webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
303 Chs

Chapter 31: Mind over heart

Nang ihatid ni kuya ang mga bisita. Para akong lobo na nakatakas sa kanyang tali. Naging malaya. Tinatangay ng malamig na hangin.

Kahit paulit ulit ko pang paalalahanin ang aking sarili na huwag na syang pansinin, tingnan, kausapin o gustuhin. Hindi ko pa rin ito masunod. Talo ng puso ko ang aking isip. Kapag ang puso ko na ang tumingin sa kanya. Blangko na ang aking isipan. Di na alam ang ginagawa. O ang kinikilos nya.

"Handa na ba kayo?.." tanong ng aming guro. Tinitingnan kaming nag-aayos sa room. Nasa gym na ang lahat. Manonood. Kaming mga kasali nalang ang andito. Kasama ng mga taga assists.

Inaayusan na ang buhok ko. Suot ang maikling shorts at isang tshirt na tinali sa bandang tyan. Two inches na heels lang ang suot kong sapatos dahil masyado na akong matangkad para isuot ang mas mataas pa.

"O my!. Gurl!..." nasa bungad palang si Winly ng pintuan, humiyaw na ito. Pati tuloy si Ma'am nilingon sila. He's with Karen and Joyce. Tanging mata ko lang ang gumalaw para tingnan sila.

"Ace, saan nakaupo yung bestfriend mo?.." tinawanan pa ang kanyang sinabi. Nagtanong pa sya. Kaharap na nga ako. Abnoy talaga.. Di ko maiwasang umirap sa kanya. Nginiwian pa ako kasabay ng tawa ni Ace. "Nakita mo na ba sya?.." dagdag pa ni Ace. Tapos na itong ayusan. Tumayo saking harapan. Inaayos ang numerong nakasabit sa kanyang bewang.

"Muntik ko nang di makita pogi. Parang di sya si Bamby Eugenio. Sigurado akong maraming mabibigla pagtapak nya ng entablado.." maingay nitong binuksan ang pamaypay saka malakas na pumaypay kahit may electric fan.

"Dati na syang maganda. Di lang iyon nakikita ng iba.." nag-init bigla ang pisngi ko. Di makita ni Ace ang nguso at kilay ni Winly na sumasayaw dahil abala pa rin ito sa damit. Khaki shorts at tshirt na kulay blue. Pareho kaming apat.

"Ows!. So you mean, maganda sya para sayo ganun?.."

Nag-angat sya ng tingin sakin. Kumibot ang kanyang labi bago nagsalita. "Hmm.. maganda naman talaga sya. Di ba Jaden?.." yung init ng pisngi ko, nagliyab na. Pakiramdam ko, sobrang pula pa. Humingi pa talaga ng opinyon kay Jaden. Ampusa!. Di nya ba alam ang naging epekto sakin ng ginawa nya?. O sssshhh!.... Di ako handa sa kanyang isasagot.

"Maganda ba para sayo si Bamby, Jaden?.." Damn you Ace Agatep!. Ibalik kitang Australia e. Inulit pa ang tanong. Di na nga sumagot yung tao.

Pikit mata kong hinintay ang kanyang sagot. Natatakot. Kinakabahan. Kabado na nga ako dahil sa intrams, dumagdag pa to. Gusto ko na tuloy tumakbo pauwi. tumalukbong sa kumot at matulog nalang. Ayoko ng ganito. Pressured.

"Kakaiba sya.." yun lang ang sinambit nya bago kami tinawag sa stage.

Nagsimuala na ang patimpalak pero para parin akong nakalutang. Hindi maintindihan ang nararamdaman sa huling sinabi nya. 'Kakaiba ako' malayo sa tanong ang nagng sagot nya. Di ko magets.

Sa bawat paghakbang ko ng stage, ngatog lagi ang aking mga binti. Mabuti nalang at di rin ako nadapa o nautal. Maging ang pagsayaw namin ni Ace, pinuri pa ng iba. Mabilis rin natapos ang lahat at oras na para ianunsyo ang mananalo.

"And the Mr. and Ms. Beauty of St Mary are... Ace and Bamby.." naghiyawan na ang mga tao matapos sabihin ang nanalo. Di ko alam ang gagawin nang marinig ang pangalan ni Ace. Totoo ba to? O nananaginip lang ako?.

Wake me up please!..