webnovel

Dear Future Boyfriend

Kayleen's diary entries about her future boyfriend, current crush, and everyday life. *Written in Filipino / Tagalog language*

AlesanaMarie · Urbain
Pas assez d’évaluations
156 Chs

Kayleen's POV

Halos lumabas mula sa ribcage ko ang puso ko nang makita kong umilaw ang cellphone ko. Nabasa ko ang pangalan ng bestfriend kong si Ashleen. Nanginginig pa ang mga kamay ko nang hawakan ko ang cellphone at basahin ang message nya.

AshleenBFF: Sissy! Nandito na kami sa bahay! Punta ka na rito please! Miss na kita!

Kaagad akong napalundag sa kama ko! YES! YES! YES! Nakauwi na nga sila. Kaunting lakad lang 'yon mula rito sa bahay namin. Hwaaah! Ang saya! Nandito na ang love of my life ko! Makikita ko na ulit siya. Naiiyak ako. Ano ba 'yan? Bakit ang emotional ko ngayon?

"Kayleen, nag-drugs ka ba?"

"Ay butiki!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko si Kuya Dylan na nasa may pintuan ng kwarto ko at may kinakain na pie. Yung pie ko! "KUYAAAAAAAAAA!!!"

Inosente nya akong tinignan habang ngumunguya. "Bakit? Ang sarap nito. Gawa ka pa ng marami." Muli syang kumagat sa pie.

Nawala ang inis ko. Ngumiti ako. "Wala. Talaga bang masarap?"

Nag-thumbs up sya. "The best."

Lumawak ang ngiti ko. Tumakbo ako palabas sa kwarto ko at pumunta sa kusina para bitbitin ang box ng pie at pati narin ang basket ng strawberries na pinapabigay ni Lola.

"Kayleen, aalis ka na ba? Dumating na sina Ashleen?" tanong ni Mommy habang nag-huhugas sya ng pinggan.

"Opo. Pupunta na po ako ngayon sa kanila."

"Hwag kang magpapagabi. Umuwi ka kaagad."

"Eh Mommy baka gabihin ako kasi, ano'ng oras na o." Nakanguso akong tumingin sa orasan. Alas synco na ng hapon. Bago pa ako maka-balik sa bahay sigurado gabi na.

"O sya, sige. Pero hanggang alas-otso ka lang ha. Mag-text ka para naman maabangan ka ni Dylan sa daan."

"Opo Ma." Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi.

"Paki-kumusta ako sa kanila pagkarating mo ron." Rinig kong bilin ni Mama nang makalabas ako sa kusina.

Bago tuluyang lumabas ng bahay, tinignan ko muna kung maayos pa ang buhok ko. Ginawa ko yung french braid na tinuro sakin ni Ashleen. Nagawa ko naman sya pero mas maganda parin yung gawa nya. Naglagay din ako ng konting face powder at lipgloss. Nakasuot din ako ng maong shorts at puting long sleeves. Halata kaya na nagpapaganda ako?

"Kayleen akala ko ba aalis ka na?" tanong ni Mommy. Tapos na pala syang mag-hugas ng pinggan.

Nakakahiya. Naabutan nya pa akong nakaharap sa salamin! Baka isipin nya may crush ako kay Ashton! Waah!

"Bye Ma!" Tumakbo na ako palabas ng bahay.

Nasa kabilang phase ng subdivision ang bahay nina Ashleen. Hindi naman ganon kalayo pero di rin ganon kalapit. Mga ten minutes na paglalakad mula sa bahay namin para makarating sa kanilang bahay. Nasa part kasi sila ng subdivision na puro nag-tataasan ang mga bahay at medyo mag-kakalayo.

May pagka-american style ang bahay ng mga nasa phase three. Ang gate nila, kung matatawag man na gate yon, ay kulay puti at hanggang sa waist ko lang, may lawn sila at mail box. White din ang pintura ng bahay nila na puro makakapal na kahoy, at maroon na roof na yari naman sa clay. Halos pareho lang ang mga disenyo ng bahay sa phase three. Karamihan din ay hanggang second floor at may attic sa tuktok.

Kumatok ako sa pintuan nila nang makarating ako sa bahay nina Ashleen. Kinakabahan ako. Ang bilis ng pintig ng puso ko. Mahahalata kaya nila na may nagbago sa'kin?

"Kay!"

Nagulat pa ako sa biglang bati sa akin ni Ashleen. Mabuti nalang sya ang nag-bukas ng pinto. Niyakap nya ako nang mahigpit. Gusto ko rin syang yakapin kaso okupado ng mga dala ko ang mga kamay ko.

"Na-miss kita! Sobra!" Puno ng excitement ang mga mata nya. Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. Nahiya ako bigla. "Ang ganda mo! Bagay sayo ang french braid! Mabuti nalang naturuan kita. Halika pasok ka sa loob. Ang dami kong ikukwento sayo! Gosh!"

