webnovel

Erzeclein Duology (Tagalog)

LiamWolfe18 · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
27 Chs

Ikaanim na Kabanata

Sa Harap ng Siga

Ikaanim Na Kabanata

FLASHBACK

Ikalabing-Pitong Araw

"Oh, anong dala mo ngayon?" tanong ni Ms. Vara sakanya. Napa-singhal lamang si Becca atsaka umupo sa sofa. "Na-memorya mo na ba ang lahat ng enchantments? Dahil ngayon na natin gagamitin ang mga iyan." Nanlaki ang mga mata ni Becca sa narinig.

"Po? Ngayon na po talaga? Pwedeng bukas nalang po?" saad ni Becca na mukha ding pagod na pagod galing ng eskwela. "Hindi mo naman gagamitin ang buong katawan mo sa pag-eensayo ngayong araw. Kamay lamang at bibig ang iyong gagamitin." sagot naman ni Ms. Vara. Napabuntong-hininga si Becca.

"Rule No. 6? Ugaliing-" "Wag magsayang ng oras." Tuglong ni Becca. Napangiti sakanya si Ms. Vara. "Ngayon, sumunod kana saakin at magtutungo na tayo sa training area mo. Ayoko ng mabagal, Becca." Naglakad na papalabas si Ms. Vara at mabilis namang sumunod sakanya si Becca kahit na hindi siya gaanong kamotibado ngayong araw dahil nga siya'y pagod.

Habang naglalakad, hindi mapigilan ni Ms. Vara na makuha ang atensyon niya dahil mukha talagang walang gana si Becca ngayong araw. Nang marating nila ang lugar, hindi niya namamalayan na tumigil na pala si Ms. Vara kaya nauntog siya sa likod nito. "Sorry po, Ms. Vara." bigkas ni Becca. "Ano ang enchantment para mapaalis lahat ng elemento?" tanong bigla ni Ms. Vara.

"Protégé esta área de los elementos." sagot ni Becca ng walang gana. "Enchantment para maging maliwanag ang isang lugar." "Alegrar este lugar." halos ma-impress si Ms. Vara at napakagaling sumagot ni Becca. "Panghuling tanong." Matiim na tinignan siya ni Ms. Vara. Wala paring buhay ang expression ni Becca at para bang wala siyang nalalaman sa mga nangyayari. "Ano ang enchantment para sa proteksyon ng isang lugar?"

"Proteger esta area." Nanlaki ang mga mata ni Becca. "Magaling. Nasagot mo ang lahat ng aking katanungan." papuri ni Ms. Vara. "Paanong... Hindi ko nga po magawang mamemorize kagabi." mabagal na bigkas ni Becca. Muli ay napangiti niya si Ms. Vara.

"Ngayon, itaas mo ang iyong kamay." utos ni Ms. Vara. Kaagad na sinunod ni Becca ang sinabi ni Ms. Vara. "Ipikit mo ang iyong mga mata at malalim na huminga." sunod na bigkas ni Ms. Vara. Ginawa ito ni Becca. "Ibigkas mo ang enchantment upang maproteksiyonan ang lugar na ito."

"Proteger esta area." Isang mahiwagang shield ang nabuo sa area na iyon. Tinakpan nito ang lupang tinatapakan ni Becca, kabilang ang mga puno't halaman. "Ngayon, handa ka na. Sana'y may natutunan ka mula saakin." ani ni Ms. Vara. Nakaramdam ng saya si Becca. Tumitibok ng napakalakas ang kanyang puso.

"Magpapahinga na ako sa loob. Kung gusto mo pang manatili para uminom ng tsaa, nasa sa iyo." tuglong pa niya. Naglalakad na si Ms. Vara papalayo nang tawagin ni Becca ang kanyang pangalan. Napalingon ito. "Ms. Vara... ang mukha niyo po." Napansin ni Becca ang unti-unting pagbabalik ng dating itsura ni Ms. Vara.

Lumapit si Ms. Vara kay Becca atsaka hinawakan ang kanyang mga kamay. "Hija, makinig kang mabuti." Daretso ang tingin ni Becca kay Ms. Vara. "Walang permanente sa mundo. Lahat tayo'y babalik sa dati nating anyo. Lahat tayo'y mangungulubot at magiging ugod-ugod. Sa sitwasyon mo, napakabata mo pa. Lagi mong iisipin ang nararapat at mabuti. Huwag kang maging padalos-dalos sa lahat ng iyong desisyon." Matapos marinig iyon ni Becca ay naiyak na lamang siya bigla.

