webnovel

Erzeclein Duology (Tagalog)

LiamWolfe18 · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
27 Chs

Huling Kabanata

Paalam, Erzeclein

Huling Kabanata

Natuklasan ko ang iba't ibang rules sa paggamit ng mga cloning machines, pero saan nagmumula ang mga clones? Saan sila lumalabas? Ayon sa nabasa ko, mamamatay ang original kung pinatay ang cloning machine at nasa loob parin ito. Ang ibig bang sabihin nito, mamamatay si Mr. Erginald kung nasa loob siya ng machine at nagshut-down ito?

Another file is remained unsaved. Will you save the file? Click Yes or Open, or No.

Pinindot ko ang "Click" button gamit ang mouse atsaka naman bumukas ang panibagong file. Sa taas nito ay nakasulat ang "Zombie Remote" at ang pangalan ni Mr. Erginald. Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa kung saan sinasabi nito na 'Ang mga zombies ay hindi dapat mabasa' nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko.

Napalingon ako at nakita ang isang babaeng kasing tangkad ko. May mga features na magkakatulad kami. Pareho 'din kami nang suot na damit. Hindi kaya... "Hello there, original." bigkas niya. Halos malaglag ang mga mata ko nang masaksihan ang aking clone. Kamukhang-kamukha ako nito. "P-Paano..." Unti-unti akong nakaramdam ng pangangalambot. Na-iusog ko ang swivel chair at napaupo ako sa sahig. Ano bang nangyayari?

"There, there. You feel weak, aren't you?" bigkas niya. Nakita kong ipagkrus niya ang kanyang mga kamay. "I'm better than you, Becca. I am the more best version of yourself." bigkas nito. Akmang may kukunin ako sa shoulder bag ko nang magsalita muli siya. "Oops. Hindi mo ako madadaan sa mga vial mo. Alam ko 'din kung paano kontrahan at pigilan ang mga 'yan. Naramdaman ko ang pagsikip ng pakiramdam ko. Hindi ko alam kung anong gagawin.

"You will die, and don't worry. I'll replace you." saad niya. Tinignan ko siya ng masama habang dahan-dahang bumagsak ang katawan ko sa sahig. "P-Parang a-awa mo na, h-hayaan mo lang k-kaming umalis d-dito at hindi ka m-masasaktan." Narinig ko siyang humalakhak at tumingin sa paligid. "I only follow his orders. I'm sorry but you must day in order for me to live." sabi ng pekeng Becca saakin.

Lumapit siya saakin. Naramdaman kong itaas niya ang baba ko at marahas na ibinagsak ito. "I am you, now." Binuhat niya ang katawan ko. Napakalakas nga niya. Ano nang dapat kong gawin? Hindi ko magalaw ang aking katawan. Bumibigat lalo ang pakiramdam ko. Binuhat niya ako atsaka ako itinago sa likod ng mga sofa. Ang huli kong nakita ay ang puting kisame bago ako tuluyang mawalan ng malay.

--**--

Lyneth's POV

"Becca!" sigaw ko atsaka lumapit sakanya. Mahigpit ko siyang niyakap. Nakasunod lang sa likod ko sina Mikee at Rinnah. Nakita naming nagulat si Becca sa pagdating namin. "Nahanap mo ba kung saan ang lagusan?" tanong ni Mikee. Takang nakamasid lamang sa paligid si Becca.

"Isa lamang itong kwarto. Saan lumalabas ang mga clones ni Mr. Erginald?" tanong ni Rinnah. Humarap saamin si Becca. "Hali kayo. Mukhang alam ko na kung saan ang lagusan." bigkas ni Becca atsaka na naglakad papunta sa harap ng bookshelves. "Becca wala na tayong oras para magba-" Natigilan si Mikee nang hilain ni Becca ang kulay purple na libro at lumitaw ang isang daan.

"Woah. Ang galing! Paano mo..." "Nakita ko 'don sa computer. Ang bobo ni Mr. Erginald. Ginawa niyang obvious." bigkas ni Becca. Nakakapagtaka ang ugali niya. Bakit bigla na lamang siyang naging mainitin? Napatingin ako sa lagusan. Isang stairway ang pababa papunta sa isang lugar. Ano nga ba ang nasa loob nito?

"Becca, bakit pakiramdam ko..." sabi ni Rinnah. "Huwag kayong mag-alala, hangga't nandito ako, mamamatay kayo." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "Anong sabi mo, Becca?" tanong ko sakanya. "Maliligtas kayo." paglilinaw niya. Kakaiba talaga ang kinikilos niya. Sumunod na lamang sakanya at tinahak niya ang madilim na daan. Nakakapit saakin si Rinnah at maging siya'y hindi rin yata sigurado kung saan patungo ang daan na ito.

"Dalian niyo, kailangan nating mahanap ang mga clone machines." sabi ni Becca atsaka kami nagpatuloy sa paglalakad. Unti-unti ay nasilayan namin ang liwanag na nanggagaling sa isang kwarto. Nagmadali kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang bukana nito. "Ano ang mga nasa loob ng mga lalagyan na 'yan?" tanong ni Rinnah atsaka napatingin sa mga lalagyan. "Isa yang..." Mikee trailed.

