webnovel

Erzeclein Duology (Tagalog)

LiamWolfe18 · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
27 Chs

Ikalabing-limang Kabanata

Mga Nakatagong Uri ng Teknolohiya

Ikalabing limang Kabanata

Becca's POV

Nang makita ko si Lyneth, nagpanic ako kaagad. Iba't ibang sitwasyon ang pumasok sa utak ko. Pabigat ng pabigat ang pakiramdam ko. Tumakbo kaming magkahawak ni Jack upang hanapin kung nasaan si Jerome.

Ano na ang susunod na mangyayari? Malapit na niyang makumpleto ang class picture? Ibig bang sabihin nito ay maibabalik na niya ang namatay niyang anak? Nabagabag na ang aking damdamin at pag-iisip. Halo-halong emosyon ang namuo saakin.

Sa sobrang lalim ng aking pag-iisip ay natisod ako sa isang malambot at makapal na bagay na para bang katawan ng isang tao. Nang tignan ko ito mula baba hanggang taas, napasigaw ako. Oh my god, patay na si Jerome!

Napatili ako. Sigaw na may halong iyak at takot. Bakit kasi kailangan pang mangyari pa ito saamin? Sana pala hindi ko na nakita ang picture na 'yon. Napatakbo na ako. Naiwan si Jack habang pinagmamasdan niya ako tumakbo papalayo. Kung mamamatay ako, ako lang. Huwag na sana silang madamay.

Patuloy lamang ang pagtapak ko sa bawat yapak. Kasabay ng paglagapak ng pawis ko ay ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Magkahalong takot at lungkot ang namumuo rito. Napadpad ako sa male faculty section ng school. Doon ako nakarinig ng iba't ibang boses na nakakatakot kung pakikinggan.

Bumukas ang isang kwarto. Iniangat ko ang aking mga kamay, at gumamit ng enchantment na makakapagpakita ng mga kaganapan dito sa nakaraan. Ikinumpas ko ang mga kamay ko ng sampung beses, at muli akong bumalik sa taong 2033.

Nakita ko ang imahe ni Mr. Solomon habang hawak ang pisngi ng isang estudyante. Napatakip ako ng bibig para pigilan ang sarili ko sa pagsigaw. Rinig kong pinaghahampas siya nito ng isang maiksing tali na para bang latigo, nakakalapnos ng balat. Kahit hindi ako ang natatamaan ay nararanasan ko ang ginagawa sakanya.

Napaluha ako. Ano ba ang lahat ng ito. Bakit ko ba kailangang danasin ang lahat ng ito? Narinig kong may kumalabog, at nakita ang upuan ng estudyante na naka-tumba. Sa gilid no'n ay may nakadikit na mga papel. Marahan kong binasa ang bawat letra.

"Hindi po ako ang kumuha." ang nakasulat. Nagulat na lang ako nang makita ang mukhang bukas ang mga nanlilisik na mata, na wala ng buhay. Napaiyak ako. Napatingin ang propesor sa direksyon kung saan ako nagtatago. Mabilis naman akong nakatakip sa likod ng pinto. Lumapit ang lalaki sa harapan ko.

"quién está ahí!" sigaw niya. Nanatili akong tahimik upang hindi niya ako makita. Naintindihan ko ang binanggit niyang spanish word. Ibig sabihin nito'y "Sinong nandyan!"

Napatingin siya sa direksyon ko atsaka mabilis na binuksan ang likuran ng pinto. Pagkakita ko sakanya ay bigla na lamang siyang naglaho na para bang parte lamang siya ng isang memorya.

Ikinabigla ko iyon. Isa lamang pala iyong memorya. Marahil 'yon si Lyza Mitchell. Pinasok ko ang kwarto at hindi ko na muli pang nakita ang estudyante at ang propesor. Sa gitna no'n ay para bang may naiwan na isang sulat at kasama ang isang larawan.

Kung sino man ang makakabasa ng sulat na ito, maaari niyo kaming matulungan. Ako si Lyza, isang biktima ng pangaabuso ng isang propesor at inakusahang magnanakaw. May iba pa akong kasamahan. Ngunit hindi nila ito magawa dahil baka makita sila ni Mr. Solomon at parusahin sila. Ang gagawin ko ay, isasakripisyo ko ang buhay ko para lang mailigtas ang mga kaibigan ko.

May ikwekwento ako. Hindi naman ganyan noon ang ugali ni Mr. Solomon. Siguro'y nagumpisa iyon nang mamatayan siya ng anak at iwan ng asawa. Wala siyang nagawa sa namatay niyang anak at ayaw niyang tanggapin na wala na ito. Kaya ang bali-balita, umanib daw ito sa pwersa ng demonyo. Ginawa niya ang lahat upang mabuhay ang anak niya.

