webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
303 Chs

Chapter 13: Hot

SA PARKING LOT.

"How's school?." tanong ng driver ko. Si Kuya Lance lang naman. Papunta na kaming school. Pero heto pa rin ako. Nagsusuklay.

Lintek na kapatid!.. Minadali na naman ako. Di ko alam kung bakit atat pumasok. Tuwing umaga nalang. Laging nagmamadali. Ang sabi, may praktis daw. Pero pagkadaan ko naman ng gym. Sarado pa. Ugh!. He's a big fat liar!.

"Fine." sagot ko na nabaling sa kanya ang paningin na nasa labas ng bintana nya kanina. Tinatanaw ang mga sasakyang nag-uunahan.

Kita kong humaba ang kanyang nguso. Nakatuko ang kaliwang siko sa bintana na hawak ang baba. Habang ang kanan naman ay nakahawak sa manibela. Abalang magmaniobra.

Mabagal ang patakbo nya ng sasakyan. Tamad nitong hawak ang manibela.

"Kuya, bat ang bagal mo?.."

Patapos palang akong sabihin yun. Pinaharurot na nya ito.

Damn him!. Hard core!.

"What the hell!!.. Slow down please.."

di nya ako pinakinggan. Halos mauntog na ako sa dashboard ng sasakyan nito dahil sa bilis nya namang magpatakbo. Mabuti nalang naiharang ko ng mabilis ang aking braso.

"Kuya!.." tili ko.

"What?. Di ba sinabi mong bilisan ko?. What now?." siring nito sakin.

Ang sarap sapakin ng ngisi nya..

"Tsk. Idiot!.."

"What did you just say?." lingon nito sakin. Di ko sya sinagot. Sinuklay kong muli ang buhok kong nagulo dahil sa hangin.

"Bamby, don't ever--." Inunahan ko na sya.

"Don't ever what?. Minadali mo akong kumain para pumasok tapos yan ka lang parang walang buhay kung magmaneho?. Do you have any eyes?. To see that I'm not yet done at home?.." turo ko sa kamay nyang nasa manibela. Basa pa ang buhok ko ng sabihing aalis na raw kami. Kaya magdusa syang madumihan ang sasakyan nya. Dun na ako nag-ayos. Bahala sya dyan.

Nagslow down na sya maya maya.

With his usual smirked!. Oh yeah!. That's him!. Tripper. Loves trippin' me.

"Tapos makangiti ka dyan, akala mo gwapo?. Mukha namang zombie.. Aaaahh!!..." sigaw ko. Di na nadugtungan pa ang sinasabi dahil humarurot na naman sya. Pusa!. Tuwing kasama ko talaga ang taong to, puro mura ang nasasabi ko. Binubuhay ang demonyo sa katawang lupa ko.

Hanggang sa pagpasok ng gate ng school. Maging sa parking lot. Mabilis pa rin sya. Parang nakikipagkarera. Pati tuloy ako, parang tumakbo ng ilang kilometro sa kaba.

Sa hilera ng mga kotse sya nagpark. Center parking. Sa gilid nun ay para sa mga bikes.

"Damn you!.." mura ko sa mismong mukha nya. Di inalintana kung may makakita.

"Did you enjoyed it?. haha.." pang aasar nya. Umikot ang mata ko sa ngiti nyang sobrang ganda. Badtrip!.

At nung umikot ang aking mata. May nahagip na naman ito. Isang bulto. Sa hilera ng mga bikes. Andun sya. Nakatayo. Kaharap ang pwesto namin. Magkasalubong ang kilay. Hawak ang kanyang helmet. Nakatingin pa sakin. Damn!. Our eyes met again. Napalunok ako ng malalim. Oxygen!. Where are you now?.

Kinalabit ako ng tripper. Buti nalang. Nangilabot ako sa matang nakamasid. Patuloy pa rin ako sa paglunok. Ayoko tuloy gumalaw dahil sa presensya nya.

Humugot ako ng malalim na hininga. Pinapakawalan ang lumalalim na kaba.

"Ahaha.. annoyed?. Don't be lil sis. Baka makita ka ng crush mo. Maturn off sayo.. hahaha.." humagalpak pa ang gago.

Pumikit ako sa inis. Not now Bamby.

Hindi ko na sana papansinin pa ang pang aalaska nya pero mas lalo lang itong humagalpak. Sabay pa ng hampas sa manibela. Umakyat sa ulo ko ang inis.

"Whatever dude!." padabog kong sinarado ang pintuan ng kanyang sasakyan. Yan, masira ka na!. Kasama ng amo mo!.

"Bammmbbbyyy!..." nag echo pa sa buong parking lot ang boses nya. Timang!.

"Yeah.. Thanks bruh!.." dungaw ko sa gawing bintana nya. He startled!. Akala nya siguro nakaalis na ako. Di nya naisip na gaganti ako. Lol!. We are even now.

Sana maging even din kami ni crushy. Kaso pano, may bumubuhay na yata sa puso nya ngayon?. Na kabaligtaran rin ng akin. Unti unting namamatay. Kakaasa.