webnovel

Dead Bodies (Completed) Tagalog

Nagsimula ang lahat sa isang trahedya. Trahedyang magdadala ng epidemya. Sino ang makakalutas nito? Sino ang makapagliligtas sa buong mundo? May pagkakaibigan ang mabubuo, sama sama silang haharap sa gulo. May mawawala, may magbabalik at may mag tatraydor. Paano nila lahat malulusutan ito? Dead Bodies are everywhere but the most ridiculous part is the Dead Bodies are Alive!

Aerang_Manunulat · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
71 Chs

Dead 5 (Part 1)

Mia POV

"Shhh." Senyas ko sa kanila habang nakasilip sa may pader. Ang daming Zombie na nagkalat. Halos lahat estudyante, yung iba professor. Haist. Nakakaawa sila at the same time nakakatakot.

"Marami ba sila?" Bulong ni Aira sa likod ko.

"Sobra." Tipid kong sabi.

"Paano tayo, makakalabas? Andaming Zombie." Sabi ni Abe.

"Andito na tayo sa labas~" pamimilosopa ni Aira.

"Gaga! What I mean sa labas ng school." Pagtataray ni Abe.

"Ayusin mo kasi!" Pagdepensa naman ni Aira. -_____-

"Kailangan muna nating magpalipas ng gabi." Sabi ko maggagabi na din kasi.

"Sa'n naman?" Tanong ni Aira.

"Sa Second floor tayo, tingnan natin kung gumagana pa elevator, mahirap kapag gumamit tayo ng hagdan, baka may makasalubong tayo." Sabi ko.

"Guys, maghanap muna tayo ng pangdepensa." Singgit ni Aira.

May nakita naman akong tubo sa malapit, yun na ang kinuha ko. May bitbit naman na kahoy si Abe at floor mop kay Aira?! Pero handle lang pala gagamitin niya. Si DenDen naman isang maliit na dospordos. Hahaha.

"Ayos! Tara!" Sigaw ni Aira.

"Aray!" Binatukan ko nga, ang ingay.

"Oo na, tatahimik na." Bulong nito. Napa roll eyes nalang ako.

Nagmasid-masid lang kami sa paligid. Andaming nagkalat na mga walker. Gad! Katakot! Baka mamaya, may sumakmal saming zombie. Tapos maging zombie din kami! Hindi pa nga nag-umpisa ang bakbakan. Deds na kagad?! Anyways Advantage din sa'min ni Aira ang pag depensa ng aming saliri pero mas better kapag may weapon na panangga.

"Ate." Biglang tawag ni DenDen.

"Natatakot ako." Napabuntong hininga ako.

"Kami rin Den, natatakot rin kami pero kailangan nating maging matapang sa ganitong sitwasyon." Sabi ko.

"Oo Den, muka lang kaming hindi takot dahil dinadaan namin sa asaran pero...."

Aira took a deep sigh.

"...naiihi na talaga ako." 

Napa face palm nalang ako. Ayos na ang mood eh.-_____-

"Guys, tama na ang drama!" Biglang singit ni Abe. As if di siya takot, kanina nga muntik na siyang naihi.

Again, nagpalinga-linga muna kami sa  paligid at ng makakita kami ng pagkakataon, umalis na kaagad kami.

Aira POV

Nakatanga lang kaming lahat dito habang hinihintay ang pagbukas ng elevator.

*ting*

Pigil hininga kami habang unti-unting bumubukas ang elevator. Walang gumalaw sa'min ng tuluyan itong magbukas. Tumambad saamin ang naglalakad na mga zombie. Pigil hininga kaming nagkatinginan. Napalunok nalang ako. Shek! Paano to?!

Nakarinig ako ng lagapok. Parang nag slow mo ang lahat, naagaw namin ang atensiyon ng zombie.

"3rd floor!!" Agad kong pinindot ang button. Unti-unting nagsasara ang pinto at unti-unti ding humahabol ang isang zombie. Sakto namang pagsara ng pinto ang pagkaputol ng kamay nito. Yaks! Kadiri!

"Ahhhhhh!! Yung kamay gumagalaw!"

Waaaa!!

"Patayin mo! Patayin mo!" Tili nina Abe at DenDen.

"Takte! Patay na 'yan!" Sigaw ni Mia.

"Waaa! Ang creepy ng kamay!" Sigaw ni Abe.

