Para akong sumakay nang roller rides nitong araw. Kaninang umaga. Masaya ako kasi nainis ko na naman si kuya Lance. Tas ang nangyari, pagkauwi naman. Kinausap ako ni papa. Wala akong lakas para pigilan ang luha saking mata. Umiyak ako sa harap nya After nang eksenang yun. Dumating si mama at sinita ang silid kong hindi maayos. Hindi na naman maipinta mukha ko. Mahaba ang nguso kong inaayos ang lahat sa kwarto. Pagkatapos, dumating si kuya Mark at doon nya naman ako inasar. Hanggang sa magwalk out at bumalik muli ng silid.
I grabbed my phone. Tinitigan ko ang larawan namin ni Jaden sa screen lock. "I miss you babe.." bulong ko habang hinahaplos ang pisngi nya. Malaki ang ngiti nya habang hawak ang magkabila kong pisngi. Ginagawa nya akong pangit sa litratong iyon. Tapos kinuhanan nya pa ng mabilis. Iyon yung araw na masarap balikan.
Pinindot ko ang password saka dinial agad numero nya. Habang hinihintay ko ang nasa linya, binuksan ko ang kurtina upang may liwanag na pumasok sa loob. Hindi pa gabi. Pero nag-aagaw na ang liwanag at dilim.
Nagpakawala ako ng buntong hininga nang out of coverage daw ang numero nya. "Lobat ata.." parang baliw na kausap ang sarili.
Sinubukan kong muling tawagan sya. Ganun pa rin. Out of coverage. Dun ako biglang nataranta. Hindi alam kung bakit di ko sya makontak.
Ngayon lang kasi ito nangyari. Tuwing tinatawagan ko sya. Isang ring palang. Malalim na boses na nya ang sasalubong sakin. "What the hell Jaden!.. bakit di kita makontak?.." chineck ko pa ang balance ko. Marami pa naman akong load. Kakabigay lang sakin ni mama ng allowance ko kahapon kaya nakabili ako ng load. What now?. Anong problema nya?.
Nag-aalala akong umupo sa swivel chair na nasa tabi ng kama. Malapit ito sa may bintana. Inopen ko ang aking data saka nagmessage agad sa kanya. "Active nine hours ago.." ganun nakalagay sa status nya. Ibig sabihin di rin sya nagbukas buong araw.
Tumubo na ang kaba sa dibdib ko. "Babe, bakit di kita makontak?.."
"Babe?.. reply naman dyan?.."
"Huy Jaden!.. nag-aalala na ako.. chat ka naman oh.."
"Malapit na akong umiyak.. pag wala kapag reply.. iiyak na talaga ako..." nanginginig na ang daliri ko sa bawat tinitipang letra sa mensaheng pinapadala sa kanya. Nagsisimula na ring magsalubong ang init at lamig saking mata. Dahilan para mag-init ito at maging luha.
Pinalis ko ang luha na bumuo saking mata ng biglang pumasok si kuya Lance. Nakangiti ito ngunit unti unti ring nabura nang matanto nya ang pamumula ng aking pisngi at mata.
"Umiiyak ka ba?.." tanong nya. Hinawakan pa ang aking baba ngunit mabilis kong iniwas sa kanya. Tumayo ako kahit nangangatog na tong mga binti.
"Hindi. napuwing lang ako.."
"Sigurado ka?.. bakit parang hinde?.." sinundan ako palabas ng kwarto. Pumunta sa sala. Tsaka pumili ng libro. Kahit ang totoo. Hindi ko alam ang ginagawa ko.
"Napuwing nga lang ako.." pagsisinungaling ko pa. Ginawa kong pagkakataon iyon para muling punasan ang luha saking mata. Binuksan ko ang librong hawak bago umupo.
Hindi na nya ako kinulit pa. Kaso, yung titig nya. Habang tumatagal. Lumalalim. Binabasa ang bawat galaw ko. Hinayaan ko lang syang panoorin ako hanggang sa sya na mismo ang umalis sa harapan ko.
Wag mo akong asarin. Hindi maganda awra ko. Lihim kong bulong.
Lumipas ang hapunan, almusal, tanghalian at muling hapunan.. Wala pa rin syang reply. Ni hindi pa nya nakita mensahe ko.
"Ano na kayang nangyari?.. naman Jaden eh.. pinapatay mo naman ako sa ginagawa mo eh.." inis kong binaba ang cellphone na hawak saka humilata sa aking kama at tumitig nalang sa kisame.
