webnovel

Kabanata 4

Geno's P.O.V

Nakaupo lang ako sa may sala habang nanonood ng tv sa may sala ng bahay na naghihintay sa pagdating ng kaibigan ko.

Ilang munuto pa ay may kotseng sasakyan na ang dumating sa labas ng bahay saka may nag doorbell na din.

"Baka siya na 'yon." Banggit ko saka tumayo na ako naglakad palabas ng bahay. Nagulat ako ng pagbukas ko ng pintuan ng ibang tao ang bumulaga sa akin.

"Hi Geno. God morning! Nandiyan ba ang kuya Michael mo?" Ang salubong agad na tanong saakin ni Carlo na nakangiti pa.

"Wala e. Bumili siya ng grocery kasama si mom." Ang sagot ko naman sakanya habang magkaharap lang kaming dalawa na nakatayo sa may pintuan.

"Ganun ba? Hintayin ko nalang sa loob kung pwede?" Ang sagot niya na nagpapaalam saakin na pumasok sa loob ng bahay namin.

"Ikaw bahala. Pasok ka." Ang sagot ko sakanya saka magkasama na kaming naglakad papasok sa bahay. Siya ang nauna maglakad habang nakasunod lang ako sa may likuran niya na parang siya ang may ari ng bahay namin at ako naman ang alalay niya.

"Kuha lang muna ako ng makakain habang naghihintay ka sakanya." Ang sabi ko pa sakanya na nakaupo na agad sa sofa kahit hindi ko pa sinasabihan. Parang sariling bahay lang ang kumag.

"Okey. Gusto ko 'yong malamig naman kasi ang init ng panahon. Medyo sumakit din ang ulo ko sa biyahe." Ang sagot naman niya habang daig pa ang seryorito sa pagkakaupo niya. Tumalikod na ako sakanya at nagsimula ng tinungo ang kusina.

"Baka may covid ka na?" Ang mahina ko pa na bulong sa hangin habang naglalakad ako papunta sa kusina pero narinig niya yata.

"Hawaan kita, gusto mo?" Sumagot siya sa sinabi ko. Medyo bulong na nga lang din sa hangin tapos narinig niya pa rin. May sa aswang yata ang lalaking ito.

Kumuha ako ng dalawang baso saka nagtimpla na rin ako ng isang pitsel ng pineapple juice saka kinuha ko na rin ang pre-heated egg pie sa may oven na inilagay ko kanina. Bumalik na ako sa may sala dala ang mga iyon.

"Parang ang sarap naman yata niyan." Ang nakangiti pa niya na bungad sa akin. Hindi man lang niya ako tulungan na ibaba ang mga dala ko. Inilapag ko nalang sa mini-table ang mga dala ko saka umupo na ako sa tabi niya.

"Gutom ka na siguro. Baka di ka pa nag-almusal,? Pwede ka na magsimula lumamon." Ang mataray kong sabi sakanya saka tumingin na ako sa pinapanood ko sa tv.

"Grabi ka saakin. Ang lupit ng pagka-harsh mo a. Siguro crush mo ako?" Ang pang-aasar niya na sagot saakin habang kumukuha siya ng isang slice ng Pie.

"Ang kapal din naman ng mukha mo. Tumahimik ka na nga lang diyan kung wala kang magandang sasabihin. Isturbo ka sa pinapanood ko." Ang pikon ko naman na sagot sakanya. Tumingin din siya sa pinapanood ko.

"Mahilig ka pala sa mga BL story. Anong pamagat ng pinapanood mo?" Ang naging interesado niya na tanong saakin. Napaharap naman ako sakanya na nakatingin rin pala saakin.

"Sak-Sak-Sakris-tan." Ang biglang nauutal kong sabi ng humarap ako sakanya kasi naman ang lapit ng mukha niya saakin. Ang lapit ng gwapo niyang mukha at kitang kita ko sa aking mga mata ang kissable lips niya at ang matangos niya na ilong.

"Bakla ka ba?" Ang biglang tulak ko sakanya ng magising ako sa reyalidad ng buhay. Naitapon niya tuloy ang kanyang hawak na pie sa kamay dahil sa pagtulak ko sakanya.

"Anong bakla e ikaw kaya itong sobra kung makatitig sa mukha ko. Baka nga pinagsasamantalahan mo na ako sa isip mo habang magkalapit ang mukha natin." Ang sagot niya saakin habang napahiga siya sa kabilang dulo ng sofa dahil sa lakas ng pagtulak ko sakanya.

