webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
303 Chs

Chapter 21: Celebration

Mabilis lumipas ang isang buong sem namin. At ayun nga. Natapos na rin ni Lance ang kolehiya kaya nag-imbita samin na may magaganap raw na pagdiriwang sa kanila. Balita ko. Hindi umuwi ang pamilya nila dahil may bagyo raw duon. Nagpadala na lamang sila ng regalo at pera sa kanya at para kay Bamby.

Sa nagdaang mga araw. Bihira syang umuwi sa kanilang bahay. Laging nag-oover night sa bahay ng kaklase nya para gawin ang kanilang thesis. O di kaya'y pumupunta sa mga lugar kung saan andun ang mga taong nangangailangan ng kalinga nila. Kaya ang nangyari. Sa bahay muna tumira si Bamby. Oo. Sa aming bahay. Sa aking silid. Syempre bawal kaming magtabi kaya lumipat ako sa kwarto ni Niko. Pero apat na buwan lang siguro iyon. Nang matapos sya. Bumalik na rin sya sa kanila.

"Saan ka natulog kagabi Jaden?.." seryosong tanong sakin isang umaga. Nakahalukipkip sya't salubong agad ang kilay. Unang linggo palang ni Bamby sa bahay.

"Syempre dito ate. Saan pa ba?.." ibinaon kong muli ang ulo sa unan. Mahimbing pa rin ang tulog ni Niko dahil holiday. May tatapusin pa ako pero mamaya nalang.

Suminghap sya. "Wag kang magsinungaling Jaden. Pumasok ka ba sa silid mo ha?.. Anong gagawin mo kung mabuntis mo sya ha?.." gitil nyang sambit.

Susmaryosep! Nambintang na agad nang di pa naririnig paliwanag ko.

Nagpakawala nalang ako ng isang malalim na buntong hininga bago umupo. Kinamot ang batok kahit di naman makati saka nag-angat ng tingin. "Wala ka bang tiwala sakin ate?. Hindi ko ginawa ang sinasabi mo. Oo. Pumasok ako doon para tulungan sya sa kanyang aralin. Wala nang iba.." paliwanag ko na pinaikutan lang ako ng mata.

Kahit ano pang paliwanag na sabihin ko. Di pa rin sya naniwala. Sumuko nalang ako sa kanya. Tutal. Hindi naman iyon nakikinig sa mga paliwanag. Basta kung anong prinsipyo nya. Iyon na. Alam ko naman sa sarili kong wala kaming ginawang masama.

"Congratulations kuya!.." binigyan nya ng isang mahigpit na yakap ang kanyang kapatid matapos ang matagal na seremonya. Nakita kong kumislap ang mata ni Lance bago nya niyakap ito pabalik. "Thanks little Bamblebie.. hahaha. "

"Kuya!?.." reklamo nito sa biglang bansag nya. Ginulo lang ni Lance ang kanyang buhok bago humalakhak sa harap namin.

Nagkagulo na ang lahat sa pictorial. Hindi nawala ang tawanan at iyakan. Normal naman iyon kapag natapos na ang isang kabanata ng buhay. Noon ko napansin ang matagal nang sinasabi sakin ni Bamby. Si Joyce. Hawak ni Lance ang kanyang baywang habang kami'y naglalakad patungong sasakyan.

Hindi ko lubos maisip na matagal na pala sila. Ng patago. Mahirap siguro ang ganun.

Nang nasa bahay na nila kami. Tumulong na ang lahat sa preparasyon. Mabuti nalang dumating nang maaga ang iilan. Sina Billy at Bryan. Sabay silang galing ng school. Si Ryan, Aron at Kian kasama nina Karen at Winly naman ay kasabay na namin. May iilan pang sumama na kaibigan nya na di ko na binigyan pa ng pansin.

Abala ang lahat ng sundan ko si Bamby sa kanilang kusina. "Babe, hindi ba talaga uuwi kuya Mark mo?.." tanong ko sa kanyang tainga. Niyakap ko sya patalikod. Tumango lamang sya. "Sa graduation mo ba, uuwi sila?.." ulit ko.

"Ano ka ba babe. Matagal pa yun.. tulungan mo nalang kaya ako dito. mahuli ka pa ni kuya eh." hinila nya ang braso ko sa kanyang gilid upang tulungan syang maghugas ng mga plato. Mabuti nalang rin at ganun ang ginawa nya dahil ilang segundo lang ang lumipas ay pumasok nga si Lance. Sumunod naman sa kanya sina Joyce at Karen, Winly na nagtatawanan. Natigilan lang nang madatnan nila kaming mga tahimik.

"Muntik na kayong mahuli mga bes.. oa pda ha!. excuse naman sa mga single.." bulong sa aming dalawa ni Winly. Lumabas sina Karen at Joyce dahil may bibilhin pa raw sila. Isasama sana nila si Bamby ngunit pinigilan sila ni Winly. Kaya heto sya ngayon. Nanenermon. "Pasalamat kayo at ship ko ang loveteam nyo.." bulong nya pa rin. Saka ako kininditan at nginisihan. "Tama na muna yan ha. Baka maudlot tong celebration pag nagwala yang si papa Lance.."

