anymore?" Naglalambing na tanong ni Joris sa kaniyang anak at kunwaring umiiyak pa.

"I'm not a baby anymore Dad. Dalaga na po ako." Napairap na lamang si Kate nang madinig ang sambit ni Sienna. Alam kasi niyang hindi pa dinadatnan si Sienna kaso nagsasabi na itong dalaga na siya. Of course, alam din ni Jorist ito dahil hindi niya palalampasin ang araw na magiging dalaga nang totoo si Sienna.

Tumawa lamang si Joris. "Hindi po ako nagbibiro! Aalis na nga lang ako. Doon na ako titira kina Zamiel!" Nagtatampong sambit ni Sienna at lumabas.

Hindi ganoon kalapit ang nilalakad ni Sienna papunta sa Hacienda nang mga Trevino ngunit masipag itong naglalakad lagi. Pero tuwing gabi naman ay hinahatid siya minsan ng mga katulong nina Zamiel o di kaya ay sinusundo ng kaniyang ama.

They talked the whole afternoon. Si Sienna nangkukuwento samantalang si Zamiel naman ay matyagang nakikinig. Kahit puro reklamo lamang ang lumalabas sa mga bibig ni Sienna ay mahinang natatawa lamang ang binata.

"It's unfair. 'Yong iba kong kaklase dalaga na tapos ako hindi pa. Gusto ko nang lumaki! Bakit yong mga dibdib nila may umbok na tapos sa akin wala?" Zamiel's mouth twitched. Hindi niya alam maiiyak ba siya o matatawa sa pinagsasabi ni Sienna.

Kahit puro reklamo ang lumalabas sa bibig ng babaeng kasama niya ay hindi siya nagsawang makinig.

"Alam mo 'yon?! Nakakainis kaya, ako yong naghirap but we have the same score. Tapos nong humingi ako ng sagot sa kaniya di niya naman ako binigyan!" Nagrereklamong sambit ni Sienna habang nakanguso. Ito na ang kadalasan nilang ginagawa. Ang mag kwento o mag usap ng kahit ano-ano.

"Hmmm..." Zamiel hummed as he encourage her to continue talking.

Napabuntong hininga na lamang si Sienna. "Sana nag-aaral ka na lang sa amin. Para di na ako mag-aaral at mangongopya na lang sayo, Hehe." Walang hiyang sambit ni Sienna at natawa na lamang si Zamiel. Hindi kasi siya pumapasok ng paaralan dahil Home Schooled ito.

"We'll still be in different grades kung sakali mang mag-aral ako sa school niyo." Komento niya at mas lalong humaba ang nguso ni Sienna nang marealize niya.

Napaupo si Sienna mula sa pagkakahiga. Kasalukuyan kasi silang nakahiga sa Balcony ng kwarto ni Zamiel. Gusto kasing mag sight seeing ni Sienna kaya humantong sila sa paglagay ng mga comforter sa sahig sa balcony. 

It was already night and stars are starting to appear in the sky. Under the moonlight are two person whose lives are intertwined.

May kinuha siya sa kaniyang bulsa saka hinawakan ang kamay ni Zamiel. "What is it?" He asked as he felt some beads glide in his hand.

"Secret.." Masayang sambit ni Sienna. Bumili kasi siya ng mga wood beads at ginawa itong bracelet para ibigay kay Zamiel. At isa sa mga beads ay may sinulat siya dito.

Ngunit dumaan ang isang minuto at hindi pa din pumapasok sa kamay ni Zamiel ang bracelet.

Napasimangot na lamang si Sienna. "Parang di ata kasya..." Nanlulumong sambit niya.  A smile slowly formed in Zamiel's lips.

"Give it to me." Inilagay naman ni Sienna ang bracelet sa palad ni Zamiel.

"What is it for?" He asked with a soft voice. Sienna didn't know the impact of her gift. It was his first time to receive something without any events. Nakakatanggap lang kasi siya nang regalo tuwing birthday.

Napairap na lamang si Sienna. "Ano pa nga ba? Of course it's a token of friendship!"

"I'll keep it. Thank you." He whispered as he hold it tight in his palm.

"Kahit pangit yan pero pinaghirapan ko yan! Wag mo yan walain kundi lagot ka sa akin!" Pagbabanta ni Sienna.

"Hmm.."

Unknown to Sienna, Zamiel really did keep the bracelet all throughout the years.