webnovel

Escaping Zamiel's Clutches

Two people who are inlove with each other but something is keeping them apart. Their past. Ano nga bang nangyari sa kanilang dalawa? Bakit gustong lumayo ni Sienna mula kay Zamiel? Bakit ayaw pakawalan ni Zamiel si Sienna? Read more to find out.

Deianne_e23 · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
36 Chs

10: To Save You

Tatlong taon ang dumaan at walang nagbago sa pagkakaibigan nina Sienna at Zamiel, kung meron man ay mas lumalim ang pagkakaibigan nila.

"What are your plans for today?" Zamiel asked as he let her slowly drag him. It was Saturday kaya ay walang klase sina Sienna.

"Ikaw? Ano bang gusto mong gawin ngayon?" Tanong ni Sienna habang papunta sa isang malaking punong mangga.

"You're not planning to climb another mango tree right?" Tanong ng binata na siya namang nagpatigil kay Sienna.

"Hehe.. Pano mo nalaman?" Nakangiwing sambit ni Sienna. Ilang beses na kasi napagsabihan ni Zamiel na wag umakyat ng puno. Pero dahil tagbunga ay gusto niyang manguha ng mangga saka gusto din nitong umakyat ng mga puno.

"I've memorized the directions of our Hacienda. Kaya alam ko kung saan ka patungo."

"Nakakamiss lang kasing umakyat." Sienna said as she pouted. Sa tuwing nagbabalak kasi siyang umakyat ay pinagsasabihan siya ni Zamiel na hindi ginagawa ng mga dalaga ang umakyat ng puno. At dahil nga nagfefeeling dalaga si Sienna ay sinunod niya naman ito.

"Dyan ka lang. Kukuha lang ako ng manggang hilaw." Bago pa ito makaalis ay hinila na siya pabalik ni Zamiel.

"Sienna.." Pagbabanta ni Zamiel. Magkasalubong na ang kilay nito halatang naiinis. Sienna pursed her lips. Tinatawag lamang siya ni Zamiel sa pangalan niya kapag seryoso na ito, tulad na lamang ngayon.

"Dalaga man o hindi gusto ko umakyat."

Napabuntong hininga na lamang si Zamiel. "It's not about that."

"Eh ano pala?"

"Paqno kung may maling sanga kang natapakan? Paano kunt mahulog ka?" Napatingin na lamang si Sienna sa mukha nito. Hindi niya alam pero mas gumwapo sa mga oras na 'yon ang binatang nasa harapan niya.

"Do you know what I hate the most for being blind?"

Umiling si Sienna, ngunit nang maalala niya na hindi nakakakita ang kausap niya ay nagsalita na lamang siya. ".....Hindi."

"The fact that I can't be there to save you when you need me."

Napatahimik na lamang siya dahil sa sinabi nito. Hindi niya alam pero napangiti na lamang siya sa sinabi ni Zamiel.

"Ang OA mo." Natatawang sambit niya pero sa totoo lang pakiramdam niya ay gusto niya nang mangisay sa saya.

"Let's just go to our place. Nagpahanda ako kina manang ng mga pagkain doon." Sumunod naman si Sienna sa sinabi ni Zamiel at iginaya ito sa kanilang tree house.

Ang sinasabing nilang tree house ay parang maliit na kubo sa puno. Pero dahil mahihirapan umakyat si Zamiel kung sa taas talaga ilagay ang bahay bahayan ay ipinagawa nila ito katabi lamang ng puno.

Sienna even asked that time. "Then hindi na tree house 'yong tawag diyan?"

And Zamiel replied, "Its still a tree house, because it needs a tree to support it." Kaya simula noon ay tree house na tawag nila.

Maliit laman ito. Hindi nga ito matatawag na bahay dahil parang kubo lang din. Ngunit mula sa labas ay hindi makikita ang loob dahil may mga telang nakasabit.

"Ah! Hindi mo naman sinabing may grapes!" Gulat na sambit ni Sienna habang nakatingin sa iba't ibang bowl ng mga prutas at pagkain. There were also a slice of cake, chocolate, grapes and even strawberry. Isa sa mga rason kung gustong-gusto ni Sienna kina Zamiel ay dahil madaming pagkain.

They spent the whole morning there until it was afternoon.

