webnovel

Dear Future Boyfriend

Kayleen's diary entries about her future boyfriend, current crush, and everyday life. *Written in Filipino / Tagalog language*

AlesanaMarie · Urbain
Pas assez d’évaluations
156 Chs

Kayleen's POV

Today is Sunday! Buong pamilya kaming nag-simba nang maaga. Nakikinig ako sa sinasabi ni Father nang bigla akong kulbitin ni Kuya Dylan. Nang tingnan ko sya ay tumuro sya sa kaliwa nyang direksyon. Sinundan ko iyon ng tingin at nakita si Ashleen na nakangiti at pasimpleng kumaway. Pasimple ko rin syang kinawayan. Kasama nya ang parents nya at si Ashton.

Kumalabog ang puso ko nang makita ko si Ashton. Hindi naman sa binibilang ko pero sampung araw ko na syang hindi nakikita. Nakita kong kinulbit sya ni Ashleen sa braso, kunot noo nyang tinignan ang kapatid nya. Tinuro ako ni Ashleen at tumingin sa akin si Ashton. Kinabahan ako. Nagtama ang mga tingin namin pero kaagad nya yong binawi. Uminit ang pisngi ko at ang lakas ng tibok ng puso ko. Huminga ako nang malalim para kumalma.

Napadiretso ako ng tingin nang patayuin kami ng pari. Hindi mawala sa pakiramdam ko na para akong ni-reject. Bakit parang galit sya at ni ayaw nya akong makita? Nang dalhin nya yung kahon sa bahay ay ni minsan di na sya ulit pumunta don para makita ako. Tapos ngayon parang galit pa sya.

"Kayleen," bulong sa akin ni Kuya.

Natauhan ako dahil nakaluhod na pala silang lahat at ako nalang ang nakatayo. Umiling ako. Hwag ko nga munang isipin si Ashton. Nawawala ako sa sarili ko kapag iniisip ko sya.

Nang matapos ang misa ay nagkita-kita ang mga pamilya namin ni Ashleen sa parking lot. Magkatabi lang pala ang mga sasakyan namin. Nauna lang siguro sila nang kaunti kaya di kami nagkita.

"Antonia, Robert," bati ng Mama ni Ashleen. "Ang tagal na nating di nagkikita. Kumusta?"

Nagbeso sina Mama at Tita. Naramdaman ko si Ashleen na kumapit sa braso ko. Si Ashton naman ay di parin ako tinitignan. Medyo naiilang na ako kasi hindi ako komportable sa pagiging isnabero nya.

"Ayos lang Mare, medyo naging busy lang kami. Kumusta na rin kayo?"

"Mabuti naman kami," nakangiting sagot ni Tita Edith.

"May gagawin ba kayo ngayong araw? Bakit di tayo sabay-sabay na kumain ng lunch sa bahay namin?" paanyaya ni Tito Gab.

"Good idea Pare. May itatanong sana ako sa'yo. Might as well do it over lunch."

Huminga ako nang malalim habang nakikinig sa kanila. Tinignan ko ulit si Ashton na tahimik na nakasandal sa kotse nila, nakatingin sa kabilang direksyon habang may nakapasak na earphones sa tenga. May nagawa ba ako sa kanya na masama? Wala naman akong maalala. Natapos na mag-usap ang mga parents namin. Napagkasunduan na susunod nalang kami sa kanila gamit ang kotse namin. Nakapasok na ako ng sasakyan nang muli kong lingunin si Ashton, hindi man lang sya tumingin sa akin bago sya pumasok sa kotse nila.

"Malapit na ang debut ni Kayleen. Next week na yon, hindi ba? May escort na ba sya?"

"Meron na Mare," natutuwang sagot ni Mama.

Kumislap ang mga mata ni Tita. "Talaga? Sino ang maswerteng binata?"

"Sino nga ba Kayleen?"

Pinagpawisan ako dahil nakatingin sila sa aking lahat maliban nalang kay Ashton. Napansin kong napatigil sya sa pagkain at mukhang naghihintay na rin ng sagot ko. Ano nga ba ang isasagot ko? Gusto pa ba nyang maging escort ko? Ni hindi man lang nya ako pinapansin.

"Big revelation po yon," sagip sa akin ni Ashleen. "Surprise nalang din."

Nginitian ko si Ashleen bilang pasasalamat. Nginitian nya ako pabalik. Bumalik na kami sa pagkain.

"Wow. Mysterious. I'm looking forward to it already."

"Ang bilis ng panahon. Debut na kaagad nya," mahinang sabi ni Mama.