Tapos na ang hapunan pero di ko kayang kumain dahil sa pag-aalala.
"Nak, sabi nang mama mo, di ka na naman kumain. bakit?.." dumaan si papa sa aking silid. Nagdiretso sa kanilang kwarto habang tinatanong ito.
Lumipas ang ilang minuto. Bumalik sya sakin. Nagtataka. Nakamaywang pa. "Bakit?.."
"Si Jaden po kasi.." mahina kong sagot. Sa labas nakatanaw. Iniiwasan makita ang magiging reaksyon nya.
"Bakit?.."
"Di ko po sya makontak.. tsaka.. wala po syang reply sa chat.."
"Baka naman busy lang.." umiling ako. Ramdam kong may iba eh. Masama ang kutob ko.
"Bamblebie!!..." bigla kaming natahimik na dalawa sa pagsigaw na iyon ni kuya Mark. Humakbang si papa palabas upang tingnan sya.
"Mark?.." pinagalitan nya pa ito nang huminto sya sa aking silid na naghihikahos. Mukhang tumakbo ito galing sa baba.
"Papa.." Kay papa sya unang lumapit. May ibinulong sa kanya. Syempre hindi ko iyon maririnig. Doon na nagsimulang nagrambol ang kaba sa puso ko.
Shit!.. Anong meron?. Bakit kailangan nilang magbulungan?.
I'm so dead curious of what did he say to him.
"Kuya?.." I asked while walking. Oo humahakbang ang mga paa ko pero hindi ko alam kung bakit ang bigat nito. Parang may nakasabit na bato o semento dahilan upang mahirapan akong makalapit nang tuluyan sa kanila.
I looked into their eyes. Yung bahagyang galit na mata kanina ni papa. Napalitan bigla ng awa. Ganun rin ang nakikita ko sa mata ni kuya. Kulang na nga lang umiyak sya.
"Bakit?. May problema ba?.." takot sana akong sambitin ito kaso kailangan kong malaman ang dahilan ng bulungan nila.
"Bamby?.." nagsalita muli si kuya. Humakbang sya't hinawakan ako sa balikat. Bahagya pa nya itong pinisil.
Di ako umimik. Tinignan ko lang. Naghihintay sa susunod na sasabihin nya. "Jaden is--.."
"What!?.." I cut him off. Natigilan rin sya sa ginawa ko.
Nakita ko kung paano mataranta si papa. Nagbuga sya ng hangin bago tinanguan si kuya at sya ang pumalit sa pwesto nito. Humarap sya sakin bago hinawakan ang magkabila kong balikat.
Shit!.. What the hell is happening?!!. Jaden?. Bakit ano si sya?..
"He's in coma.."
Biglang bumilis tibok ng puso ko. Ano raw?. Comatose?. Sino?. Jaden ko?..
What the fucking hell!!..
No way!.
Nagbibiro lang sila diba?.
Dumagundong ang kaba sa aking dibdib. Minuto muna ang lumipas bago ko natanto ang kanyang sinabi. Umiling ako suot ang kalahating ngiti. "Anong klaseng biro yan Pa?.. wala namang ganyanan.."
Mas lalong lumiit ang kanyang mata. "Nak.." the way he utter those words. Nag-aalala. Doon ko na nakumpirma na di nga sya nagbibiro.
"No please!.." tanging hiling ko. Wag naman sana. Na sana, biro nalang nila.
"Bamby, tumawag sakin ate Catherine mo.. nabangga raw sya ng kotse at tumilapon..mabuti nalang daw at hindi sya nama---.."
"Stop it!!.." matubig na ang dalawa kong mata habang pipigilan syang banggitin ang salita na ayaw kong marinig. No way!.. Hindi pwedeng mangyari sa kanya iyon. He's too young!!..
"No, you're lying!.." iyon lang at tumakbo na ako pabalik ng aking silid at nagkulong. Dumapa akong humiga sa kama at doon binuhos lahat ng luha.
"Bamby!.."
Kiantok nila ako pero di ko sila pinansin. Nagkagulo pa lalo sila sa labas.
Wag naman po muna nyong kunin ang taong mahal ko!.. Munting hiling ng puso kong sabik.
Bata pa sya?. Please po.
Kasabay ng bugso ng luha ko ay ang malakas na buhos rin nang ulan sa may bubong.
Heto na naman tayo. Tuwing lumuluha ako. Umiiyak rin ang langit para sakin.