"Para sa inyo nga pala." Inabot ko sa kanya ang mga dala kong pagkain.

Palihim kong hinanap sa bahay nila si Ashton. Wala sya sa paligid. Pumunta kami sa kusina kung saan namin iniwan ang mga dala ko.

"Tara sa kwarto! Ang dami kong pasalubong sa'yo."

Habang umaakyat kami ng hagdan patungo sa kwarto ni Ashleen, di ko maiwasan na lalo pang kabahan. Magkatapat lang kasi ang mga kwarto nila ni Ashton. Makikita ko kaya siya ngayon? Pinagpapawisan ang mga kamay ko.

Pumasok kami sa loob ng kwarto niya pero di ko pa rin nakikita si Ashton. Pero okay lang, siguro mas maganda kung titingnan ko muna ang cellphone ni Ashleen para malaman ko kung si Ashton nga si Mr Creeper.

"Heto!" Inilapag ni Ashleen ang isang malaking kahon sa kama niya. "Nandito na lahat ng binili kong pasalubong for you. Buksan mo dali, dali!"

"Ang dami naman nito, Ashleen!" Binuksan ko ang box at tumambad sa akin ang ilang gamit. May mga cookbooks sa loob, tatlong piraso ng malalaking mugs, stuff toys na Rilakkuma, maraming keychains, cute na ballpens, maliliit na notebooks na may cute designs, dalawang sikat na brand ng perfume, isang branded na bag at maraming chocolates. Namilog ang mga mata ko sa dami lalo na nang makita ang mga mamahaling objects. Tumingin ako kay Ashleen.

"Oops! Bawal tumanggi! Pasalubong ko ang mga 'yan sa'yo!" Kinuha niya ang cellphone niya at lumapit sa akin. "Picture muna tayo para may copy ako ng cute na French braid mo." Ngumiti ako nang sinabi niyang mag-smile kami. "Ang cute mo talaga ngayon Kayleen. Sayang wala si Ash para makita 'yan," sabi niya habang nakatingin sa cellphone niya at may kung anong itina-type roon.

"H-Ha? Bakit? Hindi nyo ba siya kasamang umuwi?"

Bigla siyang tumawa. "Hahaha! Hindi 'yon ang kaso. Siya nga ang unang nagyayang umuwi. Pero sa sobrang excited yata niyang umuwi, di siya nakatulog kaya kaninang umaga, sumakit ang ulo. Tapos ngayon, nakatulog na yata sa kwarto niya."

Medyo na-disappoint ako kasi di ko siya makikita ngayon. Nakaramdam din ako ng awa kay Ashton kasi sumakit ang ulo niya. Sana okay lang siya. Pero hindi naman malala 'yon. Tulog lang ang katapat noon. Napanguso ako nang di ko sinasadya.

"Naka-lipgloss ka ba Sissy?"

"H-Ha?"

Itinuro nya ang labi ko. "Ang shiny oh tsaka pinkish."

"A-Ah. Nag-try kasi ako kanina. Dumaan kasi yung friend ni Mommy na Avon Lady. Inalok sa'kin yung lipgloss nila."

Mukha namang naniwala si Ashleen sa paliwanag ko. "Bagay sa'yo. Akala ko nagkita na kayo ni Mr Creeper eh. Hahaha! Pero syempre ako ang unang makakaalam kung nagkita na kayo. Isasama mo ako kapag magkikita kayo ah. Para safe."

"Oo naman," nakangiting sagot ko sa kanya.

"Good! Teka lang, check ko muna si Ash sa kwarto nya kung gising." Tumayo sya mula sa pagkakaupo sa kama.

"Ashleen, pahiram ng cellphone ha?" habol ko sa kanya bago nya buksan ang pinto.

"Sure!" sagot nya saka sya lumabas.

Nakagat ko ang ibabang labi. Ngayon malalaman ko na ang totoo tungkol kay Mr Creeper. Hinanap ko ang pangalan ni Ashton mula sa contact list ng cellphone ni Ashleen. Kabisado ko na ang number ni Mr Creeper kaya naman di ko na kailangan pang tignan sa cellphone ko ang number nya.

Medyo nanginginig pa ang mga kamay ko dahil sa sobrang kaba. Sana sya 'yon. Sana sya nga.

Tinap ko ang contact details ni Ashton. Pinakatitigan ko ang numero nya. Namilog ang mga mata ko. Rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko. Nabitawan ko ang cellphone ni Ashleen at nalaglag iyon sa kama. Imposible. Bakit ganon? Hindi sila magkaparehas ng number. Hindi sya si Mr Creeper. Bakit iba ang number nila? Sobra akong sigurado na sya yon eh. Ramdam na ramdam ko ang pagbaba ng magkabilang sulok ng labi ko. Uminit ang sulok ng mga mata ko. Pakiramdam ko... maiiyak ako.