webnovel

Dear Future Boyfriend

Kayleen's diary entries about her future boyfriend, current crush, and everyday life. *Written in Filipino / Tagalog language*

AlesanaMarie · Urbain
Pas assez d’évaluations
156 Chs

Kayleen's POV

Masigabong palakpakan ang ibinigay namin lahat para sa banda ni Ashton. Naluluha ako para sa regalo nya sa akin. Kumanta sya sa harap ng maraming tao para sa akin. Palagi nalang syang gumagawa ng mga bagay na nakakapagpasaya sa akin at hindi ko mapigilan na mas lalong mahulog sa kanya. Kung may idea lang sana sya sa kung gaano ko sya kamahal ngayon.

May mga lalaking nag-ligpit ng instruments ng banda ni Ashton. Lumapit sya sa akin matapos nyang ibigay ang gitara nya sa isa sa mga lalaki. Naglahad sya bigla ng isang kamay sa harapan ko. Tinignan ko yon nang namimilog ang mata. Bigla nalang tumugtog na instrumental music. Ano 'to? Mamaya pa ang eighteen roses ah! Nabago ba ang programme?

"Can I have this dance?"

Medyo nalaglag ang panga ko. Hala! Sinasabi ko na nga ba dapat talaga kasama ako sa nagplano ng programme baka may nakalimutan sabihin sa akin kahapon si Mama. Ilang beses ko pa naman syang tinanong kung ano ang mga dapat kong gawin. Umupo lang daw ako sa gitna at manood ng programme, pagkatapos non makikipag-sayaw na ako para sa eighteen roses! Pero hindi naman si Ashton ang first dance ko eh! Si Kuya yon dapat. Ano ba ang nangyari?

Nakita ko sina Ashleen, Trisha at tatlo ko pang pinsan na babae na tumayo. Ano 'to?! May mga kani-kanila silang partners at pumunta rin sa gitna. Kahit si Kuya Dylan at Kuya Kean ay nakatayo kasama ang iba pang mga lalaki.

Nahigit ko ang hininga ko nang malaman kung ano ito. Cotillion! Bakit may ganito sa debut ko? Wala naman nito sa programme! Shucks! Hindi ako marunong sumayaw! Kaya rin ba wala si Ashleen nang tatlong araw at palagi syang busy ay dahil nag-practice sila ng sayaw?

Nawala yata ang kulay sa mukha ko. Pinagpawisan ako nang husto. Ayokong sumayaw! Ayokong mapahiya sa debut ko. Hinanap ng mga mata ko si Mama para sumenyas sa kanya na ayaw ko. Hindi ko sila makita ni Papa.

"Kayleen," bulong ni Ashton na nakapagpabalik ng tingin ko sa kanya. Hindi ko namalayan na nakaluhod na pala sya sa harap ko at nakatingin sa akin nang diretso. "Trust me."

"P-Pero hindi ako marunong sumayaw Ashton," nanginginig na bulong ko pabalik.

"I'll guide you."

"A-ayoko." Nahigpitan ko ang kapit ko sa upuan ko. Hindi nila ako mapapatayo dito!

Ngumiti sya sa akin. Nakakainis ang ngiti nya! Parang hindi ako makakatanggi dahil sa nakakatunaw na ngiting yon! Bakit nya ginagamit to sakin ngayon?! Sa dinami-rami ng pagkakataon, bakit ngayon pa nya napili na ngumiti nang ganito? Ayoko talagang sumayaw.

"Mary Kayleen Santos." Kumikinang ang mga mata nya habang binabanggit ang buo kong pangalan. "Will you have this dance with me?"

Nooooooooooooo!!!

Iba ang sinisigaw ng isip ko sa sinasabi ng puso ko. At dahil nga nagwawala ang puso ko sa sobrang kaba at saya dahil kay Ashton, nalito ang isip ko at wala akong ibang nagawa kundi ang ibigay sa kanya ang isang kamay ko. Tumayo ako mula sa upuan ko at narinig kong nagpalakpakan ang mga tao.

"Hawak ka lang," bulong nya sa akin.

Hawak nya ang isang kamay ko habang nakatayo kami paharap sa mga bisita. May formation sa magkabilang gilid namin ni Ashton ang iba pang kasama namin sa pagsasayaw. Mas lalo akong kinabahan! May formation sila!

"Relax."

"Paano?"

"This is your party Kayleen. Hwag mong isipin na mapapahiya ka."

"Paano kung magkamali ako ng step?"

"Hindi ka magkakamali," nakangiting sagot nya. "Iba lang talaga sila ng step."

Kung hindi lang ako sobrang kinakabahan natawa na siguro ako. Pero kahit papaano nabawasan ang tensyon sa katawan ko. Tama naman sya, party ko to. Hindi ako magkakamali, kung iba ang step ko, well, ako kasi yung debutant kaya iba! Haha!

Take my hand, take a breath

Pull me close and take one step

Sumayaw na kami ni Ashton. Sobra talaga akong kinakabahan pero si Ashton mukhang relax lang. Humarap kami sa isa't-isa. Hawak nya ang dalawang kamay ko, lumayo sya nang bahagya at nakita kong ginawa rin yon ng iba pang sumasayaw. Lumayo rin ako kay Ashton ng isang hakbang, nananatiling magkahawak ang dalawang kamay namin. Muli kaming lumapit sa isa'-isa at ganon din ang ginawa ng iba pang sumasayaw.

