Awkward. Kanina pa ito dumadaan sa isip ko tuwing mapapatingin ako kay Ashton na ngayon ay may kung anong pinagkakaabalahan sa cellphone niya. Dumaan lang kami kanina sa Burnham Park pero narealize ko na medyo wrong move iyon para sa aming dalawa. Lalo na nang makita namin ang lake kung saan maraming nakatambay na lovers at pamilya. Para kaming tumungtong sa mundo ng Wonderland. Hindi kami belong.
Kaya heto kami nasa coffee shop. Nakaupo kami sa isang table for two na nasa gawing bintana. Abala ako sa panonood ng mga taong dumadaan sa labas. May dalawang tasa ng hot chocolate sa harap namin ni Ashton at dalawang plate na may tig-isang slice ng strawberry cake.
Hindi ko na kaya ang katahimikan. Malimit akong maingay sa klase namin pero paano ka makakapag-ingay kung sobrang tahimik ng kasama mo? Baka masabihan pa akong jologs nito. Mayaman pa naman sina Ashton. Baka mas sanay siyang kasama ang isang babaeng mahinhin at may class. Siguro nga ganon ang type niya, 'yung tipo na kahit galit na ay hindi tataas ang boses o mananakit.
"Ashton, hindi mo ba gusto 'yung cake?" tanong ko. Hindi kasi niya ginagalaw ang cake niya. "Gusto mo bang umorder ng bago? Ano'ng gusto mo?"
"N-No thank you," sagot niya saka siya tumingin sa cake niya. "Okay na s-sakin to." Muli siyang tumingin sa cellphone niya na parang may binabasa. Baka nagpe-facebook.
"Sure ka ha? Kung may gusto kang bilhin sabihin mo lang sa'kin. Hwag kang mahihiya," sabi ko sa kanya. Ako kasi ang bumili ng lahat ng kinain namin ngayong araw. Gusto niya sana na magbayad pero ayoko. Nakababatang kapatid siya ng best friend ko kaya dapat ko siyang alagaan. At isa pa, bisita namin siya. Mapapagalitan ako ni Lola kapag di ko siya inasikaso.
Ininom ko na ang hot chocolate ko. May tatlong lumulutang na marshmallows sa iniinom ko. Naubos ko na ang kalahati ng cake ko nang may mapansin ako. Puro matamis ang inorder ko. Baka ayaw ni Ashton nang matamis? I-text ko kaya si Ashleen kung ano ang paborito ng kapatid niya na kainin?
"S-Sorry about w-what happened earlier." Napatingin ako kay Ashton nang bigla siyang magsalita. Pinaglalaruan niya 'yung cake gamit ang isang tinidor. Tumingin siya sakin saglit na parang sinilip lang ang reaksyon ko.
Akala nya siguro galit ako o ano. Kawawang bata, ni hindi ko napansin na inaalala niya pala 'yon.
"Wala 'yon. Kalimutan na natin 'yon," nakangiting sabi ko sa kanya.
Bigla siyang tumingin sa akin nang diretso kaya napalunok naman ako. Parang sobrang seryoso ng sasabihin niya sa akin na somehow nakaramdam ako ng takot. Hinanda ko ang sarili ko sa sasabihin niya.
"Do you like him?"
Napabuga ako ng hangin. "Sino?" napaisip ako. "Si Steve? No. No. Hindi ko siya type," natatawang sagot ko. Never!
Natahimik ulit siya. Kumain na lang ako ng cake. Plano ko nang umuwi na lang kina Lola pagkatapos namin dito.
"A-Ano ba ang type mo?" nakayukong tanong niya. Nakatingin sya sa tasa nya at pinapaikot–ikot iyon sa platito nito.
Sumandal ako sa kinauupuan ko. Ano nga ba ang type ko? Tumingin ako sa labas ng bintana. Eksakto pa na may dumaan na couple na sweet na sweet.
"Yung mabait, loyal, sweet, caring, smart and honest." Huminga ako nang malalim. "Yung kapag nagmahal... masarap at hindi nakakasakal." Naalala ko si Janine. "Yung hindi ka ipagpapalit sa iba."
Nangalumbaba ako sa mesa at tumingin sa kanya. "Tsaka gusto ko rin 'yung marunong mag-gitara, katulad mo. O kaya 'yung magaling kumanta. Pero okay lang din kung hindi, basta mahal ako." Uminom ako sa tasa ko. "Ikaw? Ano ang nagustuhan mo sa girlfriend mo?"
Kaagad siyang umiwas ng tingin sa akin nang matanong ko 'yon.
"I lied. Wala pa akong girlfriend."
"Mukhang nagiging hobby mo na yata ang pagsisinungaling Ashton. Hindi maganda 'yan, baka makasanayan mo na 'yan hanggang pagtanda mo."
"H-Hindi naman madalas, ngayon lang."
"I understand, Ashton. Siguro alam mo na ima-matchmake ka ni Lola Lusing kay April. Mabuti na lang sinabi mo na meron ka nang girlfriend. Siguradong hindi ka na makakaalis ng single dito kapag hindi mo ginawa 'yon."
"Why don't you try it sometimes? Kung may nanliligaw sa'yo na hindi mo gusto, sabihin mo sa kanya na may boyfriend ka na."
Bumuntong hininga ako at tinitigan siya. "Hindi kasi ganon kadali 'yon. Kapag may nagtanong kung sino ang boyfriend ko sino ang ipapakilala ko?"
"P-Pwede mo naman a-akong ipakilala k-kung g-gusto mo," halos pabulong na sabi nya.
