webnovel

Death Kill Academy

Death Kill Academy School of Death Is a school full of game. Larong pwede at Hinding pwede pangbata Larong puno ng mystery Larong puno ng dugo. Dadaganak ang dugo sa panibagong yugto ng buhay sa pagpasok ng mga students sa Death Kill Academy. Let's the game begin.

MissHYchii · Histoire
Pas assez d’évaluations
33 Chs

Kabanata 32

Kabanata 32: Hayden Zyrienne Reduxes and Alden Zack Luxes Moment

#Death University

***

(Hayden Zyrienne Pov)

Bakit kaya nandito si Lolo? Ano naman kaya ang sasabihin niya? Tss. Baka tungkol naman sa business o Di kaya ay tungkol sa kasal.

"Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita si Amara?" Tanong ni Mom kay Dad. Umiling lang si Dad bilang sagot.

Si Amara ang pinsan ko na malapit sa akin noong bata pa ako. Gusto ko siyang makausap at hihingi ako ng tawad. Kaso hanggang ngayon ay nawawala pain siya.

Narinig ko kay Tita Laine na gustong ipakasal ni Lolo si Amara sa Anak ng pamilya Delos Santos at ayaw naman Ito ni Amara. Kaya siya Tumakas at hanggang ngayon ay hindi parin nawawala.

"Tanga talaga iyang si Amara. Dapat sinunod niya ang gusto ko. At ikaw naman Hayden. Humanda ka dahil ikaw ang ipapakasal sa anak ni Montecillo. Huwag kang gumaya sa katangahan ni Amara at lumayas. Naintindihan mo?" Sabi ni Lolo habang nakaupo sa sofa. Wala ba siyang awa sa akin. Ginagawa niyang miserable ang buhay ko.

"Kahit anong gawin niyo. Hindi ako magpapakasal. Mark my words"

Nakita ko ang bahagyang pagtayo ni Lolo at dismayadong tumingin sa akin. Basta sinabi ko gagawin ko. Yan ang motto ko sa buhay.

"Dahil ba to sa anak ng pamilyang Luxes ha? Kahit kailan ginagaya mo ang katangahan ng ate mong si Sam. Kahit kailan puro kayo katangahan. Hindi mo ba alam na kalaban natin sila sa business?"

Tumingin ako sa kanya ng blanko. Kung totoong kalaban namin sila Business. Bakit hindi ko naman nakitaan ng galit ang pamilya ni Den. In fact mababait sila sa amin. Hindi katulad ng pamilya ko na walang pake sa akin.

"Hindi katangahan ang tawag dito kundi pagmamahal. Lolo. Kung talagang mahal mo kami ay hindi mo kami pipilitin sa hindi namin gusto. Kaya nawala si Amara dahil sa into at bakit rin namatay si ate Zyril ay dahil iyon sa inyo"

Umalis na ako doon at  Iniwan na nakatulala si Lolo. Tinatawag pa ako nila mama pero hindi na ako luminhon. Wala na akong pakialam kung nasaktan siya sa sinabi ko. Masyado na siyang pusong bato at sinasakal na niya kami.

Nasaan nga ba si Amara? Kung totoong nawawala siya eh sana makita pa siya.

Hindi maganda ang kutob ko sa nangyari sa kanya.

Pagod na ako sa ganitong buhay.  Gusto ko ng buhay na matiwasay yung walang gulo. Pero Malabo yata ang gusto ko.

Sabi nga ng iba.

'Hindi mo makakamit ang kapayapaan kung may sakit at poot'.

Hindi ko alam kung bakit dinala ako ng paa ko sa amusement Park. Gusto ko lang kasi maka pag-isip ng maayos.

"Raine!"

Liningon ko ang tumawag sa maganda Kong pangalan. Si den pala ano kaya ang ginagawa niya dito? Naka black T shirt siya na nakablue polo at pants. Naka sneakers rin siya.

"Bakit ka pala nandito?"

