webnovel

Death Kill Academy

Death Kill Academy School of Death Is a school full of game. Larong pwede at Hinding pwede pangbata Larong puno ng mystery Larong puno ng dugo. Dadaganak ang dugo sa panibagong yugto ng buhay sa pagpasok ng mga students sa Death Kill Academy. Let's the game begin.

MissHYchii · Histoire
Pas assez d’évaluations
33 Chs

Kabanata 13

Kabanata 13: Lost

#Death University

#Kathleen Side

****

(Kathleen Pov)

Nakatulala lang ako sa kawalan. Mabuti pa sila Crissa parang wala lang sakanila ang pagkawala ni Hayden. Kaibigan din naman nila si Hayden kaya dapat mag-alala sila.

"Kathleen kumain ka na. Kanina ka pa tulala" Sabi ni Micca habang nilapit sa akin ang pagkain.

Tiningnan ko ang pagkain saka bumaling ng tingin sa kanya. Nakangiti lang siya sa akin.

"Wala akong gana"

Lumabas ako saka nagmuni-muni. I need to do something lalo na wala dito si Hayden.

Hindi ko alam kung bakit siya dinakip o nawawala. Baka may nalalaman siya kaya siya nawala? Pero malihim si Hayden kung may matuklasan man siya siyempre walang nakakaalam. Kaya paano?

Napatingin ako sa rooftop parang may nagtutulak sa akin na umakyat doon. Kaya hindi na ako nagpaligoy-ligoy umakyat na ako. Habang naglalakad ay tumatayo ang balahibo sa kamay ko pero sinawalang bahala ko na.

Nakarating ako sa rooftop na medyo malakas ang hangin. Nililipad nito ang buhok ko na nakalugay.

Bakit parang ang lamig dito? Sabagay malakas ang hangin dito.

Bumaba ang tingin ko sa may mga puno. May naanig akong anino nakatayo sa may puno. Parang nakatingin ito sa akin. Pinikit ko ang aking mata saka dinilat.

Bigla itong nawala. Baka nagmamalik mata lang ako kanina. Halos takasan ako ng dugo ng makita ito sa tabi ko. Isa itong babae na may mahabang buhok at nakasout ng uniform katulad ng sa amin. Pero hindi ko siya kilala.

"Sino ka?"

Nakatayo lang siya ng diretso. Hindi rin siya gumagalaw. Mababakas sa mukha niya ang lungkot.

"Hindi na mahalaga kung sino ako. Alamin mo ang dalawang traydor at hanapin mo na rin ang libro"

Libro? Traydor? May traydor sa amin? Sino naman. Eh wala naman akong nakikita na pumapatay sa amin.

"May traydor sa amin? Saan matatagpuan ang libro?"

Hindi maari. Bakit may traydor sa amin? Pumapatay rin siya?

"Oo dalawa ang traydor. Hanapin mo ang libro bago ang kabilugan ng buwan"

Kabilugan ng buwan? Parang sa mga lobo lang ang peg. Yung sa twilight.

"Saan ko matatagpuan ang libro? Anong meron sa kabilugan ng buwan?"

Tumalikod siya sa akin at dahan-dahan na naglalakad paalis.

"Sa heart of the school matatagpuan ang libro. Ang kabilugan ng buwan ay ang araw na mamatay kayong lahat. Tulad ng nangyari sa amin"

Kasabay nang malakas na pag ihip ay nawala na bigla ang babae. Anong ibig sabihin niyang katulad ng nangyari sakanila?

Sa kabilugan ng buwan mamatay kaming lahat?

Heart of school matatagpuan ang libro?

Nalilito na ako. Sh*t

****

(Someone Pov)

Sa wakas at malapit na ang inaasahan kong araw. Ang araw kung saan ipapakita namin sakanila ang totoong malakas at kung sino talaga kami.

"Malapit na pala ang kabilugan ng buwan?" Nakangising ani ng kapatid ko na nakadekwatro pa. Umiinom pa ng kape.

Ang magandang araw. Wala akong pakialam kung may mamatay na parte ng buhay ko. Kailangan namin gawin to para sa ikakabuti ng nangyari noon.

"Oo malapit na ang hinihintay kong araw" Nakaupo ako sa sofa habang mataman akong tinitingnan ng kapatid ko.

"Sa tingin mo ate. Hindi nila malalaman ang secreto natin?" Napangisi nalang ako sa tanong niya. Tss wala silang pakialam kung may traydor o wala puro lang sila pag-ibig at lovelife na hindi naman sila matutulungan.

"Hindi nila malalaman. Saka lovelife lang ang nasa isipan nila. Hindi nila alam kung ano ang mangyayari sa kanila"

Ngumiti naman ito na parang may naisip.

"Ate may kilala akong sarap bitayin kasi malandi?"

Sino naman ang malandi na sinasabi nito?

"Who?"

Napangiti naman siya ng nakakaloko na parang may binabalak na masama. Tss

"Anong gagawin natin sa kanya?"

Excited na ako sa gagawin namin sa taong tinutukoy ng kapatid ko.

"Ipaparanas natin sa kanya ang salitang devil. Para malaman niya tss"

Napangisi ako nang dumaan sa tabi namin ang taong tinutukoy ng kapatid ko.

