webnovel

Dear Future Boyfriend

Kayleen's diary entries about her future boyfriend, current crush, and everyday life. *Written in Filipino / Tagalog language*

AlesanaMarie · Urbain
Pas assez d’évaluations
156 Chs

Kayleen's POV

"Sayang, wala rito sina Ashton ngayon."

Pakiramdam ko, parang automatic na may batong dumagan sa akin dahil sa narinig ko. Sayang 'yung blueberry muffins na dala ko. Hindi ko siya makikita na kinakain 'yon. Sa tuwing nakikita ko kasi si Ashton na kinakain ang mga na-bake ko, feeling ko ako na ang pinakamasayang tao sa mundo! Kaso ngayon, sawi ako. Di ko siya makikita.

"Bakit nga ba sila lumipat ng lugar na pagpapraktisan?"

Naramdaman ko ang magaang kamay ni Ashleen sa buhok ko habang inaayusan niya ako. Sana sa mga salon, ganito rin ang kamay nila. 'Yung iba kasi sobra kung makahigit ng buhok sa pagsusuklay. May plano yata silang mangalbo ng customers.

"Hindi ko rin alam eh. Basta biglang doon daw kina Trisha ang practice kasi di raw siya pinayagan na lumabas ng bahay."

"Hmm." Mas lalo akong nalungkot dahil na kina Trisha pala sila ngayon.

"Kayleen?"

Tumingin ako sa kanya mula sa salamin. "Bakit?"

"Gusto mo ba si Ash?"

Nabigla ako sa tanong niya. "H-Huh?!"

"I know, I know naman na lagi mong sinasabi na mas bata siya sa'yo kaya ayaw mo sa kanya. Tsaka natatakot ka sa kanya. Pero kasi mukhang okay na kayo."

"Uhh..." Wala akong masabi.

"May nangyari ba sa inyo sa Baguio?"

Uminit ang mukha ko. "WAAAAH! Ano'ng ibig mong sabihin?"

"You know..."

"A-Ano 'yon?" Nagbuhol na ang dila ko. Alam kaya niyang nag-holding hands kami ng kapatid niya at hinuhuli lang niya ako? Sasabihin ko rin naman sa kanya 'yun eh, pero hindi pa ngayon! Waaah!

"Nag-sorry na ba siya sa'yo noon sa Baguio?"

"Sorry saan?" nagtataka kong tanong.

Ngumuso siya. "Dun sa kiss?"

Namula ang mukha ko. "K-Kiss?" Nakita niya ba kaming nagkiss ni Ashton not once but twice?! Sasabihin ko rin naman 'yun sa kanya pero hindi pa ngayon! Pano niya alam 'yun?

"Nakalimutan mo na ba? Hinalikan ka niya noong sixteenth birthday niya," nangingiti pa niyang sabi.

"Ahh." Nakahinga ako nang maluwag.

"Nag-sorry na siya?"

"Hmm." Inisip ko kung ano ang isasagot ko sa kanya kasi hindi naman nag-sorry sa akin si Ashton. "Oo." At sa totoo lang, ayokong mag-sorry siya. Kasi ngayon alam ko na kung bakit niya 'yon ginawa. Masaya rin naman ako kasi siya ang first kiss ko. Natuwa na naman ako sa naalala ko.

"Mabuti naman okay na kayo ng kapatid ko." Natapos na siya sa pag-aayos sa buhok ko at ako naman ang nag-practice ng french braid sa buhok niya. "Alam mo Kayleen, blooming ka. In love ka ba?"

Tumawa lang ako sa sinabi ni Ashleen. Hindi ko siya sinagot kasi naman hindi pa ako handang aminin sa kanya na nagpapaganda ako para sa kapatid niya. Ang weird, dati naman kasi ayaw ko sa kapatid niya e. Baka mabigla pa siya kapag sinabi ko ngayon ang totoo. Siguro kapag pormal nang nanligaw na sa akin si Ashton, saka ko sasabihin kay Ashleen ang lahat.

Umuwi na ako bago pa gumabi. Namimiss ko na kaagad si Ashton. Bukas pa naman hindi ako makakapunta sa kanila kasi may pupuntahan kami ni Kuya Dylan. Mamimiss ko uli siya bukas. Saan kaya sila magpa-practice sa susunod na araw? Kina Trisha kaya uli? Bakit don?

Ay ano ba? Band practice naman 'yung pinuntahan niya, hindi naman sila nag-date. Hindi naman ako dapat na magselos. Pero kasi, nakakalungkot na sila 'yung magkasama at ang layo ko sa kanya. Iniisip niya rin kaya ako ngayon? Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Pauwi na kaya siya? Doon kaya siya magdi-dinner? Marunong kayang magluto si Trisha?

Oh no! Paano kung marunong siyang magluto? Tapos alam niya ang favorite na ulam ni Ashton? Nag-aaral din naman akong magluto ngayon. Kahit paano nakakapagluto na ako ng karne pero hindi ko pa rin napeperfect ang cooking skills ko. Hindi katulad sa baking na napapalibutan ako ng mababangong powders. Sa meat lagi akong natatalamsikan ng mantika kung prito.