"Hindi dito nagtatapos ang lahat, Becca. Lagi mong tatandaan na sa tuwing may aalis, may dadating. At sa puntong mapadpad ka sa madilim at malagim na sitwasyon, huwag kang papatinag. Maging matatag ka sa lahat ng oras." Tuglong ni Ms. Vara habang pinupunasan ang mga luha ni Becca. Naintindihan ni Becca ang ibig sabihin ni Ms. Vara. Sadyang marami siyang natutunan sa matanda.

"M-May huli po a-akong katanungan." sabi ni Becca habang inililihis ang buhok at pinunasan ang basa niyang mukha. "Tulungan niyo po akong gawin iyon. Ang gamot na ibinigay niyo po kay Keisha." Pagmamakaawa ni Becca. "Para saan ang iyong mga intensyon?" tanong sakanya ni Ms. Vara.

"Ayoko na pong mawalan uli ng mahal sa buhay. Gusto ko pong makatulong sa abot ng aking makakaya." Determinasyon ang nanaig sa mga mata ni Becca. Hindi padin mapigilan ni Ms. Vara na mamangha sa bata. "Kung gayon, hanapin mo ang isang kulay rosas na kabute na matatagpuan sa dulo ng lupang ito. Pagkatapos ay bumalik ka sa loob ng bahay." Tumango lang si Becca.

Matapos ay tinapik ni Ms. Vara ang kanyang balikat at naglakad na papalayo, habang ang siya naman ay nag-umpisa ng hanapin ang kabuteng tinutukoy ng matanda. Tuwang-tuwa si Becca matapos niyang mahanap ito. Nagmadali siyang pumasok sa loob ng bahay ni Ms. Vara. Nadatnan niya itong naghihiwa ng sibuyas. "Dalian mo, Becca. Kumuha ka ng vial at saluhin ang mga luha ko." Mabilis na kumuha ng vial si Becca atsaka siya lumapit kay Becca. Sinalo niya ang mga luha ni Ms. Vara.

"Para saan po 'yang luha na pinalagay niyo sa vial?" tanong ni Becca. "Para 'yan sa tinatanong mo. Isa ang sinseridad sa mga sangkap upang mabuo ang gamot. Kabilang 'yang kabuteng dala mo." bigkas ni Ms. Vara habang inililigpit ang mga ginamit niyang kasangkapan. "Ngayon, magtungo na tayo sa aking kwarto." Nakasunod lamang si Becca sa mga yapak ni Ms. Vara.

Pagpasok ni Becca sa loob ng kwarto ni Ms. Vara, may kakaiba siyang amoy na nalanghap. Amoy matanda. Hindi niya alam kung isa itong pabango o sadyang gano'n lang amoy ng kwarto. Lumapit si Ms. Vara sa harap ng mesa. Doon ay nakita niya ang mga larawan ng isang dalaga kasama ang kanyang mga magulang. "Naulila ako noong labing-limang taong gulang palang ako. Ang sabi ng mga doktor, nagkaroon ng komplikasyon ang kanilang katawan. Pero hindi ako naniniwala. Gawa ito ng isang masamang espirito." malungkot na kwento nito. Tahimik lamang na nakinig si Becca.

Iniabot ni Ms. Vara ang isang papel kay Becca. "Lahat ng sangkap na 'yan ay kailangang haluin sa isang palayok. Lagi mong tatandaan na sa huli ilalagay ang rosas na kabute. Pagkatapos ay kailangang itago ng matagal sa isang lalagyan. Magiging mabisa lamang ito kung naitago ito ng isang taon." paalala ni Ms. Vara. Tumango lamang si Becca sa kanyang mga paalala.

Lumapit si Becca sa harap ng palayok at nakita ang iba pang sangkap sa tabi nito. Napansin 'din niya ang isang kulay dilaw na talulot. "Ano pong ginamit niyong bulaklak?" Inamoy pa ni Becca ang talulot. "Marami kayo niyan sa eskwelang pinapasukan mo. Napakagandang bulaklak, ang dandelion." matamis na bigkas ni Ms. Vara. Sumangayon lamang si Becca dito.