Sumunod siya sa lahat ng inuutos ng demonyo. Pumapatay ng estudyante upang magsilbeng alay para sa-

"Para saan?" tanong ko sa sarili ko. Pinunasan ko ang mukha ko sa mga luha atsaka tinignan kung may kasunod ba itong pahina dahil putol. Napag-alaman kong may kasunod pa ito.

Tumingin ako sa buong kwarto at iisa lang ang nakita ko. Ang isang lumang salamin na may sulat sa harap, at sa amoy nito, dugo ang ginamit na pangsulat. "HUWAG KANG MAGTATANGKANG PUMASOK SA MGA KWARTO KUNG HINDI AY MAMAMATAY KAYONG LAHAT!!" Hindi ako nakagalaw sa pwesto ko. Pinapatay ako ng kuryosidad ko. Ano ba talaga ang meron sa bawat kwarto ng faculty room na ito?

Ano ba talaga ang misteryo sa pagkawala ng apat na estudyante 10 years ago? What are behind these doors? Ano ba ang bagay na sinasabi niyang ninakaw nila na sobra yatang halaga para sakanya?

I need to feed my curiosity.

Even if I die, I must know the truth. Baka ito na ang kasagutan upang tantanan na kami at mapakawalan na ang mga kaibigan ko. Iniwan ko na ang kwarto. Dala-dala ko parin ang lumang papel na may sulat ni Lyza. Sana'y mamahinga ka na ng mapayapa. Sana natulungan ko kayo, pero alam kong may magagawa pa ako.

Pagkatapos ko 'yong naisip, para bang may dumaan at tumagos mula sa aking katawan na malamig na hangin at hinahatak ako papunta sa kabilang kwarto. Ano na naman ba ang nandito?

Papasok na ako nang magulat ako sa pagbagsak ng pinto, na halos dadampi na sa mukha ko ngunit hindi natuloy dahil medyo naramdaman ko ang mangyayari at napaatras ako. Pakiramdam ko, nawala lahat ng takot ko. Kahit mamatay ako ngayon, ayos lang. Basta manatiling buhay ang mga kaibigan ko.

Mula sa pintuan, nakinig ako kung ano man ang nasa loob.

"Ikaw na lapastangan, at malaking bibig na bata ka! Ano ang mga pinagsasabi mo kay Madame councelor? Gusto mo bang masesante ako!? Ha!? Hali ka dito!" dinig kong sigaw ng malakas na boses. Bumukas ang pinto atsaka naman ako napatabi sa gilid. Naramdaman ng propesor ang presensya ko, at tumigil siya bigla at linibot ang tingin na para bang alam niyang andito ako.

Napatikom ako ng bibig. Aksidente akong napatingin sa kinakaladkad ng propesor. Nakilala ko 'yon ng dahil sa itsura at paraan ng pananamit nito.

Si Marky.

Ang mga mata nito, nalunod na sa sobrang dami na ng luhang inilabas. At nakatakip ang bibig niya ng scotch tape na nagpatahimik sakanya. Tumingin siya sa akin na para bang humihingi ng tulong. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya sinundan ko nalang sila sa paglalakad.

Patuloy lang ako sa paglalakad, sabay sunod sa bawat yapak ng guro. At narating namin ang banyong para sa mga lalaking guro. Pumasok silang dalawa doon. Mabilis na tinanggal ng guro ang scotch tape sa bibig niya at naramdaman ko ang sakit na dinanas niya dahil dito. Nakatingin parin siya saakin, hindi pinapahalata sa propesor niya.

Nakaabang doon ay isang upuan, at nakataling lubid sa kisame. Balak ba ng propesor na 'to na... "Umakyat ka!" utos nito sa kalunos-lunos na inosenteng kamukha ni Markie. Napailing ito, dahil para bang inuutusan niyang magpakamatay ito.

"Hindi ka aayak o ihahampas ko nalang 'yang mukha mo sa inodoro para tuluyan ng mabasag ang pangit mong mukha! Ano ha!?" Tumulo ang mga mapapait na luha sa pisngi niya. Pumikit ito at marahan na umakyat sa upuan at iniabot ang lubid.

"Jusko. Patawarin niyo po ako. Hindi ko po ito sinasadya." Ibinigay niya saakin ang huling sulyap, atsaka na kumapit sa tale. Ipinatong niya ang baba niya sa itaas ng lubid atsaka naman walang pasintabeng hinila ng propesor ang upuan.

Aksidente akong napahawak sa aking bibig matapos masaksihan ang nangyari. Ayoko na. Bakit ba naranasan nila ang ganitong uri ng propesor? Napakademonyo. Sana hindi nalang siya nabuhay sa mundo, kung papatay lang ng ibang tao. Napaluha muli ako, habang pinagmamasdan ang tumatawang propesor at ang lumulutang na katawan ni Markie.

