-Chapter 2 and 3 of thesis!
-Finish writing RE reflection
-Experimental psyc: ikot sa mga rooms, tally, solve, write results,ppt.
-Assignment in statistics, ecology, re, and major subjects.
-memorize the tables!
-Quizzes, projects, reportssss
Napatulala na lang ako sa nabasa ko sa aking schedule organizer. Parang nanghina ako bigla. Ayoko na sa Earth! Ang haba ng listahan ng mga gagawin ko this week!
Parang hindi ko yata kayang tapusin in just one swipe lang. Dyusko. Ang hirap maging third year student. Daming majors na demanding tapos may mga minors din na akala mo pamajor. Kung makademand rin eh, no?
Dumagdag pa mga duties ko as a student leader. Oo nga pala, gagawa na ako ng mga liquidation report. Kailangang masimulan nang maaga kasi ayoko magcram sa march kung kelan signing of clearance na. Knowing the board members of our council, maraming late nagpapasa. Kung hindi pa kasi sasabog ang bomba hindi pa tatakbo.
Dapat, habang malayo pa ang bomba, takbo ka na para more chances of survival. Ganon din as a student.
Sa haba ng listahan ko ngayon dito sa aking scheduler, pakiramdam ko talaga hinahabol ako ng bomba na nagngangalang deadline. You feel me? Kung petiks kang student, malamang hindi mo'ko feel.
Hmm. Paano ko ba ito uumpisahan? Siguro thesis muna? Thesis is life bes! Di pwedeng mabagsak dahil ayoko na umulit. Nakakatrauma kaya!
Pumwesto ako sa isang vacant na picnic table malapit sa clinic area namin. Pinaandar ko yung laptop at nagsimula ng magbrainstorm mag-isa muna. Bakit kamo? Dahil yung isa kong kasama ay GIA. Bale may duty siya ngayon at mamayang gabi pa niya ako masasamahan.
Yung isa, lagi raw kunong busy sa church nila. Simbahan nalang pala ngayon ang internet shop. Maybe he sings praise and worship to his DOTA character.
Hay, ewan. Stressed na nga ako, iisipin ko pa yun? Bahala siya dyan. Gagawin ko na ito para may matapos na ako kahit papano.
Tss. Kaya ko naman gumawa kaso unfair nga lang at nakakapagod. Tiniis ko ang gutom hanggang sa natapos ko ang buong chapter one at ngayon, feeling ko lumulutang na yung ulo ko sa kakaisip kanina ng isusulat.
Brainstorm nga. Literal na nagka storm sa brain ko eh. RIP brain cells. May you resurrect well.
Finally, kainan na! Excited na'ko. Ano kayang ulam? Mehehe.
Um-order ako ng dalawang kanin, fried chicken (favorite ko yan), at turon panghimagas. Kailangan ko ng maraming energy ngayon. Di pwedeng madrain.
Nomnomnom. Sarap!
"Hi Penelope!" She waved at me.
"Hi ate J! Kain tayo," sagot ko rin sa kanya.
"Ikaw lang mag-isa?" tanong niya habang umuupo sa harap ko.
"Haha. Opo."
"Nanaman?"
"hehe. Wala naman po akong barkada rito."
"Ay? Bakit naman?"
Ngumiti ako bago sumagot. "Wala lang." Ang totoo niyan, may malalim akong dahilan. Pero ayoko magkwento. It's a very long story to tell and I think she is not the right person to talk to. We've only met because seatmates kami sa dalawang subjects tapos nagpapaturo siya sa akin lagi just like the others.
Ganito talaga. Sanay na ako na whenever people need help, they call me, or chat me, or text me to seek advises, explanations, and other infos that they need. May iba nga, kilala nila ako pero di ko sila kilala. Siguro dahil active ako sa recitations atsaka sa council kaya ganon.
"Di ka ba nalulungkot na wala kang friends?"
"Hindi naman. Sanay na po kasi ako. Atsaka may friends naman po ako. Hindi nga lang kami magkasama."
Being alone does not mean that I am lonely. It's just that... basta. Hindi ko pa nakikita yung taong dapat kong maging kaibigan talaga rito. Pero maayos naman ang relationship ko sa mga classmates ko. I have colleagues and I am an active leader. Di naman boring since busy nga ako diba?
Naka-survive ako sa three years ko dito sa college ng walang barkada talaga so, it's fine with me. That's the thing when you're a type of independent person. I can stand alone.
Dinaldal niya lang ako habang tinuturuan ko naman siya. Umalis na rin si ate J pagkatapos dahil may klase na rin siya.
Gabi na ako nakauwi sa bahay dahil may mga tinapos pa ako sa school. Wala kaming wi-fi sa bahay eh kaya dun ako sa free wifi ng university namin. At isa pa, ang laki-laki ng tuition namin eh. Might as well avail it. 'Di ba?
"Oh. Ginabi ka nanaman ng uwi?" taas kilay na tanong sa akin ni mama. Kung makataas ng kilay, akala mo naman may nagawa akong kasalanan.
"Hmm." Pagod ako. Wala na akong energy magsalita pa. Shiz, maglalaba pa pala ako ng mga uniform ko.
"Bakit ka ginabi ng uwi? Nagdate pa kayo ng boyfriend mo no? Magsabi ka ng totoo!"
Hala, boyfriend daw! Pagbintangan ba na naman ako? Dyusko. Halos nauubos na nga ng pag-aaral yung oras ko, boyfriend pa? Saan niya yun nakukuha? Nakakaloka ha.
Pinilit kong sumagot nang kalmado. "Nag-thesis kami ma."
"Wag mo na itago! Ikaw, mag-aral ka nang mabuti! Pag nalaman kong nagbo-boyfriend ka, ipapatigil kita sa pag-aaral!" Naiinis na ako ha.
"Wala nga mama!"
Kunot-noo akong pumasok na sa kwarto ko. Pagod na nga ako tapos gaganunin pa ako.
Pen-pen,
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko kay mama! Nagpapakahirap ako sa pag-aaral, halos hindi na ako kumain at matulog para lang matapos yang lecheng thesis at mga requirements, tapos sasabihin boyfriend? Duh. Boyfriend daw. ANO? Nanay ko praning.
Ilang beses ko bang sasabihin na WALA AKONG BOYFRIEND!
Date? Date with thesis, date with responsibilities lang ang meron.
Sana naisip niya ang mga hirap ko sa pag-aaral, ano? Ito ba yung sinasabi nilang kapag only child, pampered?
Ni-minsan hindi ako sumuway sa utos niyang iyon. Alam mo naman yun diba?
At kahit na may magustuhan man ako, o may mga nanliligaw naman sa akin,malabo pa ring magkaboyfriend ako.
Kasi kung may pag-asa ako, edi sana, hindi ko naranasan yun.