webnovel

Chapter 16

Agad na ring umalis si Skyme pagkatapos kong sabihin iyon. Dahil kahit anong pilit niya ay hindi ko masasagot ang tanong niya, wala akong balak.

Napag-isip-isip ko ang mga nangyayari.

Isang araw, binigyan na lang kami ng isang misyon na sugurin ang Croatiania para kunin ang susi ng Corpse City.

Kung tutuusin, pwede naman naming salakayin na lang ang Corpse City at hindi na pupunta sa Croatiania, pero napag-alaman ko na may iba pa pala misyon maliban sa pagkuha ng Corpse City. Hindi ko alam kung ano, pero may hinala ako.

Ang misyon na tinahas sa amin bago pa ang pagkuha ng susi, ang pumunta sa Croatiania para kunin ang isang mahiwagang libro nila. Hindi ba parang ang babaw lang ng dahilan? I feel like sinama nila ako dahil may gusto silang mangyari.

Alam kaya nila na wala sa puder ng mga Croa ang puso nila? May posibilidad din kaya na sinama nila ako sa misyon dahil gusto nilang magkita kami ng puso ng Croa? Alam kaya nila ang tungkol kay Queen?

Biglang pumasok sa isip ko si Demen Anne. She told me she can see the future in a span of a hundred years. Posible rin kayang alam na niya ang itsura ng puso ng Croa?

Kinabahan ako saglit. Pwede mangyari nga iyon. Wala man lang imik si Demen Anne kanina nung dumating kami sa bahay kaya hindi ko siya natapunan ng pansin. I can feel that she can sense it, since she had a connection with a Croa before.

Napaisip ako ulit. Hindi isang simpleng Croatiania lang ang inibig niya noon, she fell in love with a Croa, a direct descendant of the King. Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Demen Anne sa akin sa Enchanted Tree.

When I first met Eeyone, the Croa who I fell in love with, the first son of the first daughter of King Croa, I can't predict him.

Eeyone, the Croa who I fell in love with, the first son of the first daughter of King Croa

the first son of the first daughter of King Croa

SHIT! The first son of the first daughter of King Croa? Eeyone? Siya ba ang sinabi ni Vowel na nakakatandang kakambal niya? Eeyone, Eaie. It does makes sense, may pagkatulad ang mga pangalan nila.

Pero paano? Ang alam ko, nagkaroon ng relasyon si Demen Anne and Eeyone before I was born.

Ang sabi nila, Demen Anne is 18 years old when she lost her powers, pero hindi ko alam kung ilang taon na si Eeyone nung panahon na iyon. 35 years old na si Demen Anne ngayon since its almost 17 years ago nung nangyari iyon. So tansya ko, nasa ganoong age rin si Eeyone, a little more or less.

Pero napakaimpossible, kung kambal nga si Eeyone at Vowel, does it mean buhay na si Vowel sa panahong iyon?

"I'm 30."

Nagreplay sa utak ko ang sagot niya nung tinanong siya kung ilang taon na siya. Posible kayang hindi talaga siya nagsisinungaling? Is he really 30 years old?

I need to see Vowel now. Hindi mahalaga sa akin kung ilan taon na siya, what I want to know is kung may alam ba siyang pangalan ng kambal niya.

Agad na akong magteleport sa kwarto niya, ayokong marinig nila Mama at Papa, lalo na si Skyme, ang paglabas ko ng kwarto.

Pagkarating ko doon ay naabutan kong nakaupo siya sa gilid ng kama. It looks like alam niyang papunta ako dito.

"I knew it. Ramdam kong pupuntahan mo ako." bungad niya sa akin. Agad na umupo ako sa sofang nasa harapan niya.

Hindi ko siya sinagot sa bungad niya sa akin, instead, pinagmasdan ko siya. This time, I blocked my mind. Ayokong malaman niya ang nasa isip ko.

Naikwento ko sa kanya ang nangyari sa Corpse City, pero hindi ko sinabi na nawalan ng kapangyarihan si Demen Anne, hindi ko rin sinabi kung paano on a ang susi. Ngunit hindi na siya nagtanong pa, parang alam na niya ito.

"Something is wrong? I can't read you this time." Nag-aalalang tanong niya.

"Do you have something to tell me?" seryosong tanong ko sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?" nagtataka niyang tanong.

I can see he didn't block his mind, pero mas on ag magulo ito. Pero, I didn't hear any voice, parang kusa ko na lang nalalaman kung anong nasa isip niya.

"Corpse City. Demen Anne. Does it ring a bell?" sabi ko sa kanya.

"What are you trying to say, Consonant?" nakakunot noo niyang tanong pero alam kong alam na niya ang ibig kong sabihin.

"Are you worried about the Queen? Huwag kang mag-alala, this house is covered with my shield and Demen Universe's, hindi niya tayo maririnig, makikita o kahit maidala sa harapan niya. Tell me Vowel, anong alam mo?"

Nagbugtong hininga muna siya bago sumagot.

"I saw everything with my two eyes, the first war, the second, how Lord Syzygy made three dimensions. I'm at least eight thousand years old. Hindi ko alam kung nasa posisyon ba akong sabihin ito sa iyo, but you are not 16 years old, Consonant. You have the same age as me. Lahat ng sinabi ko sayo before, iyon ang kwento sa akin ni Queen, iyon ang pinaniniwalaan niyang alam ko. Pero hindi, I can clearly remember it."

"No! Diba may kambal ka, may kambal din ako. It's not possible!"

