webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
303 Chs

Chapter 19: No way

After ng party. Matutulog na sana ako pero hinde ako mapakali. Lumabas pa sila kuya subalit hindi na ako sumama. Or should I say, ayaw isama. That's the right term pala. Nagkayayaan ang magpipinsan na uminom. I want to atleast bond on them but apparently, my brothers are not fond of the idea, of me, drinking and partying. Like ugh duh?., Like I'm not used to it when we were in Australia. Bwiset sila.

"Pa, pwede po bang lumabas?.." I asked him para walang magawa ang dalawa kung sakaling pumayag sya. Wala namang mawawala kung susubukan kong kumbinsihin sya diba?. Who knows?.

"Asan mga kuya mo?.." Hindi man lang ako tinignan. Sayang yung paawa effect ng mukha ko. Suskupo!.

"Nasa labas na po.. They're with the gang.."

"Gusto mo talagang pumunta?.."

"Of course pa!.." dala ng excitement. Bahagyang tumaas ang aking boses dahilan para tapunan nya ako ng tingin. Nagtataka. Nilingon nito si mama na kakalabas ng banyo. Hinintay kong bumalik ang mata nito sakin. Ilang minuto bago pa nangyari iyon.."Okay. But I don't want you to drink and smoke.."

Umiling ako agad.

"I won't pa.. promise.." I raised my right hand to atleast assure him.

"Then, you're assurance is the key. Go. But young lady, your promise?.." mabilis kong hinila ang leather jacket na nakapatong sa higaan at humalik sa kanila ni mama. "Call Lance, Bamby!.." habol pa nyang bilin.

"I will. Bye!.." sagot ko bago sinarado ang pinto sa aming pagitan. Sumilay ang ngiting tagumpay sakin. Ang lakas ko talaga sa kanya.

Habang sakay ako ng elevator. Dinial ko ang numero ni kuya Lance. Dalawang beses pa muna itong tumunog bago nya sinagot.

"What?!.." inis nito ang agad na bumungad samin. Tahimik akong ngumiti. What now huh?.. Ang sarap nyang asarin. Dati nang inis eh. Pagagatungin nalang.

"Where are you?.." mukha na akong baliw kakangisi mag-isa dito. Kingina!.

Dinig kong maingay ang kanyang paligid. Nasa bar ba sila?. The hell!.

"Why?.."

"Nasa labas ako.." nakalabas na rin ako ng elevator. Kailangan ko munang alamin kung nasan sila bago ko hanapin sa labas. Nakakaasar kayang maghanap kapag wala kang lead sa hinahanap mo. Maliit pa naman pasesnya ko minsan.

"What?!.." umalingawngaw ang boses nito kaya inilayo ko ng kaunti ang hawak na cellphone saking tainga.

Hay!. Bwiset!. Galit agad?. di ba pwedeng kalma lang muna sya?. Naiimagine ko tuloy ngayon ang pagkunot ng kanyang noo habang sumisimsim ng alak. Ayaw kasi nitong naiistorbo eh. Sya lang ang pwedeng gumawa nun at sakin pa madalas. Napapailing nalang ako sa naiisip.

"Anong ginagawa mo sa labas?."

"Malamang, gustong sumama sa inyo..bakit kasi iniwan nyo ako eh.."

"Pinayagan ka ni papa?."

"Uh huh?.." humalakhak ako sa likod ng aking isip. "Kayo lang naman ang ayaw akong sumama eh. kinukulong nyo ako.. Ang hard nun ha?.." nagpipigil talaga ako ng ngiti gurl. Suskupo Bamby!.

"Tsk.. bro sino yan?.." dinig ko kung pano ito magpakawala ng singhal bago narinig ang boses ni kuya Alex.

Bulong nalang ang mahihimigan ko sa kanyang linya. Wala akong maintindihan. Tinakpan ata yung speaker. Darn it!.