Keep your eyes locked on mine

And let the music be your guide

"Just breathe," bulong nya sa tenga ko.

Kinilabutan ako. Pakiramdam ko ginapangan ako ng ilang libong langgam. Si Ashton kasi! Nawawala ako sa focus!

Won't you promise me?

(Now won't you promise me,

That you'll never forget)

Hawak nya ako sa isang kamay at pinaikot nya ako ng isang beses. Nakita ko rin na ganon ang ginagawa ng iba pa. Napalunok ako nang maramdaman ko ang dibdib ni Ashton sa likod ko.

We'll keep dancing

(To keep dancing)

Wherever we go next

Muli nya akong pinaikot paharap sa kanya. Ginabayan nya ang mga kamay ko sa paghawak sa balikat nya. Ang isa ko pang kamay ay hawak nya habang ang isang nyang kamay ay nasa likod ko.

It's like catching lightning, the chances of finding

Someone like you

It's one in a million, the chances of feeling

The way we do

Nag-sayaw kami ng waltz. Nakahinga ako nang maluwag. Alam ko kung paano mag-sayaw ng waltz. Matagal na simula nang sayawin ko ito, noong senior prom pa.

"Matagal na kitang gustong isayaw katulad nito," bulong nyang muli.

Napangiti ako. "Parang alam ko na kung bakit biglang may lumipad na spaghetti sa ulo ni Thomas noon sa Senior Prom namin."

Nabura ang ngiti sa labi nya at napalitan ng nerbyos. "R-really?"

And with every step together

We just keep on getting better

So can I have this dance?

(Can I have this dance?)

Can I have this dance?

Muli nya akong pinaikot at nang humarap ako sa kanya ay hinawakan nya ako sa bewang ko at binuhat paitaas.

"Oh my!" sambit ko sa sobrang gulat.

Narinig ko naman na nagtawanan ang mga bisita. Namula ang pisngi ko. Hindi ko alam na itataas nya ako. Sabay-sabay kaming ibinaba ng mga lalaking partners namin.

Take my hand, I'll take the lead

And every turn will be safe with me

"Hindi ka ba nabigatan sa akin?"

Tumawa sya saglit. "Are you asking me if you're fat?"

Napasinghap ako. "Mataba ba ako?"

"No Kayleen. You're perfect."

Don't be afraid, afraid to fall

You know I'll catch you through it all

"Paano kung tumaba ako kakakain ng sweets?"

Hindi sya sumagot. Nagpatuloy kami sa pagsasayaw ng waltz.

"Ashton."

"Yes?"

"Paano kung tumaba ako?"

"Paano kung tumaba ka?" tanong nyang parang naguguluhan.

"Magugustuhan mo parin ba ako kung mataba na ako?"

"Of course," kunot noong sagot nya.

"Bakit?"

"Bakit?" ulit nya.

"Eh mataba na ako, magugustuhan mo parin ako? Bakit?"

And you can't keep us apart

(Even a thousand miles can't keep us apart)

'Cause my heart is wherever you are

"Because you are you. I like you for who you are. Your weight has nothing to do with it."

"Really?" nakangiti kong tanong sa kanya. Gusto kong pansinin na hindi na sya nahihiya sa pagsasabi na gusto nya ako. Gusto ko syang tuksuhin.

"Yes, really," seryosong sagot nya.

Nang sabihin nya yon nang walang pagaalinlangan nabura sa isip ko ang sasabihin ko sa kanya. Seryoso nya yon na sinagot. Nakagat ko ang labi ko. Sana hindi magbago ang nararamdaman nya para sa akin pagkalipas ng ilang taon. Paano kung pumasok na sya ng college at may makilala sya don na maraming babae?

It's like catching lightning, the chances of finding

Someone like you

It's one in a million, the chances of feeling

The way we do

Alam ko naman na pagtungtong nya ng colleger for sure ay magiging crush ng campus si Ashton. Two hours ang layo ng school nya mula sa bahay nila. Sa pagkaka-alam ko ay may apartment na syang naghihintay sa kanya roon. Hindi ko sya madalas na makakasama.

"Ashton paano kung hindi tayo madalas na magkita? Mababawasan din ba ang feelings mo sa'kin?"

"No."

"Bakit?"

"Because it would be impossible for me to forget you, Kayleen. I like you too much."

Natuwa ako sa narinig ko pero nandoon parin ang tanong sa isip ko.

"Pero—"

"Trust me," putol nya sa anumang sasabihin ko. "I tried and I failed. And I know that if I try it again, no, forget that. I don't want to try it again."

And with every step together

We just keep on getting better

"Bakit mo natanong?"

"Wala lang."

"Kayleen."

"College ka na next school year."

"Yes. And?"

So can I have this dance?

(Can I have this dance?)

Can I have this dance?

"Siguro natatakot lang ako na baka hanggang summer lang tayo."

"You are making me very nervous. Hindi ko maintindihan, Kayleen."

"Nevermind."

"Kayleen."

Napayuko ako. "Kalimutan mo na lang Ashton. Gusto ko lang na mag-enjoy ngayong birthday ko habang kasama pa kita."

"Hindi naman ako mawawala sa'yo, Kayleen."