"Kain na tayo" Nakangiting sabi niya. Akala niya lahat ng tao madadala sa ngiti niya psh.

Napakalandi talaga tss.

"I'm so excited"

****

(Third Person Pov)

Sa kabilang banda nahihirapan ng husto si Hayden nakagapos siya sa rehas at hindi pa siya nakakain simula kahapon. Pinarusahan siya ng mga taong kumuha sa kanya. Hinang-hina na siya sa kalagayan niya pero ayaw niya paring sumuko. Walang itong emosyon na nakatingin sa kawalan.

Gusto na niya makalabas pero walang siyang maisip na paraan.

Alam niyang may nangyayari nang kababalagahan sa labas. Kasi narinig niya sa dalawang taong dumakip sa kanya na malapit na ang Kabilugan ng Buwan.

Sa kabilang banda tahimik na kumakain ang mga kaibigan ni Hayden. Mababakas sa mukha ni Jeseryll ang saya dahil sa nangyari aa buhay niya.

"Guys alam niyo ba kami na ni John" pang-babasag ni Jeseryll sa katahimikan. Gusto na niya itong sabihin sa mga kaibigan niya pero humahanap siya ng tyempo.

Napangiti naman ang mga kaibigan niya maliban kay Kathleen na nakatingin sa malayo.

"Congrats"  Simpleng sabi ni Crissa at ngumiti sa kanya.

Nginitian niya naman pabalik si Crissa. Nabatid niya na susuportahan siya ng mga kaibigan niya.

"Aba. Siguraduhin mo seryoso yan sayo" Natatawang sabi ni Michael saka nagthumbs up.

"Dapat magparty tayo" Napatayo si Micca at gumaya naman ang iba.

Si Kathleen naman na nanahimik lang ay napintag sa narinig. Sa lagay na ito ay nalaman niyang walang pakialam ang mga kaibigan niya kay Hayden.

"Sa oras na ito dapat hindi tayo magpakasaya. Hindi natin alam ang mangyayari sa atin tapos nawawala pa sa Hayden. Tapos kayo magpapakasaya!!!" Napatayo si Kathleen sa inis.

Hindi na niyang napigilan sumigaw.

Napatigil sila ng makita nilang galit na si Kathleen. Alam nilang bihira lang magalit si Kathleen.

"Sorry Kathleen" Malungkot na sabi ni Jeseryll.

"ALAM MO KATHLEEN! PABAYAAN MO NA SI HAYDEN. EH WALA NAMAN IYONG MAITUTULONG SA ATIN AH. SAKA PALAGI SIYANG TAHIMIK AT WALANG KIBO. KAPAG TAYO'Y NAWAWALA HAHANAPIN BA NIYA TAYO HA! DIBA HINDI?! SAKA MASAMA BANG MAGING MASAYA KAY JESERYLL?! EH KAIBIGAN RIN NAMAN NATIN SIYA AH!"

Umaawat naman sila Michael pero hindi talaga sila maawat.

"AKALA KO MAIITINDIHAN MO ANG NARARAMDAMAN NI HAYDEN PERO NAGKAMALI PALA AKO. SABAGAY GANUN ANG TINGIN MO KAY HAYDEN NO! SIGE! MAGPARTY KAYO!"

Umalis si Kathleen at tulalang nakatingin lang ang kapwa nilang classmate.

"Susundan ko lang siya" Paalam ni Crissa.

Pipigilan na sana siya ni Micca pero mabilis itong nakalayo.

****

(Kathleen Pov)

Nagbago na si Micca porket ba may Gusto si Christian kay Hayden magiging ganun siya? Ngayon tama ang hula ko. Na wala siyang pakialam kay Hayden. Akala ko maiintindihan niya kung bakit ganun ang ugali ni Hayden pero nagkamali pala ako.

Napatigil ako sa ilalim ng puno. Umupo ako at umidlip. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Naramdaman ko na may umupo sa tabi ko.

"Crissa. Bakit wala siyang pakialam kay Hayden? Kaibigan rin naman niya si Hayden ah"

Nakita ng gilit ng mata ko ang pagbuntong hininga ni Crissa. Mukhang nagulat siya sa bigla kong pagtanong.

"Kathleen nabigla rin ako sa sinabi niya kanina. Alam ko na kapag tayo ang nawawala ay paniguradong hahanapin tayo ni Hayden. Kahit na hindi nababakas sa mukha niya" May punto si Crissa.

Ito na siguro ang tamang panahon na sabihin ko sakanya ang totoo at ang nalaman ko.

"Crissa. Alam mo ba ang Heart of The School?"

Sana may idea siya kahit mallit lang. Kailangan lang talaga.

"Hindi. Bakit?" Naguguhalang tanong niya.

Humarap ako sakanya. Saka siya tiningnan ng seryoso.

"Kailangan natin malaman kung ano ang Center of The School. Para mahanap ang Libro ng Death University" Paliwanag ko.

Nagulat naman siya saka tumingin sa paligid.

"Totoo bang may libro ang Death University? Paano mo nalaman?"

Tumango ako saka tumitingin-tingin sa paligid baka may makarinig.

"Oo at mahahanap iyon sa Heart of The School"

***

P/S: Thank You For Reading! Kahit na may mga grammatical Error parin

@missHYchii