"Buti nalang hindi ulo ang naputol." Singit ni DenDen.

*ting*

Nang masiguro namin na walang panganib, lumabas na rin kami ng elevator. Pero hindi ko masikmura ang tumambad saakin or sa amin I guess?

"Ang baho!" Singhal ni Mia habang nakatabon ang ilong.

"Yuck!"

Puro mga katawan ng mga estudyane saamin ang tumambad, nagkalat na ulo, lamang loob at malalansang dugo ang nagkalat sa hallway. Muntik na nga akong madulas kanina dahil sa dugo. Kadiri talaga!

"Tara na Guys!"

Patuloy lang kami sa pagtakbo pero hindi namin hinayaan na makagawa kami ng malakas na ingay in short kasalukuyang kaming nag-aala ninja.

Napatigil kami sa pagtakbo ng may tumatakbong grupo ng mga estudyanteng tumatakbo patungong direksyon namin.

"RUN FOR YOUR LIVES!" Sigaw nito.

"Huh?" Takang sambit namin. Pero huli na namin marealize na hinahabol pala sila ng isang batalyong zombie.

"Waaaaaaa!!Takbo!" Sigaw namin at nakisabay din sa pagtakbo.

Lumiko kami, pero pagliko namin may mga zombie ding nakatambay kaya bigla kaming napahinto.

"Guys dito!"sigaw ng kung sino at biglang pumasok sa isang pinto. No choice kaya pumasok na kaagad kami.

Pagpasok naming lahat agad na isinara ang pinto. Habol Habol ko ang aking hininga dahil sa pagod at kaba.

Hindi ko na masikmura  mga nangyayari saamin.

"Guy's okay lang ba kayo?" Tanong nang kung sino.

Walang umimik. Silence mean's yes but maybe no?

Sa tantiya ko mga Fourty ang mga students na naandito. May taga kabila ring eskwelahan base na rin sa kanilang suot na Uniform.

Nagpakawala ako malalim na paghinga.

Madilim na pala.

Sabi ko, habang nakatingin sa bintana.

Ano na ba ang gagawin namin?

Gusto ko nang umuwi. Sigurado akong mas safe sa bahay.

Pero, nakakakonsensiya akong lisanin ang paaralang ito kasama ang mga kapwa ko estudyante. Alam kong gusto rin nilang makaligtas dito pero masyadong delikado. Delikado na nga dito sa loob ng campus, doon pa kaya sa labas. Hindi ko rin matawagan si Daddy, for sure alam na niya ang nangyayari dito.

"Arrggghh!" Daing ko tsaka ginulo ang  buhok ko.

"Aira, huminahon ka." Malumanay na sambit ni Mia tsaka yinakap ako. Ramdam ko rin ang bigat ng kalooban niya sa nangyayari ngayon.

Ang bigat ng atmosphere dito sa loob.

May naririnig pa rin akong humihikbi at nag-uusap.

Nangingiligid na naman ang mga luha ko. Hindi ko na kaya ang mga nangyayari sa'min, pa-parang nawalan na ako ng lakas ng loob. Nakakapangilabot talaga ang mga nangyayari sa'min. Bumuntong hininga nanaman ako.

Sana bukas bumalik na sa dati ang lahat, I hope magising na kami sa bangungot na ito.

Pinikit ko ang mga mata ko at pilit na makatulog.

...

Nagising ako dahil sa mahinang kalabog sa labas.

I took a deep sigh.

This is reality.

Nangyayari na talaga sa'min 'to.

Nabaling nanaman ang diwa ko ng marinig muli ang kalabog sa labas. Mahina pero nakakatakot.

Rinig na rinig ko mula dito dahil katabi ko ang pinto. Pinakiramdaman ko ang paligid ko. Mukhang tulog sila. Hindi ko naman sila masisi at nakatulog pa sila sa ganitong sitwasyon dahil ramdam ko rin ang pagod nila sa kakaiyak at kakatakbo, madaling araw na nga kaming nakatulog, napag-usapan din naming lahat na bago sumapit ang araw aalis kami ng school, at mukhang ito na ang tamang oras.

"Mia...Gising na." Bulong ko habang inaalog ang katawan niya.

"Hmmm." Mahinang ungol niya habang pilit na bumabangon.

"Gisingin natin ang iba." Sabi ko at ginising na sila.