Napatingin kami kung sino iyon. It was Demen Anne, kapatid siya ni Papa. Demen ang tawag sa mga royalty dito sa Dementia and supposed to be Demen kaming dalawa ng kapatid ko but we chose to keep it a secret kasi nga baka malaman ng Croatiania yung tungkol sa akin. Mahirap na, maraming mga traydor sa tabi-tabi.
"Come with me to my office." sabi niya sa seryosong tono kaya nagtinginan muna kami at sumunod na lang.
Siya din pala ang may ari ng academy na ito kaya siya parating andito. Isa rin siya sa mga connections ni papa na sinabi ko kanina.
May ikekwento lang ako tungkol kay Demen Anne. Siya yung taga-hawak ng susi ng Corpse City at nakuha ito sa kanya ng isang lalaking Croa na minsan na niyang minahal noon. Yes, nagrebelde siya at nagrisk siyang mahalin ang isang kalaban kasi akala niya totoong pag-ibig na iyon pero hindi, isa lamang itong patibong.
Aminadong naging tanga siya sa pagmahal at sa pagtiwala sa lalaking iyon, hindi siya makapaniwala na ang tanga-tanga niya. Naging miserable ang buhay niya dahil ang susi ay isa sa mga importanteng kapangyarihan at ito'y nawala dahil sa katangahan niyang umibig ng isang kalaban, sa isang taong akala niya'y ang siyang magpapabago sa tingin niya sa Croatiania.
Ang dating payapa at matiwasay na syudad, ito ay naging madilim at puno ng mga miserable at kasamaan. Hindi lang iyon ang nangyari, yung lalaking akala niya ay ang makakasama niya buong buhay ay napunta sa Corpse City dahil pinatay siya ng Hari ng mga Croa. At walang sino man ang nakakaalam kung bakit nila ito ginawa.
Triple kill para kay Demen Anne ang nangyari, hindi lang yung susi at ang mahal niya nag nawala, pati na rin ang kapangyarihan at ang kumpyansa niya sa sarili ay sadyang gumuho din, nawala ng parang isang bula.
Ngunit, ang susi na iyon ay mismong nakapwesto sa pinakagitna ng syudad kung saan doon ang may pinakamalakas na pwersa, imposibleng makuha ulit iyon. Yun ang sabi niya sa amin pero hindi ako naniniwala, walang imposible kung magkakaisa ang lahat at kung manalig sa sarili. Subalit sa lahat ng miserableng naganap sa buhay niya, tinanggap siya ng buong buo ng kanyang kapamilya, tinanggap namin siya na para bang walang nangyaring hindi kaasam-asam.
Isa sa mga katangian ng isang Demen ay hindi mo lang maririnig ang nasa utak nila, ikaw mismo ay ang makakakita ng kung anong nasa isip nila, called mind viewer. Which is cool and not cool. Cool kasi naiiba ito sa lahat at not cool kasi maaari itong maging mapanganib lalo na't baka isa sa kanila ay isang traydor. Pero naniniwala akong walang traydor sa amin, pamilya kami at lahat kami ang susubok sa labanan ng magkasama.
Isa pang trivia. Noon, kapag ang isang Croatianian ay pumunta sa dimensyon namin, magkakaroon sila ng memory disorder at mapupunta ang kaluluwa nila sa Corpse City. Ngunit ngayon ay nasa kamay na nila ang Corpse City, wala na iyong bisa. Pwede silang pumunta dito sa Dementia pero mahigpit ang aming seguridad dito at sisiguraduhin naming na walang makakapasok na kalaban dito.
"I have a favor for you two." Panimula ni Demen Anne. Medyo napahaba ang kwento ko kaya di ko na namalayan na nakarating na kami sa office niya. Simple lang naman siya na office, parang sala lang siya kung tignan pero meron siya ng desk sa harap ng pintuan. Andito din si Demen Ocean. Siya ang pinakabatang kapatid nila papa at four years older lang siya sa amin so hindi masyadong malayo ang gap namin.
"Ano po iyon?" tanong ko. Medyo kinakabahan ako ngayon, this must be something important.
"Let's wait for the others." sagot ni Demen Anne. Sa sobrang tahimik ng silid, nagiging awkward na. Parang nabibingi na ako sa katahimikan namin lahat. Ni isa sa amin ay walang balak na ibuka ang bibig. Hindi nagtagal, dumating na lahat ng kapatid nila papa, at kasama rin siya. I'm getting confused now. Pero let me introduce them first to you.
Demen Erik, siya si papa, as I said nung una ko siyang inintroduce. The eldest of them all and probably the serious of them all.
Demen Anne, siya ang kasunod ni papa. She has no powers already, but she is the one who'll plan for a fight. Siya ang silbing utak ng digmaan sa amin at kasali din siya na labanan. Pero ang kapangyarihan niya noon ay prediction and time travel, which is namana iyon ni Skyme. Sa lahat ng dementians at sa mga Demens, si Demen Anne lang ang marunong kung paano magtime travel at susunod ay ako. Pero malaking sakripisyo kung ikaw ay gagamit ng time travel dahil hindi lamang ang kasulukuyan ang kayang baguhin, pati na rin ang nakaraan at ang hinaharap.