"Ito siguro ang mga extinct animals na balak isabuhay ni Mr. Erginald." sabi ni Becca. "May ilang fossils den." Napahawak si Rinnah sa mga lalagyan. Laking gulat niya nang gumalaw ang isa sa mga ito. "A-Ano 'yon?" tanong niya sa takot.

"Becca?" tawag ko sakanya. Nasaan siya? Bumagsak ng napakalakas ang pintuan. Lahat kami'y tumakbo papalapit dito. "Becca, anong nangyayari? Buksan mo ang pinto." bigkas ko atsaka kinalabog ang pinto. "Mamatay kayong lahat d'yan. Paalam, Mikee, Lyneth, at Rinnah. Sana magustuhan kayo ng mga hayop d'yan." dinig naming bigkas ni Becca sa labas. Traydor ka, Becca. Ano bang ginagawa mo?

Napaupo kami sa harap ng pintuan. Nakita naming nabasag ang mga lalagyan kanina at isa-isang lumabas ang mga hayop na nakakulong dito.

--**--

"Nath, paano natin bubuksan ito?" tanong ni Jack kay Nathaniel. Pilit nilang binubukas ang pintuan ng laboratory. "Ang higpit nito. Hindi ko mabukas." sabi ni Jerome at pilit na binubukas ang pintuang gawa sa makapal na metal. Ang hitsura ng pangbukas ng pintuan ay mukhang steering wheel ngunit gawa sa purong bakal. "Tumabi kayo, hijo." sabi ni Ms. Dela Vara atsaka naman sumunod ang mga binata. Itinutok ni Ms. Dela Vara ang kanyang kamay sa pinto atsaka ito iniikot.

"Ngayon, buksan niyo na." sabi ni Ms. Dela Vara. Nagpresenta na si Jerome upang buksan ang pintuan. Hindi man siya kumuha ng pwersa para buksan ito kumpara noong una. "Paano niyo po nagawa 'yon, Ms. Dela Vara?" tanong ni Jack sa mas nakakatanda. Ngintian lang siya ni Ms. Dela Vara. "Mahabang pagsasanay, hijo. Pumasok na tayo bago pa may mangyaring masama kina Becca." sabi ni Ms. Dela Vara. Unang tumambad sakanila ang apat na katawan ni Mr. Erginald, mga clones.

"Nasaan kaya sina Becca?" alalang tanong ni Jerome. "Tignan natin sa kwarto na iyon." turo ni Nath atsaka nagtungo sa kwarto. Wala silang ibang nakita kundi isang kwartong walang tao. "Ano 'to?" takang tanong ni Jerome. "Baka isa lamang itong kwartong pahingaan ni Mr. Erginald. Maghanap pa tayo." sabi ni Jack atsaka na sila lumabas.

Nagtungo sila sa dulo ng library at doon ay nakita nila ang isang trap door. "Papasok ba tayo?" Tumango lang si Jerome at Nathaniel. Tumalon si Jack sa loob, sumunod naman ang dalawa pa. Inalalayan nila si Ms. Dela Vara sa pagbaba. Bumungad sakanila ang apat na pintuan. "Kailangang maghiwa-hiwalay tayo para mahanap sila. Isa-isa tayong papasok sa mga kwartong ito." sabi ni Jack.

Lumapit sila sa mga pintuan. "Paano? Nakakandado ang lahat ng ito?" tanong ni Nathaniel. "Basahin niyo ang panuto." sabi ni Ms. Dela Vara. Isang screen ang nakalagay sa bawat pintuan. "Mag-alay ng hibla ng buhok upang makapasok." basa ni Jerome. "Aba, para buhok lang? Ang hirap naman ng hinihiling ni Mr. Erginald." sarkastikong sabi ni Nathaniel. Isang box ang lumitaw sa harap ng pintuan kung saan nila ilalagay ang mga hibla. Bumunot ang bawat isa sakanila ng buhok atsaka iyon inilagay sa box. Pumasok muli ang box.

"Please wait. It'll take a few minutes." Naghintay sila ng ilang minuto hanggang sa... "Bro! Open na daw." sabi ni Jerome atsaka pinihit ang pinto. "Basta kahit anong mangyari, kailangang mailigtas natin ang mga mahal natin sa buhay. Maliwanag ba?" tanong ni Jack. Napangiti ang kanyang mga kaibigan. "Hindi natin alam kung ano ang nasa loob. Mag-iingat kayo." dagdag niya. Isa-isa silang pumasok sa loob ng pintuan at hindi nila alam ligtas bang pasukin ang mga pintuang iyon.

--**--

Papalapit na ang mga hayop kina Lyneth. Lahat ay handang lamunin ng buhay ang bawat isa sakanila. Napakapit sila sa isa't isa. Hindi nila alam ang gagawin. Tumayo si Lyneth at tinanggal ang kanyang belt. "Lyneth anong ginagawa-" "It's either we fight then die, or die without fighting back." Matapang na bigkas ng dalaga atsaka iniwagayway ang kanyang belt sa hangin. Isang ahas ang papalapit sakanila. Matapang na hinampas iyon ni Lyneth gamit ang kanyang belt.