"Sana'y nakatulong ako sayo, hija. Gamitin mo ang lahat ng iyong natutunan sa tama." Hinarap ni Becca si Ms. Vara atsaka ito tinignan ng daretso sa mata na para bang sinasabing susundan niya ang lahat ng kanyang mga paalala. Ang lahat ng natutunan ni Becca ay gagamitin niya sa tama, iyon ang kanyang masisiguro. Ngunit sana, kapag nalaman nila ang tungkol dito, hindi nila abusuhin ang kanyang kakayahan.

END OF FLASHBACK

--**--

Becca's POV

Iniangat ko ang aking mga kamay at malalim na huminga upang mabigkas ko ng tama ang enchantment. Matapos ko itong banggatin, nabuo ang proteksyon sa buong paligid na aking kinatatayuan. Hindi ko na hahayaang sirain pa nila ang mga bagay dito. Tumalikod ako, at nakita ang nakahigang pusa na unti-unting tumayo. Pinagpagan nito ang kanyang katawan atsaka mabilis na naglakad paalis.

Lumusong ako palabas ng proteksyon, at doon ko lang napagtanto na may nakakita sa lahat ng ginawa ko. Nanlaki ang mga mata niya atsaka napahawak sa kanyang bibig. Mabilis ko siyang nilapitan. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. "Nakita mo ba ang lahat?" tanong ko sakanya. Marahan lamang siyang tumango. "Ipagkakalat mo ba sa iba?" tanong ko.

"Paano? Paanong nawala ang katawan mo at bigla ka na namang lumitaw? Anong ginawa mo? Tao ka ba o Alien?" sunod-sunod na tanong niya at halos mawalan siya ng hininga. "Huminga ka munang malalim, okay?" sabi ko sakanya. Nagthumbs-up lang siya saakin at sinunod ang aking sinabi. "Mahabang proseso bago ko natutunan ang lahat ng iyon. Ginawa ko iyon para maprotektahan ang bahaging ito ng eskwela. Napansin mo naman na pinasira ng head teacher ang mga dandelion, diba? Ayoko lang mawala ang natitirang kagandahan ng eskwelahang ito. Hindi ako alien o kung ano pa man." pagpapaliwanag ko. Maging ako'y halos maubusan ng hininga.

Hinintay ko siyang magsalita. "Hali ka na. Malapit ng gumabi. Ayokong maligaw tayo pabalik." aya ko sakanya bago pa siya magtanong ng iba pang mga bagay. Naglakad na ako papalayo at nakasunod lang siya saakin. Nakita ko ang kanyang mukha na puno parin ng pagtataka. Matapos ang ilang minutong paglalakad ay narating namin ang kampo. Ang mga tent ay naayos na. Kapansin-pansin 'din ang nagliliyab na siga sa gitna ng mga tent na nagbibigay ilaw sa paligid.

Isa-isang nagsilabasan ang mga tao upang umupo sa palibot ng apoy. "Becca! Kanina pa kita hinahanap! Saan ka ba pumunta?" salubong saakin ni Jerome. Napailing lang ako. "Naglibot lang ako..." palusot ko at unang nahagilap ng mata ko ang nakasunod saaking si Rinnah kaya nag-cling ako sa braso niya. "... Kasama si Rinnah! Oo, tama." tuglong ko. Actually, naglilibot talaga ako. Hindi ko lang inaasahan ma makikita ko iyon, at siguro nga'y nakatakdang pupunta ako doon para magligtas ng buhay.

"Woah. Ikaw pala si Rinnah. Kaibigan mo ba si Becca?" tanong niya. Napaharap ako kay Rinnah. "Sa tingin ko'y magkakasundo kami ni Becca. Kaya tinuturing ko na 'din siyang kaibigan!" bigkas naman ni Rinnah. Nakahinga ako ng maluwag. Tama ba ang narinig ko? Paano kung ipagkalat ni Rinnah ang tungkol sa nakita niya? Magpagkakatiwalaan nga ba siya? "Hali na kayo dito! Umupo na tayo, Becca, Rinnah."

