webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
303 Chs

Chapter 70: Ace

"Bamby!.." sa gitna ng kasiyahan ko sa binabasa. Biglang kumatok si Kuya Mark. Tinupi ko ng napakaayos ang papel saka inipit sa loob ng aking unan. Bumaba ako ng kama ng nakapaa saka sya pinagbuksan.

"Sulat.." sabay abot nya ng isang envelope na kulay pink. Taka ko itong inabot. Binuksan ko ng maluwag ang pintuan upang makalabas ng tuluyan. Nakauniporme pa sya. Halatang kagagaling ng school.

"Kanino raw galing?.." tanong ko habang sinisipat bawat anggulo nito. Hindi sya pangkaraniwan na envelope. Makinis sya. Stationary ang papel na gamit. Parang hinulma ito ng may-ari. Nakakabilib. At take note. Mabangong mabango. Nakakahiya sa amoy ko.

"Hindi ko alam. Basta nalang iniabot sakin ni Aron yan kanina. Ang sabi nya, may nagpapabigay raw sa'yo."

Sino naman?.. Kumunot ang noo kong maayos ang itsura kanina.

"Di mo tinanong kung sinong nagbigay sa kanya?.."

"Hindi na. May nirurush kaming presentation kanina kaya di ko na natanong.."

"Kuya naman eh.." reklamo ko. Bat di nya inalam..

"Why?..." humalukipkip ito sakin. Nanghahamon.

"E kasi, bat mo tinanggap kung di mo naman alam kung kanino galing?. Pano kung chain letter ito ha?.. tsk.."

"Hahahaha.." tinawanan pa ako. Bwiset talaga!..

"Sino namang magbibigay ng ganung sulat sa'yo ha little Bumblebie?.."

Humaba ang normal kong nguso sa kanya. Tatanggap tanggap ng sulat tapos di alam kung kanino galing?. Pambihira!.. Paano kung death treath yun?. E di patay ako. Tapos wala nang forever sa mundo kasi hindi naging kami. Ampusa Bamby!.. Yang utak mo, malayo na naman narating. Magtigil ka nga!..

"Para malaman natin. Akin yang sulat.." nilahad ang kamay nya sakin. Hinihingi yung papel. That's a big no, no for me.

Mabilis ko itong itinago sa likuran. "No!. You're invading my privacy Kuya.." napuno ng halakhak ang buong hallway hanggang loob ng kwarto ko. Shit na malupet!.. Anong nakakatawa?. Abnormal din minsan.

"Makaprivacy ka dyan. Hahahaha.. Ang sabihin mo, ayaw mo lang basahin ko ang sulat ng secret admirer mo na malapit sa'yo. Tama ba ako?.." dinungaw pa ako sa mismong mukha. Hell shit!.. Eto na naman sya.

Tinulak ko ito ng buong pwersa. Paalis saking paningin. "Kuya.." tinalikuran ko ito saka nagmartsa papasok ng aking kwarto. Sumunod naman sya na may nakaukit nang ngisi sa kanyang labi. Damn!..

"May ideya ka kung kanino galing yan noh?.." pang-aasar nya pa. Hindi ko sya pinansin. Nagkunwari akong nag-aayos ng bag. Bwiset!. Pinagpapawisan na ako!.. Air please!.

"Nay!. speechless. Meaning may alam to.. Naku po!.." sapo pa ang kanyang ulo. Ampusa!. Nalintikan na.

Sinamaan ko sya ng tingin na naging dahilan na naman ng hagalpak nya. Ssshhhh!!.. Don't start Kuya!..Gusto ko syang pagalitan pero baka ako pa mapagalitan nya. Naku naman!..

"Kay Jaden ba?.." matapos mahimasmasan. Tinanong nya ito sa kawalan. Hindi iniinda ang talim ng aking titig.

Kung apoy lang ang titig ko, malamang kanina pa sya natupok at naging abo. Bwiset!. Nang-aasar e. Kinikilig ako.. Suskupo Bamby!..

"I heard what happened yesterday. Kaya ba hanggang sulat nalang sya dahil pinagbawalan ito ni Lance?.." sinarado nya ang nakaawang na pinto. So here we are. Talking. One on one. Heart to heart. Relax your heart Bamby!.. Inhale. Exhale.. Tinikom ko ang bibig na umawang ng bahagya. Saka humugot ng malalim na hininga. Pinapakalma ang pusong bigla nalang bumilis ang pintig.

"Hindi ako kontra sa ginawa ng Kuya mo at hindi ko rin sinasabing sumasang-ayon ako rito dahil alam ko, ginawa lang nya ang alam nyang tama para sa ikabubuti mo.."

"Alam ko Kuya. Kaya nga hindi ko na sya kinontra pa.."

"Good girl..." ginulo nito ang buhok ko. "Saka mo na problemahin yang love life mo kapag may diploma ka na ha. Sulitin mo muna yang pakilig kilig mo dyan. Dahil hanggang dun palang ang pwede sa'yo.. malinaw ba tayo Bamby?.." kahit labag na labag ito sa kalooban ko. Wala akong ibang pagpipilian kundi umoo nalang.

"Malinaw ba tayo Bamby?.." Hindi pa nakuntento sa pagtango ko. Suskupo!..

"Yes Kuya.." tamad kong sagot. Nginitian nya lang ako.

"Very good.. Basahin mo na yang sulat mo. Baka mapanis na. Tapos pakisabi sakin kung sa kanya ba talaga galing ha?.." Ang kulit din.

"Kuya---?!.."

"Hahahaha. kidding.. alis na ako. Good night.." humalik ito saking ulo bago tuluyang lumabas.

Pero wala pang ilang segundo, bumalik syang muli. Hawak ang doorknob. Sumungaw ang kanyang ulo. "Nga pala. After reading and silently screaming. Haha.. Paki puntahan si Joyce sa guest room, baka makalimutan mong may bisita ka.. hahaha.. bye.."

Wala akong masabi. I'm damn speechless. Sa mga pahiwatig nila. Talagang bawal pa. Suskupo!. Hanggang kailan tayo aasa Bamby?. Hanggang pasulyap sulyap nalang ba tayo o hanggang dun ka nalang sa mga PASANA ALL na linya?. My goodness!..