webnovel

Eleven

Hating gabi na ngunit hindi parin natutulog si Ria sa kanyang kwarto, nakaupo lamang ako sa kanyang study table habang nakaharap siya sa puwesto ko. Umiiyak at namamaga na ang mga mata.

I feel sorry for her. Kahit siguro ako sa ganuong kalagayan ay masisiraan ng ulo. Gusto kong haplusin ang buhok niya at yakapin siya ngunit wala akong ganuong kakayahan upang gawin iyon. Gusto ko mang sindihan ang kandila- pero hindi ito ang tamang oras para gawin iyon. Mas mainam pa na hayaan ko siyang magisip ng sarili. Siya at siya lang ang makakaharap ng ganitong problema.

Napatayo ako at nagdesisyong lumabas upang silipin ang kanyang Ina ngunit nakita ko lamang ito na umiiyak sa labas ng kanyang silid. Nakaupo at may malalim na iniisip.

"Hindi nila makukuha saakin ang anak ko, hindi" patuloy na bulong niya habang nakatitig sa pintuan ng kwarto ni Ria. Naaawa ako para sakanya.

Hindi ko lamang siya maintinddihan, kung ganito niya pala kamahal ang kanyang anak bakit niya ito pinagmamalupitan? Bakit hindi niya pinaparamdam dito na mahal na mahal niya ito?

~*~

Maaga nagising si Ria upang pumasok sa school, nakita pa niya ang kanyang Ina na nakatulog na sa labas ng kanyang silid. Sandali niya lamang itong tinitigan at tsaka kinuha ang kumot sa loob ng kanyang silid at ipinatong rito. Matapos nun ay nagmadali na siyang lumabas ng bahay.

Akala ko ay pupunta siya sa school ngunit iba ang direksyon ng pupuntahan niya, dinala kami sa matayog na bahagi ng lugar na ito na kung saan ay makikita mo ang buong Village.

Pinasadahan ko rin ng tingin ang paligid ngunit napako ang tingin ko sa kulay maroon na bahay. Pamilyar na pamilyar saakin ito maging ang Veranda sa labas. Bahay ba namin iyon? Doon ako madalas na tumambay upang mag-drawing ng kung ano-ano.

Masaya akong napatingin kay Ria ngunit katulad ng tinitingnan ko ay doon rin siya nakatingin?

Sandali siyang napahinga ng malalim at tsaka may kinuhang notebook sakanyang bag. Kinuha niya rin ang maliit na camera na kung saan may lumalabas kaagad na litrato at awtomatikong nadedevelop.

Itinapat niya ito sa bahay namin... At nagsimula ng magpicture. Tinitigan ko lamang siya sa ginagawa niya hanggang sa matapos ito. Napatigil ako nang biglang mahulog ang notebook at umihip ang malakas na hangin.

Bawat pahina ng notebook na iyon ay itsura ko ang makikita, may mga note at kung ano-ano pa.

Kilala na niya ako bago ko pa siya nakilala?

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, natutuwa at basta. Napangiti ako ng malapad at kasabay ng pagngiti ko ay ang malungkot na luha ang umagos sa mata niya. Naramdaman ko ang lungkot na iyon.

Napaupo siya sa damuhan at ibinuklat ang Notebook. Idinikit niya narin doon ang litratong kinunan niya sa walang katao-taong veranda ng bahay namin.

Nagsimula na rin siyang magsulat.

"It would be nice if I die instead of you."