Nagulat ako sa sinabi niya. Muntik na akong matawa kung hindi ko lang napansin na hindi siya makatingin sa akin habang sinasabi niya iyon.
"Wow, Ashton! Ang sweet mo naman pala! Thanks sa offer pero ayoko kasing magsinungaling kina Lola. Tsaka nakababatang kapatid ka ng best friend ko, baka magalit pa ang Ate mo sa akin."
"Hindi naman siya magagalit," pahabol pa niya.
Napangiti na lang ako at napailing. Nakatanggap ako ng text message galing kay Ashleen. Dumating na sila sa bahay ni Lola.
"Dumating na ang family mo sa bahay ni Lola. Tara na?" tanong ko sa kanya.
Bumalik sa pagiging pormal ang mukha niya. Parang walang nangyaring pag-uusap kanina sa amin. Bigla siyang tumayo at nagpaalam na pupunta sa men's room. Naiwan akong mag-isa sa mesa namin at hinintay siya.
Inopen ko uli ang cellphone ko para basahin ang text ni Ashleen. Nag-reply ako sa kanya na pabalik na kami. Nang i-close ko ang message ay nakita ko ang palitan namin ng texts ni Mr Creeper. Nag-text pala siya sa akin kaninang umaga kaso di ko nareplyan. Nag-send ako ng isang text message sa kanya at itinago ang cellphone sa bulsa ko. Biglang nag-vibrate ang cellphone ni Ashton. At parang may nag-uudyok sa akin na tingnan iyon.
Nangati ang palad ko. Tumingin ako sa direksyon ng men's room, hindi pa nakakalabas si Ashton. Tumingin uli ako sa cellphone niya. Abot kamay ko lang ito. Gusto ko lang mahawakan 'yon, ang ganda kasing unit ng Samsung. Gusto koang ganong model. Pero higit pa ro'n, gusto kong malaman kung ano 'yung binabasa ni Ashton sa cellphone niya. Hindi naman kasi siya mukhang nagtetext dahil nakatitig lang siya sa cellphone niya. Sobrang curious ako!
Tumingin ako sa paligid at kagat labing inabot ang cellphone ni Ashton sa lamesa. Pero ibinalik ko rin kaagad sa lamesa ang cellphone niya nang bigla siyang magpakita. Umakto akong walang nangyari.
"Let's go?" tanong ko na may malapad na ngiti. Kinabahan ako kanina!
Naglakad na kami palabas ng coffee shop. Grabeng lamig naman ang naramdaman ko nang nasa labas na kami at naglalakad. Susunduin daw kami ni Kuya Dylan kaya maghintay lang daw kami malapit sa bookstore ni Lola. Umupo kami sa bench sa labas. Papalubog na ang araw.
"Nilalamig ka."
Nilingon ko si Ashton sa tabi ko. Nagkadikit pala ang mga kamay namin sa upuan. Pinagsalikop ko ang mga kamay ko at kiniskis sa isa't-isa.
"Lamigin talaga ako eh. Pero mas gusto ko ang malamig kaysa mainit," sabi ko. "A-Ano'ng ginagawa mo?" Laking gulat ko nang bigla niyang kunin ang mga kamay ko at balutin ng mga kamay niya.
Ang init ng mga kamay nya at sadyang mas malaki ang mga iyon kaysa sa kamay ko. Napalunok ako. Unti-unti nya iyong inilapit sa bibig nya at hinipan. Nakaramdam ako ng init sa mga kamay ko. Pero hindi lang yata kamay ko ang apektado kundi pati na rin ang mga pisngi ko. Ang init ng mukha ko. Siguradong namumula na ang mukha ko dahil sa ginawa ni Ashton pero kahit na unit-unti na akong binabalot ng hiya ay hindi ko pa rin magawang bawiin ang mga kamay ko mula sa pagkakahawak niya.
Sa unang pagkakataon ay napansin ko na maganda pala ang mga pilikmata niya, pati na rin ang mga kilay niya na tama lang ang kapal. Maganda rin pala ang mga mata niya na kulay brown. At wala pala siyang pores! Gwapo pala siya lalo na kapag malapitan. Napasinghap ako nang ma-realize ko na magkalapit na pala ang mga mukha namin.
"Nilalamig ka pa rin ba?" tanong niya habang nakatitig pa rin sa akin.
Parang napilipit ang dila ko. Hindi ko magawang sumagot agad kaya naman medyo naging awkward dahil habang hindi ako makapagsalita ay nakatitig lang kami sa isa't-isa.
"H-Hindi." Matigas akong umiling sa kanya. "O-Okay lang ako. Hahaha!" Pilit akong tumawa.
Pakiramdam ko sasabog ako. Gusto kong sumigaw. Naghuhuramentado ang puso ko. Naramdaman ko rin na nag-curl ang mga daliri ko sa paa. Ano ba ang nangyayari sa akin?
"Is it o-okay if I hold on to your hand for a w-while?" tanong niya na mas lalong humigpit ang pagkulong sa mga kamay ko. "N-Nilalamig din kasi ang mga kamay k-ko."
"O-Oo naman! Enjoy, este, 'yung heat... yeah." Tumikhim ako at tumingin sa view sa harap namin.
Tumahimik na lang uli ako para maiwasan ang pagbaluktot ng dila ko at pagsasabi ng mga salitang hindi ko alam kung bakit ko ba sinasabi! Nakakahiya! Nanatili kami sa ganoong posisyon hanggang sa dumating ang sundo namin. Don lang naghiwalay ang mga kamay namin.
Ang weird lang kasi, nagustuhan ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko. At ako ang nag-enjoy sa init ng kamay niya.