webnovel

Prologue

\

\\

...

May isang prinsesa nakatira sa sang malawak na palasyo. Anak siya ng isang butihng reyna na maagang namayapa nang siya'y isinilang at isang amang hari na ubod ng lupit at sakim na siyang kinikilabot ng buong kaharian ng Espadanya.

Sa araw ng kanyang ika-labing walong kaaarawan, ang lahat ay nagsihanda, samantla siya ay nasa isang malawak na hardin na naglalaro. Iniligaw niya muna ang kanyang dalawang bantay na dama na panay sunod ng sunod sa kanya. Patakbo – takbo siya sa loob ng palasyo at tila may hinahanap. Hanggang nakarating siya sa isang malaking pintuan na yari sa pilak. Ang kuwartong to ay pinabababawalan pasukin ng kahit sinuman sa kaharian ayon sa utos ng kanyang amang hari.

Ngunit, binuksan niya ito sa pamamagitan ng kanyang susi na ninakaw niya sa kuwarto ng kanyang ama. Pumasok siya sa kuwarto. Ang kuwarto na ito ay malawak at walang muebles. Madilm at ang nagsisilbing liwanag lamang ay galing sa sinag ng araw mula sa bintana.

Samantala, sa kabagutan, nas nyang umalis. Tumalikod siya at hindi sinasadya na ang kanyang ama ay nasa likuran pala nya. Ang mga mata nito ay nanlilisik at ang kanyang kilay ay kumakapal hangang sa nag-anyong tong sang mabangis na dambulahalang hayop na nangangain ng tao. Kinilabutan ang lahat sa loob ng palasyo na nakasaksi sa pagpapalit anyo ng hari. Natakot ang prinsesa at sumisigaw siya para humingi ng tulong. At biglang nagliyab ng apoy ang paligid. At siya ay unti-unti na nilamon ng apoy.

Simula n'un, wala na narinig ang mga tao sa kaharian ang tungkol sa magandang prinsesa at maski sinuman ay walang nakakaalam kung ano ang nangyari nung araw na iyon.

Dito nagtatapos ang kuwento...

\

\\

...

-END-