Tinanggal 'din ni Rinnah ang kanyang belt at ginamit ito sa panghampas sa mga hayop. Hindi magawang makalapit ng ibang hayop sakanila dahil natatakot ang mga ito na masaktan. "Anong gagawin ko? Wala akong sandata?" tanong ni Mikee. "Magtago ka lang sa likod namin." Sabi ni Rinnah atsaka patuloy na tinakot ang mga hayop gamit ang kanyang belt.

--**--

Nagising si Becca at unang bumungad sakanya ang liwanag na nanggagaling sa ilaw. Tumayo siya upang gusutin ang kanyang mga mata. Inayos niya ang nagulo niyang buhok. Itinulak niya ang sofa kung saan siya itinago ng pekeng Becca kanina. Nagtungo siya papalabas ng pintuan. "Lyneth! Rinnah! Mikee! Nasaan kayo?" Wala siyang natanggap na sagot. Bumalik siya sa loob ng kwarto. "Sigurado ay nandito lang ang lagusan kung saan lumalabas ang mga clones ni Mr. Erginald." bulong ni Becca sa sarili niya.

Hinalughog niya ang buong kwarto upang hanapin ang posibleng daan. Tumingin siya sa ilalim ng mga mesa, sa loob ng mga kabinet, pero wala siya nakitang kahit anong switch na magbubuksan ng kung anong lagusan. Napansin niya ang bookshelves na nasa sulok ng kwarto. Tinanggal niya ang lahat ng libro hanggang sa mahila niya ang kulay purple na libro.

Umusog ang mga bookshelves atsaka naman lumitaw ang isang lagusan pababa. Kaagad ay tinahak ni Becca ang madilim na lugar. Isang liwanag na nagmumula sa dulo ng daan ang nakakuha sa atensyon ni Becca. Lakad-takbo ang ginawa niya upang marating ang dulo. Nasaksihan niya ang liwanag at pumasok sa loob ng kwarto.

Doon ay nakita niya ang mga cloning machines na itinago ni Mr. Erginald. Nakita niya 'ding nasa operasyon pa ang mga ito kaya nilapitan niya. Sa loob ng machine, nakita niya ang mukha ni Mr. Erginald. "Ikaw ang may kasalanan kung bakit nangyari ang lahat ng ito. Ikaw ang pulo't dulo. Ikaw ang may pakana ng lahat ng ito, kung bakit nahihirapan kaming lahat!" sigaw ni Becca. Naalala niya ang mga paalala sa paggamit ng mga cloning machines.

3. You must finish the process before turning off or the original will die inside the machine.

"Ito lang ang paraan upang hindi na maulit pa ang mga pangyayaring ito." Bulong ni Becca sakanyang. Patungo na siya sa operating machines nang may marinig siyang magsalita na nagpatigil sakanya. "Mas uunahin mo pa ang paghihiganti kesa sa iligtas ang mga kaibigan mo?" tanong ng isang pamilyar na boses. Napaharap si Becca sa nagsalita.

"Anong ginawa mo sakanila!" sigaw ng dalaga. Tinawanan lang siya ng babae. "Hindi ko naman sinasadya, eh. Nakulong ko sila sa isang kwartong puno ng mababangis na hayop? Paano na niyan?" sarkastikong tanong ng pekeng Becca. Kung aalis siya, hindi niya mapapatay si Erginald. Kung magsasayang siya ng oras, maaaring mamatay ang mga kaibigan niya. Ano ang dapat niyang gawin?

Akmang papalabas na siya ng pintuan pero hindi siya pinigilan ng pekeng Becca. "Aalis ka lang ba ng hindi natatanong kung saang kwarto sila nakulong? Sampung kwarto ang nandito, Becca. Ano, papasukin mo muna ang lahat ng iyon bago mo sila maligtas? Hala! Baka nakain na sila ng extinct na hippopotamus!" sabi ng pekeng Becca. "Sabihin mo saakin kung nasaan ang mga kaibigan ko." mariin na sabi ni Becca.

"Madali lang naman ang gusto mo." bigkas ng pekeng Becca. "Pero dapat papiliin muna kita kung sinong mas matimbang. Sina Jack? O sina Lyneth?" natigilan si Becca sa narinig. "Imposible. Hindi pa nakakapasok sina Jack dahil nilock ni Mr. Erginald ang pintuan ng laboratory!" sabi naman ni Becca.

"Well, I guess, ginamit nung matandang babae ang kapangyarihan niya upang mabuksan. Papasok na ngayon sila sa Room of Raef." Takang pinagmasdan siya ni Becca. "Matatagpuan ito sa ilalim ng trap door, sa labas ng kwartong pinasukan mo kanina. Ang sino mang ma-trap sa loob ng mga kwartong iyon ay masasaksihan nila ang kanilang mga kinatatakutan at kapag inisip nila ang mga ito unti-unti silang papatayin ng mga ito." Nanginginig na ang mga tuhod ni Becca. Sino ang dapat niyang iligtas.