May kakaiba itong tingin. Ang mga matang may nais na ipahiwatig saakin. Sinundan ko ang direksyon ng mga mata niya. Katuwid no'n ay isang maliit na cabinet sa itaas ng lababo. Lumapit ako atsaka iyon binuksan.

Nakita ko sa loob no'n ang isang piraso ng papel.

-para sa kanyang anak na gustong- gusto niyang mabuhay muli. Nang magtagumpay siya, nabuhay muli ang anak niya, ngunit, sa hindi inaasahan ay namatay ito nang dahil sa isang aksidente. Kaya kailangan niya na namang maghanap ng bagong biktima.

Ako si Mark. Kung nabasa mo ito, mag-ingat kana. Ayaw kong maranasan mo ang naranasan namin ni Lyza. Isa lang ang paraan upang maputol ang sumpa. Iyon ang-

Hindi ko naituloy ang binabasa ko dahil punit ito sa dulo. At sa likod no'n ay ang date kung kailan iyon nangyari. Nasaan ang katuglong? Ilang saglit lamang ay narinig kong tumunog ang cellphone ni Liza. Oh, jusko! May signal na! Binuksan ko ito atsaka sinubukang magmessage nang may matanggap akong mensahe mula sa isang hindi pamilyar na number.

"Magkita tayo, sa garden kung saan, ikaw at ako lang ang nakakaalam." Nagtaka ako sa nakasulat sa text na natanggap ko. Aling garden ba ang tinutukoy niya?

Naaalala ko na.

Ang Dandelion Garden.

--**--

Patuloy lamang ako sa paglalakad. Dinala ako ng aking mga mata sa Dandelion Garden. Ang lugar na prinotektahan ko upang wala ng masira pang mga halaman dito. Ang lugar na napaka-espesyal para saakin dahil dito ko nakilala ang mga importanteng tao sa buhay ko.

Nang makalapit ako, nakita kong kuminang ang shield na nilikha ko. Nakikita ko ang loob nito. Wala namang taong nandidito, ha? Sino ba ang nagpadala ng mensaheng ito? Napabuntong-hininga ako. Unti-unting bumigat ang pakiramdam ko. Nang makapasok ang buong katawan ko sa shield, napagmasdan ko ang paraiso.

Dumami ang mga Dandelion. Madami 'ding bunga ng mansanas ang nangahulog sa lupa na nagmula sa punong katabi ng mga bulaklak. Nakita kong sumapit ang liwanag. Sa sobrang liwanag nito ay napatakip ako ng mata. Unti-unting nalusaw ang papel na hawak ko. Bumabalik na ako sa oras.

Lumitaw sa harap ko ang sampung kaluluwa. Lahat sila'y nakatingin saakin. Pinagmasdan ko sila isa-isa. "Lyza, Marky, Lyneth, Becca, Krisher, Kairish, Liza, Markie, Nathaniel... at Jerome. So totoo ngang patay ka na?" Hindi ko inaasahan ay pumatak muli ang mga luha ko. Lumapit saakin ang liwanag ni Jerome.

"Huwag kang iiyak, Becca. Ayos lang ako. Kailangan mo lang kaming tulungan." bigkas niya. Lumapit siya saakin at sinubukang punasan ang mga luha sa pisngi ko ngunit tumagos lang ang kanyang kamay sa ulo ko. "I miss you, Kairish, Krisher." Naglakad sila patungo saakin atsaka ako yinakap.

"I miss you too, Becca." Magkasabay nilang bigkas. Napaharap sila sa isa't isa. "Wala ka paring pinagbago, Becca. Maganda ka parin." sabi ni Kairish. Bahagyang akong natawa sa mga sinabi nila. "Ikaw naman. Mambobola pa, eh."

"What is this? A reunion of friends?" Narinig kong sabi ni Liza. Napaharap ako sakanya. "Liza... Ikaw ba talaga ang pumatay kay Nath?" "Tama! Naalala ko na. Ikaw ang dahilan ng pagkamatay ko!" sigaw ni Nathaniel.

"Ako!? Eh, antagal ko na ngang nakakulong dito sa lugar na ito. Siguro kaya hindi makadecide si Papa G, kase maldita ako sometimes mabait." pabirong bigkas niya. "May dahilan kung bakit hindi tayo makalabas dito." bigkas ni Lyza.

"Ayy, wow. Beshy! Bet ko 'yang hairlalu mo! Curlish!" sabi ni Markie kay Marky. Nag-apiran naman sila. "Ikaw 'den, kumars! Bagay sayo 'yang outfit mo." bigkas naman ni Marky. "Tama na nga muna 'yang daldalan niyo." panunumbat ni Lyneth.

