webnovel

Dear Future Boyfriend

Kayleen's diary entries about her future boyfriend, current crush, and everyday life. *Written in Filipino / Tagalog language*

AlesanaMarie · Urbain
Pas assez d’évaluations
156 Chs

Kayleen's POV

"Ashleen!" bati ko sa best friend ko nang buksan niya ang pinto. Naririnig ko na ang tugtog ng banda ni Ashton mula sa basement ng bahay.

"Okay na ba ang tyan mo, Kayleen?" Niyakap niya ako at hinila sa kamay papasok sa bahay nila. "Bitin ang bonding natin kahapon."

Naalala ko ang sinabi kong rason kay Ashleen kahapon. Muntik ko nang makalimutan!

"Ay, oo nga." Nginitian ko sya. Ipinakita ko sa kanya ang dala kong tupperware na may laman na tarts. "Para sa inyo nga pala. Ginawa ko kagabi."

"Wow! Kayleen ang dami naman nyan."

"Hehe! Di kasi ako nakatulog masyado kagabi eh." Nahihiyang pag-amin ko. Kasi 'yung kapatid mo Ashleen, pinakilig ako masyado kahapon.

Pumunta kami sa kusina at inilipat ng lalagyan ang mga tarts. Inilagay namin iyon sa isang malaking serving tray.

"Kanina pa ba sila nagpa-practice?" tanong ko sa kanya habang naglilipat ng tarts. Nagba-vibrate sa sahig ang tunog ng drums at electric guitars.

"Sina Ashton? Oo, kanina pa silang tanghali nakakulong sa basement. Kailangan kasi nilang makapasa sa exam ng Music School na papasukan nila."

"By group ba 'yung exam?"

"Pwedeng tumugtog by group para magkakasama sila sa classes. Pero kailangan pa rin tumugtog ng solo para makapasa."

"Sana makapasa sila."

"I'm sure Sissy na makakapasa sila. Inalok na nga sila na mag-aral doon ng isang school board member. Ang kailangan na lang nilang gawin ay mapahanga ang iba pang members ng board at pasok na sila."

"Wow. Ang galing naman nila."

Bigla na lang napuno ng pride ang dibdib ko. Ang galing nina Ashton! Sigurado malayo ang mararating nila. Nakaramdam ako ng takot kasi baka mawala siya sa akin. Hah! Hindi pa nga kami pero inaangkin ko na siya. Kahit na ano pa man ang mangyari, kailangan ko siyang suportahan.

"Tara muna sa kwarto."

Napatigil ako sa paglalagay ng tart. "H-Hindi ba tayo manonood sa kanila?"

"Gusto mong manood?"

"Eh. Oo, gusto ko sana silang mapanood."

"Hindi ko alam kung pwede tayong manood dun ngayon Sissy eh. Binilinan kasi ako kanina na hwag basta papasok don. Kailangan kasi nilang mag-concentrate sa pagtugtog."

"Ah, ganon ba?" Nakaramdam ako ng pagkadismaya.

"Di bale, mamaya kapag tumigil sila tanungin natin kung pwede tayong manood."

"Hmm." Tumango ako. Sayang naman.

"Manood muna tayo ng movie sa kwarto ko. May mga binili akong DVDs sa Japan. Kumpleto ko na 'yung Rurouni Kenshin. Panoorin ulit natin 'yung last part. Ang gwapo talaga ni Takeru Sato, ang galing niya!"

Iniwan namin sa lamesa ang tarts at tinakpan saka kami umakyat ng hagdanan papunta sa kwarto nya. Natukso akong silipin ang kwarto ni Ashton na katapat lang ng kwarto ni Ashleen, pero nakasarado iyon. Na-realize ko lang na hindi ko pala masyadong kilala pa si Ashton. Pakiramdam ko na-miss ko ang kalahati ng buhay ko. Ano ba ang ginagawa ko noon na hindi ko nabigyan pansin si Ashton? Naging snob ba ako sa kanya?

Dumiretso si Ashleen sa CD rack niya samantalang ako naman ay umupo sa kama niyang pink na pink. Mas dumami rin ang stuff toys sa kama niya. Siguro nabili niya sa Japan at Hongkong ang mga 'yon.

"Ashleen, nagkita na ba kayo ni Alex?"

"Hmm. Oo, kaninang umaga nandito siya. Pero umalis din siya after lunch kasi may pupuntahan sila ng Mama niya." Lumapit siya sa DVD player at mayamaya lang ay nag-play na ang movie.