webnovel

Enchanted in Hell (Tagalog)

Pipiliin niya bang ikulong ang sarili sa lugar kung saan naniniwala siyang may kaligayang naghihintay sa kaniya? Paano kung ang kaligayahang hinahanap niya ay mula sa taong mas masahol pa sa isang demonyo?

Teacher_Anny · Urbain
Pas assez d’évaluations
54 Chs

There Is No Ending

Ang kulay kahel na araw na nagtatago sa likod ng mga ulap ay unti-unti nang lumalabas sa pinagtataguan nito. Ang mga ulap na kanina lamang ay parang isang bulak ay unti-unti na ring naghihiwalay para gawing maaliwalas ang kalangitan. Kaya naman sa pagsapit ng alas sais ng umaga sa Taklong Island ng Nueva Valencia, Guimaras, tanging araw na lamang ang makikita sa asul na langit na nahahaluan ng dilaw at kahel na repleksyon ng araw.

Ang mga ibon ay patuloy sa paglipad at ang mga alon ay patuloy sa paghampas patungo sa dalampasigan. Tanging tunog lamang ng kalikasan ang maririnig sa lugar dahil ang parteng iyon ng isla ay pribado o pag-aari ng Ledesma.

Nakaupo si Rina sa pinong buhangin habang nakatingin sa kalangitan nang tabihan siya ni Theo at hawakan nito ang kanyang kamay.

"You like this place?"

"Oo naman, ang ganda kaya rito."

"Maganda pa rin kaya rito kahit wala ako?" tanong ni Theo.

"Syempre hindi. Sabi ko nga, kahit nasaaang lugar tayo basta kasama kita, lahat ng 'yon ay maganda para sa akin."

Nagbaba ng tingin si Theo sa singsing na suot ni Rina sa daliri nito. Ilang buwan na rin silang nasa lugar na iyon kaya naman mas lalo pa nilang nakilala at minahal ang isa't isa. Sa bilang na buwan na iyon ay marami na rin silang naipon na masasayang alaala upang bawiin ang malungkot na pinagdaanan nila. At sa tingin naman nila ay bawing-bawi na nila iyon dahil naghilom na rin ang mga sugat sa kani-kanilang mga puso. Pareho silang dalawa na nagpatawad at pinalaya ang mga galit sa kanilang damdamin kaya gumaan na rin ang pakiramdam nila.

Hindi na tinuloy ni Rina ang pagpapakulong kay Armando dahil napag-usapan na rin naman nilang mag-ina ang tungkol doon at naisip nila na hindi lang si Armando ang may kasalanan sa pangyayari.

Si Eduardo naman ay binigyan lamang ng magaan na pataw at nakalabas na sa kulungan dahil napatawad na rin ito ni Theo. Ikinatuwa naman iyon ni Cliff dahil sa wakas ay makakabawi silang mag-ama sa isa't isa.

Nagkasundo na rin sina Dr. Steve, Dominador at ang buong Ledesma. Ang bawat panig ay nanghingi ng tawad at naisip ang kani-kanilang pagkakamali.

Paminsan-minsan ay dumadalaw sina Armando, Caridad, Eduardo, Cliff at Dr. Steve sa kanila. Ganoon din naman ang pamilya ni Rina. Sa katunayan, sa susunod na linggo ay pupunta muli ang lahat sa Taklong Island upang ipagdiwang ang paglamig ng issue sa pamilya. Hindi lang iyon, ipagdiriwang din ng lahat ang paglago pa lalo ng LED Hotel. Noong una ay inakala nila na lalong masisira ang imahe ng hotel o lalo pang babagsak ang hotel sa Manila subalit sa huli ay na-realized nila na nang dahil sa issue ay mas lalo pang nakilala ang hotel at dinayo ng iilan.

