MrCreeper: May gusto ka bang regalo sa birthday mo? :)
You: Wala pa akong maisip eh.
MrCreeper: Wala ka bang hinihiling sa mga shooting stars? :)
You: Nung bata pa ako gusto ko ng unicorn. Pero di naman sila totoo.
MrCreeper: Sinong nagsabi?
You: Si Mrs. Marasigan. Teacher ko nung elementary. :(
MrCreeper: Gusto mo parin ba silang makita?
You: Hindi na. Iba na ang gusto ko.
MrCreeper: Ano?
You: Secret :)
MrCreeper: Pano ko ibibigay sa'yo kung secret?
You: Maibibigay mo yon sa'kin kahit secret.
MrCreeper: Gusto ko talagang malaman.
You: Hindi pwede. Secret.
MrCreeper: Kapag ba naibigay ko na yung gusto mo, sasabihin mo ba sa'kin?
You: Oo naman. Kung tatanggapin ko. :)