webnovel

Dear Future Boyfriend

Kayleen's diary entries about her future boyfriend, current crush, and everyday life. *Written in Filipino / Tagalog language*

AlesanaMarie · Urbain
Pas assez d’évaluations
156 Chs

Entry #10

Dear Future Boyfriend,

Umuwi akong luhaan at sawi kanina. Biglang nawala yung box na may laman cookies! Hindi ko alam kung saan napunta! Ang tanda ko iniwan ko lang yon sa kwarto ni Ashleen! Huhu! Bigla syang nawala! ! Tiningnan ko na nga pati sa ilalim ng kama, pero wala! Bigla syang naglaho. Huhu! Nakakainis! Hindi mo natikman yung cookies!

At dahil hinanap namin 'yon ni Ashleen sa buong bahay hindi kami nakapanood ng basketball game nyo kanina! Ang malas! Sobrang malas! Sobrang sayang! Yun tuloy ginawa nalang kaming audience nina Warren habang nagpapractice sila ng banda nila. Ang awkward lang. Si Ashton kasi tinitignan ako kanina! Mukha syang may plano na masama sa akin. Katakot sya! Save me!

Love,

Kayleen