"Oo nga Mare," sang-ayon ni Tita. "Si Ashleen may boyfriend na kaagad. Kung minsan naiisip ko na ang aga pa, pero kung iisipin ganon din naman tayo noon nag-umpisa na ma-inlove."

"Oo nga. Pero hindi pa yata ako handa na magkaroon ng boyfriend ang anak ko," sabi ni Mama.

Napainom ako ng tubig don. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba ang pagka-gusto ko kay Ashton. May nagbago kasi sa aming dalawa at ramdam ko ang pagiging cold nya sa akin ngayon. Ano ba ang nagawa ko sa kanya?

Hanggang sa matapos ang lunch namin, 'yon ang tanong ko sa sarili ko. Naka-uwi na sina Mama at Papa, naiwan naman ako dito kina Ashleen. Nasa loob ako ng kwarto ng bestfriend ko at nakikinig sa kwento nya tungkol sa date nila ni Alex nung isang araw.

"Hey, nakikinig ka ba sa sinasabi ko Kay?"

"H-Ha?" napakurap-kurap ako nang marinig ko ang pangalan ko.

Bumuntong hininga sya. "Sabi ko na nga ba, hindi ka nakikinig eh."

"Sorry. May iniisip lang ako." Niyakap ko ang pink nyang unan.

"Tungkol ba yan sa isang lalaking may sumpong?"

Nakagat ko ang ibabang labi ko. "Ashleen—"

"Oh, enough. Hindi naman ako bulag kasi matagal ko na kayong nahahalata. Pero gusto ko lang kayong bigyan ng space kasi baka maudlot pa kung makialam ako pero look at you two. Ang cold nyo kanina! I thought pa naman na kapag nagkita kayo you'll run to each other's arms."

Napanguso ako. "Hindi naman ako cold, yung kapatid mo ang cold."

"Ano ba ang nangyari?"

Napahilamos ako ng mukha gamit ang mga kamay ko. "Hindi ko alam. Nakakafrustrate sya."

"Hindi ko alam kung ano ba ang nangyari sa inyo pero ito lang ang masasabi ko. Napapansin ko na ang lungkot ni Ashton these past few days. May gumugulo sa kanya na hindi ko alam. And maybe it's about you."

"Ako rin naman, ginugulo nya ang isip ko." Kunot noong sabi ko.

"Then kiss and make up!"

"K-Kiss?"

"Mag-usap kayo at mag-bati na kayong dalawa."

"Pero wala naman akong kasalanan sa kanya. Sya yung biglang hindi namansin sa amin."

"Sya nga ba?" Tinitigan nya ako nang mabuti.

"Fine, ako yung nauna, pero kasi may naging kasalanan sya sakin. Pinatawad ko na rin naman sya, pero kasi hindi ko alam kung bakit sya naman yung galit. Wala naman akong ginagawang masama."

"Mag-usap kayong dalawa. Mas magandang gawin yon kaysa maging cold kayo sa isa't-isa. Parang bumalik lang kayo sa dati na ako ang naiipit sa gitna."

"Ashleen hindi ko alam kung kaya ko syang lapitan kasi sa totoo lang nahihiya ako."

"Then I'll talk to my brother." Tumayo sya mula sa kama.

"Hala! Hwag!" Hinila ko sya sa braso. "Hwag mo syang pilitin na kausapin ako."

"Kung walang isa sa inyo na mag-aaproach sa issue, tatagal lang 'to at baka kung anuman ang nararamdaman nyo sa isa't-isa ay maglaho nalang. Hindi ako papayag na hindi mag-sail ang ship ko!"

"Please don't do this!" Niyakap ko ang braso nya. "Nakakahiya!"

"Mas nakakahiya ang ginagawa ng lil bro ko. Kapag nawala ka sa kanya at napunta sa iba, sisisihin ko sya habangbuhay dahil wala syang balls!"

Namilog ang mga mata ko. "Ashleen! Ano ba yang mga sinasabi mo?"

"What? It's true!"

"Fine. Okay na. Ako na." Tumayo ako at huminga nang malalim. "Ako na ang mauunang kumausap sa kanya since ako naman yung mas matanda." Napangiwi ako. Tama ba na umasa ako sa isang batang katulad ni Ashton na seryosohin ang nararamdaman para sa akin? Baka nga crush lang yung nararamdaman nya para sa akin e.

"Good! Go talk to him Sissy!" cheer sa akin ni Ashleen.

"Nasa kwarto nya ba sya?"

"Nakita ko sya kanina na pumunta sa basement. Puntahan mo nalang sya don. Balik ka dito pagkatapos, sabihin mo sakin kung ano ang problema ng kapatid ko."

