webnovel

Do Not Shot Baby (Billiard Series 1)

Billiard Series One

Demonica_Rose · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
10 Chs

Billiard Four

[SHAN VILLARIO]

Maaga akong pumasok ngayun, hindi ko nga alam kong bakit ang aga ko rin ngayun basta na babadtrip parin ako dahil sa nangyari kagabi.

Inaya ko naman ng inuman ang dalawa kagabi dahil broken naman sila kaya ayun bagsak parin ang dalawa sa mga kwarto nila.

Nakita ko naman si Maybel sa may bench na parang ang lalim ng iniisip kaya naisipan kong gulatin siya.

"Hoy!"gulat ko sa kaniya.

"AysiGio!!"gulat niyang saad.

"Ikaw ha! Iniisip mo si Kuya Gio ha!"tusok ko sa tagiliran niya.

"Yung gurang na yun? Ha asa!"singhal niya sabay irip.

"What did you say?"biglang sulpot ni Kuya Gio.

"Ang sabi ko hindi kita inii----sip?!"gulat siya ng makita si Kuya Gio sa likod niya.

"Iniisip?"takang tanong ni Kuya.

"Ha? Wala wala! Halika na nga Shan!"tayo ni Maybel sabay hatak sa akin kumaway naman ako kay Kuya Gio.

"Crush mo si Kuya Gio ha!"asar ko sa kaniya.

"Ha! Asa siya! Yung sungit na yon magugustohan ko?!"asar na asar niyang ani.

"Jusmeyo Shan kahit siya pa natitirang lalaki sa mundo hindi ko papatulan yang Kuya mo! Baka ibalibag ko lang yan!"inis niyang sabi.

"Hey!"biglang sulpot ni Rodney. Natawa naman ako ng bigla siyang sampalin ni Maybel sa mukha.

"Hala kuya sorry!!"todo sorry ni Maybel sa kuya niya.

"Putik ansakit!"bulong niya habang sapo sapo parin ang mukha niya.

Pumunta naman kami sa cafeteria para bumili ng ice water para daw ilagay ni rodney sa mukha niya pakiramdam niya daw namaga mukha niya sa subrang lakas ng pagkakasampal sa kaniya ni maybel.

"Sorry na nga kasi kuya! Ikaw kasi parang kabuti sulpot ng sulpot!"sabi ni maybel.

"Hindi na talaga ako mangugulat baka sapak na abutin ko nito!"singhal niya. Tawa parin ako ng tawa dito habang.

Pero nawala agad ang ngite ko at biglang naningkit ang mga mata ko.

Si Rainier na naman? At kasama niya yung chicks!!!

Sinundan ko naman ito ng tingin at dito sila papunta. Yawa?

"Hey sup Rodney"bungad niya. Auto lingon naman si Rodney sa likod niya.

"Oi! Ikaw pala pre, upo kayo!"saad niya. Upo naman sila at katapat ko pa sila! Hanep!

Tumabi naman sakin si Maybel at kinalabit ako. Lumingon naman ako sa kaniya at binigyan ng ano-yun?-look.

Ngumuso naman siya. "Sino yan mga yan?"tanong niya. Nagkibit balikat na lang ako kunyari hindi ko kilala tong lalaking to. Totoo naman hindi koto kilala eh!

"Diba siya yung lalaking pumasok sa room natin dahil nagkapalit kayo ng bag?"ani niya.

"Sige ipaalala mo pa"ngite ko sa kaniya. Ngiteng malapit ng manapak ng pandak.

Nakakahiya yung mga tol. Ikaw ba naman maling bag yung nahugot mo.

"Eh sino yung babaeng kasama niya?"tanong niya ulit.

"Mukha ko ba silang kilala?!"medyo tumaas biglang yung boses ko at biglang napatakip sa bibig ko. Tss!

Napatingin naman ako sa paligid at napansin na nakatingin na pala sila sa amin. "Ikaw kasi eh!"mahinang bulong ko kay maybel sabay hampas sa braso niya.

"Hehehe.....Sensya na godbless"sabi niya at nagpeace sign pa. Tumayo na ako dahil baka malalate na naman ako sa firts subject ko ngayung umaga.

Narinig ko pang tinawag nila ako pero kumaway na lang ako sa kanila. Habang papunta na ako ay nadaanan ko ang building ng mga criminology course.

Napatingin naman ako sa wrists watch ko. "Maaga pa pala?"bulong ko.

"Daanan ko nga muna si Kuya"ani ko saka pumasok sa building.

