Noong grade six palang ako, nagsimula akong magbasa ng mga YA novels. Nag-start yon isang araw nang tulungan ko si Lola sa book shop nya. May kung ano sa mga novels na yon na nakapagpamangha sa akin. May ilan sa kanila na napaka-colorful ng covers. Kakulay sila ng mga favorite kong ice cream flavors.
Naaalala ko pa kung paano ako nainlove sa unang librong nabasa ko dahil pakiramdam ko ako ang bida. Pinakaingatan ko ang librong yon. Hindi ko yon inilalayo sa akin, sa kahit saang lugar pa ako pumunta ay palagi kong dala ang librong yon. Hanggang sa isang araw, nang pumunta kami sa Burnham Park, iniwan ko sya sa bench para bumili ng ice cream at pagbalik ko, wala na yung libro ko. Sobrang lungkot ko nang araw na yon. Ang naging solusyon ni Lola ay bigyan ulit ako ng isa pang libro na kahawig sa story na binasa ko. Naging palabasa na ako simula non.
Karamihan sa mga characters sa libro ay nagkakaron ng lovelife sa edad na fifteen or sixteen. Pero karamihan sa kanila nagiging legal lang kapag eighteen na. Siguro dahil nagiging adult na sila. Noong eleven years old palang ako, excited akong maging teenager kasi iniisip ko na sa ganong edad magiging exciting na ang buhay ko. Nang tumungtong ako sa highschool, naging excited ako na ma-experience ang buhay ng mga babaeng characters sa books at anime. Ang exciting kasi ng highschool life nila kaya gusto ko rin maranasan yon, pero dumaan ang isang buong taon sa highschool nang walang nangyayari.
Naging exciting lang ang buhay highschool nang mag-third year na kami ni Ashleen. Pareho kaming nagkaron ng crush sa isang lalaki, si Kenneth ng basketball team. Maraming nagkaka-crush sa kanya noon. Chinito sya, maputi at magaling sa basketball.
Valentines day. Binalak namin syang bigyan ni Ashleen ng chocolates dahil nabasa namin yon sa mga shojo manga. Pumunta kami sa gym ng school namin kung saan nagpapractice ng basketball si Kenneth at ang team nya. Nakahanda na kaming bigyan sya ng chocolate pero nagulat nalang kami nang humalik sa semento ang mukha ni Kenneth. May bumato ng bola sa ulo nya. Ako lang yata ang nakahanap ng salarin dahil nakita kong mabilis na tumakbo palayo si Ashton, ang nakababatang kapatid ng bestfriend ko.
Hindi lang si Kenneth ang naging biktima ni Ashton. Nang maging senior kami ni Ashleen sa highschool, nagkaron ako ng manliligaw. Hindi ko naman masasabi na manliligaw talaga sya kasi hindi ko naman sya pinayagan. Ayoko sa kanya. Sya kasi yung tipo ng lalaki na masyadong maingay sa klase at laging nanghihingi ng papel pero maraming pera pagdating sa computer games. Sya si Xander.
Isang araw sa corridor habang sumusunod sya sa amin ni Ashleen na parang bubuyog. Pinahalik sya ni Ashton sa semento. Narinig ko pa ang tawanan ng mga nakakita, isa na ron si Ashton na mabilis lumakad palayo nang makita akong nakatingin sa kanya.
Yon siguro ang araw na tumatak sa isip ko na bully si Ashton. Isa talaga syang nakakatakot na bully. Kaya naman nilayuan ko sya dahil natatakot ako na mabully nya.
Senior prom. Hindi rin pinalagpas ni Ashton ang araw na yon. Akala ko matiwasay na akong gagraduate ng highschool nang hindi sya nakikitang may pinagtitripan na naman. Sophomore palang sya noon at hindi sya invited sa junior & senior prom. Pero napigilan ba non si Ashton? Hindi.
Ang huling na-bully nya ay si Thomas. Naging crush ko rin si Thomas kasi magaling sya sa chess. Nakakamangha kasi na hindi sya matalo sa larong yon. Sya rin ang nanalo sa Science fair namin dati nang mapa-ikot nya ang maliit na model ng ferris wheel gamit ang solar energy. Naging crush ko lang naman sya kasi naaalala ko sa kanya si Shinichi Kudo. Pareho kasi silang matalino. Pero napigilan ba non ang inembentong lumilipad na spaghetti ni Ashton? Hindi. Kaya maagang umuwi si Thomas sa kanila.
