webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
303 Chs

Chapter 25: Heavy

Ayun nga!. Binigay ko ang gusto nya!Ang space na hiningi nya sa lumipas na linggo. Hindi ko sya tinawagan, tinext o chinat. Walang kahit na anong kontak ang ginawa ko. Hiniling nya. Kaya binigay ko. Mabuti na rin iyon siguro para pareho kaming makapagpahinga. Makalanghap ng hangin at makapag-isip ng tama para sa amin. Hihintayin ko nalang ang araw na itatakda nya.

Lumipas pa ang dalawang buwan. Ganun pa rin. December na ngayon pero heto pa rin kami sa Australia. Di kami natuloy noong November dahil may biglang emergency sa office nila papa. Ganun rin si kuya at ate. Kinausap nila ako. Tinanong kung gusto kong umuwi o hinde. Sa loob looban ko. Gustong gusto kong umuwi. Gusto syang puntahan. Ipaliwanag ang lahat. Pero nanaig sakin ang pride ko. Umiling ako sa kanilang tanong at di umuwi ng pasko at bagong taon. Kasama ko naman daw si kuya Lance pero umayaw pa rin ako.

Umayaw ako dahil takot ako sa uuwian ko. Takot akong umuwi na baka wala na nga akong lugar na babalikan doon. Mas lalong baka di na nya ako gustong makita kaya mas pinili kong dito nalang muna. "Ayaw mo talagang magbagong taon doon?.." kulit pa ng kapatid kong mahilig akong asarin. Dahan dahan ko lang syang tinanguan.

Ang akala ko pa noon. Pinuntahan nya talaga ako dito. Para pakinggan ang aking paliwanag. Para makapag-usap kami ng masinsinan. Asa ka Bamby!. Naniwala talaga ako sa sinabi noon ni kuya. Hindi pala naniwala. Umasa ako! Umasa akong hahabulin nya ako. Pero... mali ako! Maling mali na umasa ako at tamang tama ang pang-aasar sakin ni kuya na naniwala nga ako. Damn him! I knew it from the very beginning na he was just trying to see my reaction on it. Pero kumagat pa rin ako sa bitag nya. Naniwala pa rin ako kahit sobrang imposible ng sinabi nya.

"Please, let me think about us Bamby.. give me some space.." Ang sakit basahin ng kanyang mensahe! Nag-iisa ito. At wala ng kasunod o sumunod.

Umiyak ako ng binasa iyon. Di ko inasahan na hahantong pala sa ganito ang lahat. Wala ito sa plano ko. Hindi ko pa ito naisip na pwede palang mangyari. Na maaari pala. Saka ko lamang natanto na mali pala ang desisyon ko ng nasa posisyon na ako. Sitwasyong nahihirapan ako.

Mahirap tanggapin ang kinahantungan namin ngayon. Pero para sa ikatatahimik ng lahat. Pumayag ako kahit ayoko! Wala naman akong karapatan para nagreklamo hindi ba?. Hindi ba Bamby!? Ginusto mo yan! Ako ang nag-umpisa nito kaya dapat lang na tiisin ko kung anuman ang kapalit ng ginawa ko. Di pa naman huli ang lahat sa amin diba?. Hanggang duon lang ba ang samahan naming dalawa?.

"Hindi Bamby!. " iling ko rin sa paniniwala ko. Sige lokohin mo pa ang sarili mo!

Lumipas ang isang taon... pero wala pa rin syang paramdam. Katapusan na ba?. May dapat pa ba akong asahan o wala na?.

Pero suskupo Bamby!

Heto ka at umaasa pa rin... noon... hanggang ngayon!

Nabigyan na't lahat ng pangalan si Knoa pero di pa rin sya nagparamdam.

