AIRISH
BIGLA akong nagulat nang hawakan niya ng mahigpit ang braso ko at pilit na itinayo. Binitiwan niya ang baseball bat niya at inabot ang remote sa 'kin.
"Buksan mo," sabi nito kaya ginawa ko naman. Nang matapat sa mga channel na may balita, napahinto nalang ako dahil puro si Dean ang nasa issue.
"Hindi po namin sinasadya ang ginawa niyang pagtakas. Uulitin po namin, hindi po namin sinasadya. Mukha pong pinlano na niya ang mga 'yon kaya mabilis siyang nakatakas."
"Tingnan mo? Ganyan sila kaböbø!" Tumatawa na sabi ni Dean.
"Ayon sa pulisya, hindi sila tumitigil sa paghahanap kay Dean Amresel. Kaya kung sinoman po ang nakakita sa kanya, itawag lamang sa mga numerong ito."
Gustong gusto ko na siyang ipahuli at umalis na sa lugar na 'to. Alalang alala na 'ko kay lola.
"Ahh!" daing ko nang maramdaman ko ang mabilis niyang pagdilä sa pisngi ko.
"Psstt! Patulugin niyo na 'to," sabi ni Dean kaya may pumuntang dalawang lalaki sa kinaroroonan namin. Bigla nalang akong sinuntok ng isa dahilan at kaagad akong nawalan ng malay.
"AHH!..." kaagad akong nagising at napaupo nang maramdaman ko na may nagbuhos ng malamig na tubig sa mukha ko. Nakita ko ang labas na maliwanag na. Nakita ko rin ang sarili kong nakakadena ang paa ko. Nakattali rin ang mga kamay ko sa isang bakal.
"Good morning, binibini! Kumusta ang tulog?" tanong ni Dean at may nilagay na upuan sa harapan ko at do'n siya naupo.
"Dean, pakawalan mo na 'ko rito," sabi ko habang nakatitig sa kanya. Hinilamos nito ang mukha niya at mukhang nainis sa sinabi ko.
"Hindi ba sabi ko, dito ka lang? Hindi ka na aalis dahil dito ka lang!" sigaw niya at hinagis ang boteng malapit sa kanya. Kaagad siyang lumapit sa 'kin at mahigpit na hinawakan ang buhok ko saka itinangad sa kanya.
"Dito ka lang," mariin niyang sabi at nilapit ang noo niya sa noo ko. "Dito. Dito. Dito. Dito. Dito! Maliwanag?" bulong niya at mabilis akong dinilaan sa pisngi. Nanghihina ako dahil sa mga natamo ko sa kanila. Hindi ako makatayo.
Nakasandal ako sa may pader at isinandal ko rin ang ulo ko. Napapagod na 'ko.
"Mukhang maliit 'tong building natin, boss. Lumipat na kaya tayo?" tanong ng isang lalaking may pintura sa mukha. Tumingin sa kanya si Dean at saka sa 'kin.
Ano na namang balak niyang gawin?.
"Pinturahan niyo yung mukha niyan. Hapon, aalis tayo," sabi nito bago naglakad palayo.
Ano?!
A-aalis?!
Paano na ang lola ko!?
Kinuha ng mga iba ang pinturang puti at kulay violet. Binuhos nila sa mukha ko ang puti bago ang violet.
D-Dapat akong makatakas dito!
NAGTULUG-TULUGAN ako ng tanghali dahil aalis din ako ngayon. Masisiraan ako ng ulo rito.
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at tiningnan kung may mga nakabantay pa ba sa 'kin.
Buti wala.
Nakita ko lang ay ang lalaking papalapit sa 'kin na may dala ng pagkain sa plato.
Tiyansa ko na 'to!
Saktong sakto!
Naramdaman ko ang paglapag ng plato sa unahan ko.
'Lord, patawarin niyo po ako sa gagawin ko.'
"Oh! Pagkain mo!" sabi ng lalaki, pero kaagad kong kinuha ang boteng binasag ni Dean kanina gamit ang paa. Inabot ko 'yon at sinäksåk sa dibdib niya. Tinakpan ko rin ang bibig nito gamit ang paa para hindi marinig ng iba.