"Becca-" "Ba't mo tinatawag ang sarili mo?" "Nathaniel!" bigkas naming lahat. Natahimik siya. "Ms. Natividad, kailangan mong alamin kung ano ang ginagawa niya, para tuluyang makalaya ang kaluluwa ni Erzeclein, at maging kame."

"Erzeclein?" tanong ko. Natanggap ko ang kanilang pag-sangayon. "Hawiin mo ang mga dahong nagtakip ng lugar na iyon. Dahil hindi kami makalabas dito sa proteksyong ginawa mo, hindi namin matuklusan kung ano nga bang ginagawa niya."

"Ginagawa nino?" "See for yourself." bigkas ni Jerome at sinamahan ako sa paglalakad patungo sa lugar na natatakpan ng maraming dahon. Nang hawiin ko ito, natagpuan ko ang isang laboratoryo. "Ito na ba ang nakatagong..." Natigilan ako nang mapagtantong wala na silang lahat. Hindi manlang ako nakapagpaalam sa mga kaibigan ko. Naramdaman ko ang lungkot.

Pero kailangan kong sundin ang sinasabi nila. Kailangan kong malaman kung sino at ano ang tinatago niya sa loob ng sikretong laboratoryo na ito. Basa ang lupa at unti-unti akong lumubog. Hindi ko magalaw ang mga paa ko. "Becca!" dinig kong sigaw ng kung sino. Malapit ng lumubog ang ulo ko.

Itinaas ko ang mga kamay ko, ngunit naramdaman kong may humila saakin. Napakalamig ng kamay nito. Unti-unti ay iniangat niya ako. Nakaahon ako mula sa putik. Puno ng lupa ang damit na suot-suot ko. "Jack!" bigkas ko. Napayakap ako sakanya. Hindi ko na inalala kung malalagyan siya ng putik.

"Ano bang ginagawa mo dito?" tanong niya saakin. "Wala. Kailangan mo ng umalis dito, bago ka saktan ng mga halaman dito. Naglagay ako ng enchantments." paalala ko sakanya. "Huwag kang mag-" natigilan siya nang may manghampas sakanya.

"Ang puno ng mansanas. Kung hindi ka pa aalis, hahatakin ka niyan papasok. Bilisan mo!" bigkas ko at pilit siyang kumawala sa mahigpit na kapit sakanya ng puno. Nakawala siya at mabilis siyang tumakbo. "Babalikan kita, Becca. Pangako. Hihingi lamang ako ng tulong mula sa mga kasama natin." Dinig kong sigaw niya bago tuluyang makalabas sa hangganan ng shield.

Muli kong tinignan ang lupa. May paraan upang makatawid dito, panigurado ko. Tumingin ako sa paligid. Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin. Ilang saglit pa, may tumalon na hayop sa aking gilid. Naglakad ito papalapit sa isang bato at ikinaskas ang kanyang paa dito na para bang may ipinapahiwatig.

"Meow." Ang tanging tunog na lumabas sakanya. "Kitty!" sigaw ko at lumapit sa pusa. Hindi ko inaasahan ang pagbabago niya. Napakalusog na niya ngayon! Siya ang pusang natagpuan ko sa banyo ng university na tinangka nilang patayin. "Dapat lang na bigyan kita ng pangalan. Ang tawag ko sa'yo ay Betty, ayos ba 'yon?" tanong ko kahit alam kong hindi naman siya sasagot.

Nakita ko siyang ngumiti saakin pero parang may gusto siyang sabihin. Kanina niya pa ikinakaskas ang kanyang mga paa sa batong iyon. Anong meron sa bato na 'yon? Nang lapitan ko ang bato, sa likuran nito ay may maliit na switch sa tabi no'n ay may lever. Sa kuryosidad ko kung para saan iyon, pinindot ko iyon at laking gulat ko nang lumutang ang isang platform sa mud water.

"Salamat, Betty!" bigkas ko sa tuwa atsaka na umakyat sa platform. Nang makaakyat ako, hindi ko inaasahang itinulak ni Betty ang lever ay sumulong ito papunta sa secret laboratory. Nang makarating ito sa dulo, tumigil ito. Tumuntong na ako sa harap ng pintuan ng laboratory. Nang buksan ko ang mga ito, isang mahabang hagdan ang unang bumungad saakin.

Humakbang ako pababa ng hagdan at unti-unti ay nakita ko ang liwanag. Unang tumambad saakin ang isang malaking kahon ng transparent glass, kung saan nakahiga ang isang tao. Sa likuran nito ay kapansin-pansin 'din ang hindi pamilyar na uri ng teknolohiya. Sa tabi ng salamin ay isang layout. Nakasulat dito ang...

Cloning Machines at operation!