"Now tell me, Becca. Aling grupo ang ililigtas mo?" nakangising bigkas ng pekeng Becca. Napahingang malalim si Becca. Naguguluhan, natatakot sa mga posibleng mangyari sa mga kaibigan niya. "Don't tell me you chose Lyneth's group? Paano ang pinakamamahal mong si Jack?" tanong ng pekeng Becca. Hindi ito pinakinggan ni Becca atsaka na akmang paalis nang matigilan muli siya sa mga salita ng pekeng Becca. "Square root of 289, Square root of 25, at Square root of 324. That's the room number. Goodluck, girl!"

Tuluyan ng umalis si Becca sa loob ng kwartong iyon. Square root of 289, Square root of 25, at Square root of 324. Ilang minuto bago niya nasagoy ang ibinigay sakanyang Math Problem ng pekeng Becca. "Room 170518. Mabuti't pinamemorize ni Ma'am Marilou ang perfect square ng mga two digit number. I owe her my friend's lives." ani niya sakanyang sarili.

--**--

"Ngayon, Jerome. Isipin mo ang lahat ng kinatatakutan mo." bulong ng nakakapangilabot na boses. Hindi napigilan ni Jerome na maisip ang lahat ng kinatatakutan niya. Isa-isang nagsulputan ang mga butas sa daan niya. Naramdaman niya ang pangangati ng kanyang katawan. Mayroon siyang trypophobia, ang pagkatakot niya sa mga butas. Sa tuwing nakakita siya ng mga kumpol ng mga butas, pakiramdam niya ay may lalabas ma kung anong insekto sa mga ito.

Nangati ang buong katawan niya. Hindi siya mapakali. Dumagdag pa ang mga butas. Naalala niya ang imahe ng butas butas na kamay na ipinakita sakanya ng kaibigan. Tumingin siya sa sarili niyang kamay. Nagkaroon ang mga ito ng mga kumpol ng butas. May lumalabas na mga uod sa mga ito.

Napasigaw si Jerome, nangati na ang buong katawan niya. Napahiga siya sa sahig. Nahulog siya sa isa sa mga butas. Madaming insekto ang bumungad sakanya. Sa bawat maiiisip niya ang mga insektong dumapo sakanya, nangyayari ang mga ito.

Samantala, nag-abang naman si Nathaniel. Wala siyang ibang makitang kahit ano sa loob ng kwarto kundi ang puting dingding at puting sahig. "Harapin mo ang iyong mga kinakatakutan." bigkas ng isang nakakatakot na boses. Napalitan ang background ng kwarto sa isang ordinaryong bahay. Nakita niyang lumabas ang kanyang ina mula sa kwarto nito. "Ma!" sigaw ni Nathaniel. Sumunod na lumabas ang kanyang ama. Nag-umpisang manginig ang mga kamay ng kanyang ina.

Lumapit ang kanyang ama atsaka ito pinagbuhatan ng kamay. Nabigla si Nathaniel at napahawak sakanyang bibig. Unti-unting namuo ang mga luha sakanyang pisngi. Naririnig niya ang pagsampal ng kanyang ama sa kanyang ina. Pero naduduwag siya, kaya siya nagtago sa likod ng sofa. Hinintay niyang matapos ang lahat ng pangyayaring ito.

"Sofia! Lalabas ka ba ng kwarto mo, o hindi!" sigaw ng kanyang ama. Ilang sagkit ay nasaksihan niya ang paglabas ng kanyang kapatid. Ito ang pinakakinatatakutan ni Nathaniel. Ang saktan ng kanyang ama ang kanyang mga mahal sa buhay ngunit wala siyang magawa dahil naduduwag siya. Totoo ngang sa likod ng maskara ng isang pilyong, palatawang tao ay isang malungkuting taong may mabigat na pinagdadaanan sa buhay.

Nasaksihan 'din ni Jack kinatatakutan niya. Nasa tuktok siya ngayon ng isang bundok, at sa harapan niya ay isang bangin. Wala siyang mapuntahan dahil mayroong nakaharang sa daan. Mayroon lamang siyang isang paraan upang makatakas, ang tumalon sa bangin. Pero hindi niya magawa. Takot siya sa mga matatas na lugar. Sa tuwing nasa mataas na lugar siya, pakiramdam niya ay babagsak siya anumang oras.

Sa kabilang dako, isang altar ang lumitaw sa harapan ni Ms. Dela Vara na nagpapakita ng kinatatakutan niya. Hindi niya masilayan ang kanyang anak. Bata pa lamang ang kanyang anak ay kinuha na siya ng kanyang ama. Oo, nagkaroon sila ng anak ni Erginald, at ipinangalanan nila itong Erzeclein.

Hindi niya kanyang harapin ang anak. Matapos siya kunin ni Erginald, hindi niya magawang titigan ito. Natatakot siyang mapahamak ang kanyang anak sa mga kamay ni Erginald. Natatakot siyang maunang mamatay ang kanyang anak bago siya. Ayaw niyang sulyapan ang puting telang bumabalot sa katawan ng kanyang anak, simbolo na ito ay pumanaw na.

Lahat sila'y nakulong sa kwartong tinatawag na Room of Raef. Hindi nila alam kung paano sila makakalabas. Hindi nila alam kung paano haharapin ang mga kinatatakutan nila. Baka ito pa ang maging dahilan ng kanilang kamatayan.

