webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
303 Chs

Chapter 93: Gift

Nakakabingig katahimikan ang bumalot sa loob ng sasakyan. Walang nangahas na magsalita. Walang nagbuka ng bibig kahit ang huminga. Ganun katindi ang init na nangyari kanina. Nakakapaso, na kung susubukan mong magsalita. Maaari kang masaktan.

Hindi na ako nangahas pa na magpaliwanag sa kanya. Alam ko naman e. Na kapag galit sya. Hindi yan makakausap ng matino. Katulad nalang ng ginawa nya kay Jaden. Ramdam ko. Hindi naman isyu yung pagsuway ni Jaden sa sinabi nya. Ang hula kong ikinagalit nya ay ang hindi nito pagpaalam sa kanya ng kung anong totoong motibo nya sakin. Ganyan ang ugali nyan. Parang ako rin. Hindi mo makausap ng matino kapag galit o nasasaktan.

Maging ang pagbaba ng sasakyan ay panay dabog. Kung nagdabog ako. Mas lalo rin syaang nagdabog. Tuloy sinalubong kami ni Mama.

"Anong meron?.." Anya. Nalilito sa aming dalawa ni kuya. Hawak pa ang isang plato at puting pamunas dito.

"Nasa counter ang meryenda.. Bamby. ." ako ang unang lumapit sa kanya at humalik sa kanyang pisngi.

"No thanks Ma. busog po ako.." sabay pasok ko. Sumunod rin sakin si Mama. Iniwan si kuya sa parking space na tinitignan ang gulong.

"Oh Lance, nagluto ako ng paborito mong mamon.." nagulat ako sa sinambit ni Mama. Muntik pang di na malunok ang tubig na nasa aking bibig. Ampusa naman.

"I'm full Ma. Thank you.." humalik rin sya sa pisngi ni Mama. Saka ako nilampasan at tumakbo paakyat ng hagdan. Bawat hakbang pa nya. Dalawa. Kaya mabilis itong nakarating sa ikalawang palapag.

Naiwan si Mama na nakanganga.

"Akyat na po ako.." paalam ko.

"Nag-away na naman ba kayo?.."

"Po?.."

"Magsabi ka ng totoo. Nag-away kayo ng kuya mo?.." haist!. Pano ba to?.

Wala akong magawa kundi harapin ulit sya para magpaliwanag. "Nagalit po sya Ma.." umpisa ko.

"Bakit?. teka.. iyon pa rin ba?.." pigil nya sakin. Tinutukoy yung tungkol samin ni Jaden. Nahihiya akong tumango.

"Anak..." dinig ko ang disappointed sa kanyang boses.

"Ma, it's not what you think.." pinamaywangan nya ako. Hinihintay ang susunod kong sasabihin.

"Nag-uusap lang kami ni Jaden sa math park sa school tapos bigla nalang syang nagalit.." tinaasan nya ako ng kilay.

"Yun lang ba?. Yung kuya mo, sobra ang galit. Bakit?.."

Kinagat ko ang aking labi bago magpasyang magsalita.

"Si Jaden po kasi Ma. Sinabi nya sa canteen kanina na, taken na raw sya.."

"And--?.."

Nilunok ko ang sariling laway sa salitang kayhirap sambitin. Bakit naman kasi Ma. Kailangan pang magtanong eh.

"With me po..."

Hindi sya umimik. Pinanuod nya lang ako. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Tumalikod. Nagsalin ng tubig sa basong nakataob at basta nalang nilagok.

Sa haba ng namagitang katahimikan samin. Muli syang nagtanong. "Is that true?.."

Inilingan ko sya kahit nakatalikod. "Then why is he really mad?.."

"I don't know po Ma. Tanungin nyo nalang po sya. Akyat na po ako.."

Pumasok ako ng aking silid. Mangiyak ngiyak na. Tinapon ang bag sa sahig saka dumapa sa kama. Duon ibinaon ang mukha saka ibinuhos ang luha. Kailangan ba talagamg may kapalit lagi ang saya?. Nung nasa canteen ako. Sobrang saya ko dahil sa inamin ni Jaden. Pero kanina lang. Biglang nabura na parang bula. Hindi ba pwedeng maging masaya ng buong araw na?. Hindi ba pwedeng magpakasaya ng walang darating na lungkot?.. Ang hirap naman mabuhay. Lahat may kapalit. Lahat hindi permanente. Lahat puro pansamamtala lamang.

The next morning. Hindi normal ang naging routine ko. Sinabay nya ako patungong school pero hindi sya nagsasalita. Si Jaden naman, bumalik sa dati. Ang lapit nya pero parang sobrang layo nya dahil hindi ko rin sya malapitan. Damn!.. Hihingi sana ako ng tawad sa kanya sa ginawa ng kapatid ko pero inisip ko na baka mas lalo lang magalit si Kuya sa kanya. Kaya saka na.

Maging ang mga taong nakasaksi sa naging eksena kahapon. Walang imik. Walang nagtangkang magtanong o usisain pa ako. Normal silang lahat. Pero ako, abnormal. Hindi makapag-isip ng tama. Laging tulala. Hindi maayos na tulog. Kulang sa kain. Lahat may kulang.