Hindi na rin mahalaga kay Armando ang pagpapanatili ng magandang reputasyon sa pamilya dahil ang nasa isip na lamang niya sa oras na iyon ay ang magkasundo-sundo ang lahat. Dumating din siya sa reyalisasyon na wala namang taong perfect. Kahit ilang ulit mong pagtakpan ang baho ng iyong pamilya o kahit ano'ng gawin mong pagbabalat-kayo para lang maging maganda ang reputasyon mo sa lahat, darating at darating pa rin talaga ang panahon na mabubunyag ang totoo.

Kung malalaman na rin naman ng lahat? Bakit pa kailangang itago? Mas mabuti kung magpapakatotoo na lamang sa lahat ng bagay tutal pare-pareho lang naman ang lahat na hindi perpekto, pare-parehong may maihuhusga at nanghuhusga dahil likas iyon sa mga tao. Kaya tama lamang talaga na sundin ang salitang 'magpakatotoo' kasi kahit nasaang lugar ka pa ay may masasabi at masasabi pa rin sa 'yo ang iba.

"Theo..."

"Ano 'yon?"

"Kinakabahan ako na masaya." Napahawak ng buhok si Rina. "Kinakabahan ako sa susunod na linggo kasi magsasama-sama na tayong lahat. Hindi naman siguro magkakagulo."

"Hindi naman siguro. Maliban na lang kung gusto mo ng away," biro ni Theo kasabay ng paghalakhak.

"Ang saya mo rin no?"

"Syempre, kasama kita, e."

"Pero...masaya ako na nakikita kang nakakatawa na. Kasi alam mo ba dati, para bang pasan-pasan mo ang buong mundo. Palagi kang seryoso, minsan nakasimangot. Nakakatakot ka rin kausapin. Alam mo 'yon? Para kang si Beast na nagtatago sa mansion."

"E, ngayon ba? Nakakatakot pa rin ako?"

"Hindi na. Slight na lang...pero hindi na Beast ang tingin ko sa 'yo ngayon."

"Ano na pala?"

"Ikaw na si Beauty." Humalakhak nang malakas si Rina para lalong asarin si Theo kaya naman ang ngiti sa labi ni Theo ay napalitan ng poker face.

"Joke lang naman. Syempre ang tingin ko sa 'yo ay hindi na si Beast dahil isa ka ng prinsipe sa mga mata ko. Bumalik ka sa pagiging prince simula nang makilala mo ako."

"Ang lakas mo naman..."

"Syempre. Ako nakaputol ng sumpa mo, e...ako nakaputol sa sungay at buntot mo kaya malakas talaga ako." Humalakhak muli si Rina.

"Na-realized ko rin naman sa sarili ko na ganoon nga ako at dahil nga sa 'yo. Dahil sa 'yo nagbago ako. Hindi na ako katulad ng dati na palaging takot na humarap sa mga tao. Kapag kasama kasi kita, lagi akong panatag. Thank you for changing me and my life."

"Thank you rin kasi dahil sa 'yo ay natuto akong magmahal. Dati naman puro pag-aaral o kaya trabaho lang ang nasa isip ko...pero noong nakilala kita, natuto akong magmahal, masaktan, at magpatawad ulit. Hindi ko mararanasan 'yon kung hindi kita nakilala."

Hinilig ni Rina ang kanyang ulo sa balikat ni Theo samantalang naramdaman din niya ang paghilig ng ulo ni Theo sa ulo niya. Lahat ng sinabi niya kay Theo ay totoo. All of the experiences she had with him would be included as her treasure. Papahalagahan niya ang experiences na iyon kasi dahil doon ay naging makulay rin ang buhay niya.

Dumating nga ang susunod na linggo. Alas sais pa lamang ay nasa isla na ang pamilya ni Rina dahil nagboluntrayo na naman muli si Rosita na siya ang magluluto para sa lahat. Nais na lamang sana ni Armando na kumuha ng mga magluluto pero napilit na naman siya ng ina ni Rina.