"Gusto mo yata matamaan ng kamao ko!" Ang galit kong sagot saka tumayo ako at galit na lumapit sakanya ng biglang hindi namin inaasahan ang nangyari.

Naapakan ko ang pie sa sahig na nahulog niya kaya naman nadulas ako at natumba sakanya. Napadapa ako habang nakaibabaw sa katawan niya sa may sofa. Mabuti nalang at hindi tumama ang ulo namin dahil napigilan ko na tumama ang mga mukha namin. Nagkatinginan lang kami sa bawat isa.

"Geno, nandito na ako. Hindi na ako nagdoorbell kasi nakabukas naman ang pintuan." Ang biglang boses ng kaibigan ko ang aming narinig mula sa may pintuan na kararating lang. Napatayo agad ako at nagsiayos agad kaming dalawa ng pagkakaupo.

"Lance naman. Nandiyan ka na pala e hindi ka man lang nag-doorbell." Ang natataranta kong sabi sa kaibigan ko na nagulat yata sa nakita niya saamin ni Carlo sa upuan.

"Nakabukas kasi ang pintuan kaya naman dumiritso na agad ako dito sa loob. Hindi ko naman kasi alam na ano, na mag-aanohan pala kayong dalawa. Pasensiya na pero kung nakakaisturbo ako sainyo ay aalis na lang ako." Ang paliwanag naman niya saakin.

"Ano ba ang pinagsasabi mo diyan? Mali ang iniisip mo. Halika na dito maupo ka na at kanina pa kita hinihintay." Ang sagot ko sakanya na sinenyasan ko pa na maupo sa gitna namin ni Carlo pero sadyang namimikon yata ang kumag na lalaki na ito. Lumapit ba naman ng pagkakaupo saakin.

"Excuse lang po a, may gagawin kaming project ng kaibigan ko kaya pwede ba na doon ka nalang sa kabilang upuan." Ang sabi ko kay Carlo saka tumayo naman siya.

"Ang sungit naman nito." Ang reklamo ni Carlo saka lumipat siya sa kabilang sofa habang umupo naman si Lance sa tabi ko.

"Bakit ba ang tagal mo dumating? Kanina pa kita hinihintay?" Ang tanong ko kay Lance pero nginitian niya lang ako ng nakakapikon.

"Hinihintay daw. Bakit nakikipag-anohan ka na sakanya?" Ang pagbabalik tanong niya saakin.

"Ewan ko sayo. Ang libog ng utak mo." Ang pikon na sagot ko naman agad sakanya.

"Ang libog daw. Baka kung hindi ako dumating ng maaga baka mas malala pa ang naabutan ko na ginagawa ninyo ng kaibigan ng Kuya mo." Ang sagot pa niya sa akin.

"Kapag hindi ka tumigil uuwi ka sainyo ng nakatahi ang bibig mo." Ang sobrang pikon ko ng sagot sakanya habang pinagtitinginan lang kami ni Carlo.

"Alam mo kung hindi ka dumating baka pinagsamantalahan na ako ng kaibigan mo." Ang sabat na pang-aasar pa ni Carlo saakin. Napatayo ako sa galit.

"Hoy! Anong tingin mo saakin manyakis para pagsamantalahan ang pangit na katulad mo?" Ang galit kong sigaw sakanya. Tumayo naman si Carlo saka lumapit siya saakin.

"Bakit, hindi ba? Gagawin mo pa na dahilan ang nadulas ka sa nahulog na pagkain pero ang totoo ay gusto mo lang na pagnasaan ako." Ang parang may sa adik na pagsasalita sa tono niya.

"Even in your bad dreams. Hindi ko yun gagawin sa katulad mong bob-." Ang naputol kong salita ng biglang hinawakan niya ang mukha ko kasabay ng pagtama ng mga labi namin dalawa. He kiss me in front of my best friend.

"Damn you!" Ang galit kong sabi kasabay ng pagtama ng malakas kong pasuntok sakanya na rason para mapaupo siya sa sahig.

"Geno! Bakit mo sinuntok si Carlo?" Ang biglang boses ni Kuya Michael ang narinig ko kasama si mom.

Napatingin kaming tatlo sa kanila na kararating lang sa may pintuan na dala ang mga grocery na pinamili nila.