Nagpasalamat nalang ako nang sa wakas makalayo na ako sa highschool department ng school namin at makatungtong sa college! Malayo kay Ashton...nang 174ft. From elementary to highschool to college kasi ang school namin. Sa iisa parin kaming gate lumalabas. Mabuti nalang iba ang oras ng dismissal namin.
"OMG Sissy! Ang ganda mo!"
"Talaga?" malapad ang ngiti na tanong ko.
Kakatapos ko lang maayusan ng stylist na kinuha ni Mama. Naisuot ko na rin ang damit ko para sa debut ko. Ready na ako na bumaba.
"Oo naman! Bagay na bagay sa'yo! Kami ni Tita ang pumili nyan e."
"Kaya pala pink."
"Hahaha! Pero bagay naman kasi sayo."
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Mukha akong disney princess character. Pwede na akong ihilera kina Belle, Cinderella at Aurora. Kulay pale pink ang gown ko na heart shape ang top at napapalamutian ng mga kumikinang na mga maliliit na bato. Pabuka ang cut ng palda ko na abot hanggang sa akin silver ankle strap high heels. Mukha talaga akong disney princess. Hindi ko naman alam na gagawing magarbo nina Mama ang debut ko. Sa isang private beach resort pa ginanap ang party.
"Ire-ready ko na ang camera ko para sa mukha ni Ashton," ngiting-ngiti nyang sabi.
Kinabahan ako nang marinig ko ang pangalan ni Ashton. Ito ang una naming pagkikita matapos syang pumunta sa bahay non para turuan ko na mag-bake ng cookies. Di na sya nakapunta pa dahil busy sya, siguro sa practice ng banda nila.
Nilapitan ako ng photographer para kuhanan ng ilang litrato. Kasama rin sa kumukuha ng pictures ko si Ashleen. Kanina pa nila ako kinukuhanan mula pagkagising ko. Sigurado ako na proud si Ashleen ngayon sakin dahil minsan lang nya akong nakikitang nakaayos nang ganito. Nagpapicture din kami na magkasama ni Ashleen sa photographer.
"Sweetie," sambit ni Mama nang pumasok sya sa loob ng kwarto. "You look so perfect." Medyo teary eyes pa si Mama habang nakatingin sa akin.
"Kanino pa ba magmamana?" singit ni Papa na kasunod lang ni Mama sa pagpasok.
"Nice, bunso." Nagbigay sakin ng thumbs up si Kuya.
Bakit parang ikakasal na yata ako? Kinuhanan din kami ng picture na buong pamilya. Umalis din sina Mama pagkatapos non dahil aasikasuhin pa nila ang mga bisita. Marami kaming dumating na kamaganak. Yung iba sa kanila ay galing pa sa ibang bansa.
"Ready?" tanong sa akin ni Ashleen.
Tumango ako sa kanya. Nauna syang naglakad palabas ng kwarto at sumunod ako. May dalawang photographers at videographers na kumukuha sa bawat mangyayari. Pinatigil nila ako bago pa ako makababa ng hagdanan.
Nauna silang lahat na bumaba ng hagdan. Natatakpan ako ng pulang kurtina kaya hindi ako makikita ng mga bisita. Narinig kong nagsalita ang emcee. Mas lalo akong kinabahan, masyadong pormal ang debut ko. Malayo ito sa iniisip kong basta party lang. Sana pala nakialam ako sa plano ng debut ko. Pinagpapawisan pa ang mga kamay ko.
Pinakinggan ko ang mga sinasabi ng emcee tungkol sa akin. Ipinapakilala nya ako sa mga bisita, pati na rin ang hilig ko sa baking at plano ko na pumunta sa france ay sinabi nya. No doubt na si Mama ang nagbigay ng mga information na yon, proud sila sa akin ni Papa.
"Ladies and gentlemen, let us all welcome, the debutant of the night, Miss Mary Kayleen Santos! "