Timingan niya ako na parang ang tanga o walang kwenta ang tanong ko. Stupid of me.

"Malamang. Ano ba ang Ginagawa kapag nasa amusement Park ka?"

Umirap ako sa kanya. Edi siya na. Pero may point naman ang sinabi niya.

"Nagpapakasaya. At kung ano pa"

Kung ano pa? Anong klase na sagot yan Hayden.

"Alam mo naman pala eh. Kaya bakit kapa nagtatanong"

Nagtext pa sa akin si Mhia na nagdate daw sila ni Jerome sa mall. Si Kathleen nagdate daw sila ni Arth sa concert ng BTS at binigyan daw siya ng rose ng mga miyembro ng BTS. Si Jeseryll naman sinurprise daw siya ni John sa Haunted Hause. Iba rin ang isip niyang si John. Si Crissa sa park pero hindi yung park na pupuntahan namin ngayon. At nag confess daw sa kanya si Greg. Pinayagan daw niya manligaw.

Akala ko hindi sila Marupok?

"Kumusta ka?"

State the Obvious ang tanong. Mukha ba akong hindi okay. Sarap sipain ng isang to.

"Alive and Well-Kicking"

Natawa naman siya sa sinabi ko. Mabuti nalang hindi na niya sinumbatan ang sinabi ko.

"Siguro masaya na ngayon si Kuya Samuel at Ate Sammantha"

Alam ko naman na matatahimik na ang buhay nila. Maligaya na rin sila wala na din silang iniisip na Problema. Hindi katulad ng buhay ko na halos kulay itim na.

"Oo naman lalo na natapos na din natin"

Ngumiti ako sa kanya. Nakita ko ang bahagya niyang pagseryoso.

"Sabihin mo nga sa akin may gusto ka ba sa akin?"

Kinabahan ako sa tanong niya. Alam na ba niya? Pero Let's play it cool para hindi halata.

"Secret"

Sumimangot lang siya. Best in Pretending and Denying ang isang tulad ko.

"Ilan ang height mo?" Tanong niya habang tumatawa. Hmpp. Bully talaga ang isang to.

"Bakit mo natanong. Ano naman ngayon kung pandak ako?"

Humalagpak nalang siya. Sarap talaga nito ng sipain tss. Pero dahil sa kanya nawala ang badmood ko sa bahay.

Maraming nagsasaya dito sa amusement Park. Yung tipong wala silang Problema.

"Tara"

Pumunta kami sa may mga grass at umupo. Hindi naman madumi ang grass dito kaya okay lang na umupo dito.

"Na-try mo bang mainlove?"

Na-try kaya niyang mainlove? Malamang kay Beatrice. Mahal pa nga yata niya si Beatrice.

"Oo naman"

Tsss. Nagtanong pa ako eh alam ko naman ang sagot.

"Kanino?"

Nagsmirk pa siya. Bagay sakanya pagnakasmirk.

"Secret"

Tsk.

Tumayo naman siya kaya napatayo rin ako.

"Sakay tayo sa ferris wheel?" Aya niya sa akin.

Ngumiti naman ako. Miss ko nang sumakaya sa ferris wheel.

"Sige"

Pumila kami sa may ferris wheel. Dalawang ikot to be exact. Sumakay na kami ng makabayad siya.

"You know what you're beautiful"

Ano daw?

"Ha?"

Ngumiti naman siya ng matamis.

"Habang buhay kitang mamahalin"

Napangiti ako ng lihim sa sinabi niya.

"Ikaw yung tipong babaeng gusto ko yung simple lang at walang kahit ano sa mukha. Alam mo ba pinagtatawanan ako ng mga tropa ko dahil torpe ako. Binansagan daw akong leader nila pero pagdating sa pag-ibig mahina ako. Mahina lamang ako dahil hindi ko kayang umamin sa mahal ko tapos ang isusukli niya sa akin ay reject. Siyempre masakit yun pero hindi ko naman dapat dinidiktahan ang laman ng puso ng taong mahal ko. Hihintayin ko ang panahon na handa na siyang magmahal at mahalin ako. Hindi ko siya pinipilit na mahalin niya ako"

Sino kaya ang tinutukoy niya ako ba yun? Baka si Beatrice.

