webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
303 Chs

Chapter 92: High blood

Damang dama ko ang init ng kanyang hininga saking ilong. Kahit nakapikit ako. Ramdam ko ang ngiti sa kanyang labi. Damn!. Paano ba huminga ng di nya nalalanghap hininga ko?. Ampusa Bamby! Baka mamamatay ka..

"Sana ganito tayo kaclose lagi.." mahinang bulong nya. Sakto lang para madinig ko. Ang bango ng kanyang hininga. Breezing cool and mint. Naiimagine ko tuloy na para akong nasa tabing dagat. Nakatanaw sa papasikat na araw. Habang nakaupo sa malamig na buhangin. Tinatamaan ng alon na galing sa gitna ng dagat.

"Bamby, pwede bang... wag ka nalang umalis..." napamulat ako ng mata. Lintek!. Umawang ang labi ko sa gulat dahil sa mata nyang nakatutok sakin. Gosh Jaden!..

"Malayo ang Australia..." dugtong pa nya. Kung ako lang. Ayoko rin sana. Kaso, anong gagawin ko Jaden, pamilya ko yun?. Wala pa akong lakas ng loob upang suwayin sila. Bunukas na ang labi ko para magsalita. Magpaliwanag. Bigyan sya ng opinyon ko. Pero may sumabog na boses. Tinatawag ako. Galit na galit. "Bamby!!.." mabilis gumalaw ang aking katawan kahit hindi pa ako nag-iisip. Tumayo ako't lumayo ng kaunti kay Jaden na tumayo rin dahil sa pagkabigla.

Tanaw ko sa labas ng bakal na gate ang nagpupuyos ng galit na si Kuya Lance. Malalaki ang kanyang mga hakbang patungo sa math park. Hindi maipinta ang mukha. This scene. I foresee it. Nakasunod sa kanya ang grupo ni Jaden na nasa gym kanina. Hinawakan sya sa balikat at braso pero tuloy pa rin sya ng lakad papunta samin. Binalewala ang mga pumipigil sa kanya.

"Damn!. Anong--?. Bamby!. umuwi na tayo.." ilang dipa nalang ang agwat nya sa math park. Lumapit ako sa bakal na gate saka tinignan sya ng blangko.

"You!. " turo nya kay Jaden. Oh damn!.. Pumikit ako at huminga ng malalim.

"Lumabas ka dyan. Magtutuos tayo." nanginig ang kamay nyang itinuro si Jaden sa aking likod.

"Kuya.." pigil ko sa kanya.

"Shut the hell up!. I don't need your explanation here.." mura nito sakin.

Agad nangilid ang aking luha. Naghalo halo lahat ng pakiramdam ko. Ang saya. Ang kilig. Ang excitement, galit, inis. at pagkalito. Awa kay Jaden at inis sa sarili ko. Bakit hinayaan kong umabot kami sa puntong ganito?. Hindi dapat ganito ang lahat kung nag-isip ka ng tama Bamby!. Kinagat ko nalang ang ibaba ng aking labi para di tuluyang humagulgol.

Pinanuod kong buksan nina Winly ang gate. Nagpatulong pa sya sa.mga lalaki dahil hindi nito mailagay sa tamang lagay ang susi dahilan kung bakit di pa kami nakakalabas.

"Tangina mo!.." sinugod nya agad.si Jaden ng nabuksan ang gate. Kinwelyuhan at tinulak sa damuhan.

O my God!.

Hindi pa sya nakuntento. Hinawakan muli nya ang kwelyo ni Jaden, hinila upang makatayo saka minura sa mismong mukha nya. "Tangina mo!.. layuan mo kapatid ko.." kahit natatalsikan na sya ng laway ni kuya. Wala pa rin syang ginawa kundi tumitig lang. Jaden ano ba?!. Gusto kong isigaw. Gusto kong lumaban sya pero ayoko rin saktan nya si Kuya. What the fck! Bamby!..

"Pre tama na yan.." pigil sa kanya ni Aron. Billy at Ryan. Pero hindi pa rin sya natinag.

"Di ba sinabi ko na sa inyo..." binitawan nya si Jaden saka lumayo. Umikot ng ilang ikot. Hawak ang magkabilang baywang. Huminto sya at matalim na tumingin kay Jaden na nakatayo lang. Walang emosyon ang mukha. "Sinabi ko sa inyo diba? Jaden!?..Na oras na tumapak kayo sa bahay. Walang kakanti sa kapatid ko... pero tangina mo... ano itong ginagawa mo?.." sigaw nya sa nakatungangang si Jaden. Dinuro pa nya ito.

Umatras ang iilang luha saking mata. What?. Anong sinabi nya?.

"Wala naman akong ginaga--.." shit!. Stop talking baby!. He's fucking mad and his mind is already closed. Don't try to explain!..

"Gago!.." malutong nyang mura. Napapikit na naman ako sa parang kutsilyo nyang mura. Ang sakit marinig mula sa kanya na minumura nya si Jaden na parang ako na rin. Sa bawat mura nya. Lumalalim ang patalim na nakadagan saking puso. Habang tumatagal, lalong nagdurugo.

"Kuya... please stop..." nilapitan ko sya. Nagsusumamo. Nagmamakaawa.

"Akala mo ba hindi ko maririnig ang nangyayari dito ha!?.. walanghiya!. nangako ka, at ang iba na hinding hindi gigibain ang pader na tinayo ko sa pagitan nyo at ng kapatid ko... pero ano ha!?.. Ano?.. ginawa mo pa rin kung anong gusto mo.. fuck you dude!.." tinulak nyang muli si Jaden kahit nasa gitna na nila ako. Umiiyak.

"Kuya naman eh. Tama na. Uwi na tayo.." hinawakan ko ang kanyang braso. Wala ring humpay sa pag-agos ang luha saking mata. Tinignan nya lang ako. Ng sobrang talim. Ng madiin. Kung pwede nya lang siguro akong sigawan dito. Kanina pa nya ginawa. But I know him too well. Di nya magagawa sakin yun.

Katahimikan ang bumalot sa mainit na kapaligiran. Maging ang mga barkada nya o ni Jaden. Tahimik lang. Walang kahit anong ingay sa kanila. Natatakot gumawa ng ingay na maaaring pagmulan na naman ng init ng ulo ni kuya.

"Kuya.. gusto ko ng umuwi." haplos ko sa kanyang braso. Nakapikit na sya. Tumingala at bumuga ng hangin. Nilingon ko si Jaden. Nakayuko ito. Bagsak ang mga balikat. Nakapikit rin kung kaya't di ko mabasa kung anong sinasabi ng kanyang mata.

"Pinagkatiwalaan kita. Tapos, may ginagawa ka na pala sa likod ko. Mahirap bang sundin ang pinagbabawal ko Jaden?.." Hindi gumalaw si Jaden. Si kuya, hinawakan na ang palapulsuhan ko. "Kung ganun, Hindi ka karapat dapat para sa kapatid ko.. Tara na Bamby..." kinaladlad na nya ako palabas ng math park hanggang parking lot.