webnovel

Escaping Zamiel's Clutches

Two people who are inlove with each other but something is keeping them apart. Their past. Ano nga bang nangyari sa kanilang dalawa? Bakit gustong lumayo ni Sienna mula kay Zamiel? Bakit ayaw pakawalan ni Zamiel si Sienna? Read more to find out.

Deianne_e23 · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
36 Chs

24: Peeled Shrimps

Kung saan saan na umaabot ang pinag-uusapan ngunit sa huli ay napapatawa na din ang lahat. At habang tumatagal ay napapalapit na din ako sa mga hindi pamilyar sa akin na kasama namin.

"Teka... you graduated from what school?" I asked Cristine as she lightly sway the glass she was holding.

Binanggit nuya ulit ang lugar kung saan siya nagkolehiyo. The both of us were talking while the others are also having their own.

I lightly laughed when I realized we were from the same school. "All this time, we were schoolmates ngunit hindi man lang tayo nagkabanggaan." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Hindi naman kataka taka dahil malaki naman talaga ang university, kabila ng pagiging maganda ng paraan ng pagturo ay kilala din ito sa taas ng tuition. Nakapag-aral lamang ako doon dahil sa scholarship na natanggap ko. Kaya hindi na bago kung doon nag aral si Cristine dahil mayaman naman ang pamilya niya.

"Maybe because our building are at the opposite end of our university? Who knows." Tumango ako. Back then, the education building was at the left end of the university and the nursing building was at the right end. Hindi din naman ako mahilig sumali noon sa mga activities dahil halos lahat ng oras ko nasa pag-aaral o di naman kaya ay sa aking part time job.

"Wala ka bang balak na mag-aral ulit? To get some higher degree?" Tanong niya ngunit di rin nagtagal ay nagsalita siya ulit. "I mean.. I'm not trying to insult you or anything, most of the teachers I know are still schooling to get a doctorate degree."

Napangiti na lamang ako sa akto niyang pag depensa sa sarili, ngunit alam ko din naman na sadyang nagtatanong lamang siya. Looking at her flustered and afraid that I would misinterpret what she said, it made me like her more. "If I have a chance... of course I'll take it. Pero okay na din naman sa akin na hindi na mag-aral ulit." Sa totoo lang ay nag-arala ko muli pero dahil sa mga nangyari noon ay tumigil ako. I asked her also a few questions about her work and she answered it. Naputol lamang ang pag-uusap namin nang tumabi ulit sa akin si Zamiel na may dala-dalang pinggan ng mga hipon.

"I brought your favorite." Tumango ako at kukuha na sana nang tapikin niya ang kamay ko.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Let me peel it first." Sambit niya at hinayaan ko na din siya. Bumalik ulit ako sa kaharap kong si Cristine at may ngiti itong nakakaloko. Hindi ko maiwasang mahiya dahil mismong si Zamiel pa talaga pinapatanggal ko ng balat ng mga hipon.

"Right. Ilang araw kayong magstay dito?" I asked her.

"Well, it depends on Jerome. It was not even in our plans to have a vacation, pero nang maisip na Ellie na sumama kay Jerome, we decided to tag along."

"It was just supposed to be me and Ellie." Biglang sambit ni Jerome na siyang nagpatawa sa mga nakarinig.

"Shut up. You have Ellie all by yourself every night anyway." Napatingin ako kay Ellie na nasa side ng pool at namula ang pisngi niya sa sinabi ni Maneli.

"Kaya naman pala halos hindi na makatayo tuwing umaga si----" Hindi na natapos ni Troy ang kaniyang sasabihin dahil bigla na lamang itinaob ni Ellie ang sinasakyan nitong floatie.

"Serves you right! Khng ano-ano na naman pinagsasabi mo."

"Totoo naman diba? I even found you---"

"OH MY GOD TROY SHUT UP!"

"HAHAHAHA" Nagdadabog na lumapit sa amin si Ellie nang malakas na tumawa lamang si Troy.

Although we are all adults already, it still made me a bit uncomfortable talking about 'adult things'. Kaya hindi ko maiwasang hindi mag init ng pisngi habang nakikinig sa pinag-uusapan nila.

"Sienna, wag kang maniwala sa gago na 'yon." Nagdadabog na sambit niya at tumango na lamang ako upang hindi siya magalit.

Nang makita kung halos ubos nang balatan ni Zamiel ang mga Shrimps ay kukuha na sana ako ng may maunang kumuha. I look whose hands it was and I just smiled at her when I saw it was Csilla.

"That's not for you." Nanigas ako sa aking upuan nang marinig ang sinabi ni Zamiel, that's when I realized the words weren't directed at me but towards Csilla. Hindi ko maiwasang mapangiti.

Huh! He peeled those shrimps for me!

"Really?" Sambit niya at ngumiti lamang kay Zamiel.

Humarap siya sa akin. "Then can I ask for some shrimps Sienna?" Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya tumango na lamang ako.

I've noticed that she doesn't like me.

And I don't like her either.

Tatayo na sana ako para abutin ang ang isang pinggan nang pigilan ako ulit ni Zamiel. Inis na tiningnan ko siya at tiningnan lamang ako ng mga mata niyang parang natatawa sa ginagawa ko.

"Ako na sabi." Hinayaan ko siya. Ngunit nanlaki na lamang ang aking mata ng marealize ang ginagawa niya.

Pinagtatabi niya ang mga shrimps na tapos niya nang tanggalan ng balat at ang mga wala pa. Pagkatapos ay ibinigay niya kay Csilla ang isang pinggan ng mga shrimp na hindi pa nabalatan.

Pareho ata kami ng pag-iisip ni Zamiel dahil yon din kasi sana ang gagawin ko.

I smiled at her. "You're Welcome."

I couldn't help but laugh inside.

She still smiled at me pero kumpara sa ngiti nito sa nakaraang segundo ay mas mahahalata na peke ito.

That's when I confirmed that she liked Zamiel. Napailing na lamang ako. This isn't the first time I've encountered some 'love rivals', but the previous ones were all dismissed by Zamiel and I know this time he couldn't just simply dismiss her.

But that doesn't mean I would just let her steal my man, cause this time I will handle her personally.