webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
303 Chs

Chapter 68: Cry on

Pagkarating ng bahay. Sinalubong ako nina manang at ni kuya Tonyo. Ang taga alaga ng aming mga halaman. I was so surprised kasi ang akala ko sila ang masusurpresa sa biglaang pag-uwi ko. Iyon pala. Ako pa tong magugulat sa kanila. While I'm on the taxi, I already saw them from afar. Their both standing sa may gate. Parehong nakatingin sa malayo. Parang may inaantay na kung sino.

"Salamat manong.." Todo ang pasasalamat ko sa driver na yun dahil hinatid nya ako hanggang bahay. Di ko alam kung bakit nakwento ko sa kanya ang about saming dalawa ni Jaden. May iilang syang sinabi na tumatak talaga sakin.

"Kahit anong mangyari.. magulang mo pa rin sila... pamilya.. kung ako sa'yo.. tawagan mo na sila.. kahit sabihin nila na galit sila sayo o nagtatampo.. normal lang yun.. dahil mga magulang mo sila.. nag-aalala lang para sa'yo.. ang mga magulang hindi nila kayang tiisin ang mga anak.. "

I asked manang kung pano nila nalaman na umuwi ako, tumawag daw sa kanya si mama. Binilin na salubungin ako sa labas. At ipagluto ng makakain bago pumunta ng ospital. Doon ko nakumpirma ang ibig sabihin ni manong driver.

Ganuon pala noh. Kahit ano pang bigat nang nagawang kasalanan ng isang anak. Laging nagpaparaya ang mga magulang. Hindi ko maiisip iyon kung wala si manong driver na nagsabi sakin.

Pagkatapos kong magpalit at maligo. Bumaba ako para sa pagkain na ginawa ni manang. Ngayon ko lang biglang naramdaman ang gutom. Lahat ng sopas na nilagay nya sa isang mangkok. Nakain ko ng ganung kabilis.

"Hija, bilin pa ng mama mo.. bukas ka na raw dumalaw ng ospital.. magpahinga ka raw muna.." last higop ko na ng banggitin nya ito.

Sinimot ko na talaga ang huling lunok bago sya hinarap. "Manang, umuwi po ako para pumunta talaga doon.. hindi po ang magpahinga dito.."

"Alam ko.. pero hanggat hindi nagiging araw ang gabi.. hindi ka pwedeng pumunta roon.. ako ang malalagot sa mama mo.."

"Sandali lang naman po ako.." pilit ko pa. Handa na sana akong umalis. Kaso parang hinde na naman pwede.

Umiling sya bago kinuha ang mga plato ko saka dinala sa lababo. "Bukas ka nalang pumunta.. kahit buong araw ka pa doon.. ayos lang..ang gusto ko lang ngayon ay ang magpahinga ka.."

Wala akong magawa kundi sundin nalang sya. Ayoko rin namang pagalitan sya ni mama nang dahil lang sakin.

Tamad akong umakyat ng aking silid. At duon nagpakalunod sa pag-iisip.

Ilang buwan ko nang di sya nakakausap. "Paano mo nga sya kakausapin Bamby?. Baliw ka ba?.." pinagtawanan ko mismo ang katangahang naisip.

Imbes na hayaang malunod sa kalungkutan. Nagpasya akong tawagan sina Winly at Karen. "Hello.." Video call ito dahil matagal na panahon ko na rin silang di nakikita. Pareho kasi kaming abala sa school. College na kami. At mas lalong mahirap ang oras namin. Hindi laging tugma.

"Gurl!?.." tili ng baklang maganda. Kinawayan lang ako ni Karen habang inaayos ang kanyang camera.

"Mga bes.." masaya akong nakita muli sila kahit sa video call lang. Nabunutan ng kahit konting tinik ang aking lalamunan.

"Kamusta?.. ayos ka lang ba?." parang nagdadalawang isip pa si Karen na itanong ito.

