webnovel

Deep Within the Crazy Runaway of Emperor Shi

"Hulaan mo sino ako." sabi niya mula sa madilim na bahagi sa hagdan. ... "Hahaha. Just guess maybe you can get it right." ... "Anu ako ulol buti kung nasa laro ako sa tv at may premyo baka hulaan ko pa kahit na Hindi naman ako kalahi ng mga mangkukulam o manghuhula siguro." Sabi ko sa isip ko na medyu malakas kasi mukang narinig nya. "Hmmm if you want a reward I could grant you one wish." ... Pointed nose, masculine jaw line dark brown eyes silver hair na bagay naman sa kanya. Ngayun na umalis sya mula sa madilim na bahagi ng hagdan at naglakad palapit sa akin. Makikita Ang tunay nyang kagwapuhan. Di kagaya kahapon yung aura nya. Mas bagay ang sa ngayun hindi Yung ... "Bitiwan mo nga ako." Sabi ko dahil kinuha niya ang kamay ko at tinitigan ako. Di naman siya nagsalita pero hawak niya parin ang braso ko. "Let's eat." "Ayaw ko sumama sayo. Aalis nga ako dito taz dadalhin mo pa ako pabalik..." Sabi ko dahil hinihila nya ako papunta sa malapit na pinto ng floor na eto. Tinignan nya ako ulit ng seryuso kaya tumingin din ako sa mata nya ng seryuso ano akala nya matatalo nya ako sa walang pikitan ng mata. Hmp... Ng bigla nya akong kinarga sa balikat nya na parang sako ng bigas!!!! ... Ohmygassssss antigasssss... "Will you stop struggling. I'll kiss you if you don't stop." Syempre dahil nga matigas...Ang init na ng mukha ko... matigas ang ulo ko... Ahem... Bat ba nag iinit mukha ko sa... Matigas ... Ahem... anubayan!!! Sobrang pula ko na siguro. Ah basta di ako nakinig sa kanya at nagpumiglas parin. "Titigil ka o titigil ka?" "No!!! just let me go!!!! Ibaba mo ako!!!!" Tumigil sya sa paglakad pero segi parin ako sa paghampas sa likod nya "Or do you prefer na dalhin kita sa kwarto ko at kakainin na lang kita."...

TanzKaizen24 · Général
Pas assez d’évaluations
36 Chs

Chapter 17 Pitiful maiden

Ng makita nila na nasa mabuting kalagayan at walang masamang nangyari kay Wei ay nakalimutan na nila agad ang lahat ng naganap.

"Finally... I'm free!!!" sigaw ni Johnny pagkarating sa hotel na pagmamay-ari niya.

Hindi siya nagdalawang isip at tinawagan ang lima niyang paboritong lovers. Hindi niya alam na may sumusunod sa kanya.

"I miss all of you. I'll be waiting for all the pleasures you will give me." tapos en-end ang call. Dalidali naman siyang nagbihis ng damit niya pang cosplay. Ang napili niya ay yung pang Harley Quinn na damit. Matagal na panahon ang pagpipigil niya sa sarili na makita ang mga nobyo. Syempre dahil nangangailangan ng pera ang limang lalaki kaya mabilis silang pumunta sa kinaruruonan ni Johnny.

Matindi ang nangyayari sa loob ng silid at may kakaibang na aamoy mula dito si Wei. 'yummy strawberry flavor, orange flavor, grape, chocolate vanilla at iba pa na hindi ko alam kung ano!!! napakamasarili naman ni pinsan!!! meron siyang masasarap na pagkain tapos hindi man lang ako inimbita!!!'

Isang malakas na sipa lang nasira agad ang pinto. 'Wow! para akong si Superwoman ang lakas ko! bwahahaha'

"Hoy pinsan!!! bakit ang damot mo?!" sigaw ni Wei. Nabigla at napatigil naman ang mga lalaki sa loob.

"hwaaaaaaa!!!" sigaw ni Wei at tumakbo palayo. "Lagot ka Shimmy pagnalaman ni Rhino ito."

'Teka dapat tulungan ko siya kasi pinagkakaisahan siya nong mga lalaki.' nangilabot siya uli ng maalala ang nakita sa kwarto.

Nawalan naman ng dugo sa katawan niya si Johnny at nagmadaling magbihis at sinundan si Wei. 'Maawa ka sa beauty ko Babe wag mo ipaalam kahit kanino!' Kahit anong hanap ni Johnny sa pinsan ay hindi niya na ito nakita sa hotel. Naisipan niya itong tawagan pero hindi siya nito sinasagot. "Brace yourself pitiful maiden. Be strong! Fighting!"

"You better be ready Shimmy, Mahal ang bayad sa pananhimik ko, tandaan mo yan." nahimasmasan naman ito nang mabasa ang mensahe galing sa pinsan.

"Thank you so much Babe!!!"