--**--

Becca's POV

Anong gagawin ko? Nahanap ko nga ang lugar kung saan nakulong ang aking mga kaibigan, hindi ko naman alam kung paano ito bubuksan. "Lyneth! Andito ba kayo sa loob?" tanong ko. "Parang awa mo na, Becca. Palabasin mo na kami bago kami kainin ng mga mababangis na hayop na 'to!" dinig kong pagmamakaawa ni Mikee. Bakit parang ako ang nagkulong sakanila dito?

Kinalabog ko ang pintuan atsaka sinubukang buksan. Wala iyong maging epekto dahil napakatibay nito. Kung meron lang isang bagay na makakapagbukas... Isang ideya ang pumasok sa isip ko. "Ang Relmet Gun." sabi ko atsaka nagmadaling lumabas ng lugar na ito at nagpunta sa labas. Hinanap ko ang kahon na iyon, kung saan nakalagay ang mga gamit ni Mr. Erginald.

Nakapasok ako sa loob ng isang kwarto at hinanap ang kahon. Iba't ibang files, inventioms, at machines ang nakatago sa lugar na ito. Doon ko nakita ang isang napakapamilyar na kahon at mabilis itong kinuha. Inilabas ko isa-isa ang mga gamit na nasa loob nito. Sinuot ko ang Invisibility Jacket at binitbit ang Relmet Gun. Bumalik ako sa harapan ng pintuan ng Room 120518.

"Lyneth, Mikee, Rinnah! Tumabi kayo sa pinto!" sigaw ko. Sana lamang ay nakinig sila saakin. Itinutok ko ang Relmet Gun sa pintuan atsaka ito triniger. Lumabas ang laser nito atsaka ko naman hinayaang malusaw ang pintuan. Bumagsak ito papasok at narinig namin ang isang malakas na kalabog. "Hali na kayo. Kailangan na nating umalis dito!" sigaw ko sakanila. Sumunod na sila saakin at tumakbo na kami papalabas.

Sumusunod saamin ang mga hayop. Hindi ko silang magawang patayin dahil may awa ako sa hayop. Hanggang sa isang malaking hippopotamus ang sumunod saamin. Isa iyong extinct na animal at hindi ko magagawang patayin ito. Anong gagawin ko? "Becca! Gamitin mo ang Relmet Gun upang patayin ang hippopotamus!" sigaw ni Rinnah habang patuloy kami sa pagtakbo.

"Hindi pwede! Naaawa ako!" sigaw ko naman. "Anong gusto mong mangyari, Becca? Maging ulam tayo ng hayop na 'yan!?" sigaw ni Mikee. Inagaw saakin ni Lyneth ang Relmet Gun. "No!" sigaw ko pero huli na ang lahat nang matutok niya ang laser sa hippopotamus. Bumagsak ang katawan nito at namatay. Narating namin ang dulo ng lagusang iyon ay mabilis naming isinara upang hindi na makalabas pa ang mga hayop.

"Ano bang ginagawa mo, Becca!? Ikinulong mo kami doon tapis ililigtas mo 'din kami!" sigaw ni Lyneth saakin. "Ano bang nasa isip mo, ha!" sigaw 'din ni Mikee. "Hindi ako ang nagkulong sainyo. Ang clone ko." paliwanag ko sakanila. "Anong clone ang ibig mong sabihin, Becca? Hindi ka naman nakulong sa loob ng mga cloning machines, paano ka nagkaroon ng clone?" tanong ni Rinnah.

"Nakita ko ang isang file na tungkol sa mga cloning machines na ginawa ni Mr. Erginald. Maaaring magamit ang DNA sample sa paggawa ng clone." sabi ko naman. "Anong ibig mong sabihin? At aling DNA sample ang kinuha sa'yo ni Mr. Erginald?" tanong ni Lyneth. Pilit kong inalala kung paano nga ba nakakuha ng DNA sample si Mr. Erginald mula saakin.

"Ah! Naaalala ko na. Noong hinila ni Mr. Erginald ang mga buhok namin ni Rinnah! Baka nakakuha siya ng sample!" sabi ko. Lahat sila'y takang pinagmasdan ako. "Sa tingin niyo ba magagawa ko sainyo 'yung ginawa ng pekeng iyon. Kanina ko pa kayo hinahanap. At sina Jack..." Natigilan ako nang maalala ko ang mga sitwasyon na kinalalagyan nila Jack. "Mamaya na ako magpapaliwanag. Kailangan nating mailigtas sina Jack. Nasa kapahamakan sila!" sigaw ko sakanila at lumabas na ng kwartong iyon. Hinanap namin kung nasaan ang trap door.

Nang matagpuan namin iyon, kaagad naming iyong pinasok at napadpad kami sa harapan ng apat na pintuan. Posible kayang isa-isang pumasok sina Jack sa mga pintuang ito. Napatingin kami sa isa't isa nang marinig namin ang mga sigaw nila. Ano na bang nangyayari sa loob? Mag-isip ka Becca. Ano bang dapat mong gawin?

"Matatagpuan ito sa ilalim ng trap door, sa labas ng kwartong pinasukan mo kanina. Ang sino mang ma-trap sa loob ng mga kwartong iyon ay masasaksihan nila ang kanilang mga kinatatakutan at kapag inisip nila ang mga ito unti-unti silang papatayin ng mga ito."

