webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
303 Chs

Chapter 13: World of our own

Sa sandaling minutong kayakap ko sya. Nabuo ang isang mundo, para saming dalawa. Magkahawak kamay na naglalakad sa tabing dagat. Pinapanood ang paglubog ng araw. At nakangiting tinatanaw sya sa gitna ng simbahan. Dahan dahang papalapit sakin. Suot ang damit na trahe de boda. Bubuo ng pamilya at magsasamang habambuhay. Malayo na ang narating ng naisip kong mundo nang bigla nila akong agawin sa bisig nya.

"Welcome back pare!. Namiss ka namin!.." si Aron pala ang humila sa braso ko saka kinaladlad sa gawi ng buong tropa. Naiiwan kay Bamby ang mata ko dahil ayaw ko pa sanang iwan sya. Susmaryosep!!. Eto na nga bang sinasabi ko pag andyan ang tropa eh. Mga sutil!. Mahilig mambasag ng trip.

"Ayos lang ako.. bat nyo naman ako kinaladlad?.." kamot ang aking batok. Di mapirmi ang mata. Hinahanap ang magandang tanawin. Sa mata nya.

Humahalakhak sina Billy, Bryle, Ryan at Kian. Ano bang nakakatawa doon sa sinabi ko?. Nagtataka akong tumingin sa kanila.

"Pare, naman. Ngayon na nga lang tayo nagkita. Ayaw mo pa kaming lapitan.." Ani Ryan. Nakaakbya kay Billy na di matanggal ang suot na ngisi.

"Mga abnoy!. Lalapitan ko naman kayo.. mga baliw.."

"Anong lalapitan?. Kung di ka pa namin hinila, baka andun ka pa oh?.." tinuro pa ni Kian ang kinatatayuan namin kanina. "Kayakap ang taong alam naming mahal mo.. hahahaha.." Susmaryosep! Bigla akong nahiya.

Inilingan ko na lamang ang kabaliwan nila. Pero seryoso. Namiss ko rin ang pagmumukha nilang lahat. Buruin mo. Halos tatlong buwan akong tulog. Susmaryosep!. Kung susumain ko. Maramia na akong natapos na project sa loob ng araw na yun.

Mabuti nalang daw at pwede na rin akong pumasok sa ikalawang linggo. Kinausap nila Mama ang professor ko noon tungkol sa aksidente. Salamat at naintindihan naman nila.

Isa isa kong binati ang lahat. Maging si Lance na parang nasa kabilang mundo ang isip ay kinamayan ko at buong pusong nagpasalamat sa tulong nila.

"Wag ka sakin magpasalamat pare.. Kay Bamby, sya lahat gumawa ng planong ito para sa'yo.." anya. Nagpaalam na ako at nilapitan ang kapatid nya.

"Babe, thank you.." masuyong bulong ko sa tainga nya Napatalon pa sya. Nagulat sa ginawa ko. Nakaupo kasi sya sa gilid habang pinapanood lang ang mga taong nagsasaya na sa mesang puno ng pagkain.

"Guys, kainan na!.." si Winly ang nag-anunsyo nito. Itinaas pa ang hawak na plato at kutsara para sa aming lahat.

Agad naman nagsitayuan ang lahat. Maliban lang kay Lance at sa katabi. Si Kian at Karen na parang walang narinig. At sya na di pa rin tinatanggal ang malagkit na tingin sakin. "Wala yun babe.. Basta para sa'yo..." masuyo nya ring hinawakan ang baba ko.

"Anong gusto mong kainin?.." tanong nya. Hinaplos ko ang kamay nyang nakahawak pa rin sa pisngi ko. Ang isang kamay ko naman ay nasa likod ng kanyang upuan. "Ikaw, anong gusto mo?.."

"Wala.. Nakuha ko na ang gusto ko eh.. ikaw babe.." ngisi nya. Susmaryosep!! Tatalon na ba ako neto o aalukin ko na sya ng kasal?. Pinapakilig ako eh.

"Parang ayoko na ring kumain.. sa'yo palang, busog na ako.."

"Ehem!!.." kung di ang sa tikhim na iyon. Baka nahalikan ko na sya. "Tama na muna yang pda nyo. Kumain na muna mga bata.. lalamig ulam.. Bahala kayo dyan.." Kumindat sya samin bago naghanap ng mauupuan.

Hay!. Nagkibit balikat na lamang kami sa paalalang ginawa nya.

Kinuha ko ang palad nya saka pinagsalikop sa aking palad. Sabay kaming kumuha ng pagkain saka umupo sa dating pwesto. Bahagyang malayo sa ingay nila.

"Boy Jaden!. Request naman oh!.." Ani Kian sakin. Tumayo pa ito para lang matanaw ako. Natigila ang pagsubo ko ng pagkain saking bibig. "Kumakain pa ako.." bulong ko sa hangin na nabasa nya rin agad.

Hindi nya ako tinantanan. Nilapitan pa ako para makasigurong maibibigay ko ang request nya. "Ano ba yun?. psh!. istorbo.."

"Ano ka ba?. Mamaya ka na dyan.. pagbigyan mo muna ako.. kantahan mo naman kami. kahit isang song lang.."

"Bat ako pa?.."

"Sige na. Maganda kasi boses mo eh.."

"Maganda rin naman boses mo ah.."

"Sige na pare.. para kay Karen to.."

"E di ikaw dapat ang kumanta nyan. Dinamay mo pa ako.."

Nagkamot sya ng ulo. "Sige na pare. Ganito nalang.. isipin mo nalang na para kay Bamby tong kakantahin mo.."

"Ganyan dapat.. mahirap na pagnagselos pare.." kako. Totoo naman eh. Kay Karen pala eh. Bat ako pinapakanta nya. Ulol talaga! Humahalakhak syang tinatapik ang balikat ko. "Oo na.. hahaha.. natututo ka na pare.. astig yan.." saka iniabot sakin ang mikropono.

Naglakad ako't lumapit ng bahagya sa may videoke. Tumayo roon paharap parin sa kanya. Nakatanaw rin sya sakin. Kumalabog na naman ang baliw kong puso. Hindi oa rin nasasanay sa mata nyang parang dyamante. Kumikinang pa rin ang mga ito kahit nasa malayo.

"You make me feel funny

When you come around

Yeah that's what I found out honey

What am I doing without you

You make me feel happy

When I leave you behind

It plays on my mind now honey

What am I doing without you

Took for granted everything we had

As if I'd find someone

Who's just like you

We got a little world of our own

I'll tell you things that no one else knows

I let you in where no-one else goes

What am I doing without you

And all of the things I've been looking for

Have always been here outside of my door

And all of the time I'm looking for something new

What am I doing without you." habang kinakanta ko ang bawat lyrics noon ay sa kanya ako nakatingin. Kahit maingay ang nagtitilian sa paligid. Di mapigil pa rin ng damdamin ang makita syang nakangiti sakin.

Gaya nga ng nasa kanta. Anong gagaiwn ko kung wala ka?.. Kaya habang ikaw pa'y andyan. Di pa bumabalik ng Australia. Gagawa tayo ng mundo natin. Mundong iikot lang sating dalawa.