"Consonant, listen to me. Skyme is not your twin but he is your brother, pero hindi kayo direct blood related."

"Ano? I don't understand."

"Your mom. She's not an inborn pure human, she is Lord Syzygy's creation, the hidden creation."

"A hidden creation?"

"No one knows her existence, except Lord Syzygy, you and me."

"Bakit ngayon ko lang nalaman?"

"No, you knew this long ago. Hindi ko alam kung bakit hindi on a maalala. The last time I saw was in the first war. Consonant, you were with me, we are the first creation."

Sumakit ang ulo ko bigla. I can feel like umiilaw ang bato sa ulo ko, it's blinking fast.

Biglang nag-iba ang paligid at napunta ako sa nakaraan.

*

Nasa isang madilim kami na kalawakan. May nakita akong babae at lalaki na nasa magkabilang gilid ng isang matandang babae. They look like me and Vowel. Para akong napako sa kinatatayuan ko dahil hindi ako makagalaw.

"What do you want me to create?" tanong nung matandang babae.

"We want someone like us, my lord. I want to see a lot of us." sagot nung babaeng parang ako.

"They can't look like us. Make something like us but not like us." sambit nung lalaking parang si Vowel.

Napataw ng mahina ang matanda sa inasal ng dalawa.

"As you wish."

Bigla na lang nagkaroon ng liwanag at napadpad ako sa isang madugong paligid.

"Sync! Run faster! We need to get back to Lord Syzygy!" rinig kong sigaw ng lalaki sa babae. They were running like hell kasi may naghahabol sa kanila. Nung maaninag ko ang limang taong naghahabol sa kanila bigla akong nanlambot.

It was King Demen, King Croa, the Queen, Papa Erik and a lady who seems to be King Croa's daughter.

Pero dahil mahinang tumakbo ang babae ay naabutan ito ng babaeng mukhang anak ni King Croa, nakatalikod ang babaeng mukhang ako sa kanya, she held her neck at may nakatutok na espada.

"Sync!" sigaw nung lalaki at daling pinuntahan ang babae. At tumigil sa harapan nito habang napagtanto niyang pinalilibutan na siya nina King Demen, King Croa at Papa Erik. Bigla na lang nawala sa paligid si Queen.

"Please! Ako na lang ang kunin niyo. Please, huwag siya. Ako nalang." mangiyak-ngiyak na usal niya. Umiiyak na ang babae.

"Give me the key, boy. Without using your powers kung ayaw mong patayin ko itong babaeng ito." tugon nung babaeng may hawak sa akin.

Agad na tinutukan ng espada ni King Demen at Papa Erik si King Croa at hinarap ang babaeng may hawak sa akin.

"Come on, Coquina! The keys or your King?" nakangising tanong ni Papa Erik.

Nakakatakot, parang sa puntong ito I can't call him Papa.

"Let him go, Erik!" may diing sabi ni Croa Coquina.

"Let me have the boy and the girl, you can have your King." tugon ni Demen Erik. Tinutok niya ang sword na nasa kabilang kamay niya kay Vowel.

"Damn you!" pagkasabi niya noon ay binitawan na niya ako at hinagis kay Vowel.

Mahigpit na kumapit ako kay Vowel habang walang tigil na umiiyak. Hinahagod niya ang likod ko at nakaramdam ako ng mas matinding panganib.

Naglakad si King Demen at si Demen Erik papalapit kay Croa Coquina habang nakatutok pa rin ang mga sandata nila kay King Croa at sandata ni Demen Erik sa amin.

Pagkadating ni King Croa kay Croa Coquina ay agad na silang nawala. Palagay ko ay lumayo na sila sa lugar na iyon.

"Now, give me the keys." sabi ni Demen Erik habang nakaabot ang kamay niya. Hindi ko alam kung anong susi ang pilit na kunin nila pero alam kong hindi iyon susi ng Corpse City.

Nakatutok na ang lahat ng sandatang dala nila sa amin, na parang handa nilang gamitin sa pagpaslang kung may gagawin kaming mali.

Pinalutaw ni Vowel ang susi sa kanyang kamay ngunit hindi niya muna ibinigay iyon sa kanila.

"Kapag nakuha niyo na ang susi, hayaan niyong umalis na kami dito agad." pakiusap niya kina King Demen.

"Just give us the key!" sigaw ni Demen Erik.

Pinalutaw niya ang susi sa kamay ni Demen Erik, pero hindi ko inaasahan na susunod ako sa susi. Parang namagnet ako sa susi.

Bago pa man ako makalapit si Vowel sa amin ay may isang malaking sphere na paikot-ikot ang nakapalibot sa akin. Kasama ko sa loob sina King Demen at Demen Erik.

Nanghihina ako habang mabilis na pumapaikot-ikot ang sphere. Pilit kong buksan ang mga mata ko para makita si Vowel pero nung maaninag ko siya ay nakasampa na siya sa lupa at walang malay.

Malakas na sigaw ang binitawan ko, sigaw na nasasaktan at nagagalit.

Napakalakas ng sigaw, nakakabingi. Napahawak ako sa aking mga tenga, ngunit palakas ng palakas lamang ito.

Hanggang sa...

*

"Sync!" rinig kong sigaw ni Vowel. Agad na minulat ko ang aking mga mata at napatantong basa ito.

Mabilis akong niyakap ni Vowel at nanghihinang sinandal ko ang aking ulo sa kanyang dibdib.

Natatakot ako, natatakot ako sa mga nalaman ko.