"Okay. Okay."

Lumabas na ako ng kwarto ni Ashleen. Bumaba ako ng hagdanan at mabagal na naglakad papunta sa basement. Naririnig ko nga ang tunog ng electric guitar ni Ashton. Napaka-ingay ng tinutugtog nya. Para tuloy nagwawala at sumisigaw ng electric guitar nya. Di ko masyadong masundan ang tono. Parang walang pinupuntahan yung nota at nag-aaway away lang sila.

Nakababa na ako sa basement at kaagad nya akong napansin. Hindi sya tumigil sa pagtugtog pero nahalata ko na medyo nawala sya sa tono nang makita ako.

Umupo ako sa sofa at pinanuod sya. Kakapalan ko na talaga ang mukha ko. Gusto kong malaman kung bakit ba sya galit sa akin. Kahit na sobrang akong kinakabahan, tatapangan ko nalang ang loob ko.

Bigla nyang sinalubong ang tingin ko at ikinulong. Masyadong intense ang tingin nya sa akin na di ko magawang umiwas. Nagtitigan kami habang maingay syang tumutugtog ng gitara nya.

"Ashton."

Tumigil sya sa pagtugtog. Tinitigan nya lang ako nang matagal hanggang sa hindi na ako naging komportable. Ang tagal na walang nagsalita sa amin. Nakakabingi tuloy ang katahimikan. Lumunok ako para mawala ang panunuyo ng lalamunan ko.

"Galit ka ba sakin?"

"Nandito ka lang ba para itanong sakin yan?" malamig nyang tanong.

"Oo."

"Bakit?"

"Ako ang naunang nagtanong, sagutin mo nalang."

"Pinaglalaruan mo ba ako?"

Gusto kong tawanan yon kung hindi lang nya ginamit ang mababa nyang tinig. Akala ko joke yon. Pero tinitigan ko syang mabuti. Para syang nagtitimpi. Kinabahan ako nang husto. Kinuyom ko ang mga kamo ko at tumayo. Lumapit ako sa kanya at sinalubong ang tingin nya.

"Ano ba ang pinagsasasabi mo Ashton?"

Inalis nya ang pagkakasabit ng gitara sa katawan nya at tumalikod sya sakin para ilagay yon sa stand.

"Umuwi ka na Kayleen," malamig nyang sabi habang hindi ako hinaharap.

"Bakit ako uuwi? Sagutin mo muna ang tanong ko sayo!" naiinis kong sabi sa kanya.

Mabilis nya akong hinarap. Halos mahalikan nya na ako sa lapit ng mukha nya sakin. Nakahawak ang dalawang kamay nya sa magkabilang balikat ko. Tinitigan nya ako nang mabuti.

"Kung ayaw mo na, pwede mo namang sabihin sakin!"

"Sabihin ang ano?!"

"Bakit kailangan mo pang gamitin ang kaibigan ko?"

"Gamitin ang... ano?!" naguguluhang tanong ko.

Lumayo sya sa akin nang kaunti pero nanatili ang mga kamay nyang nakahawak sa akin. "Kung iba na pala yung gusto mo, sana sinabi mo kaagad para hindi ako nagmukhang tanga kakahintay sayo! Kailangan ko pang malaman sa ibang tao!"

"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo!" Inalis ko ang pagkakahawak nya sakin. Natatakot ako at nasasaktan sa mga sinasabi nya kahit na di ko alam kung ano ba talaga ang ibig nyang sabihin. Saan ba nanggaling 'to?

"Alam mong gusto kita Kayleen." Napahawak sya sa noo nya at pumikit nang mariin. "Dammit Kayleen mahal kita pero kung ayaw mo na talaga, handa naman akong pakawalan ka! Pero sana hinintay mo muna ako na kumbinsihin kang hwag muna. Bakit ang bilis mong mapunta sa iba samantalang ilang taon akong naghintay para lang mapansin mo?"

Uminit ang sulok ng mga mata ko. Nakikita ko ang sakit na nararamdaman nya sa mga mata nya. Namumula ang mga yon na parang pinipigilan nyang umiyak.

"Bakit sa dami ng lalaki yung kaibigan ko pa?" tila nahihirapan nyang sambit.

"Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo Ashton," nanghihina kong sabi.

Bumalik ang mga kamay nya sa balikat ko. "Si Gio! Sya na diba?" Humigpit ang hawak nya sakin.

Napasinghap ako. Gio? Pinalit ko si Gio sa kanya? May gusto ako kay Gio? Kailan pa?! Bakit di ko alam yon?!