"I know what you're thinking right now. Of course, they are alive. Everything happened only because you have a wild imagination."

"You thought the pictures were moving, and as an effect, you can see them moving. You thought of the next task, that's why it appeared right infront of you."

Bingo! Their fears appear right infront of them because they imagined it. That's why! Napangiti ako sa sarili ko. "Bakit ka ngumingiti, Becca?" tanong ni Lyneth saakin. Hindi ko siya sinagot atsaka humarap sa mga pintuan. "Jack! Jerome! Nathaniel! Ms. Dela Vara! Ang tanging paraan lang para matakasan niyo lahat ng kinatatakutan niyo ay pagharap dito! Lahat ng 'yan ay nangyayari lang sa loob ng inyong isip at imahinasyon!" sigaw ko.

--**--

Sa likod ng mga dingding, napaharap ang apat sa kung saan nagmula ang boses. Unti-unting napagtanto ng apat kung ano ang ibig sabihin ni Becca. Pinasok ni Jerome ang lahat ng butas, unti-unting nawala ang mga ito. Lumapit si Nathaniel sakanyang ama na kasalukuyang pinabubuhatan ng kamay ang kanyang kapatid atsaka ito sinuntok at parang bula itong nawala. Tumalon si Jack sa bangin at napagtantong nakatayo lamang pala siya sa isang putting sahig simula kanina. Linapitan ni Ms. Dela Vara ang puting atsaka itong pinagpagan.

Nawala lahat ng bagay na kinatatakutan nila matapos nilang sundan ang sinabi ni Becca. Nawala ang mga hati sa pagitan ng mga dingding at nasilayan nila ang isa't isa. Isang pinto ang bumukas at nasilayan nila ang labasan. Pinapahiwatig nitong malaya na sila at makakalabas na sila sa lugar na iyon.

Kaagad na tumakbo sina Becca, sabay salubong naman sakanya ni Jack. Magkahawak silang lumabas ng kwartong iyon at muling nasilayam ang labas na mundo. Pero hindi pa sila tuluyang malaya, nakalabas lamang sila sa loob ng laboratory, at nasa loob parin sila ng Erzeclein University.

"Rebecca Natividad!" sigaw ng isang pamilyar na boses. Nakatayo ngayon si Mr. Erginald sa itaas ng kanyang laboratory at may hawak na isang bagay. "THIS DOESN'T END HERE! YOU WILL ALL DIE!" sigaw niya. Tumalon siya sa harap ng laboratory. May mga nagsilabasan na nagmula sa loob ng kanyang laboratory. Ang mga clones naming lahat.

Nakilala ni Becca kung ano ang hawak ni Mr. Erginald. Iyon ang zombie remote. "Let the games, begin!" sigaw ni Mr. Erginald atsaka humalakhak. Naramdaman nila ang unti-unting panghihina ng kanilang mga katawan. Lahat sila laban sa mga clones. Bumangon ang mga napatay nilang mga clones ni Mr. Erginald. Paano nila mapapatay lahat ng mga ito?

"Kahinaan nila ang tubig." bigkas ni Becca. "Kailangang umulan para mamatay lahat ng zombie clones." bigkas muli ni Becca. Pero paano niya ito magagawa? Napakataas ng sikat ng araw, imposible namang umulan. "Nasaan ang inyong water tank? Ako na ang bahalang umasikaso dito, hija." bigkas ni Ms. Dela Vara. Lumapit sakanila ang mga paparating ngayong sina Liza, Markie at Ashley. "Kayong tatlo, tulungan niyo si Ms. Dela Vara upang mahanap ang water tank." ani ni Becca. Tumango ang tatlo at nagmadaling umalis upang hanapin ang tank.

"Ano nang gagawin natin?" tanong ni Jack kay Becca. "Isa lang ang paraan upang matalo natin ang mga clones natin. Huwag nating harapin ang sarili nating clone, original laban sa clone ng isa saatin." sabi ko. "Ako ng bahala kay Mr. Erginald. Tapusin na natin ang labang ito."

Kaagad na hinabol ni Becca si Mr. Erginald. Kinalaban naman ng iba pa ang mga clones. "Sumuko ka na, Mr. Erginald! Hindi na mabubuhay ang anak mong si Erzeclein. Hayaan mo na siyang mamayapa ng tahimik!" sigaw ni Becca kay Mr. Erginald. "Hindi ko susukuan ang aking anak. Mabubuhay siya at kailangan niyong mamatay!" sagot ni Mr. Erginald.

--**--

"Hey, besh!" sigaw ng isang pamilyar na boses. Nagulat si Liza, Markie, at Ashley nang makaharap nila ang kani-kanilang mga clone. Sobrang kamukha nila ang mga ito. "Sa tingin ko, kailangan niyo pong magtungong mag-isa sa itaas ng building. Nandoon po ang water tank sa rooftop." sabi ni Ashley. Hinarangan nila si Ms. Dela Vara upang mailigtas nila ito.

