webnovel

Dear Future Boyfriend

Kayleen's diary entries about her future boyfriend, current crush, and everyday life. *Written in Filipino / Tagalog language*

AlesanaMarie · Urbain
Pas assez d’évaluations
156 Chs

Entry #28

Dear Future Boyfriend,

Nagising ako kanina na masaya at natataranta. May date kasi akong ngayong araw. Pero haay... Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa bestfriend ko at bakit nya ako sinet-up sa kapatid nyang mas bata sa amin ng dalawang taon. Gah! Nakakahiya talaga kanina! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko! Gusto ko nalang na lamunin ako ng lupa sa kahihiyan. Idagdag pa na tahimik lang si Ashton kanina habang masayang nagsusubuan ng spaghetti yung ate nya at boyfriend nito. Parang silang dalawa lang yung tao sa loob ng restaurant. Gahd! Gusto ko nalang magtago habangbuhay kanina.

Pagkatapos naming kumain pumunta kami sa arcade para maglaro. Ang sweet talaga nina Ashleen at Alex. Buong araw nalang yata akong nakanguso dahil naiinggit ako sa kanila. Gusto ko ng ganong relationship!

Pero wala akong magawa kundi medyo dumikit sa baby bro ni Ashleen. Alam mo ba, pakiramdam ko talaga isa akong baby sitter kanina. Kaya siguro ako isinama ni Ashleen para maging babysitter ng kapatid niya. Hindi siguro siya pinayagan nina Tito na makipag-date ng silang dalawa lang ni Alex kaya isinama niya ang kapatid niya. Haay. Bakit nga ba ako sumama sa date? Kasi sabi niya cute raw at talented 'yung ka-date ko. Oo na, sige na nga. Aaminin ko na. Cute naman talaga si Ashton at talented din. Kanina, pinanuod ko siyang maglaro ng basketball. Lahat ng bola pumapasok sa ring. Ang effortless, at sa tingin ko 'sikreto lang 'to pero hwag kang mag-seselos okay?' tingin ko kasi ang cool niya pala. Wala lang, ang cool lang niya. Parang lahat ng gawin niya, ang cool. Kahit kanina habang naglalakad, ang cool niya. Di ko maipaliwanag kung bakit siya naging cool sa paglalakad. Pero basta may ganon siyang aura.

Binigyan niya ako ng Sgt. Keroro stuff toy kanina na nakuha nya sa 'Catch and Drop'. Tatlong beses siyang nag-attempt bago niya 'yun nakuha. Ang galing niya, kahit ilang beses ko yatang gawin 'yon hinding-hindi ako makakakuha ng laruan don. Tingin ko nga may daya 'yun eh! Hmmp! Pero pinatunayan ni Ashton kanina na mali pala ako. Nakakuha kasi sya. Sumaya naman ako ng kaunti at kahit paano nabawasan ang inis ko sa kanya.

Nanuod nga pala kami kanina ng movie! Yung Ouija? Nakakatakot! Mabuti pa si Ashleen may nakakapitan eh ako mas natatakot sa katabi ko kaysa sa movie. Kaya napatakbo nalang ako sa CR kanina. Huhu!

Alam mo ba, naawa ako bigla kay Ashton nung sabihin nyang nakita nya yung ex nya na may kasamang iba. Hindi ko alam na may ganon pala syang issue sa buhay. Akala ko kasi bato yun eh. Bakit ko sya nasabihan ng bato? Kasi hindi naman sya nagpapakita ng emosyon sa mukha, maliban nalang kapag nambubully sya. At yun ang pinakanakakatakot na expression na ipinakita nya. Tipong 'Run for your liiiiiife!'. Imagine-in ko palang gusto ko ng magtago sa ilalim ng kama ko.

Haay. Sorry ah, bukod kasi sa lips ko hindi na rin virgin ang kamay ko. Hinawakan kasi ni Ashton, pero hwag kang magselos kasi napilitan lang naman ako. Nandun kasi yung ex nya kaya nagpanggap nalang ako na girlfriend nya para di sya kawawa.

Ang haba na pala ng nasulat ko. Ang dami kasing nangyari kanina. Isa pa si Ashleen, medyo kakaiba kinikilos. Haay. Buti nalang bukas pupunta na kami sa Baguio! Waaaah!

PS: Wala akong bagsak na grade! I'm so happy! :D

Love,

Kayleen