Nakita ko ang susing nakasabit sa may pantalon niya kaya inabot ko rin 'yon gamit ang paa ko. Buti ang pagkakakadena sa paa ko ay may haba kaya nagagawa ko ang mga 'to.
Pagkasäks*k ko, kaagad ko namang hin*wa ang tela na nasa kamay ko. Kahit hindi ko abot, pilit ko paring ginagawa 'yon. Nabuhayan ako ng loob ng matanggal 'yon kaya kinuha ko ang susi at tinanggal ang kadenang nasa paa ko.
Dahil hirap ako, dinahan-dahan ko parin ang paglakad at sinisigurong hindi nila ako makikita. Abandonado na 'tong building kaya kaagad akong sumilip sa may bintana. Nagtago ako kaagad ng may mga nakatambay pala sa mga gilid-gilid.
Kaagad akong nag-isip ng paraan.
Tiningnan ko ang lalaking pin*tay ko at kinuha ang bar*l no'n. Buti at may silencer.
'Patawarin niyo po ulit ako,' sabi ko sa isip bago ko iputok ang b*ril sa mga nakatambay. Inabangan ko muna kung may mga lalabas pa pero buti ay wala.
May nakita naman akong lubid sa may gilid kaya kaagad ko 'yong ginamit upang makababa. Mas lalo pa 'kong nabuhayan ng loob nang makababa ako, kaya kaagad akong tumakbo paalis.
NANG makarating ako sa may palengke, pasimple akong dumukot ng dress na ukay-ukay at pumunta sa isang tabi at nagbihis. Suot ko parin kasi ang pang-sexy na damit sa club.
Nang matapos ay nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad.
"Clown oh? Clown!" Tumatawang sabi ng mga bata sa 'kin. May pintura pa pala ako sa mukha. Hindi ko na lang pinansin 'yon at nagpatuloy sa paglalakad.
Panay ang tago ko saw bawat madaanan ko dahil pakiramdam ko, nasa paligid lang sina Dean at mga kasamahan niya para hulihin at pat*yin ako. Ilang sandali pa nang makauwi na 'ko sa 'min. Hinanap ko si lola sa loob pero hindi ko siya mahanap. Nang muli akong lumabas, nagulat nalang ako nang may biglang nagsalita.
"Sino ka? Airish?" paniniguradong tanong ng kapit-bahay namin nang makita ako.
"O-Opo. Bakit po pala wala si lola? Nasa'n po siya?" tanong ko rin. Pumasok kasi ako sa bahay at wala akong nakitang lola.
"Nasa pulisya. Nag-aalala na siya sa'yo kaya humingi siya ng tulong sa mga pulis. Saan ka ba kasi galing at bakit ganyan ang hitsura mo? Para kang clown," saad naman nito. Hindi ko na lang siya pinansin at kaagad na hinilamos ang mukha ko bago umalis.
Nagpara ako ng trycicle para makarating kaagad sa istasyon ng pulisya. Pagkarating ko, pumasok ako sa loob at nakita ang lola ko.
"Lola!" sabi ko at kaagad siyang niyakap. Nagulat siya nang tawagin ko siya pero kaagad din niya akong niyakap.
"Apo, saan ka ba nanggaling?" Mangiyak-ngiyak na tanong nito sa 'kin. Hindi ko naman siya masagot-sagot.
"Saka ko nalang po ikukuwento, lola," tanging sabi ko lang.
"Apo naman, sabihin mo sa 'kin nang hindi na ulit ako mag-alala pa," sabi nito at hinaplos-haplos ang buhok ko.
Napatulala akong saglit dahil sa pag-iisip ng paraan.
Alam ko na.
"Lola, aalis po tayo," biglang sabi ko rito.
"H-Huh? Bakit? Saan naman tayo pupunta?" takhang tanong naman nito.
"Sa probinsya po," sagot ko. Tinitigan ko siya sa mga mata niya dahil bakas dito ang pagtatakha at pagkakaba niya.