Sa school na ito kaniya kaniya ang building dito pagdating sa mga curso. Habang nasa hallway ako ay pinagtitinginan ako ng mga estudyante, ang karamihan sa kanila binabati nila ako at yung iba parang wala lang ako sa kanila. Aba!

Putik bakit ba kasi nasa pinakataas ng floor yung training room nila Kuya?!

Kumatok muna ako bago pumasok sa room nila at bumungad sa akin ang isa malawak ng training hall.

"Baby!!"isang malakas na sigaw ang pumukaw sa akin at kilala ko na ang boses na iyun.

"Kuya Gian"banggit ko sa pangalan ng Kuya ko.

Gian Ry Villario, Isa sa mga kuya ko rin. Mahilig ang kuya ko magclub lagi, chickboy rin, at marunong magbilliard. Sa kaniya ako na inpluwensiyahan maglaro ng billiard.

"What's you bring here baby?"tanong ni kuya.

"Wala lang, maaga pa naman kaya naisipan kung dumaan muna dito sa building niyo"wika ko tsaka prenting umopo sa sofa nila.

Luminga linga naman ako na para bang mayhinahanap ako.

"Wala siya rito, wag kang mag alala"dahan dahan naman ako lumingon kay Kuya.

Nagtataka naman ako kung sino yung tinutukoy ni Kuya Gian.

"Si Harvey...."seryusong sambit niya. Unti unti naman nawala ang ngite ko sa labi ng marinig ko ulit ang pangalan niya.

"Matagal na akong walang pake sa kaniya kuya remember?"walang emusyong sabi ko.

Harvey the jerk? Tss!

"Really?"asar ni kuya.

"Nandito ako para kamustahin ka kuya hindi pag usapan ang nakaraan, past is past!"inis kung singhal kay kuya.

"Chill! Easy lang baby ito naman di mabiro!"nakataas ang dalawang kamay niya naparang sumusuko na siya.

Tumayo na ako at kinuha na ang bag ko. "Saan ka baby? Aalis kana?"tanong niya.

"May klase pa ako!"kaway ko sa kaniya habang palabas.

"Babyeee!!"habol pa ni kuya.

Inis naman akong pumunta sa building namin. Sakto na roon na rin Maybel. "Tingnan mo naunahan pa kita!"bungad niya sakin.

"Wala ako mood ngayun"walang emosyong saad ko. Tahimik naman ito pumunta sa upoan niya.

Maya maya pa ay pumasok na rin si Prof.

"Okay class, so before we start nakapili na ba kayo nasasali para sa Foundation Day natin next next week?"tanong ni prof.

"Ma'am meron na!"sagot nung isa naming classmate.

"Sino naman?"taas kilay na tanong ni prof.

"Si Ms. Villario ma'am!!"sambit niya. Shuta ano?!

Auto lingon naman ako sa kaniya. "Bakit ako?! Ayuko nga hindi ako mahilig sa mga ganyan!!"iriting sabi ko.

"Sige na ikaw na lang shan! Maganda ka naman at matalino pa!"ani ni cheska, president namin.

"Ayuko parin!!"sabi ko saka yumuko sa desk ko.

"Kahit dagdag ito sa lahat ng subject mo?"ani ni ma'am.

"Kailan ba gaganapin yan?"biglang taas ko sa ulo. Shuta ang rupok ko pagdating sa grades!!

"So ayus na ang lahat may kasali na kayo sa Foundation Day niyo"ani ni ma'am saka nagsimula mag Discuss. Natampal ko naman ang sarili kung noo dahil sa karupokan ko.

__________

Dumeritsyo na ako agad sa tambayan namin. Ganito naman lagi kung gawain pagkatapos ng school deritsyo dito.

"Yoooww!!"bungad ko.

"Himala aga mo ata ngayun ah?"lumapit sakin si arlan.

"Wala kaming training ngayun eh"kibit balikat ko saka pumunta sa bar tender.

"Asan pala sila Kate, atlan?"tanong ko sa kaniya.

"Arlan kasi yun!!"protesta niya.

"Tsaka nasa school pala sila"sagot niya.

"Ha?"takang sabi ko.

"Hakdog"sagot niya. Binato ko naman siya sapatos ko pero nakailag ang gago. Sa inis ko kinuha ko pa yung isang pares ng sapatos ko at ibinato ko yun kaso iba tinamaan. Oh no! Oh no! Oh noooooo!!!

___________________________♡^▽^♡