Demen Ian, siya ang kasunod ni Demen Anne, has a simulated hypnotism power. He can hypnotize you. May irerecite siyang ritwal to make you do whatever he says you to. He can also read minds which is alam ko na kung paano.
Demen Universe, siya ang kasunod ni Demen Ian. Siya ang shield kapag nasa labanan na kami, the peg shield and healer. Kaya niyang i-heal ang taong nasugatan. Pero may limitasyon ang lahat, makakabuhay siya ng patay ngunit kapalit nito ang kanyang kapangyarihan at ang kanyang taglay na makakita. Siya ay isa sa mga importanteng bagay sa laban at isa siya sa dapat protektahan sa lahat.
Demen Ocean, siya ang kasunod ni Demen Universe at ang pinakabata sa kanila. Precise Teleportation ang kanyang kapangyarihan. Kaya niyang iteleport ang isang bagay, tao o kahit ang sarili niya, precisely and accurately.
Last but not the least, King Demen Arthur. Siya ang ama nilang lahat at ang lolo namin. Infinite knowledge at invisibility ang kanyang kapangyarihan. Isa siya sa mga tagaplano ng laban. Kaya niyang i-invisible ang isang bagay, tao o kahit ang sarili niya. He used to have all the powers, but he lost it when he had kids before he became a king, bali yung kapangyarihan niya pinaghahatian na ng kanyang mga anak. That's the consequence of having children before ruling, iyon ang sabi nila sa akin.
May isang kakayahan pa na kaming lahat ay alam kung paano ito gawin. Pati kami ng kapatid ko ay alam na din kung paano ito gamitin. Ito ay ang Astral Projection kung saan hihiwalay ang iyong kaluluwa sa iyong katawan.
Kung pagsamasamahin mo yung mga kapangyarihan nilang lahat plus yung mga kapangyarihan ng mga Dementians, yun ay ang akin. Pero anim pa lamang ang alam kong gawin, ang pagbabasa ng isip ng tao which is not really that powerful pero nagagamit ito sa digmaan, at yung apat na elemento at isang misteryo.
"We are all gathered here para sa isang importanteng misyon." Panimula ni King Demen Arthur.
"Ano pong misyon?" tanong ni Skyme.
"Kasali po kami?" tanong ko naman.
"Ang misyon natin ay makuha ang susi ng Corpse City. I guess na sabi na ito sa inyo. And yes, kasali kayo." Sagot ni Demen Anne. Seryosong-seryoso ang ang mukha niya, nakakatakot.
"Paano ba yan? Hindi pa sila marunong lumaban. Lalong-lalo na si Sync. Masyadong maliit ang natitirang oras para pag-aralan ang bawat kapangyarihan niya. At masyado itong marami para isaulo niya." Seryosong tanong ni Demen Ian.
"Pati na rin si Skyme. Hindi pa siya marunong gumamit ng espada o kahit na pana." Dagdag pa ni Demen Universe.
"Mahihirapan tayo nito panigurado." Reklamo naman ni Demen Ocean.
"Anong silbi natin kung di natin sila tutulungan? Lahat naman tayo ay marunong gumamit ng kahit anong kagamitang pandigma, edi turuan natin sila. Lahat ng kapangyarihan ni Sync, nasa atin lahat, turuan natin siya isa-isa. Hindi naman kailang na pangunahan ang lahat, magtulungan tayo." Mahabang sabi ni Papa Erik.
So that does mean na payag siyang maging parte kami ng laban?
Nahagip ng mata ko na nakatingin si Demen Ian sa akin, specifically sa mata ko. "Payag siya." Narinig ko sa likod ng aking utak. Napangiti ako. Tinitigan ko rin siya ngunit wala akong marinig. Tinignan ko si Demen Universe, ayon pala eh. Isa rin sa mga kapangyarihan niya ay pwede niyang i-block ang connection kapag binabasa mo ang isip ng isang nilalang. Nabigla ako ng may nabangga sa aking likod, tumalikod ako at nakita si papa at si Demen Ocean. Pagharap ko nasa harapan ko na si Demen Ocean.
Napatawa kaming lahat at nabigla ng may narinig kaming pagsara ng pinto at wala na si Demen Anne sa paligid. Lumungkot ang aking mukha at nanlumo, nakalimutan namin ang kalagayan niya, she has no powers, this time. Susundan sana siya ni papa pero inunahan ko na.
"Ako na muna ang kakausap sa kanya." Sabi ko sabay sunod sa kanya at hindi na nakinig sa mga sagot nila. Kahit na anong sabihin nila o kahit tumutol sila ay wala na silang magagawa.