"You have two options for now Orion. One you stay where you are and we will do everything to find Wei. Two, once you calmed down you can do it yourself." sa Yfel seryuso at kalmadong si Lokileon. Alam niya naman na kapag kalmado na si Orion ay madali lang nito malalaman ang tunay na nangyari. Mas mabuti na sa ganoong paraan na lang nila gawin ang paghahanap dahil kung sila sila lang ay mas matatagalan pa sila sa kakahanap.

Kumalma naman si Orion matapos ang ilang oras na nakalipas. Sa dalawa niyang kaibigan si Lokileon lang ang may kakayahan na labanan siya pero syempre hindi parin siya nito matatalo.

"Anong ginagawa ng babaeng yan dito?" pagtukoy naman nito ng mapansin ang medyo nangangalay na mga tauhan ni Lokileon. Wala din siya pakialam sa nasasabing kapatid. May rason kung bakit hindi ibinigay sa babae ang pangalan ng pamilyang Shi, nanatili lang itong Princess Dawn Gracie. Hindi man niya nakapiling lumaki ang Ina ay alam niyang wala itong anak sa iba. Pero hindi lang ang ina ang nalason ang isip kundi pati na rin ang kanyang ama kaya nagawa ng babaeng iyon na maging kapatid niya sa labas.

"My dear Emperor Brother, look what these lowly peasants had done to your fragile little sister." pag inarte ng babae. Hindi din siya pinansin ni Orion at pinagpatuloy na ang pakikipagusap kay King Lokileon. 'Mapapasaakin ka din Orion, maghintay ka lang. Mapapasaakin din ang buong atensyon mo!'

Umalis din sila Orion at Lokileon mula sa lugar na iyon. 'Pag malaman ko na may kinalaman ka sa pagkawala ni Wei. Mas gugustuhin mo pang mamatay kaysa mabuhay!'

"Master may nakakita po nito sa dalampasigan." hinihingal na si Sinco at inabot ang bagay kay Lokileon na ipinasa naman nito kay Orion, ng umalis siya kanina ay inutusan niya ang lahat ng tauhan na libutin ang buong lugar at dalampasigan ng Yfel.

Ng makita ni Orion ang bagay sa kamay ay agad niya itong nakilala. Isang bandana ang nagiisang bandana sa lugar nila na pagmamay-ari ni Wei dahil wala namang ganoong bagay sa lugar nila. Inamoy niya ito at ng may pamilyar na amoy siyang napansin ay nagdilim ulit ang kanyang mukha. 'Isang gamot na pansamantalang pangpalimot! meron din itong lason na kagaya sa ina. Wala namang amoy ng dugo kaya siguradong ok lang si Wei. Maswerte at nakakain si Wei ng Golden Sea Dragon kaya immune na siya sa kahit anong lason.'

"We will see each other again Wei. For now I will prepare and make the best playground for you." ito na lang ang nakangiting bulong ni Orion na narinig ni Lokileon dahilan para tumayo ang mga balahibo nito sa katawan. 'Mukang kilala niya na kung sino ang salarin. Hindi ko gusto yang nakakalokong ngiti mo Orion.' Parang gusto niyang tumakbo na palayo dahil sa ngiti ng kaibigan. Dahil ang ngiting iyon ay ngiti ng isang halimaw na matagal ng natutulog at ito ay nagising na at uhaw na uhaw para pumatay at maamoy ang sariwang dugo.

Kung hindi seryuso si Orion ay kaya niya itong labanan pero sa oras na maggseryuso ito ay kahit tulungan pa siya ni Zeriel ay hindi sila tatagal dito.

"Dude may balita..." Hindi natuloy ni King Zeriel ang tanong dahil mabilis na tinakpan ni Lokileon ang kanyang bibig. Kararating lang nito ng marinig na may clue silang nahanap. Nagtatakang tiningnan niya sa mata ang kaibigan. Itinuro naman ng mga mata ni Lokileon si Orion kaya ng makita ni Zeriel ang nakakalokong ngiti nito ay nawalan siya ng dugo sa katawan at pinagpawisan ng matindi. 'Please kung sino man ang saralin ay patayin mo na lang ang sarili mo!!! Mahal namin na Emperor Orion Destro Lucas Shi please matulog ka uli!!!' panalangin ni Zeriel.

Malaki ang binayad ng pamilya ni Wei sa pinpasukang paaralan para manahimik at pabalikin si Wei sa pag-aaral na parang walang nangyari. Sa mga panahong iyon ay nakilala niya sina Graesia Smith at Majirica Rem Levine.

Naghahanap ang mga ito ng matitirahan kaya iprinisinta naman ni Wei ang bahay niya dahil malungkot at nag iisa lang siya sa iniwang bahay ng mga magulang niya. Hindi na sila bumalik sa mansion dahil bumili ang pamilya niya ng sari-sarili nilang bahay kaya naiwan mag-isa si Wei dito.

"Thank you talaga Wei sa pagpapatuloy sa amin ni Graesia."

"Oo nga sobrang salamat talaga. Simula ngayon matalik na tayong magkakaibigan." sincere na pasasalamat ng dalawa.