webnovel

Dear Future Boyfriend

Kayleen's diary entries about her future boyfriend, current crush, and everyday life. *Written in Filipino / Tagalog language*

AlesanaMarie · Urbain
Pas assez d’évaluations
156 Chs

Kayleen's POV

"Kitkat, Toblerone, Hershey's, Kisses o Goya?" tanong ko sa sarili ko habang tinitignan ang mga chocolates sa shelf.

Ang hirap naman mag-decide kung ano ang gusto kong kainin. Kumuha nalang ako ng tig-dadalawa at lumakad na para bumili ng eggs. Yon nalang ang kulang sa list ko. Si kuya kasi sinipa ako sa bahay para lang ipag-gawa ko sya ng cookies. Wala pa naman ako sa mood gumawa non. Wala akong inspiration. Huhu.

"Hullo."

Muntik ko nang mabitawan ang carton ng eggs na hawak ko. Napalingon ako sa gilid ko at nakita ang inaantok na mukha ni Gio. Gulo-gulo ang buhok nya na para bang di nasuklay nang maayos. O baka nga di nya sinuklay dahil sa kaantukan. Mukha tuloy syang bagong gising.

"Gio! Ginulat mo naman ako. Kanina ka pa ba dyan?"

Tumingin sya sa wrist watch nya. "Fifteen minutes na kitang sinusundan."

"Sinusundan mo ako? Ano ka, stalker?"

Nagtaas-baba ang balikat nya. "Gagawa ka ba ng cookies?"

"Oo."

Nakita ko ang saglit na pagkislap ng mata nya. "Pwedeng pahingi?"

"S-Sige."

"Sama ka sa bahay ko," diretso nyang sabi.

"Eh? Ayoko."

"Bakit?"

"Ano naman ang gagawin ko ron?"

"Gagawa ng cookies."

"Bakit palagi kang humihingi sa akin ng cookies? Pwede ka naman bumili non dito sa supermarket."

"Gusto ko yung gawa mo, masarap kasi."

"Oo na nga. Bibigyan kita. Sama ka sa bahay ko?" Tumango sya.

Dumiretso na kami sa cash register para magbayad. Pagkalabas namin ng supermarket ay nagulat nalang ako na may chauffeur na naghihintay sa tabi ng isang magarang sasakyan. Kamukha pa ni Jason Statham ang lalaking nakasuot ng uniform. Para tuloy syang may ihahatid na VIP. Pero ano ba ang ginagawa nya rito?

Bigla nalang nagsalita ang kasama ko. "Oliver, sa Westwood tayo."

Pinagbuksan kami ng pinto ng sasakyan ni Oliver. Diretsong umupo sa loob si Gio at hinintay ako. Halos malaglag pa sa paanan ko ang panga ko dahil basta nalang syang pumasok don. Mukha kasing sa Vegas kami dadalhin ni Oliver. Parang di naman bagay ang isang katulad nya na maghintay sa tapat ng supermarket!

"Pasok na Kayleen."

"A-Ah. Sabi ko nga."

Pumasok na ako sa loob ng sasakyan at umupo sa tabi ni Gio sa backseat. May chauffeur sya na naka-dresscode. Mayaman pala sina Gio. Bakit hindi halata sa kanya? Palagi kasi nya akong hinihingian ng pagkain, akala ko naman nagtitipid sya ng allowance. Para nga syang ligaw na pusa na nanghihingi ng isda tuwing nakikita ako.

Tahimik kaming bumyahe patungo sa bahay namin. Naiilang ako. Ang ganda kasi ng interior ng sasakyan, sumisigaw ng mamahaling brand ng auto. Nahiya naman ang flip flops ko na umapak dito. Parang di talaga ako belong.

Ten minutes later, pumarada na ang kotse sa tapat ng bahay namin. Nahiya tuloy ako bigla na papasukin 'to si Gio. Hindi naman maliit ang bahay namin, hindi naman kami makakatira rito sa Westwood kung wala kaming pera. Pero kakaiba rin pala ang pamilya nina Gio, sigurado na milya ang layo ng yaman nila sa amin. Kahit ang chauffeur nila ang sosyal ng dating. Pang-hollywood. Kahawig talaga nya si Jason Statham!

"P-Pasok kayo sa loob," sabi ko nang mabuksan ko na ang gate ng bahay namin.

"Hindi na amoy cookies," ang unang puna ni Gio sa bahay namin. Medyo malayo sa sinasabi ng ibang tao na 'ang ganda ng mini garden nyo' o 'nasaan ang maid nyo?' Pero si Gio mukhang cookies lang talaga ang napapansin sa mundo.

"Matagal kasi akong di nakagawa ng cookies." Isang linggo na rin pala na hindi ako nakakapunta kina Ashton. Isang linggo na akong tumigil sa pag-bake.

Pumasok kaming dalawa sa bahay at sinalubong naman kami ni Kuya Dylan sa may pintuan. Nakahalukipkip sya at nakatingin kay Gio nang nanunuri.

"Sino sya Kay?"

"Kaibigan ko si Gio." Tumingin ako kay Gio. "Gio, si kuya Dylan."

"Hi," bati ni Gio.

Tinanguan sya ni kuya Dylan. Pumunta kami sa kitchen at nilapag sa lamesa ang mga pinamili ko. Mabilis lang naman gumawa ng cookies. Kung minsan nakakagawa ako nito within ten minutes lang. Pero kung gusto ni Gio ng marami (halata naman ang sagot) aabutin siguro kami ng kalahating oras.

"Nasaan ang parents mo?" inaantok syang umupo sa high stool chair sa tapat ng bar table. Ipinatong nya ang isa nyang pisngi sa nakasaradong kamao nya at pinanuod ako.

"Nasa clinic sila," sagot ko habang iniisa-isang ilabas ang mga pinamili ko mula sa grocery paper bag.

"May sakit ba sila?"

"Wala. May dental clinic kami sa bayan."

"Santos?"

"Yep!"

"Sa inyo pala 'yon."

"Nakapunta ka na ba don?"

"Hindi. May iba kaming dental clinic na pinupuntahan."

Hindi na ako magtataka. Maliit lang kasi ang dental clinic namin. Nag-umpisa na akong gumawa ng cookies habang sya naman ay nanonood lang.

"Kayleen."

"Bakit?"

"Magtatayo ka ba ng bakeshop?"

"Oo. Kapag naka-uwi na ako galing France."

"Aalis ka pala." Parang ang lungkot pa ng boses nya o siguro inaantok lang talaga sya.

"Gusto kong mag-aral ng patisserie."

"Kapag sumikat ako, gawin mo kong endorser ha?"

"Hahaha! Sige Gio. Pero ngayon palang sinasabi ko na sa'yo, wala akong perang ipambabayad. Masyadong mahal ang talent fee mo kapag sumikat na ang banda nyo."

"Hindi ko naman kailangan non. Yung unlimited supply lang ng cookies ang kailangan ko."

"Naku mukhang malulugi pa yata ako sa'yo nyan."

"Isang box every week?"

"Deal!"

"Ang swerte ng kapatid mo."

"Bakit naman sya swerte?"

"Kasi pwede syang kumain ng gawa mo kahit anong oras."

Natawa ako. "Haay. Ikaw talaga."