webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
303 Chs

Chapter 30: Angel

Sa hapag na namin itinuloy ang kwentuhan. Di pa ako nagpalit kung di pa ako inutusan ni kuya Mark. "Magpalit ka na ng damit Bamby.." anya. Umakyat ako ng taas. Nagshower. Suot ang pajamang itim at malaking tshirt na pink. Ipit ang buhok sa taas. At konting wisik ng pabango. Pagbaba ko, nagtatawanan na sila. Dumiretso ako ng upo sa pagitan ng dalawa kong kapatid. Mismong harapan nya. Oh Shit!. Yung ngiti ko. Mukhang tanga.

"Kain na.." ani Mama..

"Ace, sinong kasama mo sa bahay nyo?.." tanong nya. Nilalagyan ng kanin ang pinggan. Tapos inabot sakin bago nilapag.

"Mga pinsan ko po tita. Si Sixto at Severino po.."

Tinanguan nya ito. Yung kambal na anak ng kanyang tito. Kapatid ng Mama nya.

"Hmm... kayong tatlo lang sa bahay?.."

"Opo tita..."

Ngumunguya kaming lahat. Di pa rin papigil sa interview si Mama.

"Okay. Kung gusto mong matulog dito, may space pa sa kwarto ni Lance.." bumara ang pagkain sa lalamunan ko kaya agad kong nilagok ang juice na nakalagay na sa gilid ng aking plato.

"Hehe. try ko po.."

"Yon. Namiss ko nga yun Ace.." singit ni Kuya Lance. Nagtanguan pa ang dalawa.

Nahiya ako bigla. Di kasi nila kinakausap si Jaden. Yumuko ako't inatupag nalang ang kumain.

Nang lumipas ang oras, ang dami pang chikahan ang naganap sa pagitan nila. Ako tahimik lang. Nagulat nalang sa iniutos ni Mama. "Bamby, pakibigyan naman ng tubig si Jaden.." yung mata ko agad dumapo sa taong kaharap. Sa pagkain lang kasi ako nakatingin. Natameme sa mukha nyang nakatingin rin sakin.

O!. Holysssshhhh!...

Isang kurot ang naramdaman ko sa aking braso sa ilalim ng mesa. Nasa aking kanan. Dun nakaupo si Kuya Lance. Sinasabing dapat na akong gumalaw para kumuha ng tubig. Kahit nanginginig ang aking tuhod, pinilit ko pa ring tumayo ng tuwid.

This is so, ugh!. I want to breathe fresh air!. Mama...

Tinulak pa ako ng bahagya ni kuya Lance sa ilalim ng mesa para makausad. Di ko aakalain na ganun ang gagawin nya. Damn Bamby!. Sa ginagawa mo, mahahalata ka nga ng iba.

Pumunta ako ng kusina kahit kapos ang aking hininga. Bakit naman kasi ako pa inutusan nya?. Pwede naman ang dalawa kong kapatid. Juicekupo!.

Huminga muna ako ng malalim para pakawalan ang kanina pang nakakulong na kaba bago lumabas ng kusina at nagtungo ng dining. Maingat kong nilapag ang pitsel na may tubig sa harap nya bago umupo.

"Thank you.." biglang naglaho ang lahat ng kaba, panlalamig at hiya ko sa pasasalamat nya. Nabura ng boses nyang sobra pa sa balong malalim. Ang lalim.

Hindi peke ang ngiting iginawad ko sa kanya. Naging natural iyon nang dahil sa narinig mula dito.

"Jaden.. sabay ko kayong ihatid ni Ace mamaya. Antayin nyo ako ha.." paalam ni kuya Mark. May tumawag kasi sa kanyang telepono. Kailangan daw nyang iemail ang isang part ng thesis nila sa isang kagrupo.

"Sige kuya.." kay gandang pakinggan. Malamig sa pakiramdam. Parang nililipad ako kasabay ng ulap sa kalangitan. Masyado akong naaaliw sa boses nitong lumalim pagdating sakin. Grabe Bamby!. Wag kang anu dyan!....

Matapos kumain. Nagpresenta akong maghugas. Kausap pa ni Mama si Ace. Duon sa sala sila nakaupo naman ngayon.

"Tulungan na kita.." isang boses anghel ang bumaba galing langit. Nagparinig sakin. Crazy me?. No!. I'm not. It's just my wild little heart!. Longing for his love and attention. Damn!.

"Wag na Jaden." I stuttered. My gosh!. Fix your tongue Bamby!. Focus!. On him.

Kahit sabihin kong di ko kailangan ng tulong nya, tumulong pa rin ito. Kaya ngayon, magkatabi kaming naghuhugas sa sink. At sasabihin ko ito ngayon. Not my cursed day. It's my lucky day!. Big time!...

Goodnight!. ?

Chixemocreators' thoughts