Umupo ako sa tabi ni Jerome. Sa tabi ko naman si Rinnah. Ilang saglit ay may isang lalaking lumapit saamin. "Magandang gabi sainyo, Ako nga pala si Bang Ho, ang mag-aassist sa inyo sa kabuuan ng event. Ang unang event na ifi-film ng mga camera man ay ang pagpapakilala niyo sa bawat isa sa harap ng siga. Kaya maghanda kayo dahil sa susunod na minuto'y mag-uumpisa na tayo." sabi nito. Nagsaya ang iba naming kasamahan. Hindi ko na maalala ang mga pangalan nila. Pero maririnig ko naman uli ang mga iyon kaya hindi ko na kailangang problemahin pa iyon.

"Kayo ng bahala kung paano niyo ipapakilala ang mga sarili niyo. Maging natural lang kayo." muling bigkas ng lalaki kanina. Napagmasdan ko ang buong paligid. Nandito na kaming sampo. Nakita ko 'din ang paghahanda ng mga camera man at tinututok na ang mga camera sa amin. "Okay, so... Magumpisa na tayo." sabi ng lalaki. "Clockwise tayo, kaya mag-uumpisa tayo kay Ms. Beautiful. Are you ready?" Napangiti ang babae at napalihis ng kanyang buhok.

"One, two, three! Let's start." Inumpisahan na nila ang pagvi-video. Naglakad ang babae papalapit sa gitna, at medyo lumayo ng kaunti sa apoy. Tumikhim muna siya bago nagsalita. "Good evening. I'm Maria Lyneth Roque. I'm 15 years old. I love reading books, especially thriller or mystery genre books." panimula niya. "And by the way..." she trailed and fixed her eyes glasses. "I am Detective Conan's number one fan." pagtatapos niya. Nagpalakpakan sila at sumabay lang ako sakanila.

Bumalik na si Lyneth sakanyang upuan at sumunod na tumayo ang katabi niya lalake, or should I say babae, or both? "Hello, mga beshies! Ako nga pala si Mark Joseph Canasa, pero ngayong gabi hindi Mark o Joseph ang itatawag niyo saakin kung hindi Markie Josefina! At ako ang susunod sa yapak ni Catriona Gray. Ang chaka kase ng mga contestant ng Philippines sa Miss Universe kaya laging talo. Hindi pa marunong sumagot. Kaya kapag magkakaroon uli ng Miss Universe, support niyo lang ako, okay? Kaya kong gawin lahat, maglaba, magluto, at sumubo!"

Natawa silang lahat sa sinabi ni Markie. "Nang ano?" tanong ng isa saamin. "Nang saging, bakit ba? At kung kailangan niyo ng make up artist, just call me. At kung gipit kayo..." natigilan siya at tinuro ang lalaking nagtanong kanina. "Psst! Wampipti!" biro niya. Muli ay natawa kaming lahat sakanya. Pagkatapos no'n ay umupo na siya muli sa tabi ni Lyneth. Nakita ko siyang nakipag-apiran rito. Sunod na tumayo ang lalaking nagtanong kanina.

Nakangiti niya kaming hinarap. "Wassup mga kababayan, ako nga pala si Nathaniel Crisostomo. Basketball is still the best sport for me kahit matagal na itong hindi nilalaro! I am 14 pero handsome, cute, at gwapo! Alam ko, hindi niyo na kailangang ipamukha saakin." pabiro siyang binato ni Jerome ng papel. "Tama na 'yan, huyy! Puro kasinungalingan naririnig namin, oh!"

"Huwag kang maingay, bro. Pawang mga katotohanan lang ang binibigay kong impormasyon sainyo. And by the way, I'm single, but not ready to mingle!" bigkas niya. Nag-uhh ang iba naming kasama kabilang si Lyneth. Totoo naman ang mga binanggit niya. Gwapo siya, 'yun lang ay mahangin siya masyado. Kinindatan niya si Markie at nagiwan ng isang flying kiss. Halos matumba ngayon ito. Bago siya tuluyang umupo ay nakipag-apiran muna siya sa lalaking katabi niya at kay Jerome.