Pinuwesto nila ang mahabang trapal na magsisilbi nilang silungan malapit sa pangpang at naglagay din sila ng pahabang mesa. Hindi naman engrande ang nais ni Armando, gusto niya ay pangkaraniwang okasyon lamang. 'Yong tipong parang maliligo lamang sila sa resort. Kahit simple lang ang pagdiriwang, ang mahalaga ay magkakasama silang lahat. Kahit sila-sila lamang o walang ibang bigating bisita, ayos lang kung ang mga kasama naman ay tinuturing na niyang pamilya.

"Theo!" bati ni Armando nang dumating sila. Niyakap niya ang anak at yumakap din naman pabalik si Theo rito.

"Kumusta kayo ni Rina rito?" tanong ni Caridad.

"Ayos lang naman po. Gusto po namin sa lugar na 'to," sagot naman ni Rina.

"Kailan ba ang kasal?" biro naman ni Armando na napatingin sa singsing ni Rina sa daliri. Nagkatinginan na lamang tuloy ang dalawa at parehong itinago sa likod ang mga kamay na may singsing.

"Sabihin n'yo lang kung kailan. Pabor na pabor naman kami sa inyong dalawa," sabi naman ni Eduardo mula sa malayo habang ngumunguya ng inihaw na pusit. Malaki na rin ang pagbabago ni Eduardo simula nang makulong ito ng ilang buwan. Hindi na ito masyadong pormal kung magsalita, kaya na rin nitong makihalubilo sa lahat at makipagsabayan sa mga kinikilos ng pangkaraniwang tao. Kung baga kahit ang pagkain ng nakakamay ay kaya na rin nitong gawin o kaya ang pagkain habang punong-puno ang bibig ay wala na ring kaso rito.

"Oo nga, Insan. Kailan ba kasi? Mamaya mauna pa ang pamangkin ko bago ang kasal," pang-aalaska naman ni Cliff.

"Basta kapag may anak na sina Theo at Rina, kuhain ninyo akong ninong."

Napatingin ang lahat sa direksyon ng nagsalita. Si Dr. Steve iyon kasama ang ama na si Dominador na kararating pa lamang pero narinig ang kasalukuyang usapan nila.

Lumapit ang mag-ama sa mga nag-uusap.

"Buti nakarating kayo," wika ni Armando.

"Oo, tinanghali na nga ata kami," sagot naman ni Dominador.

"Hindi, tama lang ang dating ninyo," sagot ni Eduardo rito.

Lahat sila ay nakasuot ng pang-hawaiian theme. Bulaklakin na palda para sa mga babae at bulaklakin na short naman para sa mga lalaki. Hindi lang iyon, mayroon pa silang suot-suot na kuwintas na gawa sa pinagsama-samang artipisyal at makukulay na bulaklak.

Tulong-tulong ang mga kalalakihan sa pag-set-up ng sound system at ang mga kababaihan naman ay nakatoka sa simpleng dekorasyon at paghahanda ng pagkain. At nang maayos na ang lahat, sabay-sabay din silang humarap sa pahabang mesa.

"Ano nga, Theo? Kailan ang kasal ninyo ng anak ko?" tanong ni Rosita.

"Excited na ako para sa inyo, Ate," si Jan.

"Ako rin, Ate Rina," sabi naman ni Julius.

Habang pinag-uusapan ng lahat ang relasyon nina Theo at Rina, para namang gusto nang umalis ni Rina sa lugar dahil pakiramdam niya ay nasa hot seat sila ni Theo. Nagwawala rin ang dibdib niya sa tuwing maririnig ang salitang kasal, honeymoon, anak at iba pa tungkol sa buhay mag-asawa. Totoong inalok na siya ni Theo na magpakasal kaya nga mayroon na silang singsing pero wala pang pormal na pag-uusap doon dahil hindi pa naman nila nakakausap ang kani-kanilang mga magulang. Subalit hindi inaasahan ni Rina na sa mismong oras na iyon ay iyon din ang magiging topic ng lahat.

Nakahinga naman sina Theo at Rina dahil walang tumututol sa pagpapakasal nila. Sa katunayan ay suportado pa ng mga ito iyon at excited pa dahil minsan lang na magkaroon ng kasalan sa pamilya. At dahil minsan lamang iyon, sisiguraduhin din ng lahat na engrande iyon.