"Hindi mo ko kaya gurl! Pakiramdam ko lumalakas na ako dahil kaharap kita!" sigaw ng clone ni Markie. "Malandi ka, pwes ako ang tatapos sayo!" sigaw ni Liza atsaka simabunutan ang clone ni Markie. Kinalaban naman ni Markie ang pekeng Ashley, at kinalaban ni Ashley ang pekeng Liza.

"7 + √456 × 49 ÷ 978?" bigkas ng pekeng Ashley. Dumugo ang ilong ni Markie. "Walang hiya ka, pinapadugo mo pa ang ilong ko, ha! Etong sayo!" bigkas ni Markie atsaka nagkilos lalaki at pinagsusuntok sa tiyan ang pekeng Ashley. Patuloy naman ang pagsabunot ni Liza sa pekeng Markie. "Akech ang kokoronahing Miss Universe. Hindi ka bagay, ang chaka mo!" bigkas ng pekeng Markie. Lalong nainis sakanya si Liza kaya hinigpitan nito ang kapit sa buhok ng pekeng Markie. Hindi niya namamalayan ay nalagas na niya palang buhok nito.

"Oh my god! My hairlalou, what did you do!" sigaw ng pekeng Markie. Dumudugo ngayon ang kanyang anit dahil sa pagkakahila sakanyang buhok. Inihanda ni Liza ang kanyang paa, ipinaikot, atsaka tinamaan ang mukha ng pekeng Markie. Nauntog ang ulo nito sa bato na dahilan ng pagkamatay niya. Napatay 'din ni Markie at Ashley ang kanilang mga kalaban.

Nakipag-apiran ang tatlo sa isa't isa. Sumunod na sila kay Ms. Dela Vara sa pag-akyat. Narating nila ang rooftop at nakita doon ang tangke. Inakyat nila ito hanggang sa masilayan nila ang pinakailaliman nito na puro tubig. Iwinagayway ni Ms. Dela Vara ang kanyang kamay, unti-unting tumaas ang tubig at patuloy na iniangat ito ni Ms. Dela Vara upang higupin ng mga ulap. Unti-unting nagkumpulan ang maiitim na ulap. Nagkaroon ng kulog at kidlat.

Namangha sina Markie sakanilang nasaksihan. Tunay ngang nag-eexist ang mahika. Ang buong akala nila'y ito'y gawa lamang sa imahinasyon at sa mga libro lang na binabasa nila ito matatagpuan. Pero nagkamali sila. Bumuhos ang malakas na ulan. Kasabay ng pagbagsak ng tubig ay ang pagbagsak ng mga clones at zombie clones. Natunaw ang mga ito hanggang sa maging parte na lamang sila ng lupa.

"HINDEEEE!!" sigaw ni Mr. Erginald. Dumagundong ito sa kabuuan ng unibersidad. Hinarap niya si Becca. "Talo kana, Mr. Erginald. Sumuko ka na." mariin na bigkas ni Becca. Lumapit sakanya si Mr. Erginald at mahigpit niya itong sinakal sa leeg. "Hindi ko man makukumpleto ang class picture, mamatay ka naman!" sigaw ni Mr. Erginald sa harap ni Becca. Hindi ito bumitaw, hanggang sa mawalan na ng hininga ang dalaga. Inihagis niya ang katawan ni Becca sa lupa.

"BECCA!" sigaw ni Jack atsaka linapitan ang walang buhay na katawan ni Becca. Unti-unting tumulo ang mga luha sa pisngi niya, kahit hindi ito halata dahil lahat sila'y basang basa na sa tubig ulan. Napayuko ang ibang kaibigan ni Becca. Wala ng buhay ang dalaga.

Narinig nila ang pagdating ng iba't ibang sasakyan. Tuluyan na nilang nagiba ang gate ng unibersidad nang bumagsak ang itim na mahikang bumabalot dito. Lahat ng pulis ay pumasok upang inspeksyunan ang unibersidad. Kasama ang mga nag-aalalang kamag-anak ng mga bata.

Iminulat ni Becca ang kanyang mga mata. "Papa." bigkas niya. Napaharap si Mr. Erginald. Narinig niya ang boses ng kanyang anak. Narinig niya ang boses ni Erzeclein. "Papa, please. Tama na po. Pakawalan niyo na po ako." bigkas ng umiiyak na si Erzeclein. Sumanib ang kanyang kaluluwa sa katawan ni Becca.

"P-Pero anak, g-gusto pa kitang m-makasama." bigkas ni Mr. Erginald. "Palayain niyo na po ako, papa. Matagal na po akong nawala. Sana po matanggap niyo po iyon. Alam ko pong gusto niyo lang po akong makasama, pero sana po, hintayim niyo po ang inyong oras. Magkakasama 'din po tayo, papa. Hihintayin po kita."

"Mahal na m-mahal kita, E-Erzeclein." bigkas ni Mr. Erginald. Napangiti si Erzeclein. "Mahal na mahal 'din po kita, Papa." bigkas ng bata. "Anak..." Lahat sila'y pinagmasdan lang pag-uusap ng mag-ama. "... Pinapalaya na kita."