"Hija, may bisita ka..." sigaw ni Mama galing sa baba. Kakauwi ko galing school. Nagkulong na ako dahil nasa baba ang buong barkada ni Kuya Lance at Kuya Mark. Maingay silang naglalaro ng basketball. Di ko alam kung kasama si Jaden.

"Sino po?.."

"Bamby!.." Wala akong magawa kundi babain ang bisita.

Suot ko ang itim na pajama at kulay asul na malaking damit. Malaking tsinelas na kulay pink at nakaipit ang buhok sa tuktok. Tamad akong bumaba. Humihikab.

Nasa pang-apat na baitang pa lamang ako pero tumakbo na ni Ace upang yakapin nya ako. "Bamby!.." higpit ng yakap nya sakin. Sa may hagdanan. Tanaw ang labas na pwede ring makita ng taong nasa labas. Tulad nila Kuya at Damn!. Andito sya. Malungkot ang matang nag-iwas sakin ng tingin. Shet Bamby!.. Tinulak ko ng mahina si Ace. Yung sakto lang. Baka mahulog kasi eh.

"Kamusta na. Grabe namiss kita.." yakap nya ulit sakin. Tumawa ako. Sa labas nakatingin para panoorin muli sya. Ngunit nadismaya ako ng nakaupo sya't nakatalikod na sa gawi ko.

"Ah hehe.. Ace.. kamusta?. Ang tagal mong absent ah. Anong nangyari sa'yo?.." inakbayan nya ako. Sabay na kaming bumaba.

"Hi Bamblebie..." Ani kuya Silver. Nilahad ang kamay upang yakapin ko sya.

"Lalo kang gumanda ah.." tukso pa nya sakin.

Lumayo ako dito at naupo sa sofa. Pinagitnaan nila ako. "Hindi naman po kuya. Kailan po kayo nakauwi?.."

"Two weeks ago.."

Ngumuso ako at tumango. "Sinundo ka po ni Ace?..." umakbay sya sakin bago ginulo ang buhok. "Gumanda ka ngang talaga. Hahaha. Nasisiguro kong maraming nagkakandarapa sa'yo dito..." tawa nya na hindi ko rin magawang tawanan.

"Hindi lang nagkakandarapa kuya. Manliligaw. Sigurado ring madami.." Piningot ko agad ang tainga ni Ace na tinawanan lang ako.

"Ikaw!. Ilang linggo ka ng absent tapos yang tawa mo parang wala kang problema. Saan ka galing ha?.."

"Bakit nag-alala ka ba sakin?.."

"Sinong hindi mag-aalala ha?. Studies mo yun engot tapos iniwan mong parang bula. Are you crazy?.." sinuntok ko ang kanyang tyan dahilan para mapahiga itong tumatawa.

"Ouch!.. that's so sweet little Bamblebie!.." sambit nya eksaktong pasok nila Kuya kasama ang barkada. Napaayos ako ng upo dahil sa mga matang nakamasid.

"Oh Silver. Kailan ka pa umuwi?.." nagkipagkamayan si kuya Mark kay kuya Silver.

"Two weeks ago pa.."

"Matagal na pala. Kaya ba pinauwi si Ace sa inyo?.."

"Parang ganun na nga."

"Kaya pala absent ka bro. Ang dami mo ng namiss.." Ani Bryle. Nagkamayan ang dalawa..

"Oo nga eh. Isa na roon si Bamby..." natahimik bigla ang lahat. Nakagat ko ang sariling labi dahil sa akbay ni Ace. Nakita ko ring nagbaba ng tingin si Jaden. Damn this!.. At nag-iwas ng tingin si kuya Lance. Hell shit!.. That means, Hindi pa sila okay?..

Saka lang nabasag ang nakakailang na eksena samin ng pinakilala nya ang kuya nya sa kanila.

"Nice meeting you.."

"Silver sa deck tayo." alok sa kanya ni Kuya Mark.

"No thanks bro. Sinamahan ko lang tong si Ace, may gusto raw kasing ibigay kay Bamby bago kami umalis.."

"Bakit saan punta nyo?.."

"We're going to Hawaii. Isasama ko sya duon. Doon na rin kami titira.."

"What!?.." halos sabay sabay naming tanong. Kasal na kasi si kuya Silver. At ang alam ko, taga Hawaii ang napangasawa nya. Kaya siguro.

"So kailan alis nyo?.." Ani kuya Lance.

"Tommorow afternoon.." ngiti ni Ace.

"What?!.." what's with the what now?.. sabay na naman ang lahat sa pasabog ni Ace. Abnoy talaga. Di man lang nagsabi na aalis na. Tuloy bigla akong nalungkot.

"Pano ba yan?. Ngayon ka na nga lang pumunta dito tapos aalis ka rin agad." si kuya Mark.

"Tsk. maybe next time bro. Uwi kami yearly to visit.. don't worry.."

"Bro naman kahit tikim lang.. " pilit pa rin ni kuya Mark sa kanya.

"Go kuya. Mag-uusap lang muna kami ni Bamby." nagdiwang ang lahat saka umakyat na ng deck. Naiwan kaming dalawa ni Ace sa sala.