"Hanggang kailan naman yung space na hiningi mo?. May katapusan ba?." sinend ko iyon sa kanya isang araw kasabay ng unang hakbang ni Knoa. Isang luha ang kumawala sakin at lihim na natawa. Baliw na yata ako!. Maghihintay pa kaya ako o hahayaan nalang syang maging masaya.. kahit sa piling na ng iba?..

"Oh baby, you're so great!.." puri ko sa kay Knoa na sinalo ko mula sa kanyang patakbong lakad. He giggled. Niyakap ko sya ng mahigpit. Yakap na para dapat sa kanyang ama.

Baliw ka kasi! Kung sana tinanong mo sya muna bago gumawa ng makabagbag damdaming desisyon. E di sana.. "Sana" hindi lang si Knoa ang pinapanood mo. Kundi silang dalawa na nagtatawanan habang tinuturuan sya ng asawa mong maglakad.

Is it too late for me to regret?. Uh yeah!. Of course! I heartedly regret it! Fine!! Mali talaga ako!. Pero kahit anong sabihin kong mali ako. Di na noon maibabalik ang lahat. Ang lumipas at ang desisyon ko. Nagsisisi akong nagkamali ako. Ganunpaman, di ko pinagsisihan ang mga aral na natutunan ko rito.

Bago sana ako gumawa ng pirming desisyon. Dapat tinimbang ko muna kung ano bang magiging epekto nito sa mga taong nakapaligid sakin. Kung maganda ba, makakabuti o malala ay makasama samin.

It's better to be one hurting than to be the one hurting others.

I'm not that selfless. Naisip ko lang na. Mas masakit palang makitang nasasaktan ang mga taong mahal mo kaysa sa sarili mo. Ayos na sakin ang masaktan. I'm must say, I'm used to it! Sanay na ako sa pakiramdam na iyon at kaya ko iyong indahin at itago para sa kapakanan ng lahat. Para sa ikasisiya ng iba.

"Mommy, Mommy!.." at hanggang sa natuto na rin si Knoa magsalita. Wala pa rin sya. Hindi na yata ako aasang magkakaayos pa kami. Been, three years. Malapit nang mag-aral si Knoa pero di pa rin nya nakikita ang kanyang ama. "When can I see my Daddy, Mommy?.." paulit-ulit nya rin yang tinatanong simula nang magka-isip sya. Wala rin akong ibang maisip na isagot kundi, "Soon baby.." pagsisinungaling ko. Nakokonsensya ako sa tuwing iyon na lamang ang sinasabi ko. Pati na yata ang magsinungaling ay natutunan ko na sa lumipas na taon para lang itago ang katotohanang baka ayaw syang makita ng kanyang Daddy. Tuloy, nakaramdam ako ng awa para sa bata. Di ito ang gusto kong pamilya. Hindi ito ang naimagine ko noon kasama sya. Pero bakit, parang pinapakita sakin ng tadhana na, eto nga ang reyalidad at kailangan ko na iyong tanggapin...

"Wag mo nang paasahin ang bata.." bulong lang sakin ni Kuya Lance ng pati sya ay marinig ang sinabi ko sa bata. Maging sya rin kasi, di na kinontak pa ni Jaden. Kahit si kuya Mark. I don't know the right term. Galit sya o nagtampo o naghihiganti. Alin man sa aking nabanggit. It's up to him!. And I must admit!. Deserve ko lahat ng iyon at nadamay lamang sina kuya.

"Sabihin mo nalang ang totoo para di na sya umasa.. mahirap umasa little Bamblebie.. alam mo yan.. it's better to hurt someone by truth than be sorry with a lie.."

I will. Di lang siguro para kay Knoa ang linyang iyon. Natamaan ako ng sobra eh. Pinili kong maniwala sa kasinungalingan na andyan lang sya sa paligid at magpaparamdam din samin. Kumapit ako doon kahit malabo. Na di ko matignan ang katotohanan na wala talaga sya dahil masakit aminin. Masakit sabihin na di ko kayang tanggapin at lunukin na baka nga.. may iba na sya!