Ang dilim ng paligid. Wala akong makita kung di kadiliman. Ang lakas ng kabog ng aking dibdib, hindi ko alam kung bakit pero nararamdaman kong hindi lang ako nag-iisa sa lugar na iyon. Hanggang sa nakarinig ako ng mga patak ng paa at biglang sumikip ang aking dibdib.
Ang sakit, ang sakit sakit.
Paggising ko, nakita ko ang sarili kong nakahiga sa aking kama, nakahawak ng mahigpit sa aking dibdib at hinihingal. Doon ko naalala na nahimatay pala ako sa school.
Yung nakita ko bago ako nahimatay at ang panaginip ko. Malakas pa rin ang tibok ng aking puso. Ramdam ko yung sakit.
Nagulat ako ng pumasok si Skyme na may dalang tubig.
"Oh, gising ka na pala. Tubig muna oh." sabi niya sabay abot sa akin ng isang basong tubig. Agad ko ding naubos dahil uhaw na uhaw talaga ako.
"Anong nakita mo?" seryoso niyang tanong. "Wala yun. Huwag mo ng isipin iyon. Di na yun importante at saka gutom lang ako kaya ako nahimatay, nakalimutan ko kasing kainin yung sandwich na dinala ko kanina eh." pagsisinungaling ko sa kanya. Pero alam kong alam niya na nagsisinungaling ako pero hindi na niya tinanong pa. Dahil kung may plano siyang tanungin iyon, wala akong planong sagutin.
Well, siguro nga twin instincts yung nangyayari sa amin. Alam na namin ang isa't isa at ramdam namin ang isa't isa. But this time, dapat ako lang muna ang makaalam sa nakita ko kanina, hindi ko muna ito ipagsasabi sa iba. I have to keep this to myself dahil gusto kong malaman ang ibig sabihin noon na ako lang ang nakakaalam.
Bumaba na din kami dahil tinawag na kami ni mama para mag-dinner. Simple lang naman ang pamumuhay namin, wala kaming mga maids dahil my parents want us to be independent, wala din kaming kotse kasi mas minabuti naming mamuhay na parang normal na tao. Sa bahay, para lang kaming isang pamilyang normal. Pero sa totoo, higit pa doon ang aming problema na minabuti naming unti-untiin, hinay-hinay lang.
Tapos na kaming kumain pero binilinan kami ni papa na pumunta lahat sa salas matapos ang lahat ng gawain para sa kakaunting family meeting na halos araw-araw naming gawain. Para itong small family bonding bago kami matulog.
Sabay kaming umupo ni Skyme sa sofa at kami nalang din ang hinihintay nila mama at papa.
"Sync, I heard di ka nakapasok kanina and ikaw din Hymm. Anong nangyari?" koryosong tanong ni papa. Si Papa talaga alam niya lahat, ang dami kasi ng connections niya kaya mabibisto kami agad. "Eto kasing si Consonant, dad, nahimatay bigla kanina kaya ayan, inuwi ko na dito sa bahay at binantayan." Sagot ni Skyme. "At bakit ka naman nahimatay?" tanong ni papa habang nakakunot ang noo. "Kasi po-"
"Sige sabihin mo lang. Hindi ka nila pagagalitan." Pagputol sa niya akin.
"Kasi po-"
"Kasi po hindi siya kumain ng dinner at breakfast kaya ayan, nahimatay. Nasobrahan sa diet, payatot naman." Pagputol niya kaya ayun, di na ako makatimpi at binatukan ko na.
"Ang bait mo talagang kapatid." sarkastiko kong sabi.
"Thank you po!" sagot ng loko kong kapatid.
"Opps, tama na yan! Ikaw naman kasi Sync sana kinain mo na agad yung sandwich na kinuha mo bago ka umalis." sermon ni mama.
Nilingon ko naman si Skyme at binelatan niya ako. Binigyan ko lang siya ng isang nakakalokang ngiti.
"Eh pano po siya? Ketagal-tagal kumilos, kalalaking tao. Mas pagong pa siya kumilos sa akin eh. Tangghali na at kakagising lang niya." panglaglag ko sakanya kaya nakatanggap ako ng death glare pero sinuklian ko ito ng ngiting tagumpay. Parang nakarevenge lang eh.