Pero bakit niya sinasabi sa akin?

"Mahal ko siya hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko. Lagi ko siyang iniisip kung okay ba siya wala bang masakit sa kanya. Bago ako matulog tumitingin ako sa mga bituin at iniisip ko na siya yun para siyang bituin kumikinang-kinang sa paningin ko at higit sa lahat para siyang gamit dapat alagaan at mahalin"

Tumibok ang puso ko ng mabilis. Ito na ba si nasabi nilang kinakabahan.

"Sino ang tinutukoy mo?"

Ngumiti siya sa akin. Na kinalaglag ng panga ko.

"Sasabihin ko kapag ikaw naman ang magsalita tungkol sa mahal mo"

Napangiti ako at tumingin sa taas. Malapit na pala matapos ang Ferris Wheel.

"Siya ang unang lalaki minahal ko boyish ako pero nung makita ko siya at makilala naging babae ako tinutukso pa nga ako nila Crissa na babae na daw ako. Dahil sa kanya nagawa kong maging malakas at matatag kasi ayaw kong mamatay ng hindi siya kasama. Kahit na anumang pagsubok na dadaan sa akin ay madali para saakin pero pagdating sa kanya mahina ako. Pero kaya nga may kasabihan na huwag maging mahina labanan mo ito ng boung puso. Dumaan muna ako sa masakit bago sumaya kasi nga sa pag ibig ay hindi lahat puro kasihayan dapat handa ka ring masaktan. Alam Kong may mahal  siyang iba at tinaggap ko naman Ito. Naaalala ko pa dati na. Sinabi niya sa akin kung gaano ka importante ang pagiging matatag"

Umiiyak na pala ako.

"Alam mo Raine. Ikaw ang tinutukoy kong mahal ko"

Ako ang tinutukoy niya? Panaginip ba Ito?

"Diba si Beatrice ang mahal mo?"

Napatawa naman siya sa sinabi ko.

"Ikaw ang mahal ko. Saka kaibigan lang ang Turing ko kay Beatrice"

Kinikilig ako langya.

"Alam mo Den ikaw ang tinutukoy ko mahal ko"

"Kung ganun tayo na?"

Agad-agad hindi ba pwedeng magpakipot ako. Dalagang pilipina Ito eh.

"Manligaw ka muna. Para maranasan ko ang ligaw-ligaw no"

Napasimangot naman siya pero Ngumiti rin.

"Kahit araw-araw  kitang ligawan" *Wink*

This day is the best day of my Entire Life...

I found my Star...

His name is Alden Zack Luxes.....

My One and only Love....

****

Nakauwi na ako sa bahay. Mabuti nalang at medyo magaan na ang nararamdaman ko. Umamin sa akin ang taong mahal ko.

(*Pak*)

Pagpasok ko palang ay sumalubong na sa akin ang pagsampal sa akin ni Lolo. Napahawak ako sa pisnge ko na sinampal niya.

"Lolo"

Nakita ko na galit na galit siya.

"Ilang beses ko bang sabihin sa iyo na ikakasal ka na. Maghiwalay na kayo ni Alden dahil Kahit kailan hindi magiging kayo. Tandaan mo ang sinabi ko Hayden Zyrienne Reduxes"

Napaiyak ako. Bakit? Bakit hindi ko magawang maging masaya? Bakit ganito ang buhay ko. Pagod na ako.

Gusto ko nang sumuko pero ang pinangako kay Den. Ewan ko kung magagawa ko ba.

*******

Hayden Zyrienne Reduxes as Park Sandara

Alden Zack Luxes as Kwon Jiyong

-@missHYchii