"Wait!" Napatayo na lamang si Sienna nang may matandaan.

"Punta tayo sa school namin!" She offered. Since paminsan minsan ay nagtatanong si Zamiel tungkol sa paaralan niya ay napag isipan niyang maglilibot libot.

"I think that's not a good idea."

"Well I think it's a good idea!" Masayang sambit ni Sienna at mahinang hinila patayo si Zamiel at lumabas sa munting tree house nila.

"We're not allowed to go out." Napabuntong hininga na lamang si Sienna.

"Zamiel you need to loosen up! Saka nandito naman ako!" Hindi alam ni Zamiel kung ano ang sasabihin. Dahil sa totoo lang ay natatakot siyang may masamang mangyari.

Minsan lang kasi silang lumalabas magkasama. Ngunit dahil ayaw niya naman biguin ang dalaga ay sumunod siya.

"Pahatid na lang tayo. I'll just talk to our driver. " He suggested. Napanguso na lamang si Sienna. Ang gusto niya kasi ay maglakad lakad dahil busog pa ito mula sa pagkain kanina, pero sumang-ayon na din siya.

Tulad nga ng sinabi ni Zamiel ay kinausap niya ito at patagong hinatid sila ng driver dahil bawal nga silang lumabas.

"Manong balik lang po kami maya-maya." Pagpapaalam ni Sienna at hinayaan naman sila nito. Dahil sabado ay walang klase ngunit may mga guro pa naman na bumabalik kaya ay bukas ang gate ng school nila.

"You're sure about this?" Zamiel ask as he felt the unfamiliar surrounding.

"Of course. Just trust me!" At tulad nga ng sinabi ni Sienna ay pinagkatiwala ni Zamiel ang kaniyang sarili sa dalaga.

Naglibot-libot sila sa loob ng campus. Although hindi siya nakakakita, ay naglalarawan na lamang siya sa kaniyang diwa.

"We tend to eat here every lunch. Aside from the cafeteria ay may mga table din dito, tapos napaka maaliwalas, hindi mainit dahil may mga puno naman. Kaya pinipili na lang namin na dito kumain dahil sa harap lang din naman ng room namin." Kwento ni Sienna. Zamiel couldn't help but imagine it. At hindi niya maiwasang mapangiti.

They toured around the school non stop. Hanggang sa unti-unti nang dumilim ang kalangitan.

"We should go back. Gumagabi na." Zamiel suggested as he felt the air turn cold.

Tumango naman si Sienna at iginaya si Zamiel palabas ng campus nila. Nang nasa kalagitnaan sila sa pagtawid ng kalsada ay bigla na lamang may mabilis na motor na dumaan. Dahil sa madilim na ay hindi agad ito napansin ni Sienna. Ngunit bago pa siya nito masagasaan ay mabilis siyang napaatras at malakas na hinila si Zamiel. Dahil sa malakas na paghila niya at nagbangaan silang dalawa at natumba sa kalsada.

"Shit." Zamiel cursed when he realized what just happened.

Mabilis na bumangon siya mula sa pagkakatumba nila. Mabuti na nga lang at hindi siya bumitaw sa pagkakahawak ni Sienna.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya. Mahinang natawa na lamang si Sienna nang makita ang nag-aalalang mukha nito.

"Ayos lang ako." Zamiel sighed. Pero nangunot ulit ang noo nito nang may maamoy na dugo. Dahil sa bulag siya ay mas malakas ang ibang senses niya.

"Nasugatan ka ba?" Doon lamang napansin ni Sienna ang hapdi sa kaniyang tuhod at tulad nga ng sinabi ni Zamiel ay may sugat siya. Napangiwi siya sa hapdi nito.

"Hindi naman masyadong malaki..." Mahinang sambit niya. This time ay si Zamiel naman ang humila sa kaniya patayo at inalalayan siya.

"Can you walk?" He asked dahil hindi niya alam kung saan ang sugat nito.

"Hmm.."

"Just guide me the direction of where the car was parked." At tulad ng sinabi ni Zamiel ay si Sienna ang nagbigay ng direksiyon papunta sa kotse.

Because of what happened ay hindi na muling lumalabas ang dalawa pag walang mga katulong na kasama dahil sa takot ni Zamiel na muling mangyari ito.