"Okay, simula ngayon, ang hindi kumain ng tatlong beses sa isang araw at hindi gumigising ng maaga ay bibigyan naming ng isang mahirap na task na siguro naman ay alam kong ito ay ang pinakaayaw niyong gawin. And don't think of it as a joke dahil kapag sinubukan niyo ako, susubukan ko din kayo. Am I understood?" maawtoridad na sabi ni papa. "Yes, Pa!" sabay naming sabi.
Nang sumunod na araw, sabay kami ni Skyme na pumunta sa academy at sabay din kaming pumasok sa aming schedule ngayong araw. Kakaunting tao lamang ang andito sa silid, lima lang kami sa silid na ito. Sila ang mga pinuno ng bawat kapangyarihan at alam nila ang patungkol sa amin ngunit hindi nila alam kung sino yung panganay sa amin. Ang silid ay hindi gaano kalaki ngunit hindi rin naman maliit. May isa malaking board sa harap na may mga impormasyon patungol sa Dementia.
Sa aming dimensyon, nahahati rin kami sa tatlong uri at isang misteryo.
Una ay ang mga Cheicybat, ang tagabantay ng bawat sulok ng aming dimensyon. Sila ang may pakpak na parang paniki, mabilis tumakbo na parang cheetah at ang kapangyarihan nila ang pagbuga ng yelo. Marunong silang lumaban gamit ang pana at espada, iyon ang kalamangan nila sa mga Unitaurcat. Meron ding mga kalahating Cheicybat, nakakalipad ngunit walang pakpak, nakakatakbo ng mabilis ngunit hindi nakakapagbuga ng yelo. Pero ang kapangyarihan nila ay sound hypno, na kapag sumigaw sila ay dudugo ang iyong ilong at tenga pagkatapos ay makakatulog ng matagal. Ngunit, hindi sila ganoon kalakas dahil pana lamang ang kaya nila sa paglalaban dahil mabilis sila maubusan ng dugo at mamatay.
Pangalawa ay ang mga Dementians. Sila ay ang mga mamamayan ng aming dimensyon. Ang kapangyarihan nila ay katulad ng mga Croatianians, tubig, apoy, lupa at hangin. Ngunit, tinuturuan din silang gumamit ng pana at espada.
At pangatlo ay kaming mga Demens. Lahat ng Demens na nasa tamang edad na para lumaban ay may gintong halo. So, kakastart lang kami magkahalo ni Skyme right after our 16th birthday as a birthday gift na galing kay King Demen Arthur. We can also call ourselves Dementians, but because of the superiority and the royal blood, we are classified as Demens. Pero kami ni Skyme, we are called Immortal Demens, like nang sinabi ko, we are the first ones in our kind. Kami ang pinakaunang naging Demen na may half blood na human in the history of Dementia, we are two of a kind.
May biglang sumigaw kaya napaayos kami ng upo.
"Good Morning, Dementians!"
"Good Morning, Ma'am! Pax et bonum." sagot naming lahat at umupo. (Pax et bonum means peace and good)
"Our lesson for today is the map of dimensions kung saan, nakalagay lahat ng dimensyon sa isang mapa." May kinuha siya sa lamesa at ipinakita ang isang mapa na may apat na portal.
"Ang mapa na ito ay may apat na portal."
Panimula niya and the exact thing came out of my head when I saw the map.
It was beautiful.
"Ang nasa unahan ay ang dimensyon ng mga tao at ang nasa ibaba nito ay ang Dementia. May isang invisible na tulay na nakakonekta sa dimensyon ng tao at dementian. Ang nasa ibaba naman ay ang Croatiania na siyang kalaban natin. Ang nasa ibaba naman ng mga tao na katabi ng Dementia ay ang tinatawag na Corpse City. Dito napupunta ang mga supernatural na namatay na, pero sa dimensyong ito ay mawawala lahat ng alaala nila. Ang mga supernatural na pwedeng malakalabas-masok dito ay ang mga Croatiania dahil kinuha nila ang susi na dapat ay nasa sa atin. At iyon ang isa sa mga misyon niyo, ang makuha muli ang dating nasa atin, ang makuha muli ang susi ng Corpse City at ibalik ito sa kung saan ito nararapat. For now, leave all your things and proceed to the bulletproof zone. We need to train you for your first ever upcoming mission. Double time, people!"
Napatulala ako saglit. Ito ay magiging first ever fight ko. Naks, nakakaexcite! Sabay kaming lumabas ni Skyme papuntang bulletproof zone dahil wala kaming ibang kasama kung di ang isa't isa.
Malapit na kami sa pinto ng zone ng may biglang tumawag sa apelyido namin.
"Torre!"