Nagtungo na ang lalaking katabi niya sa harap namin upang pakilala ang kanyang sarili. "Ako nga pala si Ismael Jackques Mendoza. You can call me Mael o Jack. Ayos lang 'yon saakin. Pareho kami ng motto ni Nath. Basketball is for life! I am 15, 'yun lang." bigkas niya at tanging si Nath at Jerome lang ang pumalakpak sakanya. Tulad ng ginawa ni Nath ay nakipag-apiran din siya dito at kay Jerome. Tumayo ang katabing babae ni Jack at sumunod na nagpakilala sa harap.

"Hi everyone. I'm Mikee Santillan. I love spending my time doing the things I do like manicuring and polishing my nails. I am 15, same age as Jack." sabi niya atsaka ngumiti kay Jack. Nakita ko itong ngumiti pabalik. Bumalik na siya sa kanyang inuupuan at nagpakilala naman ang susunod. Nakasalamin na naman ito. Tatlo saamin ay may suot-suot na salamin. Siguro'y panay ang paggamit ng gadget. Buti nalang at nadisiplina ako ng maayos ni Mama sa paggamit ng mga gadget, kaya malinaw pa ang aking mga mata.

"I'm Ashley Kim Montenegro. I'm sixteen. I love reading, but unlike Lyneth, I read educational books instead. My favorite subjects are english, science, and math. And I believe that you need to prove that ax² + bx + c is equal to zero. Just remember that negative plus positive, and since positive have greater value, obviously it is equal to positive. That's all." bigkas naman ng isang ito. Halos wala akong naintindihan sa mga pinagsasabi niya. Dumugo ang ilong ni Jerome at natawa kaming lahat dahil dito. Mabilis na pinunasan niya ito gamit ang tissue na iniabot sakanya ni Rinnah.

Tumayo na ang isang babae atsaka na nagpakilala. "Hi! I'm Melona Liza Romero. I prefer Liza than my first name. I hate math and science because they give me headaches. I am 16 years old, and I love cats!" bigkas niya atsaka na uli siya umupo sa pwesto niya.

Habang pinupunasan ni Jerome ang kanyang dumudugong ilong ay tumayo na siya at nagpakilala. "Good morning- I mean good evening everyone. I'm Jerome Manalastas, you can call me Jero or Rome. I am 15 years old and I live down the road. Mahina ako sa Math kaya dumugo ang ilong ko awhile ago." ang tanging binanggit niya atsaka na siya tumabi uli saakin. Natatawa pa 'din ang iba dahil sakanya. May nakasuksok kasing tissue sa ilong niya. Tumayo na ako upang ako naman ang magpakilala.

Sa pagtayo ko, doon ko lang napansin ang aming head teacher na mukhang kanina pa nanonood. Katabi niya si Mr. Bang at nakikipag-usap siya dito. Napatingin siya bigla sa direksiyon ko. "Uhm... Magandang gabi sainyo. Ako nga pala si Rebecca Natividad. You can call me Becca. Uhm... Mahilig ako sa pagbabasa. Uhm... Ano pa ba?" muli akong napatingin sa head teacher. Hindi ko mabigkas ng maayos ang pagpapakilala ko dahil kinakabahan ako. "I'm... uhm, 15 years old. 'Yun lang." sabi ko at mabilis na umupo sa tabi ni Jerome. Yinuko ko ng kaunti ang aking ulo, dahil naiilang ako sa titig ng head teacher.

Sunod na si Rinnah. "Konbanwa." bati niya atsaka yumuko. Yumuko 'din pabalik ang mga kasama ko. "I'm Rinnah. I am an otaku. I prefer eating in a soup bowl than in a plate. I can use chopsticks properly too. I am an hygienic person that's why I'm sensitive sometimes. Can I be your friend?" tanong niya. Sumagot sila ng 'Yes!'. Napaka-unique ng paraan niya ng pagpapakilala. Ang cute 'din ng boses niya nung binanggit niya 'yung mga japanese words. Nakangiti siyang nagtungo muli sa tabi ko.

Naglakad muli si Mr. Bang papalapit sa siga at mukhang may sasabihin. "Is that all? Wala na bang hindi nakakapagpakilala?" Umiling kaming lahat. "And now, let us all welcome, the Head Teacher and the person who made this event, Mr. Angelo Dimorsnol." Nagpalakpakan kaming lahat. Pumunta sa harapan namin si Mr. Dimorsnol. "Good evening. I have nothing much to say, I hope you enjoy this event. It is nice to see that you all look excited. At behind of the tents, there is a long table. For tonight, you will be having your dinner. The dishes were made by famous chefs. You can now have it." Nagsigawan silang lahat dahil makakain sila ng pagkaing hindi delata. 'Yun lang kasi ang inadvice saamin.