"Kain lang nang kain..." si Caridad.

Mga seafood lahat ang nakahain sa hapag at boodle feast. Ang kanin at ulam ay nakalatag sa dahon ng saging at lahat ay nagkakamay. Kung gaano kahaba ang mesa, ganoon din kahaba ang pagkakalatag sa kanin na nilagyan ng iba't ibang toppings o mga ulam. Mayroong hipon, isda, mayroong crabs at pusit.

Habang kumakain ang lahat, nakabukas din ang stereo na naglalabas ng nakakaindak na tugtugin. Napag-usapan ng lahat na pagkatapos nilang kumain, sabay-sabay naman silang maliligo sa dagat.

"Basta, Rina at Theo, huwag n'yo akong kalilimutang imbitahan sa kasal ninyong dalawa," paniniguro naman ni Dominador.

"Syempre naman po," sagot naman ni Rina sa nahihiyang boses.

Matapos kumain ni Rina ay bigla siyang hinila ni Theo palayo sa lahat. Nagpunta sila sa dalampasigan at umupo sa malaking bato.

"Bakit, Theo?" tanong ni Rina.

"Wala lang. Gusto lang kitang masolo."

"Kunwari ka pa. Nahihiya ka na rin siguro dahil sa mga usapan nila."

"Nope. It's opposite of that. I'm happy because they are not against on our relationship. Suportado pa nila kung magpapakasal tayo."

Kinuha ni Theo ang isang kamay ni Rina at hinalikan iyon sa parteng malapit sa palasingsingan.

"I'm happy to be with you forever, Rina. To be your husband is one of my dream. Ikaw ang gusto kong mapangasawa, ikaw ang gusto kong maging ina ng magiging anak ko, at ikaw ang gusto kong makasama sa pagbuo ng pamilya. Ang pamilya na maayos at puno ng pagmamahalan."

Tumayo na si Theo.

"Let's go."

"Saan?"

"Maliligo sa dagat."

Ngumiti si Rina at humawak sa kamay ni Theo na nilahad nito sa harap niya. She doesn't want to end their story. Hindi sa kasal, sa halik, sa pagkakaroon ng anak magtatapos ang pagmamahalan nila, hindi rin iyon magtatapos kapag namatay sila. She wants their story to last forever more...walang ending.

Tumayo na si Rina at nagpahatak kay Theo patungo sa tubig na may malakas na alon. Habang nilulusong nila iyon at habang unti-unting lumalalim ang tubig sa nilalakaran nila, hindi rin sila patitinag sa mga alon na sumasalubong sa kanila. Ang mga alon na iyon ang simbolo ng problema na maaari pa nilang pagdaanan pero magkasama at magkahawak-kamay nila iyong sasalungatin o haharapin.

At kahit gaano pa man kalalim ang tubig na lalakaran nila o kalakas ang alon na hahampas sa kanila, hinding-hindi na nila bibitiwan ang kamay ng isa't isa.

Naisip din nilang dalawa na sa mga alon pa na darating sa kanila, sisiguraduhin din nila na ituturing nila iyong hindi lamang pabigat sa buhay kung maaari din naman nilang enjoyin ang alon na iyon habang magkasama sila. Ang sabi nga, kahit magulo, masalimuot at impyerno ang mapuntahan nilang lugar, may makikita at makikita pa rin silang kaligayahan doon kapag magkasama silang dalawa dahil...

There is Enchanted in Hell.

Thank you po sa pagbabasa at pagsuporta ng "Enchanted in Hell" mga ka-Encha hanggang sa huli. Soon to publish po ang "TASTE OF DAMN PSYCHO" for "TASTE SERIES". Hope you support it and read it too katulad ng pag-support ninyo sa "Enchanted in Hell" and "Win Over Mr. Perfect."

Thank you so much. Stay safe always and God bless.

Teacher_Annycreators' thoughts