Ngumiti ako kahit mahirap. Hinde gurl eh. Gusto kong sabihin pero mas pinili kong magkibit balikat nalang dahil nag-iinit na naman gilid ng aking mata. Tumingala ako para lang wag mahulog ang mga ito.

"Magiging maayos rin ang lahat gurl.. pray lang tayo.." Ani Winly na biglang natahimik. Pakanta kanta pa sya kanina. Naging seryoso lang nang makita siguro ang mukha ko.

"Hmmm... sana nga gurl.." shit lang!.. Di ko na talaga napigilan pa ang aking sarili. Humagulgol na ako sa harapan nila.

Ang hirap eh. Kahit paulit ulit ko pang sabihin saking sarili na, 'wala, ayos lang ako.' na 'magiging maayos rin ang lahat' na 'walang problema'. Pero tangina!!. Hindi madali eh. Hindi talaga maayos ang lahat. Hindi talaga ako okay at ang bigat na ng problema ko.

Hinayaan nila akong umiyak. Walang umimik sa kanila hanggang sa wala nang signal at kusa ko na ring binaba ang linya. Nakatulugan ko nalang ang pag-iyak.

Kinaumagahan. Nagpaalam ako kay manang. Pero bago nya ako pinayagang umalis. Pinakain nya ako ng sandamakmak na kanin. Kaya nung nasa gitna na ako ng kalsada. Kulang nalang lumabas ang lahat ng kinain ko kanina. Mabuti nalang at mabilis akong nagmaneho patungong bahay nila.

Sinabi kong sa ospital ako didiretso subalit naisip kong sa bahay na muna nila ako pupunta. Gusto ko lang makasigurado na nasa ospital nga sya. Malay ko naman diba?.

"Sige..lokohin mo pa sarili mo Bamby.." bulong ng kabila kong isip.

Nababaliw na nga yata ako. Umiiling akong habang nagmamaneho.

Malayo palang. Tanaw ko na ang gate kung saan parang may sugat na sakin. Lugar kung saan nadurog ang aking puso ng pino pino. Kung saan nagbago ang pananaw ko sa mundo. Na di pala lahat ng kadugo mo ay, pareho nang iyong pag-iisip. Pareho lang ang dugo na nananalaytay sa inyong katawan ngunit hindi kailanman ang tumatakbo sa inyong isipan.

"Ate Bamby?!.." nagitla ako nang marinig ang matinis na boses na yun. Nakatayo ako sa may gate. Mismong kinatatayuan ko noong nakita ko ang lahat. Bumalik saking alaala ang pangyayari iyon. Fresh pa rin sakin mata. Kung paano sya halikan ni Veberly at kung paano nya haplusin ang likod nito. Damn!.

"Bamby!?.." napapikit ako sa gulat. Di ko namalayan ang paghakbang ni ate Cath papunta sakin.

Damn it!!.

"Ate.." mahina kong bulong ngunit yakap na nya ang sumalubong sakin. Isang yakap na di ko kayang bigyan ng kahulugan.

Lalo pa akong nabigla nang humagulgol na sya saking balikat. Kinagat ko nalang ang labi upang pigilan ring bumigay kagaya nya. Pinilit kong nagpakatatag para sa kanya. Para sa sarili. Alam ko na mahirap ang pinadadaanan ko. Subalit nang makita kung paano sya yumakap at umiyak saking balikat. Doon ko napagtanto na, higit silang nahihirapan dahil sila ang pamilya nya.

Hinayaan ko sya sa ganung lagay. Hindi ako nagtanong o nagsalita ng kahit ano. Bigla akong napipi nang wala sa oras. Gusto kong makatulong kahit sa kaunting bagay lang. Kahit itong yakap lang at balikat na pwedeng iyakan. Ito ang gusto kong gawin noon pa na di makuha ng aking pamilya. Gusto kong umalalay sa kanila dahil alam kong nahihirapan sila. Pamilya ko na rin sila simula noon. At di ko kayang nakikitang nahihirapan sila.