webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
303 Chs

Chapter 22: College day

Nang sumunod na school year. Naging magaan na ang oras namin. Sinusundo ko sya tuwing uwian. At hinahatid din sa kanilang classroom. "Una na ako babe. Thank you.." sabay halik saking pisngi at bulong ng "Mahal kita.." ganyan lagi ang nakagawian nya tuwing umaalis na ako patungong room ko. Kaya ang nangyayari padating ko ng aming room. Kinakantyawan ako. Ang swerte ko raw sa kanya. Dapat raw wag ko nang pakawalan. At ang babaeng ganun raw kasweet at stick to one. Dapat tinatali na.

Sa mga kantyaw nila. Wala akong ibang maisagot kundi isang ngiti at tango lang. Sino naman kasing di maghahangad ng isang tulad nya?. Sobrang sweet nya. Laging may halik kahit di ko pa sabihin. Palangiti. Hindi demanding at sobra akong mahal. Wala na akong mahihiling pa kundi ang magtagal pa kaming dalawa hanggang sa aming pagtanda.

"Babe, may group study kami ngayon. Overnight sa bahay ni Lexie.." nagpapaalam rin sya tuwing may pinupuntahan o lumalabas kasama ng college friends nya. Kung sina Karen at Winly naman ang kasama nya. Humahabol ako para na rin makipagkwentuhan sa kanila. Namiss ko rin ang kakulitan ng buong tropa.

Kapag may magbirthday na lang kasi kami nagkikita. Lahat abala. Sa school man o sa trabaho.

Matapos nag-end ang buong sem. Umalis sila patungong Australia para magbakasyon. Nag-alala ako noon dahil baka di na sila pabalikin pa. Ganunpaman. Kumapit na lamang ako sa salita nyang babalik sya.

Long distance kami ng dalawang buwan lang naman.

"Ayaw na ni mama na bumalik kami dyan.." sagot nya nang tanungin ko kung kailan balik nila. Kinabahan ako ng sobra. Susmaryosep!. Seryoso ba sya Oonantritrip na naman?. Gawain nya yun e. Ang lagi akong asarin. Tsk!

"Pero babe. Paano pag-aaral mo?.." nag-aalala kong tanong. Inayos nya ang kanyang buhok. Tinali hanggang sa tuktok ng kanyang ulo. May butil ng pawis na namuo sa kanyang leeg kaya napalunok ako. Damn boy!!. Umayos ka nga!.

At hindi nga ako nagkamali. "Joke babe.. hahaha.." Anya sabay pa ng malakas nyang halakhak.

Tumagal ang usapan namin ng tatlong oras na nag-aasaran.

Katapusan na ng July ang uwi nila. Kasama nya pa rin si Lance. Ang sabi nya. May anak na raw si Mark. Lalaki. At kamukhang kamukha nya nga ito ng ipakita sakin ang litrato.

Unang araw ng third year namin ay magkasama kaming pumasok nang salubungin kami nitong babaeng lagi akong kinukulit.

"Hi couz.. it's nice to see you here.." peke nyang ngiti sabay beso sa katabi kong parang binuhusan ng malamig na yelo. Natulala ito sa kaharap.

Agad kumulo ang dugo ko. "Anong ginagawa mo rito?.."

"FYI. Same tayo ng school Jaden at take note. we're classmates. Remember?.." iniwasiwas pa nya ng kanang kamay sa kaartehan.

Hindi ko sya pinansin. Basta ko nalang hinila ang baywang ni Bamby na kanina pa walang imik. "Classmate mo sya?.." nautal pa sya ng itanong ito.

"Hmm.." walang interes kong sagot.

"Bakit di mo sinabi?.." tumigil kami sa paglalakad.

"Babe, noong last sem lang nanin sya naging classmate.."

"Kahit na. Bakit di mo sinabi?.." inis na nyang tanong. Namuo tuloy ang pawis saking ilong at noo. Damn Veberly!. Ano bang gusto mo ha?. Tahimik na kami. Wag ka na sanang umepal pa.

