webnovel

Dear Future Boyfriend

Kayleen's diary entries about her future boyfriend, current crush, and everyday life. *Written in Filipino / Tagalog language*

AlesanaMarie · Urbain
Pas assez d’évaluations
156 Chs

Kayleen's POV

Napa-ubo ako sa kakaiyak ko. Muntik pa akong madapa sa kakalakad ko. May bato pala sa daan na hindi ko nakita dahil sa labo ng mata ko. Sino ba ang nag-lagay ng bato sa daan ko?! Mas lalo akong naiyak. Ang malas ng araw ko. Ang sakit umasa!

Naramdaman ko nalang na may humawak sa magkabilang pisngi ko.

"Tahan na."

Gusto kong alising ang mga kamay niya pero mabibitawan ko ang kahon na hawak ko kapag ginawa ko 'yun.

"Diba s-sabi ko sayo umuwi ka na?"

"Paano ako uuwi? Di kita maiwan nang ganito."

"Ikaw na bata ka—"

Nabigla ako nang mabilis nya akong hinalikan sa labi.

"B-Bakit mo ginawa na naman yon?!"

"Ayaw mo kasing tumigil sa pag-iyak. 'Yan, tumigil ka na."

"Hoy Ashton! Hindi mo ako pwedeng basta na lang halikan dahil lang sa gusto mo!" Naiinis ako sa kanya pero may fluffy feeling sa loob ko. Gumaan bigla 'yung pakiramdam ko. Pero naiinis ako kasi umaasa na naman ako. Hindi naman siya si Mr Creeper!

"Ihahatid kita." Para siyang nagpapaamo ng mabagsik na hayop sa tono ng kanyang pananalita.

"Ayoko nga sabi! Ang tigas naman ng ulo mo!"

"Kapag hindi ka pumayag, hahalikan ulit kita," pagbanta niya.

"A-Ano?!" tumawa ako. "Subukan mo lang, isusumbong kita sa Ate—" at sinubukan niya nga. Mabilis na naman niya akong ginawaran ng halik sa labi. Muntik ko nang mabitawan ang kahon na hawak ko. "Tigilan mo nga ang paghalik sa akin!"

"Kung sasabihin mo sakin kung bakit ka umiiyak." Ni walang bakas ng hiya sa mukha niya nang sabihin niya 'yon. Seryoso siyang nakatingin sa akin.

"Wala ka na ron! Umuwi ka na!" Naglakad na ako pero hinarangan niya ako. "Umalis ka nga sa daraanan ko Ashton!"

"Bakit bigla kang nagagalit sakin? Sabihin mo kung ano ang nagawa ko dahil wala akong maisip na dahilan."

"K-Kasi hinalikan mo 'ko!"

"Bakit? Ayaw mo ba ng halik ko?"

"Gusto!" Shiz! Hala! Halaaaa! Bakit ko sinabi 'yon?! Nakakahiya!

"Kung ganon, bakit ka galit sakin?" Hindi man lang siya nagulat?!

"E-Ewan ko sa'yo! Hindi kita bati! Umalis ka sa daan ko! Uuwi na ako!" Nakadaan na ako at naramdaman kong sumunod naman siya sa akin sa paglalakad. Makulit talaga na bata 'to. Umaasa tuloy ako lalo.

"Galit ka ba sakin talaga?"

"Hindi!"

"Bakit tayo hindi bati?"

"Gusto ko lang!"

"Gaano katagal mo ko hindi bati?"

"Basta!"

Deja vu? Teka... parang pamilyar 'tong usapan namin. Napatigil ako sa paglalakad. Parang ganito 'yung usapan namin ni Mr Creeper. Napatingin ako kay Ashton. Nakalagay ang dalawang kamya niya sa suot niyang jacket. Nakatingin siya sa stars ngayon.

Tumigil ako sa paglalakad at lumapit sa kanya. Tumingin naman siya sa akin. Ibinigay ko sa kanya ang bitbit kong kahon. Nakakangalay eh. Kinuha naman niya kaagad 'yon.

"Bati na tayo?" nakangiti nyang tanong habang pinupunasan ko naman ang pisngi kong basang- basa ng luha. Tumango ako at pagkatapos ay sabay na kaming naglakad pauwi sa bahay ko.

"Ashton, ilan ang gamit mong cellphone?" tanong ko sa kanya pero nakaiwas ako ng tingin.

"Isa lang."

"Ahh." Kung ganon, paano yon? "Isa lang din ba ang gamit mong number?"

"I have two." Naramdaman kong tumitig siya sa akin. Di ko siya magawang tingnan.

"Ahh." Tumango-tango ako. Pinipigilan ko 'yung ngiti ko sa labi. Gusto kong magtatalon uli sa tuwa. Mamaya nalang uli siguro ako tatalon sa kama ko. Eh di siya nga si Mr Creeper?! Pareho sila kung magsalita! Eeeeeh!

Ang bilis, nakarating na kaagad kami sa tapat ng bahay. Nabitin ako. Di bale, pupunta na lang uli ako sa bahay nila bukas!

"T-Thank you sa paghatid." Kinuha ko sa kanya ang kahon.

"Welcome."

"Ah. Sige good night." Tumalikod na ako sa kanya at binuksan ang gate.

"Good night," pagkasabi niya noon ay tumalikod na siya at nagsimulang maglakad pabalik sa kanilang bahay.

"Ashton!" tawag ko, at mabilis naman siyang matingin.

"Nagdala ako ng strawberry pie sa inyo kanina. Tikman mo ha?"

Ngumiti siya sa akin at ramdam na ramdam ko ang pagtalon ng puso ko dahil sa sobrang saya. Ang gwapo niya. At mahal ko siya. At ang perfect niya masyado.

"I wouldn't miss it for the world."

Ngumiti ako nang malapad at akmang bubuksan na sana ang gate ng bahay namin nang bigla niya akong tinawag.

"Kayleen!"

Nang lingunin ko siya, nakaturo siya sa kanyang labi. "Bagay sa'yo," pagkasabi noon ay nakangiti siyang kumaway sa akin at tuluyan nang umalis.

Eeeeeeeeeeh! Kinikilig ako! Mr Creeper ko!