"Fine.. wait me there.." Yun lang at pinatayan na ako. Gusto ko pa sanang tanungin kung asan sila pero mamaya nalang siguro kapag andito na sya. Inayos ko ang shorts na suot at niyakap ang sarili. Medyo malamig kasi gabi na. Hinihipan ng hangin ang buhok ko patalikod. Kaya sinalikop ko ito.

"Hey!.." napaigtad ako nang may biglang tumapik saking likod. O damn it!.. Who the hell are you?.. Magmumura na sana ako mabuti nalang at napigilan ko pa. Si kuya Alex pala. Hinanap ko si kuya pero wala. Mag-isa lamang ito. "Si kuya?..." umiling sya.

"May kausap na chic. Di maiwan kaya nagvolunteer akong sunduin ka.." nagkibit balikat ito sa huling sinabi.

That crazy?.. Malilintikan yun sakin mamaya. Grrr!..

"What about kuya Mark?.." he licked his lower lip then answered. "Hmm.. the same way.."

Hmmm.... I see it now. Kaya pala ayaw akong isama dahil mambababae sila?. Jesus!. What is happening on earth?. Ipagpapalit nila ako sa mga babae nila?. Fuck them!. Masumbong nga kila Erpat.. Hmmp!..

"Let's go.." anyaya nya. Sabay kaming bumaba at naglakad sa sea shore. May ilaw sa bawat sampung kilometrong pagitan ng lamp post kaya maliwanag ang gabi kung gagala.

"Saan pala kayo?.." tanong ko para maibsan ng kaunti ang lamig ng gabi. Damn!. Bat kasi short pa sinuot mo?.

"Doon lang.." tinuro ang bonfire sa tabi din ng dagat. Maingay ang tunog ng gitara at halakhak nila.

"Hmm..."

"Matanong ko lang.. Okay na kayo ng sister ko?.."

"Huh?.. Di naman kami nag-away kuya.."

"Yeah.. what I mean is, okay na kayo?. Nag-uusap ganun?.."

"Nag-usap na kami kanina. Iniwan nyo pa nga kami eh..hehe.."

"Hahahahaha.. it's both for your own good.. hahaha.."

"I know.."

"So anong nalaman mo tungkol sa kanya?."

"Ang sabi nya. Wala raw syang boyfriend.."

"That's new huh?.."

"Bago ba yun?.."

"Yeah.. she loves jumping one man to another. God!. Buti nalang nagbago takbo ng utak. Sakit sa ulo eh.." humalakhak sya. "At narinig ko rin palang wala ka pang manliligaw?.."

"Nagsabi naman nun?.."

"Narinig ko kayo kanina.. I didn't eavesdropping. Dulo lang naman ng usapan nyo narinig ko.. hahaha.."

"Pareho lang kaya yun.. hahaha.." nagtawanan kaming dalawa habang papalapit sa gawi ng maiingay. May kalayuan din pala itong lugar nila. Nakakapagod.

"May ipakikilala pala ako sa'yo.." agap nya. Nagtataka ko syang tinignan.

"Huh?. Sino po?" nakita ko kung paano na sya ngumisi sakin. I knew it!. Lalaki. Kaibigan nya?. Kaklase?. Either.

"No way!.." agad ko syang kinontra. Sino naman?. Hindi naman requirement ang magkaroon ng kasintahan dito sa mundo ah. Bat atat silang bigyan ako?. Suskupo!.

"Gusto ka lang daw nyang makilala.. don't worry he's my cousin.."

"No way kuya!.. Ayoko.."

"Hahahahaha.. pano ka magkakaboyfriend nyan?.."

"I don't even mind if I don't have any.. Pake nila?.." humagalpak na naman ito sa tawa.

"So cute Bamblebie!.. hahaha.. hmmm.. Ikaw bahala.." binulong na nya ito dahil nasa tapat na nila kami. Nag-iinuman ang iba. Habang ang karamihan naman ay naglalaro ng truth or dare.