"Nakalimutan ko babe. Sorry.." hinging paumanhin ko nalang pero humalukipkip na sya. Nag-iwas ng tingin sa akin. Hinawakan ko ang braso nya pero iniiwas nya lang sakin. "Babe, sorry na.." kagat ang labi kong hinahanap ang mata nya naglilikot. Ayaw akong tignan. Susmaryosep!!. Mahabang usapan na naman ito.

Mabuti nalang at lumipas ang araw na iyon na maayos kami. Hindi ko sinasagot ang tawag o text ni Veberly kahit ilang ulit pa yan. Wala akong interes sa kanya simula noong sinira nya ang tiwalang binigay namin sa kanya.

Second sem. Nang nalaman kong pinili nila si Bamby bilang representative ng kanilang department para sa pageant. Noong una. Hindi ako sang-ayon. Ayoko talaga dahil sigurado akong pipila ang hahabol sa kanya. Ngunit wala na nga akong nagawa nang sabihin nyang parte raw iyon ng grades nya. Sumuko ako sa opinyon kong wag syang sumali. Kumapit nalang ako sa salitang binitawan nya. "Mahal kita babe. Hindi iyon magbabago kahit manalo pa ako dito. Tandaan mo yan.."

Para mas makampante ako. Binigyan ko sya ng isang mapusok na halik. Nasa may cr kami noon. Sabay kaming hiningal nang tumigil sa halikan. "Tara na doon.. good luck babe.." hinila ko ang palapulsuhan nya ng di sya gumalaw.

Nakita ko kung paano sya manginig at kabahan sa harapan ng maraming tao. May baner akong may nakasulat na mahal kita babe ko. May puso iyon sa gitna at umiilaw pa.

Sa isang oras na dumaan. Natapos ang paligsahan. Agaran akong bumaba galing sa bleachers. Patakbo sa kanya. Inilahad ang isang kumpol ng bulaklak kasabay ng lalaking laging nakamasid sa kanya. Kinuha nya yung akin. Humingi sya ng tawad sa lalaki. Yan babe. Nakikita na ngang may jowa na. Humahabol pa. Linta ba sila?.

"Congratulations babe!!.." bati ko. Hindi man sya nanalo. Sya pa rin ang crowd favorite at ang panalo saking puso. Dumadagundong ang stadium kapag sya na ang naglalakad sa entablado.

College day kaya marami kaming oras na magliwaliw. "Babe, saan na tayo?.." tanong ko. Hawak kamay habang naglalakad.

"Uwi nalang tayo.. Pagod ako. Gusto kong matulog.." nagpaalam ako sa barkada at umuwi nga kami sa kanilang bahay. Wala doon si Lance. Pumunta yata ng ibang school para mag-inquire.

"Ang ganda mo doon kanina babe.."

"Talaga?.. Bat sa iba ka nakatingin?.." Susmaryosep!!. Heto na naman tayo!.

Nasa sala kami sa taas. Nakaopen ang tv pero pareho naman kaming di nanonood. Ibinaba ko ang kamay na nakasampay sa likod ng inuupuan nya at dahan dahang pinadausdos sa kanyang baywang. "Kanino naman?.."

"Sa candidate number six.." nguso nya Kaya hinapit ko sya palapit sa kanya. Hindi pa rin nya ako pinapansin kaya binuhat ko sya't pinaupo saking kandungan. Napatili ito sa biglaan kong pagbuhat sa kanya. Hinampas pa ang balikat ko.

"Sa'yo lang ako nakatingin.. ng buong oras babe.." masuyo kong sambit sa gilid ng kanyang pisngi. Malapit na sa kanyang tainga. Naramdaman kong nagtayuan ang maliliit nyang balahibo kaya medyo tumayo rin ang buhok saking batok. Pumikit ako sa naglalaro saking isip.

"Di nga.. Nakita kaya kita.." pilit pa rin nya.

Wala akong ibang maisip na gawin kundi ang halikan sya. Agad akong nag-init nang maglapat ang aming labi. Naglakbay rin ang kamay ko sa pagitan ng kanyang hita at doon na namalagi hanggang sa naranasan nya na ang kakaibang pakiramdam.

"Sayo lang ako. At ikaw ay akin lamang.." sambit ko habang binibigyan ng halik ang pawisan nyang ilong. Hinampas nya muli ako sa dibdib bago itinago ang mukha doon dahil sa hiya.