"Ang daldal mo!.." siko sa kanya ni Bamby na impit pang nagreklamo sa akin. Umiling lang ako sa kabaliwang iniisip nya.

"Guys, thank you sa pagpunta. Salamat dahil sinamahan nyo akong icelebrate ang panibagong milestone ng buhay ko.." madamdaming anunsyo ni Lance nang maayos na ang lahat ng kailangan sa labas. Pagkain. Inumin at mga bisita. "Salamat rin sa mga taong sumuporta sakin sa mga panahong lugmok ako't kulang nalang sumuko." anya. Isa Isa nyang nilingon sina Bamby at Joyce. "Salamat ulit at naniwala kayo sakin na makakaya ko ito. At eto na nga!. Konting akyat pa. Maabot ko na ang pangarap kong maging isang doktor.." itinaas nya ang hawak na kupita sa ere. "Cheers to more success!!.." sigaw nya. Nagsitayuan ang lahat saka ginaya ang pagtaas nya ng kupita.

Kumain na ang lahat matapos ang mahabang pictorial. Kumuha ako ng plato saka binigay kay Bamby. "Babe, kain ng marami." sabay lagay ng kanin at gulay sa kanyang plato. "Tama na babe.. di ko yan mauubos.." nguso nya. Di mauubos?. Kaya ka pala pumapayat eh. Bihira kang kumain. Di ko na sinabi pa.

Tama nga sya. Di nya naubos yung nilagay ko sa kanyang plato. Binigay nya lahat iyon sakin. "Boy Jaden!. Tara na dito!.." tawag sakin ni Lance. Nagpaalam muna ako sa kanya bago ako tumayo at lumapit sa mesa ng nag-iinuman.

"Saan mo balak magdoktor pare?. Dito ba o sa Australia?.." tanong ni Aron. Nauna itong gumraduate samin. Nagtatratrabaho na sya ngayon sa isang bangko. Oo. Accountant na sya. Astig diba?.

"Ewan ko pa.." maiksing sagot nya.

Hanggang sa natamaan na ang iilan at kung saan saan na napupunta ang usapan. "Siguro, kung saan masaya ang kapatid ko. Doon ako.." lasing na talaga sya. Nagtanong kasi etong si Kian kung kami na raw ang magkatuluyan. Papayag daw ba sya?. Kung bakit kasi ako pa ang topic nila. Nakakakaba.

"Babe, tama na yan ha.." hinagod ni Bamby ang likod ko kaya nag-akyatan lahat ng init ng katawan ko sa aking ulo. Dinaluhan nya si Lance at iba pang nakasalampak na sa mesa ang mga mukha. Sobra na sa kalasingan. Pero di pa rin namatay ang init na dulot ng palad nya sa akin. Susmaryosep!! Hindi nga ako natamaan sa alak pero sa kanya. Matinde. Lumalalim.

Tumulong akong iakyat ang iilan sa guestroom nila bago si Lance sa kanyang silid. Sina Karen, Joyce at Winly sa isang pang guestroom bago ako pumasok sa loob ng silid nya. Diretsong dapa sa kanyang kama. "Uy babe!. Tumayo ka nga dyan." sabay hampas saking likod pero umungol lang ako. Gusto ko ng matulog. Nahuhulog na ang mata ko. "Babe naman kasi. Baka bangasan ni kuya ang mukha pag nakita ka nyang natulog dito.."

"Tulog na sya babe. Di nya naman malalaman..tsaka, wala nang space duon.."

"Babe.." pilit nya pa pero pumikit na talaga ako. Ang bango ng unan nya. Bangong kinababaliwan ko ng sobra.

"Jaden kasi.. magagalit talaga si kuya sa'yo.. labas na.."

Tumihaya ako't ginawang unan ang dalawang braso. Sinamaan nya ako ng tingin ng ngisihan ko sya. "Wala naman tayong gagawing masama ah."

"Yun nga eh. Wala tayong gagawin pero hindi natin sila katulad mag-isip Jaden.."

Umupo ako't hinila sya sa kama. Naupo sya sa harapan ko. Tinitigan ko ng husto ang mukha. "May tiwala ka sakin hindi ba?.." dahan dahan syang tumango. Mukhang napipilitan pa. Susmaryosep!!

Hinila ko pa ang kamay nya upang mahiga saking tabi. Ginawa nyang unan ang kanang braso ko. Habang nakatingin sakin. Para talagang akong ice cream. Natutunaw sa mga titig nya.

"Matulog ka na babe.. matino pa ako kaya wala akong ibang gagawin sa'yo kundi ang yakapin ka. Yun lang..."

"Hmmm..."

"Good night babe.."

"Hmm.. good night din babe.."Sabi ko bago binigyan ng isang halik ang nakanguso nyang labi. What a celebration.