Napangiti si Erzeclein. Yinakap siyang mahigpit ng kanyang ama. Unti-unting tumila ang ulan. Muli ay nasilayan nila ang liwanag na nagmumula sa araw. Napaluhod si Mr. Erginald sa lupa. Umalis na ang kaluluwa ni Erzeclein sa katawan ni Becca, atsaka namang nanatiling walang buhay ang katawan ng dalaga. "Erginald." bigkas ni Ms. Dela Vara.

"Ako ang nagnakaw ng iyong secret formula. Ako ang kumuha ng vial na magpapagaling dapat sa ating anak." bigkas niya. Nanatiling nakayuko si Mr. Erginald kahit kinakausap siya ni Ms. Dela Vara. "Kinuha mo ang buhay ni Becca. Pinalaya mo narin si Erzeclein. Marapat lang na ibigay ko vial na ito sakanya."

"Gawin mo ang gusto mong gawin." malamig na bigkas ni Mr. Erginald. Lumuhod si Ms. Dela Vara sa harap ng katawan ni Becca, na nakahiga ngayon sa lap ni Jack. Pinainom niya ang vial na nakakapagpagaling ng sakit at nakakapagbuhay. Lumapit ang lupon ng mga lalaking nakasuot ng kayumangging uniporme.

"Mr. Angelo Dimorsnol. You are under arrest." bigkas ng isa sa mga ito. Hindi na nanlaban pa si Mr. Erginald atsaka namaj ipinasuot sakanyang mga hand cuffs. Binuhat ni Jack ang katawan ni Becca atsaka mabilis na isinakay sa stretcher. Sinalubong siya ng kanyang ina. "Becca! Anong nangyari sakanya?" tanong ng kanyang ina.

"Nawalan po siya ng malay." bigkas ni Jack atsaka patuloy sila sa pagtulak sa stretcher. Ipinasok nila ito sa loob ng ambulansya atsaka naman sumunod sa pagpasok si Jack ang kanyang ina. Bago tuluyang magsarado ang pintuan ng sasakyan, nasilayan ni Mrs. Natividad ang mukha ng lalaking may pakana ng lahat. Si Mr. Erginald Solomon.

Malaya ka na Erzeclein, Paalam.

--**--

Becca's POV

Nagising ako at unang bumungad saakin ang natutulog na lalaki sa tabi ko. Nasaan ako? Anong ginagawa ko dito? Nang igusot ko ang mga mata ko, doon kolang napagtantong si Jack pala ang nasa tabi ko. "Jack, kailangan na nating umalis dito! Gumising ka!" sigaw ko. Takang pinagmasdan ako ni Jack. Ilang segundo ang nakalipas at bigla siyang tumawa.

"Bakit ka ba tumatawa? Sina Lyneth, nasaan na sila? Kailangan natin silang mailigtas!" aligagang bigkas ko. Muli ay natawa siya saakin. "Ano ba! Jackques! Bakit ka ba tumatawa?" tanong ko sakanya. "Nakauwi na po sila." bigkas ni Jack, natatawa parin.

"Nakauwi na pal- Nakauwi? Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sakanya. "Nakalabas na tayo sa Erzeclein, Becca. Ang cute mo talaga." bigkas ni Jack atsaka pinisil ang aking pisngi. "Bakit hindi mo aga-"

"I love you." bigkas ni Jack. Natigilan ako sakanya. "Ang sabi k-"

"I love you, Becca." ulit ni Jack. Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko. Naririnig ko 'din ang pagkabog nang malakas ng puso ko. Anong bang dapat na isagot ko? "I... I-I love you too." sagot ko. Napangiti siya saakin. Linapit niya saakin ang kanyang mukha. Nakatingin lang ako sakanyang mga labi. Sa lahat ng pinagdaanan namin, masasabi kong napamahal na nga ako sakanya. Hinintay ko siyang lumapit saakin.

Hindi namin inaasahan ay bumukas ang pinto at iniluwal nito ang mga pamilyar na mukha. "Hellooooo guys!" Naitulak ko nang bahagya si Jack na dahilan ng pagkahulog niya sa sahig. "Anong ginagawa niyo diyan?" tanong ni Lyneth.

"Wala!" sabay na sagot namin ni Jack. Napatingin ako sakanya. "Sige na ituloy niyo na, nahiya pa kayo, eh." sabi ni Nathaniel atsaka bahagyang natawa. Isa-isa silang pumasok at isa-isa 'din nila akong niyakap. "Namiss ko kayo, guys!" bigkas ko.

"Paanong hindi mo kami mamimiss eh isang linggo ka nang nakahiga diyan." sabi naman ni Jerome. "Sorry na. I love you all, guys." bigkas ko. "We love you too, Becca. At dahil lab mo kame, group hug!" sigaw naman ni Markie. Lumapit sila saakin atsaka kami masayang nagyakapan.

Madami akong natutunan mula sakanila. Isa na dito ang marunong magpatawad. Pahalagahan ang mga tao habang sila'y nabubuhay. Being responsible for our actions. Pagtanggap sa kapalaran ng mga tao kung ito na ang takdang oras, at natutunan ko ang lahat ng ito, sa isang lugar na minsang naging impyerno saamin. Ang lugar na nagpamukha saamin na ang buhay ay puno ng pagsubok na maaari naming malagpasan kung magtitiwala kami sa isa't isa, ang Erzeclein University.