"Thank you, Mr. Dimorsnol." Sigaw ng mga kasama ko. Nagtungo na sila sa likuran ng mga tent. Nagliyab ang mga torch at iyon ang nagsilbing ilaw namin. Naiwan kaming tatlo nina Rinnah at Jerome. Nakangising umalis ang head teacher. "May problema ba, Becca?" tanong ni Jerome saakin. Umiling lang ako.

"Tara na! Bago pa tayo maubusan ng pagkain." aya ni Jerome. "Yeah, right." sang-ayon ni Rinnah. Hinila na ako ni Rinnah upang makatayo na kami pareho. Sumunod nalang ako sakanila atsaka na kami nagpunta sa likuran. Nadatnan naming nakahain ang lahat ng masasarap na pagkain sa mesa. Pero ako, wala akong ganang kumain. Kaupo ni Jerome ay kaagad siyang kumuha ng mga pagkain. "Ambaboy mong kumain, Jerome. Isa-isa lang, pwede?" paalala ko sakanya. Dala-dalawang drumstick kase ang hawak niya.

Napatingin ako kay Rinnah. Umiling lang siya saakin at sinasabing ayaw niyang kumain. Nagtungo nalang kami sa tent namin. May dala naman kaming pagkain. Mabuti nalang at nakapangalan sa isang tent ang Rinnah at Becca. Madali nalang kaming makikitungo sa isa't isa. Inilabas ni Rinnah ang kanyang pagkain mula sa kanyang bag. Naglabas 'din siya ng isang bowl, at tulad ng sabi niya kanina mukha ngang mas sanay siyang kumain doon.

Ako naman ay kinuha sa bag ko ang pinabaon saaking pagkain ni Mama. Sabay na kaming kumain ni Rinnah at napag-usapan 'din namin ang iilang bagay. Ilang minuto ang nakalipas at binulabog kami ni Jerome. May dala-dala siyang platong may pagkain. "Tikman niyo 'to, dali! Masarap!" sabi niya saamin. Inilapit niya saamin iyon at doon ko naamoy na isa iyong dessert. Kinuha ko ang iniabot niya saakin kutsara atsaka iyon isinubo.

Napangiti ako. Tulad ng sabi niya ay masarap nga iyon. Sunod na tinikman iyin ni Rinnah. "Hm?" tanong ko sakanya. Nagthumbs-up lang siya saakin. Nagslice uli siya no'n atsaka sinubo. "Sige! Mamaya nalang, hehe. Andaming masarap na pagkain sa labas!" bigkas ni Jerome atsaka naman siya mabilis na umalis. May kakaiba akong nalasahan pagkatapos ng ilang segundo, kaya tinigilan ko na ang pagkain.

"Gusto mo pa ba?" tanong saakin ni Rinnah. "Busog na ako." bigkas ko naman. Tatlumpong-minuto ang nakakalipas, inaya na ako ni Rinnah na matulog pero hindi pa ako inaantok. Ganu'n 'din si Jerome, ang sabi niya'y inaantok na siya kaya natulog na siya. Napatingin ako sa orasan ko at nakita ang oras. Alas-siete palang ng gabi. Bakit ang aga naman yata nilang inaantok.

Pinagmasdan ko ang mahimbing na tulog na ngayon si Rinnah. Hindi ko na siya maayang lumabas kaya ako nalang mag-isa. Inilibot ko ang aking tingin. Nakita ko ang mga camera man kanina na inililigpit ang kanilang mga gamit. Nandoon din si Mr. Bang na nagbibigay ng instruksiyon sa iba pa.

Ilang segundo ang lumipas at bigla na lamang akong nakaramdam ng antok. Pinipigilan ko ang pagbagsak ng mga talikop ng aking mga mata ngunit hindi ko magawa. Napaluhod ako sa lupang natatakpan ng mga tuyong dahon. Nagdilim ang paligid sa paningin ko. Unti-unting nawala ang liwanag ng apoy na nanggagaling sa siga.